jump to navigation

masarap sanang kainin yan Setyembre 15, 2010

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
trackback

ikinalulugod kong ipamalita sa inyo na buhay pa ko. gusto ko lang magpasalamat sa mga bloggers na nag alay ng dasal at nagtirik ng kandila sa tapat ng bahay nila. back to work na ako ngyon pero hindi ko pa masasabing ayos na ko dahil hindi ko pa rin nababawi yung 18 precious pounds na nawala sakin nung nakaraang buwan. napakahirap pa naman magpataba lalo na kung wala naman gana. minsan nagtatalo pa yung bibig ko kung spit ba o swallow. natural mas ok kung nilulunok.

sweldo na naman pala. may ngiti sa mga labi ng boss ko nung iniabot nya sakin ang payslip ko. sa isip ko eto na. eto na yung matagal naming inaantay na grasya. pero hindi pa rin ako masyado kumbinsido baka ngiting aso lang yun. sinipat ko maigi yung payslip at tinimbang sa palad ko. mabigat yata. parang tanga lang. tinanggal ko ng dahan dahan yung staple na nakadikit sa papel at unti-unting binuklat ang payslip.

anong kababalaghan to? nagtatalo yung mukha ko kung malulungkot ba o matutuwa. meron akong 5% increase! pfffffttt! para lang ako nilimusan. at eto pa ang bago, 500 pesos increase sa rice subsidy! salamat na din. tapos syempre binalingan ko na yung mga deductions…nakow ang saklap! 11 days absent. ibig sabihin, wala akong suweldo. tanginangyan.

akala ko ganun ganun na lang at uuwi na naman akong luhaan pero akalain mo nga namang may nakalagay pala sa ibaba na “bonus”. at mas malaki pa kumpara dun sa nakuha ko last year. minsan maigi rin talaga yung hindi ka umaasa eh! malay ko bang ibibigay na ngyon yung perang nung Abril pa namin inaantay..hehe! ayos to! may pambili na ulit ako ng laruan,alak,sigarilyo,shabu,steroids,babaeng seksi at makinis, at pangsugal. pero hindi sa mga yan mapupunta ang perang ito. dahil mahal ang gamot at vitamins na iniinom ko at kelangan kong kumain ng saku-sakong rice at ulam.

salamat sa eat bulaga, kay bossing pati na rin sa EB babes. malaking tulong na po itong pera sakin.

Mga Puna»

1. lio loco - Setyembre 15, 2010

magandang balita nga ito, ser gasti! hindi lang ‘yung limpak-limpak na salaping maiuuwi mo kundi ‘yung unti-unting pagbalik ng kalusugan mo.

tanong ko lang: matutuloy ba tayo sa oktoberfest na dadayuhin pa ng malanding blogger mula sa cebu?

itsnaystubibak!

gasti: naku parang hindi na ako sigurado sa lakad na yan. lugi naman ako kung nakatunganga lang ako at umiinom ng icetea habang kayo eh nagpapakalunod sa alak. wrong timing kasi tong sakit ko eh. kung sa pagkain naman hindi pa rin ako makakain ng madami kaya lugi rin. ewan ko hindi ko pa alam.

2. Gelo - Setyembre 15, 2010

welcum back master gasti..pacheese burger ka nmn jan! hehehe…

gasti: salamat gelo. pwede na ba yung angels burger na buy 1 take 1? haha!

3. chyng - Setyembre 16, 2010

mabuhay!
uhm kung ayaw mo ng 500, patusin ko yan.. hehe

gasti: hello chyng! yung sa rice subsidy ba? hehe! pantawid gutom na rin.

4. Jakey Junkie The Bunny - Setyembre 16, 2010

Oh, idol. Buti’t back to the drift ka na. Hinay-hinay lang para bumalik ang resistensya.

Abstinence muna.

gasti: andami ko nga gusto kainin eh pero wala namang gana. dun sa ano meron akong gana kumain pero ayaw naman ipakain. ahehe! saklap ng buhay.

5. antuken - Setyembre 18, 2010

wala ka bang sick leave? ang alam ko pwede mong i-file sa SSS na additional sick leave yung excess ng company leave credits mo. para may bayad ka pa rin dun. nice to hear that you’re on your way to recovery. dati problema ko rin ang laging underweight. nag-resign lang ako from work, ngayon 4 lbs overweight na ako. shiyet. hirap tanggalin. grrr.

gasti: naubos na yung sickleave ko nung July pa. mahigit isang buwan din kasi ako nakaleave eh saka 6 days din ako sa ospital. nakapag file naman ako sa SSS kaya lang wala pa ko natanggap.
4 lbs lang yan. kaunting jogging lang at less rice mawawala rin. ako nga eh malayo pa ang hinahabol kong proper weight. yung hindi pang malnourished.

6. Maldito - Setyembre 19, 2010

mabuti naman at buhay kapa…atleast may pagkatataon pa na mapabuti ang katawan…ayus? alagaan lang ng mabuti dahil binigyan kapa ng chance….

sige lang..magpapakalasing nalang tayu sa ice tea..ahahaha..

gasti: parang 2nd life na to noh? nalagpasan ko na siguro yung worst days ng pagkakaron ng sakit na to. mas maayos na nga ang itsura ko ngyon kumpara dati. sagana na ko ngyon sa juice at fruit soda. ayan wala muna alak. liver lover muna tayo.

7. apollo - Setyembre 20, 2010

okay at magaling ka na brod. bawi na lag sa paglamon. hehe! galit ka na ba sa company mo? apply ka na samen. haha!

gasti: matagal na masama loob ko dito sa kumpanyang to. safe na ba dyan sa pinapasukan mo? baka magtanggalan na naman..hehe! gusto ko sure win naman yung lilipatan.

8. smasherjane - Setyembre 20, 2010

gasti, di ko gets. bat ka nag-thank you sa eat bulaga?

tska hello pla ulit. tagal ko rin di nkadalaw sa malibog mong sitešŸ™‚

gasti: nevermind. nag aadik lang. nasobrahan sa kakapanood nung sugod bahay portion sa Eb habang nakabakasyon.
hello din! nagbabasa pa rin ako sa blog mo. pareho tayong bihira mag update. hehe!

9. bonistation - Setyembre 28, 2010

good to hear na ok na! =) sako sakong bigas haha taragis!!!

gasti: tuloy pa rin ang gamutan pre! hindi ko naman masabing back to normal na dahil hindi ko pa nababawi yung malalaki at bulto-bultong muscles sa katawan ko.

10. chelly - Oktubre 18, 2010

congrats po..! magaling kana pala.. ngayon lang ako lit napasyal dito..

11. Pilosopo Basyo - Oktubre 22, 2010

Sobrang natawa ako sa biglang pagbati niyo kay Bossing at sa EB babes. Guilty pleasure ko ang manood ng Sugod Bahay.

Pasensya na at nakigulo ako dito, katoto. Napadaan lang.

gasti: ako nga rin eh lagi kong inaabangan yan pag nasa bahay ako ng tanghali. nahawa na tuloy.
o sya salamat sa pagdaan. enjoy ur stay.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: