jump to navigation

tantying toys Hunyo 1, 2010

Posted by gasti in muni-muni moments.
Tags: , , ,
trackback

napakamahilig ko sa mga laruan nung bata ako. pero syempre hindi naman uso yang mga mcfarlane toys at laruan lang talaga ang tawag sa mga yan at hindi “action figures”. o talaga lang inosente ako sa mga ganun kasi wala ako pambili.

sa tuwing bibili ako sa tindahan ng lola ko, todo kapa ako dun sa mga chichirya kasi may kasamang laruan yun sa loob. syempre ayoko na makabili ng meron na ako kaya kelangan husayan ang pagkapa o di kaya ay pag aninag dun sa laruan. wala naman ako pakialam kung masarap yung chichirya pero infairness ayos din naman ang lasa. di ko lang sure kung malinis ba. excited pa ko magbukas at talaga namang walang mapagsidlan ang saya na nadarama ko pag nakita ko na yung laruan. minsan nakakaubos pa ko ng isang buong pack ng mga ganung klaseng chichirya pag marami akong kinita sa pagbobote. lols!

minsan kundi laruan, meron ding stickers, playing card o tatoo. ibang klase talaga ang mga pakulo noon makabenta lang ng produkto. minsan nga lasang plastic na yung chichirya eh pero safe naman din siguro. buhay pa naman ako eh. para sakin dabest talaga ang mga laruan noon. sobrang de-kalidad at balibag proof. walang binatbat ang mga naglabasang laruang pambata ngyon na bukod sa maliliit na, madali pa mabakli. pero ewan ko ba sa anak ko, mukhang di pa marunong tumingin ng mga de-kalidad na laruan. siguro gusto nya lang yung lagi may binibili sa tindahan.

matagal ko na itinigil ang pagro-role play at pagganap na director/scriptwriter sa mga laruan ko noon. siguro taong 1996 pagtuntong ko ng hayskul ay nakapag move on nako sa mga ganyan at nahumaling sa paglalaro ng playstation at paninipat ng potential gelprens. kasabay na rin noon ang pagsilid sa sako ni inay ng mga precious toys namin ng kapatid ko dahil nagmukhang basura na sa tingin nya. ginulat na lang kami nung isang beses pagkauwi galing sa iskul nung malaman na binaon na pala sa lupa ni nanay ang sakong yun sa gilid ng bahay namin. gusto ko mang hukayin, ayoko naman madumihan. hinayaan ko na rin kasi kalat nga lang yun sa loob ng bahay saka baka mapagalitan pa kami pag kinalkal namin yung lupa.

after 14 years. pinakialaman ng ogre naming kapitbahay ang lupa na pinagbaunan ng mga laruan. nagpapagawa kasi sila ng banyo at lababo katabi ng bahay namin. kakapalan ng mukha ampota talaga. pati parte ng lote namin na kakapiranggot na nga lang ay gusto pa kamkamin. napakawalang puso. anyways, nahukay ng mga trabahador ang sako na yun at gulat sila dahil puro laruan ang laman. yung nanay ko naman, hindi na nagdalawang isip na ipamigay ang mga laruan sa anak ng mga trabahador.

pagkauwi ko ng bahay galing opisina, parang nanghinayang ako na ewan nung ikwento sakin yung tungkol sa mga dati naming laruan. andami nung mga alaalang nakabaon dun. marami pa siguro maayos ayos na pwede ko ibigay sa anak ko. pero syempre wala na ko magagawa..napamigay na eh! may mga ilan ilan pa ko nakita dun sa lugar na pinaghukayan na mga laruan. kinuha ko agad at hinugasan yung isa. tandang tanda ko pa na ito yung mga pantaya namin sa tantying ng laruan noon, mga plastic at rubber toys na pinaglalabanan namin ng mga kalaro ko.



ang sarap maging bata ulit. sa ngyon, sisikapin ko na maalagaan at mabantayan ng maigi yung mga action figures collections ko pati na rin mga shell ferarri cars para matagal ko pa sila makita at pwede ko pa ipamana sa anak ko.

Mga Puna»

1. Jeck - Hunyo 1, 2010

naaalala ko rin yung kabataan ko. may tindahan kami nun pero yung nanay ko ayaw magtinda ng mga laruan na ganya kasi kaming magkakapatid lang ang umuubos. ang ginagawa ko pag may pera ako, dun ako sa ibang tindahan bumibili o kaya pag sumasama ako sa palengke nagpapabili ako sa nanay ko ng isang buong plastic (yung maramihan) ng chichirya na may laruan. pag nakaipon na ako, makikipagtatsing ako sa mga kalaro ko. pamato ko nung si incredible hulk na manipis tapos may tingga para mabigat. hehehe

memories. sarap balikan ng kabataan. gundam, master gasti? hehehe

gasti: andami ko pa nga sana magaganda laruan noon eh..mga rambo, wrestlers, ultraman saka mask rider. ang pamato ko din dati yung hulk hogan na rubberized saka may pabigat na tingga. andami ko naipanalo laruan nun..hehe!
sisiguraduhin ko talaga na maayos na ang paglagyan ng mga laruan ko ngyon. nakabox pa yung mga gundam eh di ko pa nailabas buhat nung bagyong Ondoy.

2. Maldito - Hunyo 2, 2010

old skul ang laruan! haha ha ha…kagaya mo koooya..ahahaha..
simple lang nga ang mga laruan noong una. di ba mayroon ding style na free sa mga cheskurls na ikaw mismo mag aasemble? yung ironman..ahhaha.nostalgic. at dahil uso sa amin ang baha, ni isang laruan walang natira. ..lets keep on collecting toys!

PS; Soeaking of toys, walang update sa ating oder blog?ahahah

gasti: kooya mo mukha mo! haha! mas mabenta samin ang wrestlers kesa marvel dati eh meron pa nga ako wrestling cards noon.
saka nako mag update sa toy blog natin kasi di ko pa nailabas sa mga balikbayan box yung laruan ko eh. wala na rin ako bagong nabibili pa.

3. FerBert - Hunyo 2, 2010

may ganyang laruan yung kuya ko, sa pagkakaalala ko binato ko pa sya ng ganyan dati. May maggi noodles pa ba? doon ako nangongolektra ng stickers noon

gasti: yup meron din ako nung stickers na galing maggi dati. meron din yata ganung promo yung lucky me. pinagdidikit ko agad sa aparador namin.

4. lio loco - Hunyo 2, 2010

hindi ko na rin alam kung san napunta ‘yang mga ganyang laruan ko dati. ang pinaka-kayamanan ko pa nga noon eh ‘yung tone-toneladang ghost fighter teks ko. san na kaya ‘yung mga yun? mahalungkat nga.

at nangongolekta ka pala ng mga action figure ser. di ba magastos ‘tong gantong hobby? sa pagkakaalam ko aabot sa libo ang isang genuine action figure eh.

gasti: yang mga teks na yan muntikan na rin ipakain samin ng nanay ko kasi pagkagising diretso na agad sa kalsada para makapaglaro ng teks sa kapitbahay..haha! inagos na ni Ondoy mga teks ko eh pati coca cola pogs.
yung mga presyo ng actin figures eh iba iba naman. may mga mura din depende sa kung ano klase kinokoloekta mo. ang pinakamahal ko lang naman na possesion eh nasa 2k ang halaga pero 1k lang kuha ko kasi sa singapore nabili ni misis yung gundam toy na yun. kadalasan mas makakamura ka kapag sa ebay pero depende din.

5. bonistation - Hunyo 12, 2010

ay astig ng entry, matagal ko ng gustong sulatin ang tungkol sa tantying nayan (tatsing sa amin) astig nga mga laruan nun. guguhit kalang ng square sa lupa tapos lalagay mona laruan mo dun tapos unahan na kayo tumira!! tapos todo sa imagination para bigyang buhay ang mga laruan an ngayon ay DOTA at kung ano ano pang PC?PS games ang katapat, sa isang banda ang galing din ng technology kasi gumagalaw na talaga sila hehe at may powers base sa naiisip natin dati nung mga bata pa tayo..

naalala ko nga yung minsan lasang plastic na yung sitsirya haha dahil nakahalo dun ung tau tauhan! ^^ yung chihchirya na WIN AGAD magaganda mga laman sa loob haha!

waaa naisip ko nasan na nga din kaya yung mga laruan ko dati, sana may naitabi man lang ako kase mahalaga yun at parte ng pagkabata ko…

galing nito idol!

gasti: salamat bon. para sa atin tong mga isip bata. haha! sulit na sulit ang kamusmusan dahil sa mga larong kalsada na gaya nyang tantying. mas ok yan kesa pc games. sa ngyon puro tsansing na lang noh?

6. Reeden - Hulyo 9, 2012

Hehe Post ko to sa Mga Batang 90’s page ko ha😀

gasti: salamat sa link back. batang 90′s din ako eh. hehe!

7. Joyce Balancio - Marso 20, 2013

Hi! I’m from Kapuso Mo, Jessica Soho. We’re doing a story about Nostalgic Toys at naghahanap talaga ako ng pambato sa tatsing, yung para pong rubber na tau-tauhan na nilalagyan ng turnilyo o pampabigat? Baka lang po meron po kayo natatago na ganun po? I’m hoping for your reply urgent ko sana siya kailangan.

Joyce Balancio
Program Researcher
Kapuso Mo, Jessica Soho
(02) 982.7777 loc 1426 to 1427
0926.665.0866
mjgbalancio@gmail.com
kmjs@gmanetwork.com

gasti: Hi Ms. Joyce. sayang at late ko na nabuksan ang blog ko eh. ngyon lang ulit ako nakalabas sa kwebang pinagtaguan ko. pasensya na at hindi kita natulungan. tungkol sa laruan, yung isang laruan na pinost ko na lang natira kasi pinamigay na ng nanay ko dun sa karpintero na naghukay ng lupa eh. baka napunta rin sa mga anak nya.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: