jump to navigation

iba ang paniniwala ko Abril 7, 2010

Posted by gasti in bakasyon stories, kahihiyan, kamalasan.
Tags: , , ,
trackback

tapos na naman ang holyweek at lumipas na naman ang mahabang bakasyunan ngyong taon. mag aantay na naman ako ng December para makaranas ng ganito kahabang work free days. parang hindi ko man lang naramdaman ang pamamahinga.

pero wala na rin siguro akong angal sa nagdaang araw dahil natuloy naman ang bakasyon namin sa isang beach sa Batangas kung saan shinooting ang Babe I love You nila Sam Milby at ng uber sikat ngyon na si Anne Curtis. for 3 straight years dyan na kami nagpupunta kapag good friday hanggang Sabado. maraming tao at masaya ang lahat. iba’t ibang klase ng personalidad at katayuan sa buhay ang nakapaligid sayo. meron pa nga na religious group na nagpunta run para magbinyag ng member nila at nagsagawa ng misa or sharing nila. gustuhin ko man magreklamo dahil napuyat ako sa kantahan nila pero hindi ko naman pwede gawin yun ng basta basta. ang dami kaya nila. baka kuyugin ako at ialay kay Bathala. sayang naman ang bakasyon.

mababaw lang ang tubig sa dagat. narating ko na nga ang mga restricted lines pero hanggang balikat ko lang ang lalim kaya nag enjoy ako sa pamamasyal sa malayo. pagminsan humihiwalay din ako kay misis para makaiwas sa pagbibintang na tumitingin ako dun sa mga babaeng nakabikini kahit hindi naman. ayaw nya lang kasi maniwala na nanghuhuli lang kami ng isda at crabs dun malapit sa mga nagsusunbathing. wala namang malisya yung ganun. ok sige na nakita ko pero hindi naman ako tinigasan. promise.

hindi naman pangdisplay ang katawan ko para ipagmalaki sa mga tsikababes sa dagat. although may kaunting umbok na yung dibdib salamat sa benchpress routine pero hindi pa rin sasapat yung ganito lang para kalimutan ng mga babaeng yun na may mga boyfriend sila at bawal ang magpasuso sa tabing dagat. ayos lang naman ako at hindi ko kailangan ng karagdagang atensyon dahil manhid na ang puso ko sa ganyan. diretso lang ang lakad para makarating sa tamang paroroonan.

pagkatapos saluhin ang lahat ng tama ng ultra violet rays sa katawan ay naisipan ko na magpunta ng shower para makapagrefresh. swerte namang may bakante pang isa kaya sinunggaban ko na. mabilisan kong hinubad ang anumang saplot na nagkukubli sa nagmumura kong katawan. wala akong tinira hanggang sa huling piraso ng tela na nakatakip sa kaselanan ko. (nakakapag init, nakakabasa, nakakapanigas ng kuwan…mga eksenang pangtabloid ). habang ninanamnam ko ang lamig ng tubig na umaagos sa katawan ko ay nakarinig ako ng pagtulak sa pinto ng shower na kinalulugaran ko. putris na istorbo yan panira ng moment.. sige lang sya ng tulak pero hindi ko sya pinansin. naisip ko baka isang tanga lang na hindi marunong umintindi. hindi ba nya napansin na ni-lock ko na ang pinto. at bukas ang shower. ano pa bang ibig sabihin nun? MAY TAO SA LOOB NA NALILIGO! kelangan pa ba talagang sumilip dun sa giwang ng pinto sa ilalim kung may mga paa? sus naman!

tinapos ko na ang pagligo ko nung umaga na yun at maayos naman ako nakalabas ng shower room pabalik sa tree house namin. diretso naman ng mesa at nilantakan ang mga karneng nakahain..maintindihan na siguro ni Lord na kelangan ko ng maraming protina sa katawan at ito yung mga pagkakataon na makakarami ako. sarap kumain kasi pag nasa tabing dagat tapos puro inihaw yung kakainin mo. nakakagana rin yung view. parang ang sarap sumubo.

balik dagat ulit at nakipaglaro ng buhangin sa mga kids. pare-pareho na kaming maiitim at kaunting babad pa malamang eh kasing itim na namin si Clottey. maglagay na lang ako ng oil para pampakintab na rin kinis kiwi. medyo lumalim na rin yung tubig sa bandang malayo kaya naglagi na lang ako sa kiddie side. nung medyo dumilim na ay balik na naman ako sa shower room para magbanlaw.

swerte naman na maraming bakante kaya nakapamili pa ako ng magandang pwesto na pagliliguan. dating gawi. nahubad ko ang mga damit in no time! pwede akong makabreak ng record kung paghuhubad ang usapan. kuskos dito kuskos doon..maya maya pa may narinig na naman akong kumakaluskos. utang na loob naman! may isang inutil ulit na nagpipilit buksan ang pinto. nakita ko ang paa ng salarin at talagang pursigido syang makapasok. gago ba yang tao na yan? wala namang kubeta rito ah! shower room lang to! di naman siguro life and death ang sitwasyon kaya desperado na syang makapagbanlaw.

nagmadali tuloy akong tapusin ang pagligo ko dahil nawalan na ko ng gana. aanuhin ko pa ang tubig eh sira na ang moment. kinuha ko na agad ang tuwalya at nagsimulang magpunas punas. nung magawi ang tingin ko sa bandang ibaba para punasan ang binti ko, may namataan akong isang mukha na nakadungaw. isang mabilisan lang at biglang nawala. kala ko namalikmata lang ako. pero kinabahan na ako na para bang yung napapanood ko sa mga horror films na nagmumulto sa loob ng banyo. yung mga eksenang may lilitaw na kamay sa ulo mo at tutulungan kang mag-shampoo o kaya naman yung humahaba ang buhok na parang orchids na unti-unting lalapit sayo sabay isu-suffocate ka o di kaya yung mga tipikal na multo na lumilitaw sa  mga salamin kapag nagsusuklay ka. ohh God Im soooper scared talaga! grabe! ayan nabakla na sa takot. gusto ko ng magtitili.

yung isang silip ay nasundan ng pangalawa…ng pangatlo at pagkatapos nun ay pwede ko na i-sketch ang itsura ng putarages na kumpirmadong namboboso sakin! multong bakla ampota!!! hindi agad ako nakapag isip ng maayos at ang tanging salitang lumabas sa bibig ko ay “huy! ano yun?”. pagkasabi ko nun ay nagmadali syang umalis sa tapat ng pinto ko at pumasok naman sa katabing shower room. huli na ang lahat. masyado akong naging kampante na walang mamboboso  sa mga ganitong panahon..sa ganitong klase ng lugar na matao. garapalan na ba talaga ang labanan?!

nung mahimasmasan na ako ay mabilisan kong sinuot agad ang brief ko at shorts sabay saklob ng tuwalya sa katawan at lumabas  na ako ng pinto. laking gulat ko na lang ng malaman kong wala na palang ibang tao sa loob ng shower room bukod sa aming dalawa. tangina talaga kaya pala nagkalakas ng loob ang puta na humilata sa sahig at silipin ako ng pailalim sa kaunting giwang ng pinto ay dahil nasigurado na nyang walang ibang makakita sa krimen. ano pang magagawa ko eh ngyari na. pakiramdam ko ay nagahasa ako nung mga oras na yun. nawalan ako ng gana kumain at hindi ako masyado makapagsalita. wala na…wala na kong maramdaman.

ipinapaubaya ko na sa Diyos ang pangyayaring ito. alam kong gagawin nya ang tama. it’s either makakita ako ng isang maganda at seksing babae na nagkawardrobe malfunction sa harapan ko o di kaya ay mabulag, magkaroon ng tulo, magka-AIDS, ketongin ang bakla na lumapastangan sa bakasyon ko. ganun na lang siguro.

Mga Puna»

1. Maldito - Abril 7, 2010

ang lakas naman ng loob ng taong yun..wala siyang takot at tumuwad talaga para lang makisilip sa nagmumura mong katawan?ah ah a ha…skerri nga. grabe na ang mga tao ngayun.

sana pinagbigyan mo na…hindi naman siguro makukuha yan sa tingin lang. sana nagpaubaya ka na, at sinayawan mo siya ng careless whisper. ha ha ha..yak.di ko keri ang scene! lols

i sketch mo na. lagay natin sa wanted hitlist.

gasti: sana nga ikaw na lang sinilipan..sanay ka na naman maka experience ng pangmomolestya eh. haha!
malas lang siguro ako natyempuhan at natipuhan…di bale magkaka-AIDS din yun sa lalong madaling panahon.

2. Jeck - Abril 7, 2010

“ok sige na nakita ko pero hindi naman ako tinigasan. promise.” — dito tayo maliligtas! ahahaha

namukaan mo ba kung sino yung nanilip sayo?

gasti: haha! syempre understood na yun. kala kasi ng ibang babae basta makakita ka ng seksi nakabikini eh titigasan ka na. mabuti na yung maliwanag.
yung nanilip sakin pre kamukha mo. lols!

3. a.r.d.y.e.y. - Abril 7, 2010

kala ko si undin na yung yumayari sayo. hehehe.

gasti: langyang undin yan..haha! katakot!

4. chyng - Abril 8, 2010

eeww, madirty na nga sa Munting Buhangin, pati cr mabaho, at may bastos pa.. complete reasons para di na dapat bumalik.

gasti: kadiri nga yung cr laging umaapaw sa ihi ang mga urinal..tsk tsk. parang ayoko na nga bumalik dun.

5. apollo - Abril 8, 2010

naku pre, dapat gumanti ka. sinilipan mo rin sana. lols! sarap sapakin ng mga ganyan. kumbaga sa mga babae parang ninanakawan tayo ng dangal ng mga bading na yan.

gasti: ibang klaseng pakiramdam talaga. parang nahihiya ka na nagagalit. ayoko naman kasing maghurumentado sa banyo.

6. bonistation - Abril 10, 2010

ahahaha! thrilling ang bakasyon weeee! hayaan mona yung namboso sayo, ang mahalaga marami kang nakitang nakabikini! na hindi naman ako naniwala na hindi ka tinigisan haha at me pa pramis pramis kapa ha! ayan agang nakarama sa banyo! haha hamo na nakita lang nya pero hindi ka nya nakuha haha maglaway sya! waahahah

gasti: pramis hindi talaga. maniwala ka at ikaw ay masasagip. putarages talagang bakla yan! nakakatakot talaga yung mga tipong discreet eh. di mo alam kung kelan sasalakay.

7. en-ey* - Abril 18, 2010

dapat sinapak sapak mo…for fahn!

grrrrrrrrrr. . .=P

gasti: sana nga nagkalakas ako ng loob. dapat nasipa ko yung mukha nya nung sumilip sya para napadugo ko man lang yung ilong.

8. Gelo - Abril 22, 2010

Nice mga post mo, inaabangan ko talaga! add kita:)

gasti: salamat gelo. pasensya na lang at hindi talaga ako madalas nakakapag update.

9. antuken - Abril 22, 2010

hahaha. so bale nakaka-feel din pala kayong guys ng ganyan? eh di ba meron mga shower rooms na hindi cubicle type? yung tipong 1 big shower room? pano pala pag ganun?

hayaan mo na yung namboso na yun. di naman nya nakuha yung katawan mo e. hehehe.

gasti: we can feel the pressure..hehe! syempre naman tao rin kami. may puso! at may takot. toinks!
hindi ako nagshower pag isang malakihan lang na walang division..mas lalo ng hindi safe yun. pano pa kung agresibo yung bakla tapos tututukan ka ng kutsilyo..buti na lang karamihan sa ganyan eh mga takot din.

10. napundingalitaptap* - Mayo 5, 2010

oo..dapat sana pinuruhan mo. parang ang saya. baklitang mamboboso na dumudugo ang ilong. i laek dat! *drools*

gasti: mukhang galit ka rin sa bakla? hehe! next time alam ko na ang dapat ko gawin. maging bayolente.

11. napundingalitaptap* - Mayo 7, 2010

oo… yun nga *drools*

actually, di naman ako galit sa bakla… galit lang ako sa taong hindi ginagawang karespe-respeto ang sarili nya.
(shit, such emotion. haha)

gasti: hehe! sabagay di naman lahat ng bakla eh nanghaharass..pero andami talaga bading na nagpapanggap na lalaki..nakakatakot.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: