jump to navigation

natuloy din Oktubre 21, 2010

Posted by gasti in muni-muni moments, one day in my life, to whom it may concern, wasakan.
trackback

kasalukuyan akong nasa talyer at nagpapagawa ng basag na salamin ng sasakyan ng biglang may nagtext. si maldito pala. nakarating na sya ng Makati at ready to fight na. syempre gaya ng napag usapan, i-tour ko sya sa lugar namin para maka-attend na rin sya ng birthday party ng anak ko pero nung pagpindot ko ng reply button sa cp ko, *Boom! it became coco crunch! tangnang bulok na celfon yan deds agad.

madilim na nung makauwi ako pero sakto lang. simula pa lang ng kainan kaya sinubukan kong ayain ulit si maldito pero tinamad slash nahiya na kasi gabi na daw. ayos lang sabi ko pwede naman bukas saka sa monday yung talagang rakrakan na kasama ng ibang blogger friends. tapos maya-maya nagtxt ang loko. nakipag eb pala kanila gasul…haha! wattafriend. hectic naman pala ang schedule.

nung linggo naman nag mall tour naman sya at nagsimba kasama si “the one”. at ako naman? balik sa talyer at nagpaayos naman ng mga tail light, park light at 3rd brake light. may liwanag ang buhay. pagbalik ko sa bahay, kapatid ko na lang inabutan ko at isang malaking maleta. pinapalayas na ba nila ko? saan ako nagkamali?! naalala ko na ngyon pala yung alis ni misis papuntang India. nagsimba pala muna sila kaya wala akong dinatnan. nasa labas na rin yung taxi na maghatid sa kanya sa airport.

pagdating ni misis ay kinuha lang ang maleta at nagpaalam na rin sakin. medyo nasanay na rin ako sa ganitong sitwasyon. buhay binata na naman for a week. pag ganitong panahon parang mas excited pa yung mga kaibigan ko kesa sakin. marami na kaagad silang nakaplanong lakad.

araw ng lunes. ang itinakdang araw para isuko ko ang aking virginity. wala ng atrasan ito. ipapakita ko na sa mga piling kaibigan na bloggers kung ano ang nasa likod ng pinilakang tabing. Gasti Houtenco po at your service.

pagkatapos ng dramahan namin ni Jeck sa ym ay napilit ko rin syang sumama. langyang Jeck to parang nagdalawang isip pa pumunta eh minsanan lang naman. napagkasunduan namin magkita sa lugar kung saan maraming tukso. sa Toy Kingdom. sa picture pa lang kami nagkita ng mokong na to kaya medyo alanganin ako kung makilala ko agad sya. tapos magulo pa ang description. kamukha daw nya si John LLoyd Cruz. o sya sya maghahanap na lang ako ng panot. pagdating ko ng Megamall eh diretso na agad ako sa meeting place. may napansin akong lalaking mukhang tibo na lumabas galing sa kalapit na store. “Uy Jeck ikaw na ba yan?”. huli ang loko. sumakay agad kami ng taxi at dumiretso na sa Metrowalk kung saan naghihintay na si Maldito at Antuken. nakuha na rin namin ni Jeck yung pasalubong na shirt. astig! kamukha ko na si Lapu-Lapu.

ayan nabuo na yung tito, vic and joey. inaantay na lang namin yung ibang Dabarkads. napapasarap na yung kwentuhan namin pero yung isang blogger na nagtatago rin gaya ko eh hindi pa dumarating. mahigit isang oras yata naghintay ng taxi at nakikipagpatintero kay bagyong Juan. naunahan pa sya dumating ni Jane na bagong gising lang. order ulit ng alak na nakalalasing. at sa wakas after 23 yrs ng kapanganakan nya, dumating na rin sya. pormalan ang itsura at naka necktie pa. itago na lang natin sya sa pangalang “Allison”.

order ulit ng pagkain at alak. at maya maya pa eh nagsisimula na silang mamula. mas malala yung kay maldito kasi puro pantal na dahil sa allergy. lasing na sila lahat at ako na lang ang natitirang matino. syempre pa. iced tea lang yung ininom ko. potah! bottoms up pa tayo!

pansamantagal eh umuwi na rin si Cinderella Antuken kasama si Jeck. malayo pa kasi ang inuuwian nila kelangan mo pa magbayad ng toll fee. bitin ang kwentuhan kaya nagstay pa kami. lumipat lang ng kabilang table.

order ulit ng nakalalasing na inumin at iced tea. anlakas talaga ng tama ng iced tea. lagi akong naiihi. anyways, tuloy ang kwentuhan. nakalimutan ko pala banggitin na andun na rin sa umpukan yung babaeng kasama ni Maldito magsimba. at si Tony yung ka-buddy ni Maldito na na-meet ko na rin last year. disabled daw sya kaya may interpreter. hehe! medyo tahimik kasi pero mabait naman. nag work sa BIR. diba mababait naman mga tao dun?🙂

sa katagalan, hindi mo na makausap ng matino si “Allison” at Maldito. lasheng na ang mga bitch kaya kami na lang nagkukwentuhan nung babaeng kasama ni Maldito nagsimba. nakainom din sya pero onti lang. tamang lakas ng loob lang para ikwento kung paano nagsimula ang lovelife nila..ahehehe!

maya-maya pa, nagmumurahan na yung dalawa at nag aantay na lang kami kung kaninong dugo ang bubulwak nung mga oras na yun. ang sweet nila panoorin. parang isang BROmance. haha! natigil lang ang pagkakalmutan nila nung mapansin ko yung jacket na suot ni “Allison”. parang bagay sakin. di ko alam na napaka generous naman pala ng taong to pag nalalasing. dali-daling hinubad ang jacket at iniabot sakin. swerte! sa isang iglap eh may bago na akong Naruto jacket. isinilid ko agad sa bag at baka bawiin pa. lols! pati nga sana yung suot na long sleeve shirt at necktie eh gusto ng ibigay sakin pero ako na ang tumanggi. napakagalante ano? kelan ba yung next inuman session?! haha! salamat ulit.

nagpaalaman na rin kami dahil umaga na at may pasok pa. mukhang bitin pa rin sa kwentuhan dahil hindi naman lahat eh nakausap mo ng matagal pero ganun talaga. may next time pa naman. at sa susunod, sisiguraduhin kong matitikman ko rin yung mga alak na inorder nila. bottoms up! bottoms up! repeat after me.

Mga Puna»

1. Jeck - Oktubre 21, 2010

gago ka master gasti! laglagan na ba to? o kailangan ko ring magkwento tungkol dito at ilaglag ka sa sarili kong blog? HAHAHAHA
itatago kita sa pangalang Christian Yapchiongco! wahahaha

astig, sobrang nasiyahan ako sa eb natin. at iko-correct ko lang na di naman ako napilit sumama, yung text pa lang ni maldito na may pasalubong syang shirt saken, nag-isip na akong sumama e! hahaha. tsaka nandun si ate chona, pag di ako sumama bugbog sarado ako dun.

o sya, sa uulitin. sana ako naman ang mabiyayaan ng jacket. calling calling allison!😀

gasti: kasi naman pipili ka lang ng makaka-kamukha eh si john lloyd cruz pa. dapat yung malapit lang..parang ako saka si Jake Cuenca. lolsjoke!
ayun naman pala. nakuha sa pasalubong. haha! takot ka din pala kay ate chona? buti talaga at pumunta ka. enjoy naman eh saka bihira talaga mangyaring nakumpleto tayo. congrats satin.
next time magpaumaga ka na din para sulit. si maldito din pala nabigyan ng murakami book. daming benefits.

Allison - Oktubre 21, 2010

mga pota kayo! hindi ako pagawaan ng jacket. hahaha!

special si ser gasti. special child. isa sa mga huwarang manunulat ng buladaspir kaya kelangang pagbigyan. siguro kung si badoodles idol din ang makikita ko, pati puri ko pa ang ibibigay ko. lol!

hanggang sa susunod na kampai kampai! \m/

gasti: nakanaman may special effects pa! eh ikaw nga dyan ang madaming fans at madaming umiidolo. lalo na ang mga chiching na handang mag alay ng kabukiran para mapansin mo lang. pero salamat na rin at ang mga katulad mong generous ang nagiging inspirasyon ko para ipagpatuloy ang pagsusulat.

2. Allison - Oktubre 21, 2010

hahaha! taena ser. bat allison pa ang ginawa mong pangalan dito? sana ‘yung nauna na lang. mas lalakeng lalake.

correction: 23 pa lang ako. si maldito ang 25 at si jeck ang 27. at kayo ay…31 ba? o 30? lol! hindi ko na maalala ‘yung sinabi ni maldito.

pakidowny na lang si naruto para sakin. sabi ko nga kay maldito kahit maglakad pa ako nang nakahubad para sa’yo ser gagawin ko. pero siguro kelangan ko pang magbuhat ng maraming marami pang weights.

dabest ang inuman session. mas aastig pa sana pag kasama ka sa lashengan ser. ihanda mo na ang puri mo sa susunod. wala ka nang kawala. \m/

gasti: haha! eh codename lang naman yan para di ka makilala. huy 27 lang kaya ako..lasing ka na kasi kaya nakalimutan mo. pero salamat talaga dun sa jacket. hindi ko lagi gagamitin para hindi madali malaspag.
wag ka mag alala. pag nabigyan na ko ng go signal uminom, ipapaubaya ko na sa inyo ang katawan ko.

Allison - Oktubre 21, 2010

ahahaha! sori na ser. sabi ni maldito (o si jeck ata ‘yun) na 30 ka na raw. o talagang lasheng na ‘ko. howel…

at hindi ko pa rin talaga makasanayan ‘yung pagbigkas sa pangalan mo ng malumanay.

rumaragasang “gasti” pa rin as in “tigas.” pagaleng ka ser! \m/

gasti: kahit anong bigkas pa yan ayos lang. pero hindi ba tunog probinsyano ang Gaste? haha! sige ikaw na bahala. ikaw lang naman tumawag sakin ng ganyan.

Jeck - Oktubre 21, 2010

huy 26 pa lang ako, ALLISON na pang-babae ang pangalan! LOL

Allison - Oktubre 21, 2010

o eh di 26, JECKERSON na mukang babae. haha!

3. The Gasoline Dude - Oktubre 21, 2010

Indyanero pala si Jeck. Hinahanap ko siya sa Metrowalk nung Sabado wala naman pala. Sa ibang EB pala napunta. LOL

gasti: haha! magkaibang araw naman yan pre. lunes yung kitaan namin eh. pero dalhin mo na lang si Jeck sa presinto para makapagpaliwanag.

Jeck - Oktubre 21, 2010

insan gasul, hindi ko alam na nandun ka. (narinig ko lang kung saan na uuwi ka, pero hindi confirmed.)sorry. pero kung nalaman ko na nandun ka talaga nung sabado sa metrowalk baka… at tsaka hindi ko talaga alam. basta, pa-baranggay mo na lang ako. hahahaha

4. apollo - Oktubre 21, 2010

Allison, nice name. haha! Sayang pre at hindi ka nakasabay sa inuman nila. Bawi na lang next year.

gasti: codename lang yan anubakayo! hindi yan totoong pangalan. ako lang naman yung hindi uminom ng alak kasi bawal pa.

5. Maldito - Oktubre 21, 2010

potah..kailangan kong marining ang story kung pano kami nagsimula!!its a love story baby just say yes! ahahaha…ano yun? kayo kayo lang?ahahahhahaa..

sos..gusto ko ngang hingin din ang polo…kaso nahihiya na ako..baka umuwi ang gago naka neck tie nalang..ahahahahhaa..

pero sa totoo lang mas sabog siguro ang lamesa pag nagtagal dun si ate chona at jeck..sayang..tsk tsk

gawin natin to yearly….sabi ni ate chona sa laguna na daw.ahahhaa..kaya pagaling ka bossing..mga next year baka bigyan ka na ni allison (potang name) ng BMW.

gasti: maganda nga ang love story nyo. sana happy ending na. hehe! tinapos agad?
haha! seryoso nga sya na ibibigay na yung longsleeves eh ibang klase talaga. baka nga nektie na lang matira. lalo na kung andun pa si jeck at chona baka umuwi ng walang saplot si Allison. parang naholdap lang.
paghandaan ko yang next year. sana wala ng sagabal na sakit para all the way na ang inuman.

Iskolar ng bayan - Oktubre 30, 2010

expound happy ending… “I’m not a princess, this ain’t a fairy tale
I was a dreamer before you went and let me down
Now it’s too late for you
And your white horse, to come around.” bow.. pagaling ka gasti..tc..

gasti: thanks! sana nga tuloy na ang paggaling ko kasi masyado na magastos ang gamutan.

6. smasherjane - Oktubre 22, 2010

andame pa plang ngyari nung nagdisappearing act ako. nkakainiiiiis, bat diko nkita yuuuuuun…

gasti: haha! kasi naman natulog ka agad paglipat natin ng kainan eh😀

7. bonistation - Oktubre 24, 2010

wow EB! hahaha!

inulit ko ung

BOTTOMS UP!
BOTTOMS UP!

gasti: sarap ulitin ano? mas ok nga sana yan kung hindi iced tea yung laman ng baso ko. hehe!

8. chingoy - Oktubre 25, 2010

ansaya naman nito!🙂

gasti: uy sir jinggoy este chinggoy..hehe! dalaw ako minsan sa kapehan mo ah balita ko masarap daw ang food.

chingoy - Oktubre 27, 2010

after nov3 na sir… closed kami kasi sembreak… M-F 7am-9pm

gasti: ahh ok. bakasyon din pala dyan ngyon..hehe! thanks!

9. glentot - Oktubre 26, 2010

Blogger meet ups are always fun lalo kung mga quality human beings sila… itong gasul talaga na ito sikat na, daming circle of friends!

gasti: matagal ng sikat yan si gasul kasi friendly naman. pero hindi pa kami nagkikita sa personal.
ikaw glentot next time sama ka na samin. gusto ka makita ni maldito kasi magkamukha kayo. haha!

10. Philippines Blog - Oktubre 26, 2010

Buti na lang kahit imbisibol tong blog mo eh kita ko naman. Ako din kasi naisigaw ko kanina na sa wakas NATULOY DIN kami sa pag uwi sa Cavite. hehehe. nice nice. – Ana

gasti: congrats at natuloy din. sarap magbakasyon. sana nga hindi bagyuhin yung pupuntahan namin next week.

11. antuken - Nobyembre 3, 2010

talagang tamad na ako mag-blog, pati blog-hop tamad na rin. ngayon ko lang nabasa itong post mo. hehe.

bitin din ako sa gimik, sayang. ganun talaga pag may asawa na. kelangan makipag-compromise para pwedeng masundan. otherwise, di na ko makakapagpakita sa inyo ulet. hehe.

oi jeck, baket pala christian yapchiongco ang codename na ibibigay mo?

tulad ng nasabi ko kay maldito, next year gusto nyo dito sa laguna? maraming hot springs dito. hehe.

gasti: ako nga rin parang napagod na sa pagkwento. wala pa rin sa tamang kondisyon ang utak.
natry ko na rin yung hotspring dyan sa laguna. dun lang ako nasasarapan maglublob eh kasi ginawin ako. next time siguro pag ok kay maldito.

12. Yow - Nobyembre 3, 2010

Perstaym ko here.🙂 Ang haba ng kwento pero ang fun basahin. Haha. Di nakakasuya. Natawa ko ng solid sa lalaking mukhang tibo. Haha. Talent yun, lalaki ka na kaya mo pa maging tibo. Versatile! Haha.

gasti: hey yow! effortless ang pagkakahawig sa tibo ng kaibigan naming yan pero infairness nakakadagit sya ng mga chiching sa itsura nya. mga bisexual karamihan.

13. Jakey Junkie The Bunny - Nobyembre 4, 2010

Dapat siguro mag-start na ulet akong makipag-meet sa mga bloggers. Ang hirap mawala sa sirkulasyon nang matagal.

gasti: depende rin sayo yan. kasi ako kadalasan nakukuha ko lang din ang mga impormasyon sa pagbabasa at hindi sa meet-ups.

14. xG - Nobyembre 9, 2010

nakatanggap ako ng text mula kay maldito
pero late ko na nabasa
natawa ako sa sinabi ni gasul
na sa ibang EB nagpunta si jeck
nasa aura kasi niya
hahahahaaa

saka natawa din ako
dun sa sinabi nung glentot
quality human beings
may ganun na pala ngayon

sa susunod na october na lang ulit siguro
kapag buhay pa ako
D:

gasti: ahh sabi kasi nya nasa davao ka daw eh. dibale next time na lang. nakaimpake na nga si maldito para sa next year eh. haha!

15. lovely - Disyembre 16, 2010

parang kilala ko si allison dito haha..
si jeck gwapo ba talag sa personal kuya hehe..
si maldito may allergy na pero walang kawala ang alak sknya haha..

gasti: tanong mo kay jeck baka alam nya ang sagot. haha! mabait yun. saka teka…mukhang napupusuan mo si jeck? OMG! humayo ka na at magpakasasa.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: