jump to navigation

sa facebook na lang tayo magkamustahan Setyembre 28, 2010

Posted by gasti in muni-muni moments, one day in my life, to whom it may concern.
trackback

dalawang buwan na ang naigugol na panahon ko sa pag inom ng gamot. meron pa kong natitirang 4 na buwan para mag adik. ambagal ng asenso ko kung meron man. minsan may gana, minsan para ka namang buntis dahil sa maya’t mayang pagduduwal. tapos magtatae pa. what a shitty life.

nagmamadali na naman ako pumasok kanina dahil antagal ko lumunok ng gamot. yan ang kalbaryo ko tuwing umaga. hindi pwedeng kumain hanggat hindi pa nakakainom ng gamot. medyo tagmalas pa kasi traffic. naglalakad na ako ng mabilis papuntang building namin ng may mamataan akong isang pamilyar na mukha. “parang kilala ko tong mamang to”. nung ngumiti sya saka ko lang nakumpirma na sya na nga. klasmeyt ko sya nung hayskul at pareho kaming naging CAT officer. pareho kami ng kolehiyong pinagtapusan. pareho  kaming pasko ang birthday. napansin nya agad ang kapayatan ko.

tinuro nya yung building nya kung saan sya nagtatrabaho. siguro mga sampung tumbling lang mula sa kinaroroonan namin. at isang oras pa bago ang pasok nya. kakaumpisa nya pa lang dun. ako naman dahil sa hindi marunong tumambling kaya sabihin ko na lang na 30 hakbang na hindi normal. malapit lang din. mga tatlumpung minuto rin kami nag usap ng mga pangyayari sa buhay namin nitong nakalipas na mga taon. medyo nanibago lang ako kasi hindi na nya ako inaasar. matino na sya kausap at wala ng halong pisikalan. siguro ganun talaga pag tumatanda. bakas ko na rin sa mukha nya ang pagod ng isang inhinyerong nagsisikap magtrabaho para sa kanyang pamilya. nagpalitan na kami ng celphone number at nagpaalaman na din dahil baka ma-late na ako sa trabaho ko at sumasakit na ang batok ko sa pagtingala sa mokong na yun na sa tantya ko eh 6 footer na. nagpahabol pa sya na kumain daw ako ng madami at mag-gym para lumaki na katawan ko. ibang klase talaga nagagawa ng panahon.

kung babalikan ko yung pagkakakilala ko sa kanya dati, palabiro sya at walang gustong tumawag sa totoong pangalan nya dahil kalapastanganan daw yun sa Diyos. kahit mga teacher ay binibinyagan sya sa ibang pangalan para makaiwas tawagin yung pangalan nyang “Hesus”. kasama sya nung isa pa naming kaklase na “Christ” ang pangalan pero mas tanggap yun kasi may 2nd name pa. etong si Hesus kundi mo tatawagin sa ibang pangalan, pwede rin naman sa apelyido gaya ng nakaugalian na namin sa CAT.

minsan talaga napapaisip ako eh. ano ba yung mga pinaggagawa ko nung college at hindi ko man lang nabigyan ng oras yung mga kaibigan ko nung hayskul. dahil ba sa wala akong pambili ng cellphone noon kaya bigla na lang nawala ako sa sirkulasyon pagkatapos naming gumraduate. eh magkakalapit lang naman bahay namin pero hindi kami nagkikita. gustuhin ko man makasama sila pero sa ngyon karamihan na sa kanila ay busy na. may kanya kanyang buhay at marami na rin ang nangibang bansa. nagkakamustahan na lang sa facebook. lahat sabik. lalo na yung mga asensado na sa buhay.

Mga Puna»

1. lio loco - Setyembre 28, 2010

mamaniin mo na lang ‘yang apat na buwan na ‘yan ser. sana nga tuluy-tuloy na ang pagtaba. ako eh taghirap pa rin kakabuhat ng tone-toneladang bakal. ohohoy! ang hirap talaga magpataba.

at ang karamihan nga sa mga sabik na sabik sa mga reunion shit na ‘yan eh yaong mga mayayaman na at asensado sa buhay. nagmumuka tuloy payabangan ang dapat sana eh sinserong kumustahan.

good health ser gasti! \m/

gasti: salamat lio buti naman at hindi ka pa rin nagsasawang magbuhat. tuloy mo lang yan at unti-unti mo rin makikita ang bukol ng tagumpay. haha! tyagaan lang talaga eh.
pansin mo ba na yung mga nag oorganisa ng reunion eh yung titulado na at sagana na sa pangkabuhayan showcase. para sakin nga mas gusto ko na lang makipagkita sa piling kaibigan kesa sa mga grand reunion na yan kasi hindi ako sanay sa plastikan at maramihang kamustahan. saka hindi rin pala ko ubra ko ngayon sa inuman.

2. IKAY - Setyembre 28, 2010

mostly na rin sa mga classmates ko nung highschool and college eh sa facebook ko na lang din nabalitaan ang mga bagay na nangyari sa knila at gnun din nman sila sken…at laking pasalamat ko din at ngkaroon ng gnyang social site kc from there ngkakaron ulit tyo ng communications sa mga taong naging bahagi ng ating nakaraan.

And sana gumaling ka na manong gasti, pra nman happy ka na… ^__^

gasti: naninibago nga ako minsan sa mga itsura nung iba kong kabatch. karamihan tumaba at nagpapakasosyal na sa suot at pagtatravel abroad. payabangan talaga sa facebook na yan. puro kabaduyan ang mga status.
sana nga bumilis na anng recovery ko kasi naiinip na ko. ayoko ng maging mahina.

3. Gelo - Setyembre 28, 2010

kaya yan boss gasti, konting tiis!:D
ako kelan pa ba kaya matutuloy balak kong mag-gy? hanggang balak nlng ata, 3 years ko nang binabalak e…hahaha…

buti nlng bagay sakin maging payat..hahahaha

gasti: haha! matagal din ako nasa planning stage kasi nahihiya ako walang kasama. kinapalan ko lang mukha ko kasi gusto ko magexercise. nasanay na yung mga tao makita ako payat pero ang masama ngyon sasabihin pa nilang pumayat ako. ang hirap pa naman magpadagdag ng timbang.

4. Maldito - Setyembre 29, 2010

yan talaga ang buhay….noong highschool ang daming oras walang pera..ngayung meron nang pera wla namang panahon….tae lang kasi. napaka ironic.

ako? mukhang nasulit ko rin naman ang hyskul life ko…masaya rin naman..wala rin namang pinagsisihan..

at oo salamat sa facebook….frends na kami ng mga kaaway ko..yun nga lang. tuloy parin ang bangayan online…Rock oN! ahahahaha

gasti: peace loving citizen na ako eh kaya naniniwala akong wala akong kaaway. minsan lang yung misis ko kaaway ko. haha!
siguro kung maganda pa pangangatawan ko nung hayskul ay sobrang nasulit ko ang haskul life pero ayos na din matulis naman. natutuwa lang ako kasi yung mga nambubuly sakin noon ay mababait na. yung isa patay na.

5. Jakey Junkie The Bunny - Setyembre 30, 2010

Medyo ramdam ko ‘yung ramdam mo na nawala na lang sa sirkulasyon pagkatapos ng High School. Nag-relocate kasi ako sa Makati. Nu’ng una, manaka-nakang text pa. Tapos wala rin. Ngayon nga kahit may Facebook at friends ko ang may isandaan sa mga ka-batch ko, hindi rin ako masyado nakikibalita. Ewan, tinatamad ako e.

*cue “Where Are You Now” here*

gasti: nakakatamad naman talaga maghagilap ng mga tao. pero sa isang banda, tinamad din naman silang hagilapin ka. patas lang. pero mas masarap pa rin kasama yung talagang mga kababata mo.

6. apollo - Oktubre 1, 2010

pre.. okay lang na medyo payat tayo ngayon. after 30 years of age, a human body will gain an average of 1 pound per year. that’s a fuck, este fact! hintayin na lang natin na tumaba at bumigat tayo. haha!

gasti: 1 pound per year? haha! ambagal din naman pala ng pag asenso. naiinip na ko gusto ko na ulit magbuhat.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: