jump to navigation

mukhang mabenta Mayo 18, 2010

Posted by gasti in kamalasan, muni-muni moments.
trackback

ohh anong edad ko…45?..35?..12?.. it doesn’t matter!

naging palaisipan na naman sakin ang itsura ko kapag nakikihalubilo sa ibang mga opisboys dito sa bandang Ortigas. ako na magsasabi sa inyo na mukha naman akong normal at mala-hagibis ako maglakad lalo na ngyon na matindi ang sikat ng araw kahit bandang mag alas singko na ng hapon. ano bang meron sakin na wala sa iba?

at bakit ko natanong yan? ganito kasi ang eksena.

isang tipikal na araw na pauwi ako galing sa maghapong pagpapanggap na empleyado at naglalakad ako sa kahabaan ng San Miguel Ave papuntang Megamall ng biglang may lumapit sakin na isang dalaginding..ang pakilala nya sakin ay isang estudyante na nangangalap ng funds para sa schooling nya at ng iba pa nyang mga kaklase. maayos naman ang itsura nya pero hindi sya yung tipo ko na bukas palad kong aayain kumain para mapawi ang gutom nya at pagkatapos ay pawiin nya naman ang uhaw ko bilang pasasalamat. walang ganung pumasok sa isip ko nung mga panahong yun. pero sa madaling salitaan dahil ayoko ng mahabang diskusyunan, nabentahan nya ko ng pulboron na singlaki ng mga POGs worth 50 pesos isang piraso. wag ko na daw pansinin yung presyo dahil tulong na daw yun sa pagpapaaral sa kanila. anyways, hindi naman ako pumalag na kasi nagmamadali ako at wala naman talaga sakin yun. naisip ko sana lang totoo yung mga sinabi nya.

akala ko iyon na ang huli naming pagkikita. nagulat na lang ako nung makaraan ang ilang araw na naglalakad ulit ako sa parteng iyon na payuko at nakikipagwalkathon sa mga kasabayan kong naglalakad ay may biglang lumitaw kung saan. hanep parang nagteleport! at ayun bumungad ulit ang dalaginding. pinasadahan agad ako ng mga litanya nya na hindi ko na masyado pinakinggan at nakangiti kong sinabi sa kanya na “nagkita na tayo dati binentahan mo pa nga ako ng pulboron eh”..na sinagot nya naman ng mabilis na”ah ganun po ba..ok po..Gob bless po!”  sabay diretso ako ng paglalakad. ang pinagtataka ko lang sa dinami dami naming naglalakad eh ako pa ang nilapitan nya. mukha ba kong maawain? mapera? o madaling utuin? sa edad kong to?! watdapak!

oo na mukha akong maamong tupa at hindi lalaban. pero hindi ibig sabihin nyan na nakangiti ako pag naglalakad na parang tanga sa kalsada. hindi ganun. kadalasan nga eh seryoso ang itsura ko at salubong ang kilay dahil nga sa matinding sikat ng araw pag naglalakad ako. yung tipong pag kinalabit ay bigla na lang mananaksak. pero hindi ng patalim. at hindi rin nakamamatay. ahehe!

sa pangatlong pagkakataon, nakita ko ulit sya bandang st. francis naman at nag aabang  ng mabibiktima. syempre alam ko na ang plano nya na i-hypnotize ako para mapabili ng kung anong paninda nya kaya lumakad ako ng diretso at padabog. yung tipong hindi pinagbigyan ni misis kinagabihan. pumagitna din ako sa umpukan ng mga kapwa ko naglalakad para hindi na ako mapansin. akala ko lusot na. pero laking gulat ko nung biglang hinarang ako nung hitad.

at bago pa nya ko banatan ng mga pang uuto ay sinabihan ko na agad sya ng…”ikaw na naman! hindi mo ba natatandaan yung itsura ko? pangatlong beses mo na ko nilapitan. bumili pa nga ako ng polboron sayo noon eh” pramis hindi ko sya tinarayan o pinahiya sa ibang tao. mahinahon ko sinabi sa kanya yan at nakangiti pa. hindi naman sa galit ako pero nakakainsulto na kasi. ano bang meron ako na wala sa iba kaya ako na lang lagi ang nilalapitan ng babaitang ito? masyado na ba akong gwapo? mabait? sumobra na ba ang umbok ng ano ko at masyado ng pansinin? mukha ba talaga akong papatol? sus naman…

your once…twice…three times a lady.

masakit ang katawan ko ngyon. pagod na sa kabubuhat pero sige pa rin. nakakainip lang talaga na sa loob ng 2 buwan eh 6 pounds pa lang ang naidagdag ko sa katawang ito pero hindi naman ako sumusuko. no pain, no weight gain.

Mga Puna»

1. neil - Mayo 18, 2010

marami talagang naglipanang ganyan dito sa metro.

at mukang may balak ka yatang ‘patulan’ yung hitad.😀

gasti: kung kapatol patol man yun eh di sana first attempt pa lang swak na. sus! pihikan kaya ako.

2. Maldito - Mayo 20, 2010

kunwari kapa…if i know di mo lang type ang bata at polvoron nalang ang binili mo..pero kung kamukha ni angelica siguro yung bata, im sure sa talahiban na yun makikita kinabukasan.ahhahahaha…

eh kasi mabait ka. mabait ka naman talaga e. sa una ko palang na kita sayu…i know, madali kang utuin.ahahhaa

next time suntukin mo siya sa tyan para matakot naman sayu.lols

gasti: sira ulo mo! haha! angelica ka dyan…ang masasabi ko lang sa ngyon, masarap na kumbinasyon yung century tuna saka colt 45.
mabait? puta! alam ko ngiti pa lang ulam na. lols! mukha kang uulamin. sana naman kasi ibang style naman ng approach kasi pag mga promo girls ng mydsl ang nakipag usap sakin eh nakikinig naman ako kahit abutin ng isang oras ang discussion.

3. Rowjie - Mayo 22, 2010

Para sa lahat ng Pinoy WordPress users, para sa atin ito: http://pinoywp.wordpress.com

Magiwan ng kahit anumang mensahe. Magsimula ng magandang paguusap.

Spread the word!🙂

gasti: pWeD3 PoH Ba AnG mGa H@t3rzz dYaN KooYah? Lols..jejeje!

4. smasherjane - Mayo 23, 2010

if i were to make this post a movie, i’d call it..

there’s something about gasti..

patok sa takilya fo’ shizzle..

gasti: ayos yang movie na yan ah. siguro hindi naman porno yan noh?
teka..ako lang ba talaga nakaka experience ng ganito? ang malas ko naman.

smasherjane - Mayo 24, 2010

hndi to gasti movie kng d sya porno

gasti: haha! sabagay may point ka pero baka naman pwede natin tawaging “titilating films” naman para pa-demure ng onti.

5. BONISTATION - Mayo 24, 2010

awww@ maumbok na ang dibdib kabubuhat ahaha! pansinin ka kase naman kung maglakad ka mahilig kang sumabay sa mga ol da singel ladies! haha kaya ikaw ang lutang na lutang at pansinin. kahileg mo kaseeee! hahahaha

peace!!

gasti: haha! uy boni nilaglag mo na naman ako dito sa sarili kong blog. hindi kaya ako bumubuntot sa mga chiching kasi ambabagal nila maglakad eh ang init init kaya. buti sila may payong kaya ok lang rumampa eh ako karipas talaga ng lakad. oo kelangan talaga mag explain. hehe!

yung tungkol sa maumbok joke lang yan. haha! flat chested pa rin. maumbok lang nipols ko.

6. lovely - Mayo 25, 2010

maabangan nga kita sa san miguel ave. ahha..as if na tumatambay ako dun ahha..at as if na studyante ako height ko lang mukang studyante hehe..

may pang apat pa bang pagkakataon haha..kung meron man update mo agad haha..:))

gasti: kung magkaron man ng pang apat talagang lalagpasan ko na sya at hindi ko na kakausapin.
mukha rin naman akong estudyante. siguro magandang sideline yung ganun.

7. Dorm Boy - Mayo 26, 2010

Nagagawi din ako sa area na yun. Hmmm ano kaya itsura nung bata? Nakakaawa nga kung minsan tumulong pero kung paulit ulit naman eh ibang usapan na yan… anyway God Bless you po!

gasti: mukha naman mabait yung bata saka lagi nakangiti. tipikal na estudyante ang itsura na hindi ko makakalimutan. nakakadala lang kasi tumulong talaga kasi naaabuso ka. God Bless din.

8. lio loco - Mayo 27, 2010

meron din akong karanasang “polboron girl” na tulad na tulad ng ganto ser! napadukot din ako ng singkwenta pesos dahil naawa rin ako. tandang tanda ko pa ‘yun dahil mali-late na ko sa pagpuputa ko sa salcedo.

sa totoo lang, gusto kong lahat ng mga babaeng nagtitinda ng poboron eh makatapos ng pag-aaral (at pagkatapos eh gagawin kong sex slave sa bahay — joke lang). pero kung paulit-ulit naman ang litanya ng pagtitinda ng polboron para makapagtapos ng pag-aaral, pucha baka mapilitan ka nang yema na lang niya kainin mo.

at dahil tapos na ‘kong magrebyu-rebyuhan, pinaplano ko ring magpalaki ng wankata ser. maige yan at nakikita mo na improvement. susunod na ko. hehe.

gasti: uy nabuhay si lio loco! it’s good to know na nabiktima ka rin nyang polboron gang..haha! siguro magkahawig tayo. o baka naman mahilig lang talaga sa payat yang mga estudyante vendors na yan.
tama na nga yang rebyu at nakakabaog yan. concentrate naman sa pagbubuhat. tara na sa mundo ng mga banidoso. haha!

9. n3tte - Hunyo 28, 2010

nagtitinda din kasi ako ng polvoron nung nag aral pa ako ser… at kung anu ano pa din ang tinda ko para lang makapag aral.. at ang madalas kong bentahan talaga eh yung mga bumibili nang dati at yung mukhang mabait.. (not necessarily mukhang uto uto naman haha pero parang ganun na nga haha ulit)…

have a nice day po!

gasti: di nga? baka naman ikaw yung nagbebenta sakin. haha! sobra naman kasi..50 pesos isang piraso. parang holdap na din. ako dati kapag walang pera eh nagpapagamit na lang. lols!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: