jump to navigation

gusto ko manahimik ka! Abril 28, 2010

Posted by gasti in muni-muni moments, pampakiliti, to whom it may concern.
trackback

hindi na masaya ang mga ngyayari sa paligid. inaraw araw na ang pambubulahaw ng mga lintek na kandidato na yan. kahit saan ka magpunta ay parang mga kuto at lisa na sumusunod yang mga kaway brigade na yan. mas maigi pa nga kung tv ads na lang eh..pwede mo hinaan yung volume o di kaya ay ilipat ng channel pag asiwa ka sa kandidato o di kaya yung mas magandang paraan na pagpatay na lang ng tv para makatipid na rin sa kuryente at makaiwas sa pagkabadtrip. pero ano namang magagawa ko dito sa mga local candidates na nagpuprusisyon?

masyadong paimportante ampota. pwede namang dumaan na lang kung dadaan eh kelangan pa bang bumusina ng pagkalakas lakas kasabay ng pagpapatugtog ng campaign jingle nila na pilit ang pagkakalapat ng lyrics? napakabaduy! minsan kinikilabutan ako pag naririnig ko yung mga tugtugan nila. tapos pagdidikitan nila ng basura yung pader ng bahay mo. eh hindi naman sila maglilinis nun kapag tapos na ang eleksyon. pakapalan na lang talaga ng mukha noh? eh kung magpaprint din ako ng mukha ko tapos idikit ko sa mukha nila para kwits. ilang beses na nila binulahaw ang tulog ko sa tanghali.

minsan nakatayo lang ako sa may pinto ng bahay namin..tipong pang boy-next-door ba. yung nakataas yung kaliwang kamay at nakapamewang yung isa habang nag aantay ng grasya na lumapit…bigla ba namang may maghagis ng kendi sa harap ko. sa tingin nyo nakakatuwa ba yan? naisip ba talaga nilang pupulutin ko yung mga tinapon nila at kainin yung mga yun dahil hayok ako sa kendi? sa tingin ba nila eh iboboto ko yung kandidato nila kapag nabatuhan ako ng kendi sa mukha?! kung nagkataon lang na badtrip ako nung mga oras na yun baka ibinato ko pa sa kanila ulit yun pabalik.

lagi na lang trapik. wala namang stop light pero madalas humaba ang pila ng mga sasakyan para lang makadaan yang mga abusadong kandidato na yan. umuulan ng pagkaway at pilit na mga ngiti sa ilalim ng matinding sikat ng araw. lahat talaga gagawin makapagpapansin lang. karamihan naman mukhang goons.

ang pinakamahirap pagpilian sa lahat ng mga kandidato ay yung mga Councilors. wala man lang ako kilala kahit isang tumatakbo dahil kung itsura ang pag uusapan, hindi sila nalalayo sa pangkaraniwang kapitbahay mo. walang kredibilidad at papansin. mukhang manghuhula na naman ako nito sa eleksyon.

nakakasawa na pag usapan ang pulitika noh? pero di mo naman maiwasan dahil kahit san ka magpunta andun ang mga mukha nila. malapit na ang itinakdang araw at sana kagaya ko kayo na hindi naniniwala sa mga surveys. wag kayong magpapadala sa mga dramarama na napapanood nyo sa tv. wag nyong piliin kung sino yung mas pogi. yung mas madami exposure. yung inenderso ng paborito mong artista. piliin mo kung sino yung sa tingin mo may ibubuga. yung laki sa gatas.

dito tayo sa sigurado. panalo to!

bakbakan na!

Mga Puna»

1. Jeck - Abril 28, 2010

bwahahaha! hinagisan ka ng kendi? ibig sabihin nun di pa mukhang matanda. LOL

sino bang kandidato ang laki sa gatas? parang si jamby no? jejejeje

gasti: mukha nga akong estudyante. pero hindi naman ako nahilig sa mga kendi na yan.
si Jamby ba? laking aircon yun eh…hehe!

2. Jeck - Abril 28, 2010

LOL! kung hindi mo pa sasabihin saken yung link, di ko iki-click e. akala ko laban ni mayweather. pero pucha, panalo!!!!!!!! ahahahahaha!

gasti: ikaw kasi eh hindi ka tumitingin maigi. papalampasin mo pa yung mga ganitong bibihirang pagkakataon.

3. rllqph - Abril 28, 2010

mosley ako! wohoo!

gasti: sana ma-knockout nya noh! ang saya siguro nun parang pyesta.

rllqph - Abril 29, 2010

sinabi mo pa! yabang kasi nyang mayweather na yan!

pakyu siya! pakyu!

gasti: napanood mo naman siguro yung laban noh? badtrip pero mahusay sya. atleast nakita kong nanlambot ang tuhod nya kahit papano sa 2nd round. solb na ko dun. bring it on Pacquiao!

4. Maldito - Abril 28, 2010

patas lang naman siguro yang dalawa….basag na rin naman ang mga mukha e…ahahaha

eh buti nga kendi lang ang tinapon..hindi yung tinapay…ahahaa…napagkamalan kapang patay gutom…ahahahhaha…

buti nalang sa amin walang gaanong ganyan…..di ko lang alam.hindi naman ako lumalabas pag me araw…ahahahhaa…

PS: nakita ko sa fernando last time….wala lang. me masabi lang.ahahha

gasti: wow sosyal bampira ang drama. haha! kaya ka namumutla eh.
langya ka kala ko kung sinong fernando yan. fernando jose at si fernando poe jr. lang kilala ko eh

5. Jakey Junkie - Abril 28, 2010

“Doncha wish your mayor was Fres-ne-di!”

‘Yan ang pinaka-epic na narinig kong jinggle. Ewan ko kung matatawa ako o ano.

Diyan naman sila magaling e. Puro plataporma, pagkaupo e wala na.

Kaya sana, sawa na ang mga tao sa sistema at bumoto nang matino. Hingi sila ng hingi ng pag-unlad, e pamantayan naman nila e kung ilang pelikula na ang nagagawa o kung ilang artista meron sila.

gasti: potek! ayos yang jinggle na yan ah! napaka catchy..haha!
sana nga manalo yung karapat dapat. baka mawalan na talaga ako ng pag asa sa pinas at umalis na lang din.

6. a.r.d.y.e.y. - Abril 29, 2010

at kung hindi ko pa nabasa ang usapan nyo ni jeck, di ko rin makikita ang panalo. panalo nga. hehehe!

gasti: mabuti na-decode mo rin kahit papano. finders keepers ba. haha!

7. antuken - Mayo 1, 2010

panalo nga! hahaha.

sabi ko nga, kaaway ng mga nagwo-work sa night shift ang mga jingle jingle na yan ng mga kandidato. buti na lang di ako nagn-night shift lately otherwise, kasumpa-sumpa rin sila. ang init pa naman lately di ba. hirap kumuha ng tulog.

gasti: haha! dami ng winners ah! ito ngang weekend eh tinodo na nila ang pangangampanya. nagconcert pa sa mismong tapat ng lugar namin. wala nga lang celebrity kaya corny. sa weekend nga lang sana masarap bumawi ng tulog tapos may mambubulahaw pa eh noh? mga papansin talaga.

8. Snappy Sparrow - Mayo 1, 2010

Nice blog. You are so cute. I think I love you.

PS: Let’s vote for Dick Gordon and Bayani Fernando!

Check this out:
Gordon SLAMS Noynoy, Villar, Erap and Gibo

gasti: binago ko na yung una ko nai-comment dito dahil i found this exact comment sa blog ni maldito..looks like spamming to mešŸ˜‰
but still my vote goes to Gordon and Bayani all the way. fuck surveys!

9. mnel - Mayo 3, 2010

Boys will be boys. =|

On-topic: Ako rin di naniniwala sa mga surveys. Kung magpapadala tayo sa surveys, eh di sana idaan na lang natin sa survey ang eleksyon para mas madali at mas tipid. =P

gasti: ahaha! pinaghalo ko lang naman ang politics, sports at tourism. nice views?
nga pala doc, salamat sa muling pagbisita. sana talaga hindi na naimbento yang surveys na yan kasi ginugulo lang nila isip ng mga botante.

10. emoterangbata - Mayo 6, 2010

tama nga kuya..manahimik na lng..hehehe..,napadaan lng po..

gasti: binabati kita at nakarating ka rito sa daang matuwid.

11. smasherjane - Mayo 7, 2010

as a responsible citizen, you have the responsibility to responsibly choose who to vote for by being responsive to irresponsible campaigning.

btw, and are you seriously voting for Gordon and Bayani? seriously being the operative word..

gasti: yup sila nga binoto ko kahit alam kong napakalabo ng chance nila manalo. mas may tiwala ako sa kanila kaysa ibang kandidato.

12. napundingalitaptap* - Mayo 7, 2010

nanay ko kanina, badtrip na badtrip. . .kasi, ilang beses na pag yung mga magagandang scenes na may magaganda at panalong linya sa pinapanood nya, dun biglang may dadaan na mga nagiingay para mangampanya.

haha.

um, gordonbayani din ako. laek yeah.

gasti: panira ng moment..hehe! grabe talaga yang mga supporter na yan parang die hard fans ng artista. handang makipagpatayan ang drama.

13. FerBert - Mayo 15, 2010

oh tapos na ang halalan. magcocomment na lang ako pagbebrainwash ng media at pagpapalabas ng survey. tingin ko doon nanalo si Noy eh, pinakita sa madla na eto ang pinakamataas na porsyetong manalo kaya iboto nyo to kung ayaw nyo kay gloria

anyway Kumusta ka na Gasti?šŸ˜€

gasti: uy ferbs balik wordpress ka na ah..hehe! ayos naman dito medyo nagpapalamig muna…
panalo na nga si Noy at yung mga surveys talaga ang makaimpluwensya sa mga tao.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: