jump to navigation

3 tabs before breakfast Agosto 4, 2010

Posted by gasti in kamalasan, muni-muni moments.
trackback

ito na siguro marahil yung pinakamalaking pagsubok na pinagdadaanan ko buhat nung tinuli ako. (mahirap na sakin yun dati kasi bawal ka tigasan). pero ibang kaso naman to dahil hindi ko man lang naihanda yung sarili ko.

wala akong kamuwang muwang na yung inakala kong simpleng “lagnat lang” na mawawala rin pagkatapos uminom ng biogesic o bioflu eh hindi ako nilubayan sa loob ng labindalawang araw. nauwi sa pneumonia at 6 na araw din akong nakaratay sa ospital. kinuhanan ng isang litrong tubig (na kulay icetea) sa loob ng baga at eto ngyon nasa bahay at nasa ikasyam na araw na naggagamot sa sakit na TB.

hindi yan yung uri ng jebs na hirap ka palabasin dahil nasobrahan ka sa pagkain ng saging na latundan o kaimito. alam mo na siguro ang ibig ko sabihin. at walang nakakatawa sa sakit na meron ako ngyon.

nung una talaga hirap ako tanggapin na tinamaan ako ng sakit na to. una eh hindi naman ako sinisipon. wala akong ubo at misteryo talaga ang pagkakaron ko ng lagnat. hindi ko na nga nabilang kung ilang beses ako pinatawas ng nanay ko kay Mang Ponso dahil sa sobrang pag alala nya sakin. pero anong magagawa ko kung ganito na nga ang findings ng doctor. mas papaniwalaan ko ba yung nakulam ako o nalanghap ko yung masamang hangin na may dalang sakit?

nagkataon lang daw na hindi sapat ang nutrisyon ko sa katawan kaya nakapitan ako ng sakit na yan. kahit sisihin ko pa yung dati kong kaopisina na pabaya at pasok pa rin ng pasok kahit nakakahawa pa yung sakit nya eh balewala na rin. nakuha ko na eh! ang importante ngyon, hindi na ako dapat makahawa sa iba. sa loob nga ng 14 days eh dito lang muna ako nakapirmi sa kwarto at hinahatiran lang ako ng rasyong pagkain. para lang ako nasa ospital minus the dextrose at aircon. sobrang hirap dahil kelagan ko tiisin ang mga anak ko na hindi lapitan. ang misis ko naman ay nasa Malaysia simula pa nung ikalawang araw ko na naggagamot. naging aburido ako at lalong naging suplado dahil sa kakaisip ng mga bagay bagay. nawalan ako ng gana sa lahat.

kung payat ako dati, mas lalo na ngyon. maswerte lang ako ng onti kay redford white dahil nakakahinga pa naman ako pero sa tuwing iisipin ko na lulunok na naman ako ng 3 gamot sa umaga at kelangan ko kumain ng madami na parehong mahirap gawin dahil hirap ako lumunok sa mga panahon na to at madali akong masuka eh wala rin naman akong nakikitang kaswertihan sa ganyan. at kelangan ko gawin yan sa loob ng anim na buwan. putsa talaga. mas madali pang lagukin yung biogenic dito sa mesa ko para mamatay na yung mga putarages na bacteria sa loob ng katawan ko.

and hopefully after 6 months maging clear na yung baga ko. matagal pa yun kaya itong nalalabing 5 days na lang sinusubaybayan ko para makalaya na ko dito sa kwartong nagsilbing kulungan ko. nakakapagod lang talaga maghintay.

ang isa pang nakakalungkot eh nahawa na rin pala yung isa kong anak na babae at magsisimula na rin sya maggamot sa sakit na primary complex. kawawa naman. sana nga wala na sumunod dahil baka maglaslas na ako dito. sabi naman sayo Lord kung gusto nyo na ko mamatay, gusto ko yung biglaaan. ayoko nung ganito na inuunti unti nyo pa kong pahirapan tapos gagastos pa ko sa pagpapagaling pero sa kalaunan eh matitigok din. ang sama nyo naman. akala ko pa naman ok tayo.

mas madali ko siguro to matatanggap kung lasenggo ako, lulong sa sigarilyo at mahilig magbabad sa gimikan para magpuyat at makipaglandian sa ibang tao. pero hindi ako ganun eh! umiinom lang ako pag may okasyon, hindi ako naninigarilyo at diretso uwi lang ako sa bahay galing opisina para makasama ko agad yung mga anak ko na tuwang tuwa sumasalubong sakin pagnakita ako. eto pa ang napala ko.

ang huling confinement ko pa sa ospital ay noong 5 yrs old ako sa sakit na pneumonia. hindi ko na maalala yung sakit nung tusok ng pinaglagyan ng swero dati pero ngyon alam na alam ko na. pinageksperimentuhan ako ng bagitong nurse sa paglalagay ng swero sa kaliwang kamay ko kaya madami ang umagos na dugo. na sa kinalaunan ay kailangang ilipat sa kanang kamay ko dahil nabarahan na masyado ng natuyong dugo at wala ng dumadaloy na tubig mula sa swero. isang tusok na naman para sa bloodtest at isang tusok para sa blood sugar level test. 2 tusok para naman sa magkaibang skin test na napakasakit. 2 tusok ng anesthesia sa likod at 2 beses na tusok din ng may 50cm na haba ng karayom para naman sa pagkuha ng tubig sa baga. (kelangang ulitin dahil medyo mataas yung una tusok kaya naubusan agad ng tubig na nahigop). with a total of 10 tusok. ayoko muna makakita ng injection o ng kahit na anong uri ng karayom sa mga panahong ito.

Mga Puna»

1. IKAY - Agosto 4, 2010

tsk! tsk! tsk! wawa ka nman pla manong gasti, and yung anak mo…
at grabeng tusok nman ang ginawa syo ang dami ha! eh talaga nga namang d mo nanaising makakita ng karayom nyan noh…
anyways hope mapadali yang paggaling mo…pero iba ka tlaga kc kahit malubha na yang sakit mo comedy ka pa din…hehehe!

gasti: sa ngyon nakaka 30 tablets na ako ng gamot. langyang yan ang hirap talaga lunukin. yung tusok ko nga sa likod eh nagkapasa pa kinabukasan. yoko na mag isip kasi nakaka emo eh kelangan ko na rin siguro magpagupit kasi mukha na kong ermitanyo.

2. Maldito - Agosto 4, 2010

tae,.badtrip talaga yang mga sakit na yan. buti naman at naagapan. tisiisin mo nalang muna yan…gago. kailangan mong magpagaling…lilibre mo pako ng pizza!ahahahhaa..

hindi ko alam kung maeenjoy mo ba talaga ang rest days mo, pero enjoy mo lang dapat….nasobrahan ka lang siguro sa pagod…balik gym ka na rin ASAP.ahahha..joke.

Get well soon bossing. Get well soon.

gasti: putsa puro pagtitiis na nga ginagawa ko dito eh..hindi naman ako nagpapagod din at yung pag gym ko nga napagdiskitahan nila dito na pinagpaguran ko galing opis. badtrip nga kc last APE namin nung April eh clear naman lungs ko tapos pagdating nitong July eh may tubig na agad yung baga. dibale malay mo ok na ko sa October. inom na lang tayo ng fresh milk.

3. hoki - Agosto 5, 2010

pagaling po kayo…. ^^

gasti: salamat sa pakikiramay. eto nga pala yung biskwit mo at kape. wag ka na mahiya.

4. Jeck - Agosto 5, 2010

master gasti, mabuti naman at pa-okey ka na. hinahagilap kita sa ym at sa FB pero wala ka e. yun pala etong nangyari sayo. sabi saken ni glenn nagbakasyon ka lang daw sa timbuktu. hehaheha!

pagaling ka ah, maglalaban pa yung mga gundam natin sa october pagbalik ni glenn dito.šŸ™‚

gasti: sus pag napunta ka sa fb wall ko puro “get well soon” makikita mo. sige sa October siguro naman medyo maayos na itsura ko noon. bubuuin ko pa yung ibang gundam.

5. lio loco - Agosto 6, 2010

hindi ako relihiyosong tao pero para sa mabilis na paggaling mo ser, at pati na rin sa anak mo, mananalangin ako sa itaas nang walang pagdududa’t pag-aalinlangan. maige na ‘yang naagapan agad kesa dumating pa sa puntong di na kayang gamutin.

pagaleng ka ser gasti! ganun din sa anak mo.

will pray for both of your speedy recovery.

gasti: salamat lio. mahirap talaga sitwasyon ko ngyon..hindi pa rin bumabalik ang gana ko sa pagkain. buti pa yung anak ko laging nabubusog.

lio loco - Agosto 14, 2010

pag magaleng na kayo ser, libre ko kayo ng sandosenang pekpek at tatlong bucket ng beer. :p

the tab’s on me. all the best ser gasti!

gasti: salamat sa imbitasyon. bawal pa ang beer sakin eh pero yung sandosenang pekpek pakihugasan muna ah..siguraduhin mong fresh yan.

6. abou - Agosto 8, 2010

isang linggo na rin ako nakaratay dito sa kwarto, lagnat, trangkaso. di ko pa talaga alam kung ano dahilan ng lagnat na to. gusto ko ng mga sorpresang sakit

gasti: medyo matagal na yang lagnat na yan ah. pacheck up ka na para alam mo na yung susunod mong gagawin. uso talaga sakit ngyon eh.

7. chelly - Agosto 10, 2010

kakalungkot nga ung ganyan..wala kang bisyo tas mgkakasakit ka pa ng ganyan..basta po pagaling ka nalang, sundin u nlng po ang bilin ng doctor pati sa pagtake ng med. minsan po nkakainis pero un ang mkkgaling satin kaya kailangan gawin..ako po takot sa karayom,last time ngpa general check-up ako umiiyak ako habang hinihigop ng syringe ang dugo ko..

teka bat ba ngkwento nako..eh ang sasabihin ko lng dapat GET WELL SOON..! hehešŸ˜‰

naligaw po, nagbasa, nagandahan, nalibang sa mga post, ngcomment, magpapaalam pero babalik din.. welcome naman po bumalik diba?

pagaling ka kuya..godblessyou..!

gasti: thanks chelly! pinagpapatuloy ko pa rin naman ang paggagamot kasi kailangan nga. sana nga umepekto na yung gamot eh parang wala naman kasi.
wag mo na iyakan sa susunod yung pagkuha ng dugo. hindi mo naman ikamatay yun eh…hehe! at welcome ka dito anytime pwede ka bumalik. God Bless din.

8. apollo - Agosto 11, 2010

pagaling ka pre.

9. metaporista - Agosto 11, 2010

Pagsubok lang yan boss.. Ikaw na rin nagsabi na di ka naman nagyoyosi at lasenggo at mabuti ka sa pamilya.. Kaya wag po ninyo isipin na parusa yan.. Ang mahalaga po ay naagapan pa, di tulad ng sa tatay kong biglaang nawala. Pagaling po kayo.

gasti: masyado lang ako maraming iniisip saka aburido ako sa tuwing oras na ng pag inom ng gamot. ayoko naman nung biglang mawawala. pero sana next time makadiscover sila ng gamot sa tb na 1 week lang yung gamutan.

10. Gelo - Agosto 12, 2010

kawawa nman..ako nmn ilang beses na pinapipilitan ng mga magulang ko n may TB ako dahil ubo ako ng buo at ampayat payat ko, pero it turns out, allergy lng pala..hehehe

oi, seryoso pre, pagaling ka.

libre kita eat-ol-you can pag magaling ka na! lol! hahahaha…

gasti: buti naman at allergy lang yung sayo. problema lang dyan eh pabalik balik kaya lifetime pag iingat din kelangan.

11. Bon - Agosto 12, 2010

hala, idol magpagaling ka. at sana maging ok na ang lahat.. kapit lang at makakatapos kadin at magkakaroon ng masayang pasko! =)

isipin mo na mas marami pang mas naghihirap ngayon ang kalagayan kumpara sa dinaranas mo at sila din, tulad mo.. hindi ganung kasama at yung iba wala pang muwang.. basta dasal padin at magiging maayos uli ang lahat!

cheer up men!

gasti: aywan ko na lang yang masayang pasko. hindi ko na nga iniisip yan eh..dati andami ko plano pero ngyon na nagkasakit ako wala na kong gana sa mga events. mas ok pa humiga na lang sa kama at matulog. tapos paggising ko 2011 na at pwede na ko magsimula ulit.

12. TARAGISā„¢ - Agosto 12, 2010

get well soon gasti!

13. myk - Agosto 13, 2010

Kulang ka lang sa alcohol sa katawan pare hehehe

gasti: liver lover na ko ngyon pre.

14. antuken - Agosto 13, 2010

naco, mahirap nga yan. at kawawa naman ang anak mo. i know for sure how awful the meds taste (ng primary complex). are you getting your meds for free? you could ask for free meds sa mga health center. sure ako dun kse yung asawa ng pinsan ko, nahingan namin ng mga gamot kse ang hipag ko tinamaan din nyan.

ang masaklap pa – no kissing, no sex. parusa ng todo-todo di ba? buti nga ngayon madali na sya ma-cure unlike before. hope you get better soon. tiis muna for 6 months.

gasti: wag mo na ipaalala yung mga masasaklap na part..hehe! hirap na nga eh! sa ngyon minomonitor ko na lang yung weight ko kasi puro loss na lang at wala na ko na-gain. pagod na pagod na nga ko sa kakainom ng gamot.
binibili ko yung lahat ng gamot pati vitamins. magastos nga eh. bale 7 lahat iniinom ko isang araw. wala naman ako mautusan pumunta ng health center para sa libreng gamot.

15. Jam - Agosto 14, 2010

Pagaling po kayo….buti nga at nagagamot na yan now unlike before db…konting tiis pa magiging oks na rin kayo..nakibasa lng po..mag iingat po kayo…

gasti: yun din sabi ng doktor. mas madali na daw gamutin yan ngyon compared dati. pero mahirap pa rin para sakin uminom ng gamot. pero wala naman ako magagawa kundi magtiis. salamat nga pala sa pagbisita.

16. ghienhel - Marso 4, 2011

napadaan lang po, curious po ako sa status nyo…kamusta na po kayo now? ang mister ko po kasi eh nagkaroon din ng tubig sa lungs this january lang,bigla lang din, hindi din sya smoker at lalong hindi drinker,malamang nga din po na naexposed siya sa taong may TB.But with all the lab tests done, puro negative po ang lumabas sa result nya.dumaan pa kami sa TB Diagnostic Center para malaman kung pano ba talaga siya gagamutin pero negative pa din for TB, so, ang nangyari niresetahan sya for pneumonia for 2 weeks, nakaka 1 week na siya ng inom ng gamot, next week balik ulit kami for follow up sa doc. at di po biro yung price ng meds lalo na yung antibiotic na nireseta.bakit kaya ganon?negative sya sa lahat ng lab tests nya,even yung water na nakuha sa lungs nya,pinabiopsy ko sa lung center,negative pa din. problem nya now is yung hingal nya at minsan hirap hinga at sakit dibdib

gasti: medyo naguluhan po ako sa kwento nyo. yung sakin kasi, nung malaman pa lang na may tubig sa baga after ng xray, suspected agad na either pneumonia or tb at na-confirm naman na tb after ng urine at blood test. eh yung sa mister nyo po puro negative ang sabi nyo eh at madami na yata kayo napagtanungan na doktor. baka naman po pneumonia yun pero sa pagkakaalam ko, pareho lang naman ng gamot na nirereseta sa mga may tb.
ok na po ako ngyon kumpara dati. yung first 2 months talaga pinakamasaklap. hihingalin ka talaga, magsusuka at mawawalan ng gana kumain. ituloy nyo na lang po pagpapacheck up para makasigurado kayo. gagaling din po sya. tyagaan lang sa pag inom ng gamot at pag iwas sa mga bawal.

17. James - Abril 2, 2011

Parehs pla tyo kuya aq dn po kc ng june ncopine s karuhatan mdical center ngaun po e2 nkarecover n pero po aq 1 m0nth lng ngpahnga pasok n ul8. Mabigat p nga po work q kc ngbu2hat aq. Payo q lng s mga k2lad ntin n tnamaan ng pesteng kinang inang sak8 n peunomonia mgka2in kyo ng gulay at ung gam0t pero q d q n nai2loy ung pginum ng gm0t dnaan q nlng s gulay araw2 at gatas at xmpre exercise papawis every m0rning po mglakad lakad po tyo. Sna gmaling nrn po lhat ng my sak8 n gni2. Maswerte pdin kyo at sip sip ang pinangkuha ng 2big s baga nyo aq kc nilagyan ng 2bo s tagiliran at snlake ng tubo s nawasa. Pero mgaling n ung sugat at peklat nlng grabe tlga. Ngaun nman makirot lng po pagmalamig kh8 mgaling n. Share q lng history q n mg 1 yr n dis c0ming june .

gasti: sinlaki ng tubo ng nawasa? fuck! ganun nga rin una naisip ko eh kaya natakot ako. yun pala tusok ng karayom lang tapos madaming anesthesia kaya wala ka na din halos maramdaman. haaays. salamat sa kwento mo buti ayos ka na rin. sana nga lumakas na mga resistensya natin para wala ng dumapong mga sakit.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: