jump to navigation

malayo pa ang umaga Hunyo 3, 2010

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

this week na magtatapos ang pagiging kargador ko. 3 buwan na pala ang nakalipas nung unang tumapak ang mga paa ko sa gym at magpapawis. meron din naman ngyaring transformation kahit papano at nagpapasalamat na rin ako sa tyaga nung trainer na bantayan bawat routines ko.

hindi biro ang pagpasok sa isang gym. kelangan mo ng matinding dedikasyon at lakas ng loob para tumagal ka at hindi tamarin sa ginagawa mo. kelangan matuto ka rin makisama para hindi ka naman magmukhang robot na nagpapawis. paniguradong tatamarin ka pag wala ka kausap.

minsan naman kahit ayaw mo makipag usap ay may kusa ng lalapit at makipagkwentuhan sayo pag nahuli kang napatingin. pag kinukwento ko nga kay misis yung mga ganung eksena eh isa lang ang sinasabi nya. “bakla yun”. pero kung meron man talaga, harmless naman siguro. ang mahirap lang talaga sikmurain minsan eh kapag may mga umeepal na gusto magturo sayo. sa una patingin tingin lang yan tapos bigla ka na lang sisitahin pag di na nakatiis. ang nakakabadtrip pa dyan, iba iba sila ng sinasabi. may payo si ganyan, may payo si ganun. at lahat ng tinuturo nila ay naiiba sa ginagawa mo. nagbibida lang naman yan kapag nakita ka nila mag isa at iniwanan ka ng trainer mo para magturo sa ibang baguhan. ipalagay na natin na malinis ang intensyon nila pero imbes na makatulong eh lalo ka pa naguguluhan sa routine mo.

may mga limang na tao na rin ang lumapit sakin para sabihin na ganito rin daw ang katawan nila nung nag umpisa sila magbuhat. pwera pa yung mismong may ari ng gym na tuwang tuwang ipinakita sakin yung picture nya na nakadikit sa salamin nung mga panahong hikain pa sya at nakasuot ng pekpek shorts. talagang tinawanan ko yung picture nya pagkakita ko dahil sa gulat. ilang beses ko pa kinumpirma kung authentic ba talaga yung picture o baka naman photoshopped na pero hindi eh sya talaga yun. hindi ako masyadong makapagsalita dahil baka pag kinontra ko sya eh ingudngod ang mukha ko sa salamin at pakainin ng bubog. sa itsura nya ngyong mala-halimaw na, pwede ko sya ilaban dun sa gigantic life size estatwa ni incredible hulk na nakatayo sa toy kingdom sa megamall.

ilang beses na rin ako pinaulanan ng payo ng mga nakasama ko sa gym. tungkol sa tamang pagkain at pag inom ng supplements. ok lang sana ang ganung simpatiya at concern kundi lang ako kalimitang tinatawag na “kuya”. mga lintek na damuho yan. eh mukha ko na nga silang tiyuhin tapos tatawagin nila kong kuya. ayoko naman ng ganyan klaseng respetuhan. maintindihan ko pa yung ibang mga babae dun na puro kuya ang bukambibig kasi ganun talaga kapag nagpapacute pero hindi na siguro kelangan makigaya yung mga lalaki.

malimit na rin ako sabihan nung trainer na bigat bigatan ko na daw yung binubuhat ko para mapabilis yung paglapad ng katawan ko. gusto ko sana sabihan ng “eh sabi ng nanay ko magkakaluslos daw ako pag nagbuhat ng mabigat eh” palagay ko kundi luslos yang mga bardagol na yan baka 3 inches na lang mga titi nila. pero kailangan ko mamili. malaki katawan pero luslos o yung tama lang sa timbang pero intact naman ang pagkalalaki. potah! makapagbate na nga lang…

nung minsan may lumapit sakin. di kami close pero mahilig sya magflex ng muscle sa harapan ko para daw inspirasyon saka malimit din sya magbigay ng health tips para ma-achieve ko raw yung katawan na meron sya. taenang kalbo yun!
kalbochog: uy pre sinusunod mo ba yung mga payo ko sayo?
gasti: hindi
kalbochog: malakas ka na ba kumain ngyon? sabi sayo kumain ka ng isang dosenang itlog araw araw eh! basta yung puti lang para hindi ka ma-highblood. mabilis makalaki ng katawan yun.
gasti: eh limang beses na nga ako kumakain sa isang araw eh! (gusto ko sana sabihin na wala kaming poultry para pagkunan ng ganyan karaming itlog. putsa sinubukan ko talaga dati yung 2 piraso ng itlog na hinalo sa softdrinks halos masuka ko sa lansa kaya di ko na inulit)
kalbochog: 5 beses? di nga? ako isang beses na lang kumakain pero nag gain pa rin ng 5 pounds. baka naman 2 kutsara lang yung subo mo.
tapos may mga eepal sa paligid. hindi dapat ganun kadami beses ka kumain, dapat 3 lang pero damihan mo. yung tipong masusuka ka na sa kabusugan.
gasti: ahhhh (patango tango lang pero naguguluhan)
kalbochog: o baka naman limang beses ka nga kumakain pero anim na beses ka naman magtikol sa isang araw. balewala din yung kinain mo. negative pa. haha!
gasti: (hindi na ko nakatiis kaya nagsalita na ako). uy hindi ah! dalawang beses lang kaya.

joke lang yun syempre. ang hirap kaya magbuhat kapag bagong tikol. saka bakit ka aamin? lols!
pinagpatuloy ko na lang ang pagbubuhat hanggang sa matapos ko na rin yung routine ko. diretso agad ako sa reception area at binati naman ng personnel dun (greet pala yan maigi na yung maliwanag. bakla kasi yung bantay dun).
badaff(buff na bading): uy sir infairness ah medyo lumobo na yung katawan nyo compared sa dati
gasti: oo nga napansin din yun nung mga kasama ko sa bahay. nag gain din naman ako ng 8 pounds.
badaff: (tipong nashock sa newsflash ko) oh kita nyo sir. nag improve nga.

pahinga muna siguro ako ng 2 weeks bago magbuhat ulit. tingnan ko lang kung ano epekto sa katawan ko.

Mga Puna»

1. Jeck - Hunyo 3, 2010

so maldito pala badaff? BWAHAHAHAHAHA!

gasti: tingnan mo sa utong nya baka andun ang clue. haha!

2. lio loco - Hunyo 3, 2010

ayun o. lumelevel up ka na ser! salamat sa tips. sana talaga mawala na ‘tong wankata kong walking gitara pag nagsimula na kong mag-gym.

naiinis din ako sa mga taong obyus namang mas matanda pa sa’yo pero kuya pa rin nang kuya. sarap ingudngod sa bahay ni kuya. hindi naman na paggalang tawag dun eh. nagmamaasim na feeling-bata lang.

panalo si badaff at kalbochog. ser, di kaya badaff din si kalbochog? nagfe-flex kanyo ng maskels sa harap niyo? at pumepre pa! tsk, masamang senyales na yan. hehe.

gasti: haha! makulit talaga yang si kalbochog eh masyadong vain sa katawan pero sa ngyon “idol” na tawag nya sakin. mabait naman talagang palabiro lang.
mas matinding bakbakan ang mangyayari sayo sa gym kumpara sa pagrereview mo dati. sipagan mo rin. alam ko determinado ka rin magpalaki ng katawan eh!

3. Maldito - Hunyo 3, 2010

isang dosenang itlog?wahahahhaha……eh parang kumain ka nalang din ng libong libong salmonella…

beer nalang kasi…sigurado yun na tataba ka..ahhaha…

badtrip talaga yung mga echusero na nagbabantay lang ng routine mo…ok lang naman kung paminsan minsan lang..hindi sa lahat ng panahon ikaw binabantayan…

gasti: kadiri talaga yung hilaw na itlog..para ka na ring lumunok ng sarili mong ano..haha!
dami kasi nagmamagaling eh pero di naman nila maayos yung sarili nilang katawan. karamihan sa kanila bochog. tingnan mo nga epekto ng beer sa katawan mo. nabuntis ka. hahaha!

4. hisnameisdencios - Hunyo 4, 2010

gasti, dati ang ginagawa ko nagpprito (pedeng ilaga) ako ng 5 egg whites tas iyon ang breakfast ko. pero dapat i make sure na nabuburn ko din yun kasi kapag hindi nailabas ay nagkakatigyawat ako. too much protein kasi.

nakakarelate ako sa mga gustong umepal at magturo sayo sa gym. madaming ganyan talaga lalo kung makita nila na baguhan ka pa lang sa fitness.

kaya ang secret jan ay mag iPod ka kasi hindi sila lalapit pag alam nilang di mo din sila iintindihin hehehe

gasti: ayos yang payo mo dencio ah! siguro ilalaga ko na nga lang yung itlog para hindi ako malansahan.
wala na ko magagawa sa mga epal kasi wala ako ipod eh..haha! tanggapin ko na lang siguro ang criticism.

5. doroastig - Hunyo 7, 2010

tulad ng mga balbas sarado, hindi lahat ng may mala-Hulk Hogan build ay tunay na lalaki- may mga bading din sa kanila. kaya ingat at contagious ang mga sakit nila. lol

gasti: dami na nga nagkalat na discreet ngyon eh. kelangan talaga mag ingat. nakakatakot naman kung ma-rape ka ng bading na malaki katawan noh? wala kang laban dun.

6. bonistation - Hunyo 12, 2010

wahahaha samo’t saring kwento!! madaming epal minsan tuloy hindi mo magawa ang diskarte mo dapat igalang din nila ang sarili mong pakiramdam, eh iba iba naman tayo ng pangagatawan at porma, hilig at kung ano ano pa, kaya gat maaari wag silang epal!! hahaha

wala padin ba kaseng picture mo!?!?!? magpakita ka naman!!!

gasti: saka na yung picture. gusto ko kasi yung malayo sa showbiz life eh. (utot)


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: