jump to navigation

kulang lang sa himas Hulyo 19, 2010

Posted by gasti in kamalasan, muni-muni moments.
trackback

hindi nga pala ako si Iron Man kaya natigil na rin ang healthy streak ko (na bibihira ang nakakaalam dahil hindi halata sa itsura) nito lang nakaraang byernes sa loob ng malamig na opisina. nasira ang lahat ng mga plano ko para sa friday night kalabit at mall tours sa weekends. para lang akong malamig na bangkay na pwedeng pwedeng pagsamantalahan ng mga chiching na may sakit na necrophillia at mahilig kumain ng tortang talong. ang kaibahan lang siguro, ako lang nakakaramdam ng lamig dahil hot na hot ang nagmumura kong katawan.

tiniis ko ang lamig ng aircon sa opisina hanggang sa oras ng uwian para may masakyan naman akong shuttle service (kuripot magtaxi). para lang akong lasing habang naglalakad papunta ng sakayan at hindi ko rin na pinagpapansin masyado yung mga nakakasalubong kong babae na nililipad ng hangin yung suot na bestida at yung babaeng gugustuhin mong maging gelpren dahil sa lusog ng boobs at hindi mukhang bastusin. mabuti nga at hindi ako nadapa at mapasubsob sa dyoga nya dahil baka mahirapan na akong makaahon pa. hindi naman siguro maganda kung makarating kay misis kung ano ang dahilan ng pagkakamatay ko kung sakali.nalunod pero walang tubig.

mabuti na lang at nakaabot naman ako ng matiwasay sa sakayan at sakto namang may nakaparada ng toyota hi-ace van para maghatid sakin sa ospital este sa bahay pala. dun ako sa dulong bahagi napaupo na kumumpleto sa big four. napagitnaan ako ng isang matandang lalaki na mukhang sabungero at isang nice looking chiching na may kutis na walang mintis. nagkatitigan kami sandali. sapat na para magkapalagayan kami ng loob. pumikit ako nung papaalis na ang sasakyan at pinaubaya na lang ang sarili sa mga katabi dahil sa panghihina. sa sobrang pagkakadikit namin nung babae ay pwedeng mapagkamalan na magsyota kami. hindi maiwasang mag umpugan ang mga brabalibintawan namin ng babaeng katabi ko sa tuwing kadyot ng drayber. nahiya ako ng konti dahil alam kong mapapaso sya kapag tumagal ang pagkakadikit nya sa katawan ko kaya umusog ako ng bahagya. sinipat ko sya muli at nagulat na lang ako ng makitang buntis na pala sya. OMG! ganun ba talaga ko kalupet?

well, siguro hindi ko lang napansin na buntis pala sya kanina dahil sa sobrang sakit ng ulo. anyways, sa tingin ko ako lang yung giniginaw sa buga ng fan de aircon ni manong drayber kaya obvious na meron akong sakit. nagsitayuan na lahat ng mga pores ko sa katawan pero yung isang gusto ko laging nakatayo eh mahimbing naman ang pagkakatulog. wala talaga akong kapakipakinabang na gawin sa mga oras na yun bukod sa paglilimlim ng itlog. akala ko makakapisa na ako ng dalawa bago makauwi ng bahay. sayang eh di 3-headed dragon na sana.

bawal maligo. bawal umalis ng bahay. bawal magdrive. uminom ng sangkaterbang biogesic, bioflu at generic na paracetamol.

plano ko pa naman sanang bilhan na ng regalo yung isang inaanak ko. ipasyal sa mall yung gwapo kong anak at maglaro sa timezone na peyborit bonding moments namin. baka nabilhan ko rin sya ng T-rex na buhay kung nagkataong makakita ako sa petshop. at nung linggo sana may aatendan akong bertdeyan ni kumpare na matagal na naka-ischedule. ito na yata ang pinakawalang saysay na weekend na naranasan ko nitong nakaraang mga taon. burong buro na ko sa bahay at kaya lang ako pumasok ngyon sa opisina kahit pa alam kong mabibinat lang ako sa lamig ng aircon dito ay dahil gusto ko lang mamasyal. may baon naman akong dalawang bioflu kaya sana makabangon pa rin. goodluck na lang sakin bukas baka bawasan ko na yung siyam na natitira ko pang sick leave.

Mga Puna»

1. antuken - Hulyo 19, 2010

aaww. get well soon gasti. dapat nag-rest ka na lang. sarap kaya magpahinga. hehe.

gasti: hindi kasi ako mapirmi sa isang lugar eh. saka hindi ako sanay na nagkakasakit.

2. lio loco - Hulyo 19, 2010

naku, ingat lang ser gasti! dahil tag-ulan na, nagmumurang kamatis na naman ngayon ang taragis na trangkaso at kung anu-ano pang sakit. mahirap na. bukod sa sayang ang kaltas sa sahod, nakakaburyong ang mag-isang nagpapagaleng sa bahay.

pagaleng ka ser!

p.s. iniimadyin ko ang itsura mo kapag napasubsob ka sa malusog na dyoga at bigla kang malunod sa malusog na kambal umang ‘yun. pasensya na pero hindi ko mapigilang tumawa. may napulot na naman akong pasimpleng para-paraan dito. lols!

gasti: ok lang naman sakin walang swelduhin kung ok naman pakiramdam ko kaso hindi eh. ubos na SL ko at sana makuha ko na yung mga benepisyo ko sa SSS at mga reimbursements. dami gastusin kasi.

at talagang kinapulutan mo pa ng aral tong entry na to ah..hehe! sige taymingan mo maigi para magmukhang aksidente.

3. Gelo - Hulyo 19, 2010

pagaling ka pare, nice blog, been following:)

gasti: salamat. hindi ko alam na meron pa palang sumusubaybay sa blog na ito bukod sa 3 kakilala ko.

4. dianne - Hulyo 20, 2010

pagaling ka po..sarap basahin entries mo..nkakalibang..

gasti: thanks! sa mga ligaw na batang kagaya mo ako natutuwa.

5. Maldito - Hulyo 20, 2010

buti naman at buhay kapa.ahahaha…uso kasi ang trangkaso..kaya magbaon parati ng gamot sa bag…at warning na yan na dapat bumalik ka na sa gym…

di ba ikaw si john llyod? bakit nagkasakit ka?lols…

gasti: hindi nga sabi ako si john lloyd..to talaga oh. ninja ako eh.

6. IKAY - Hulyo 21, 2010

get well soon manong gasti!…
pero ang lufeet mo tlga akalain mong nakakiskisang braso mo lng yung chiching eh buntis na agad….hehehe!

gasti: syempre ganun talaga epekto pag naghallucinate. hehe! panget naman ata yung ganung buntisan. hindi naman ako nasarapan.

7. Bonistation - Hulyo 22, 2010

awwts! MAY SAKIT. kamusta ang ang gym skeds mo!?

gasti: matagal na ko tumigil sa pag gym nung June pa. pasulpot sulpot na lang ako minsan.

8. Jakey Junkie - Hulyo 27, 2010

Sir idol, pagaling kang mabuti. Alam naman nating isa lang ang ibig mong sabihin sa “init ng katawan,” at ‘yon ay hindi lagnat. Apir!

gasti: matagal ko ng gusto pakawalan yang init na yan. masyado na akong virgin ulit.

9. tiboy - Agosto 2, 2010

ano ba ang pangalan

10. ianyce - Setyembre 22, 2010

anu yung brabalibintawan? he he balhibo ba yun? ha ha ha astig mu din kuya nadampian mu lang buntis! ha ha ha ha. hindi mu lang talaga napansin yun for dure he he he. get well soon at ingat plagi. hmpft uso nanaman sakit ngayung panahon nato!🙂


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: