jump to navigation

who’s your daddy? Hunyo 21, 2010

Posted by gasti in muni-muni moments, one day in my life, to whom it may concern.
Tags: , ,
trackback

post fathers day post na to para ikwento ang naging experience ko kahapon. ayos naman. kahit iniwan na ako ni misis nung sabado. single fathers day eh?!

bumiyahe na papuntang US of A si misis para sa isa na namang umaatikabong business related pamamasyal. as usual waiting na naman ako sa bahay kasama ng mga kids at umaasa sa mga pasalubong pag uwi. nakakainip din mag antay hanggang katapusan. sa mga kaibigan kong sabik uminom at gumimik, alam nyo na. tuloy tayo.

at dahil fathers day kahapon nga, napagpasyahan ko na ring ipaayos ang celfon ko makalipas ang 3 linggong pananahimik. bagong lcd, bagong battery at bagong housing. same old heavy duty celfon. balik na ulit ako sa sirkulasyon.

maya-maya may nagtxt sa akin. si bayaw pala at narito ang nilalaman ng kanyang mensahe.

Isang pagsaludo para sa isang tatay na mas madulas pa sa hito at mas matinik pa sa tamban…Walang bagay na hindi nalulusutan at kahit kelan ay hindi umamin ng kasalanan…Mabuhay ka! Naway patuloy mong mahalin ang iyong pamilya kahit marami ka pang mahal na iba…Happy Fathers Day😉

Isang tagay para sa tagumpay nating mga Tatay! it feels good to be one…

naisipan ko na ring ipatahi ang warak na zipper ng patalon ko at paiksian ang nabili kong damit kamakailan lang. bale pangatlong pantalon ko na yan na nasiaraan ng zipper. hindi na yata nakayanan ang maya’t mayang paghuhubad at pumuputok na kargada ko. kelangan siguro nakakakadena na para hindi makawala. anyways yung sa shirt naman eh wala lang available na medium kaya napabili ako ng large. nagustuhan ko lang naman yung design kaya hindi ko na pinakawalan. saka isa pa eh maayos naman ang accomodation na natangap ko pagpasok sa Von Dutch ng SM Mall of Asia. punta na kayo dun mga pre! nasisiguro ko sa inyong sulit ang pamimili nyo.

sinamahan ko rin pala magpagupit ang anak-kong-gwapo-na-kamukha-ko sa isang Mall sa Cainta. hindi nga pala sya nagpapagupit sa iba maliban dun sa long hair na kamukha ni Amay Bisaya. nakasanayan na kasi simula nung isang taong gulang pa lang sya. kumbaga eh dun lang sya hiyang. kaya kahit sa presyong 240 pesos kada gupit eh pinapayagan ko na. ayos sa presyo noh? naalala ko dati 20 pesos lang ata gupit ko. kadalasan pa eh nanay ko lang yumayari nung bunot style na buhok ko. uso yata yung ganung style nung 80’s.

pagkatapos ng gupitan ay lumipat na kami sa katabing Mall para samahan naman mamili ng mga vcd ang utol ko. nakasingit pa ng isa ang anak ko syempre na adik din manood ng pelikula ng paulit ulit. sobrang umay na umay na nga ako sa mga Elmo’s World, Barney, Cars, Ice Age 2&3 at sa Jurrassic Park na kabisado na nya ang bawat eksena na nagagawan pa nya ng reenactment ang susunod na gagawin ng dinosaur. at ang pick of the day nya eh “Land of the Lost” na napanood na rin namin sa pirated copy.

nakaramdam na rin ako ng pagod dahil gumagabi na at napagtripan na nya magpakarga sakin para ireserba ang mga natitirang lakas sa paglalaro sa Timezone. huling hirit bago umuwi. natuwa naman ako at may Fathers Day promo pa pala sila. ang 100 pesos mo ay may katumbas na 150 credits. at 3 times mo pwede abusuhin. ang requirement lang ay kelangan kasama mo yung anak mo na magpapaload. mabilisan ko hinagilap ang anak ko dahil andun na pala nakaupo sa car racing arcade para iprisinta sa staff.

staff ng timezone: Sir anak nyo?
gasti: hindi! tatay ko to..wag kang timang..ako talaga yung anak nya! (hindi ko alam kung matatawa ako o maiiyak sa katangahan nya.) pa-load ako ng 200 pesos.

biro lang. hindi ko naman sya sinabihan ng ganun. syempre dapat pasensyoso ka para good example sa mga kids. ahehe! uu may ganun pang factor.

makatapos makaipon ng sapat na tickets ay pinapalit na agad namin yun sa isang bola na may larawan ng elepante sa gitna. sakto sa panlasa ng anak ko dahil nahihilig na sya sa larong basketball. pareho kaming sporty eh. sa psp nga lang ako naglalaro ng basketball.

bago umuwi ay dumaan muna kami sa isang panciteria na nasa bilao ang order. o sige na nga libre na endorsement. Dolor’s Panciteria yun. masarap naman yung ginagawa nilang pancit malabon at makatarungan naman ang presyo. kaya kung kagaya kitang mahilig sa mga pancit, try mo na dito. mas masarap pa rin kesa sa mga pasta ng mga sosyal.

at the end of the day, kahit nakakapagod ang araw na ito eh naging sulit naman dahil naging masaya kami ng mga anak ko. pinaalala nila sa akin ang pakiramdam kung gaano kasarap maging isang tatay lalo na sa mga panahong kagaya nito. (hula ko 90% ng lahat ng tatay sa Pilipinas ay nagpunta sa Mall kaya punumpuno ang parking.). saludo rin ako sa mga tatay na nakakayang magtiis malayo sa pamilya at magtrabaho sa ibang bansa para masiguro ang kinabukasan ng kanilang pamilya at mapaghandaan ang kinabuksan ng kanilang mga anak. para sa lahat ng mga tatay dyan, Happy Father’s Day! let’s show them who’s the boss…dapat sa ibabaw tayo.

Mga Puna»

1. antuken - Hunyo 21, 2010

late happy fathers’ day greeting to you. ako, sad kse i wanted to much to celebrate fathers’ day with my dad. kaso hindi na nya kaya. he’s suffering from alzheimer’s mga ilang taon na rin. kung kelan kaya ko na syang i-treat out. haay.

gasti: hindi ka na ba nya naaalala? pwede rin naman i-celebrate yun sa bahay tapos pa-deleiver na lang ng mga pagkain na gusto nya. wag ka na malungkot atleast magkasama pa din kayo.

2. Jeck - Hunyo 21, 2010

wuhoooo! man on top palagi! hahaha
natawa ako sa kwento mo master gasti🙂

belated happy father’s day! kampay!

punta tayo minsan sa Von Dutch sa MOA. hahahaha

gasti: ano pang hinihintay mo dyan? tara na sa MOA at mamasyal. haha! happy fathers day din nga pala sayo pards!

3. Jakey Junkie - Hunyo 21, 2010

Belated Happy Rakenrol Father’s Day sa mga tatay, magiging tatay, at sa mga hindi pa alam na tatay na sila. Apir!

gasti: ayown! isang tagay para sa mga tatay! wag lang sana ugaling puro panganay ang anak. apir!

4. Dorm Boy - Hunyo 21, 2010

“at the end of the day, kahit nakakapagod ang araw na ito eh naging sulit naman dahil naging masaya kami ng mga anak ko.”

Sana masabi ko rin to balang araw pag me anak na rin ako. at tatay sa anak ko!

Sulit ang Father’s Day mo kuya!

Happy Belated Father’s Day sa iyo! Mabuhay ka kuya Gasti!

gasti: onga. gusto ko rin sana isama mamasyal tatay ko kaya lang mabilis na mapagod yun sa mahabang lakaran eh. alam kong magiging mabuting tatay ka rin sa anak mo balang araw. simulan mo ng magtanim ng binhi. thanks!

5. Dorm Boy - Hunyo 21, 2010

Base pala ako! hehehe! Yehey!

gasti: aha! 1 mistake! naka waiting for approval kasi mga comments dito eh! hehe!.

6. timangkey - Hunyo 22, 2010

ayos… masaya talaga ang me anak… i know the feeling… cheers sa mga tatay.hehehe

gasti: para sa mga tatay na at magiging tatay pa lang! congrats!

7. bonistation - Hunyo 23, 2010

happy father’s day!! naiinggit nako hahaha!

gasti: happy fathers day na rin sayo. hehe! wag mo na sayangin yung mga punla.

8. Maldito - Hunyo 24, 2010

oo na..magaling ka nang tatay…

ahahaha..bitter-rano.lols.

ako gusto ko mang i celebrate sa iloilo..wala eh..alam mo na yung kwento. kaya tumagay nalang ako with officemates..ahaha..

mga bata talaga…yung anak ng boss ko ganun rin..alam ang bawat eksena at halos di na nga umiikot ang vcd dahil paulit ulit nang pinanood ang pelikula..hindi na kami nanonood..siya nalang pinapanood namin.ahahhaa..

belated happy fathers day ‘tay gasti.

gasti: hehe! alam ko rin naman na marami ka pang gusto gawin sa buhay. ayos lang yan at hindi ka naman nakakalimot eh itagay na nga lang natin yan pagdating mo dito.
yung mga kabibili ko lang na bala ng “madagascar 2” at “up” itsurang lasog na yung cover tapos puro gasgas pa. nagloloko na nga rin yung close/open ng dvd player namin.

9. lio loco - Hunyo 27, 2010

belated happy father’s day ser! ang sarap siguro maging tatay. pero ayoko pang maging tatay. siguro pag late twenties na ko tsaka ako magiging ready sa tatay responsibilities. lols!

gasti: oo naman. bata ka pa eh kaya marami ka pang time makipag unlimited anuhan sa iba. saka ipon lang ng ipon. babae na ang maghahabol sayo pag asensado ka na.

10. n3tte - Hunyo 28, 2010

natutuwa ako parati sa mga tatay na they find time para magcelebrate ng ganitong okasyon kahit sa napakasimpleng paraan, ang impt, ang d matatawarang kasiyahan!!

belated happy father’s day! add kita sa nagsisimulang blog roll ko ha..tia🙂

gasti: uy thanks! andami nga tatay na nagcelebrate eh…di naman ganun ka-bigdeal din..ewan ko ba. basta masaya parang pyesta.

11. anakngpating - Hunyo 29, 2010

belated pi fathers day kuya,
very well said ung sinabi ni bayaw mo ah hehe…

masayang masaya ang anak mo..:)
at ikaw din..

gasti: lagi naman masaya yung anak ko na yun eh. pag nalungkot naman sya sasabihin nya agad na..”Dad di na ko happy”. kulit lang.
teka yung sinabi sa txt ni bayaw? haha! nawrongsend lang yata sakin.

12. TARAGIS! - Hulyo 11, 2010

idol, dalawin monaman ako dito! ^^

gasti: nakanaman may dotcom ka na pala. taragis yan! sige abangan mo ko dyan.

13. lio loco - Hulyo 18, 2010

tagal ko nang nag-aabang ng bago pero wala pa rin.

hmmm…mukang busy tayo ser ah.

gasti: busy sa pagpapagaling.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: