jump to navigation

pasyal pasyal muna Nobyembre 23, 2010

Posted by gasti in bakasyon stories, muni-muni moments.
trackback

hindi ko na pahahabain pa ang entry na ito at wala rin naman akong importanteng sasabihin. medyo gumaan lang ang pakiramdam ko ngyon dahil medyo ayos naman ang naging resulta sa chest CT scan ko nung linggo. ibig sabihin, hindi pa ito ang huling sakit na dadapo sakin. baka nga meron pa talagang purpose ang buhay ko. marami pa akong tyan na mabubusog, mapapawing mga uhaw, mga babaeng hahagkan, mga semilyang pakakawalan. and so on and so forth.

wala talaga sa ayos ang utak ko simula nung sabihin ng doktor na kelangan ko magpa-CT scan. langyang doktor kasi yun parang gusto pa yatang makasigurong matutuluyan na ako para mapatunayan nya lang na tama yung mga diagnosis nya. anyways, ok na ulit. tuloy lang ang gamutan sa susunod na dalawang buwan.

nakapamasyal na ulit ako sa malayo. this time eh dun naman sa Coron, Palawan. medyo late post dahil nung Nov. 1-4 pa kami andun. ayos naman ang lugar. madaming fish at corals. nagkasubukan din kami ng baga ko sa pag akyat ng bundok lalo na dun sa ilang session ng snorkeling. nakakahingal dahil hindi naman ako sanay ng humihinga sa bibig lang kaya ang ngyari, parang inistraw ko lang yung tubig dagat kapag nilulubog ko ang ulo ko. at hindi ko na alam kung tubig dagat pa ba yung nainom ko o sariling ihi ko na.

hindi lang isang beses na muntikan akong malunod. pero ang pinakamatindi ay yung napalayo ako sa bangka. lumakas ang alon at hindi ko na nakayanan na magkakawag lang pabalik sa bangka kaya nagpatianod na lang ako. nakakahiya naman kung magsisigaw ako ng “Tulong!, Tulong! Saklolo..kelangan ko ng tulong nyo”  mala-parokya ni edgar. effort pa yun. tutal eh mahina na rin naman ako, antay na lang ako na mapansin na lang nila na kulang ng isa ang group kapag nag head count sa bangka. paunahan na lang sila ng mga pating na mag rescue sakin. bahala na sila sa buhay ko. malapit ko na maperfect ang floating.

parang gusto ko himatayin pag nakita ko kung gaano na kalayo yung bangka. pakiramdam ko isa na kong monay na ipapakain sa isda. kanina lang ansaya ko pa. “Help me get my feet back on the ground…won’t you pleaaaassse! help me!”.

humaba na yung bigote ko saka lang may nakaalalang balikan ako. at ang rason kung bakit hindi ako binalikan agad? akala nila nag eenjoy lang ako magpatianod sa dagat. hindi lang nila alam kung ilang santo na yung pinagtatawag ko para lang may sumagip sakin.

eto naman ang bago. sa darating na huwebes ay sasama na naman ako sa fieldtrip ng mga kinder. sabihin na nating hindi naman talaga kagandahan yung pupuntahan dahil pambata yung mga yun. Ark Avilon nga lang yung natandaan ko eh saka yung finale na Star City. pero nakakatuwa talaga sumama sa fieldtrip ng mga bata. yung kulitan sa loob ng bus, picture-an at syempre bonding sa anak ko.  ayun nga lang paniguradong paguran na naman to at magkakasubukan ulit kami ng baga ko.

Mga Puna»

1. IKAY - Nobyembre 23, 2010

good to know at getting well ka na manong gasti…fight lang ng fight!..hehehe
hmmmm…nga pla bakit parang wala kang post about sa laban ni pacquiao at margarito???hindi ka ba nakinood?.. ^_^

gasti: haha! yung sa laban ba ni Pacquiao? tinamad lang ako magpost pero pinanood ko pa rin sa sine yun. syempre adik ako eh. sinama ko na nga rin tatay at kapatid ko.

2. lio loco - Nobyembre 23, 2010

maganda balita ‘yan ser. sana tuluy-tuloy na. tapos magbabasagan na tayo ng bote sa susunod. lol!

at kainamang nakapamasyal ang katawang lupa mo sa lugar na malayo sa usok at trapik. good for the health, ika nga. maski na muntik ka pang gawing agogo dancer ng mga sirena run. hahaha!

o siya, balitaan mo na lang kami sa eskarsyon mo, este…ng anak mo pala sa avilon zoo. \m/

gasti: onga eh konting tiis na lang siguro at masasayaran na naman ng alak ang uhaw na labi ko. haha!
masarap talaga mamasyal sa malayo. medyo napaparami lang ng gastos pero ayos na rin kung minsanan. ang hirap lang talaga pag sa dagat ang destination. sana marunong na lang ako lumangoy para mas mag enjoy ako.
nakaka excite yang fieldtrip na yan..haha! bukas na nga! ihahanda ko na yung mga babaunin namin mamaya.

3. athena - Nobyembre 23, 2010

ang ganda nmn po pla ng pag eenjoy nyo sa dagat ksi ilang santo na ang natawag nyo.. hehehe…
nakikidaan lng po…

gasti: pwede nga sana akong maglakad sa ibabaw ng dagat kung gugustuhin ko lang pero pinili ko na lang magpalutang lutang. sobrang nakakaenjoy kasi. salamat sa pagbisita.

4. Maldito - Nobyembre 24, 2010

potah..palawan? hindi nga? naunahan mo pa ako..gustong gusto ko dun…para lang phuket thailand (basahin ng maayos)! hahahahaa…..magkano ba gastos?

baka punta ako dun sa sweldo ko…dami ko kasing pera eh..like im so mayaman.ahahaha..joke…

chat kita kooya…kailangan ko ng tips papunta dun………

nag ma isa.

gasti: seryoso? mag isa ba kamo? mahirap idetalye yung gastos eh pero kayang kaya mo yun. di ko sigurado kung magkano magastos mo pag mag isa ka kasi anim kami nagbakasyon eh pero irekomenda ko yung hotel package na lang kunin mo para hindi ka na mahirapan mag asikaso.

athena - Nobyembre 24, 2010

pakisabi kay maldito isama nya na lng ako…hahahaha

gasti: so ibig sabihin ba nyan magiging tulay na ako sa inyo ni maldito? haha! masarap dyan sa palawan. andaming tagong lugar.

5. ph1l1p - Nobyembre 25, 2010

makikibaasa lang..

6. lio loco - Nobyembre 26, 2010

may nakita akong nakaparadang mga bus kanina nung pumasok ako sa trabaho papuntang BIR sa quezon ave. sabi ko, mga ekskarsyonista. at bigla kitang naalala ser at ang anak mong makulet. tiningnan ko ang banner streamer na nakakabit sa harap ng bus. sabi, avilon zoo, star city, atsaka isa pang lugar na di ko na nabasa. at may “angel” ang pangalan ng iskul.

kayo ba yun?

gasti: malamang kasabayan namin yan sa field trip pero malabong kami yun kasi number “2” lang nakalagay sa unahan ng bus namin eh. mahaba yung pangalan ng skul ng anak ko pero walang “angel”.

7. antuken - Disyembre 13, 2010

good to hear you’re getting better. i enjoyed palawan too. pero hindi pa sa coron. more on island hopping, underground river etc. pa lang.

love namin mag-asawa ang beach e. hehe.

gasti: parang ganun din naman ginawa namin kasi dami isla dun. puerto princesa ba kayo pumunta o El Nido?
gusto ko rin sa beach kasi presko ang hangin at maganda ang tanawin nakakarelaks.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: