jump to navigation

field trippin (kinder style) Disyembre 1, 2010

Posted by gasti in bakasyon stories, muni-muni moments.
trackback

excited ako bumangon para maligo at ihanda na ang mga gamit na dadalhin namin sa fieldtrip. naisip ko na gisingin na lang ang anak ko kapag aalis na sya. wala ng liguan gaya ng dati. may muta pa pero sugod na to.

balewala ang effort dahil pagdating namin sa school eh nakasakay na lahat ng estudyante. naiwanan ko pa sa ref ang lahat ng drinks na binili ko. at least hindi kami kulelat. second to the last lang. saka wala pa namang 7am.

hindi ko maintindihan kung bakit alas syete ang ginawang pag alis tapos alas nuebe pa pala magpapapasok sa Ark Avilon. ibig sabihin 2 oras ang byahe papunta dun? kalokohan. kaya ko nga harurutin yun sa loob ng 30 minuto eh matagal na yung isang oras kapag traffic. ang ngyari tuloy mahigit isang oras kami naghintay sa labas.

anyways, mabantot talaga sa zoo. wala naman nakakapagtaka dun dahil puro kahayupan ang nakatira. at take note pa daw sabi ni Ms. tourist guide na ang halimuyak ng ihi ng leon ay tumatagal ng 3 days. pero hindi pa rin uubra yan sa mga bumbay na tumatagal ng panghabambuhay ang amoy.

natuwa ako dahil mala-aquarium lang ang kulungan ng ibang hayop at yung iba naman ay nakakawala lang at pwede mo pakainin. pwede ko nga dugasin yung mga ibon dahil hindi umiimik. parang sanay na sila sa mga bisita.

ilan sa mga paborito ko ang siberian tiger at white tiger, lion, jaguar at puma. obvious ba na mahilig ako sa pusa? gusto ko na nga silang ampunin kaya lang wala ako ipapakain sa kanila. at meron din palang isang unggoy dun na malaki pwede ka magpapicture.

ang mga sumunod na pinuntahan namin ay hindi na masyadong makabuluhan sa akin. dahil nakakapagod. may pinuntahan kaming bahay ampunan na hindi kagandahan ang pinagsimulan. eto ang istorya sa literal na eksplanasyon. dati raw dormitoryo yun ng mga kababaihan na nag aaral pa. isang araw may natagpuang sanggol sa ibabaw ng mesa. kawawang bata, inampon ng witness. sumunod na mga araw, naging malamig ang panahon, dumami ang mga nakikitang sanggol na iniwan sa mesa. at ang dormitoryo ay naging ampunan. the end.

nakita ko mismo ang mga batang inabandona ng magulang nila. magiliw silang kumanta at sumayaw pero hindi ko maalis sa isip ko ang maawa. pero hindi ko alam kung ito ba ang tama. para kasing kinunsinti nila ang gawain ng mga babaeng maharot. kung ako ang may ari ng dormitoryo, isang beses lang na mangyaring may mag iwan ng sanggol sa lugar na yun ay nasisiguro kong palalagyan ko na ng hidden camera ang mga paliguan ang bawat sulok ng gusali. huhulihin ko talaga sa akto at bibigyan ng matinding counselling ang mga haliparot na yan. pero ayoko na silang pakialaman. magmumukha pa akong masama.

pagkatapos nyan ay kumain kami sa Mcdo. kasama kasi sa fieldtrip ang pamamasyal sa kusina ng Mcdo (Baclaran area). sa tingin ko talaga aksaya lang ng oras ito. gawin bang crew ang mga bata? tapos wala naman libreng food. bwiset!

ang 4th destination ay Science Entertainment. sponsored by Sumo biscuits. wala akong nakitang hindi ko pa nakita noon actually, napanood ko na yung iba sa Batibot at SineSkwela. wala naman ako karapatang magreklamo dahil sabit lang naman ako dito. mukha namang nag enjoy yung anak ko kaya ayos na rin.

at ang panghuli ay ang pinanabikan ng lahat. ang Star City! sandamukal ang mga bata dahil andami naming kasabayang nagfieldtrip. meron pang mga hayskul na kasama. ibig sabihin, meron ng kakikitaan ng potensyal. hindi na masama makisiksik.

after so many fucking studs, (ayos ah parang torero lang) nakapasok din kami sa entrance. and believe it or not, wala man lang ako ni isang nasakyang ride! potah sayang ang ride all you can ticket. nakuntento na lang ang anak ko sa kaka-slide at kakapanood ng fish na nagfootspa sakin. wala rin kaming napasok na kweba gaya ng Peter Pan at Little Mermaid. kamoteng bata. napagod lang ako sa kakalakad.

share ko nga pala itong picture ko with a very harmless spidey commonly known as Tarantula. ewan ko ba sa mga nanay dun kelangan daw nakahubad ako para animalistic ang dating. kakahiya nga kasi first time ko magpa-photoshoot.

Mga Puna»

1. Jeck - Disyembre 1, 2010

tangena, natawa ako sa picture! may pandesal ka palang tinatago dyan sa tyan mo, di ka namigay dati! hahaahaha!

aabangan ko rin pag nag-field trip na yung anak ko.🙂

gasti: seasonal lang kasi lumalabas yang mga pandesal. next time bigyan kita kapag may natira pa.
masarap sumama sa fieldtrip. nakakapagod lang pero sulit sa kulitan.

2. lio loco - Disyembre 1, 2010

hahaha! tae, ang laki ng improvement sa karakas mo ngayon ser. nakakatakot tumabi! lol!

hamo nang hindi ka masyadong nag-enjoy. ang importante, nag-enjoy si junior! \m/

gasti: nabigla ka ano? parang tindero lang ng pandesal. haha! nag enjoy naman ako sa Ark Avilon. sa ibang pinuntahan parang nagpagod lang ako sa wala.

3. IKAY - Disyembre 1, 2010

nagulat nman ako sa pic. ang akala ko eh irereveal mo na ang iyong kaangkingan…nyahaha!

eh ang importante nman cguro eh nag enjoy si baby gasti mo…hehehe

gasti: kaangkingang ano? haha! virgin pa ako teh! parang fresh lumpia lang.

4. yffar - Disyembre 1, 2010

LOL, ayos sa picture sir ah!😄

ok-na-ok sana ang fieldtrip sa McDo kung my libreng happy meal ang mga bata. sayang at wala.

gasti: ayun nga ang pinagsisikip ng dibdib ko eh! mcdo fieldtrip tapos walang pakain ang potangena!

5. athena - Disyembre 1, 2010

hahaha.. si sam milby pla ang sa pic.. daya naman….hihihi

gasti: pakiramdam ko nasiyahan ka naman sa nakita mo.🙂

6. BON - Disyembre 2, 2010

wahahha nasabik ako kala ko talaga picture mona at makikita kana namen hehe!

mandurugas ng ibon haha! musta na pala ung pusa mo? na dati naghahanap ng kakasta! hahaha!

gasti: sorry naman sa mga nag expect. haha! ok na rin yang ganyan itsura makita nyo para hindi kayo maumay. haha!
ayos naman yung pusa tumataba. saka virgin pa rin sya. kawawa nga eh kaya balak na namin bilhan ng kapareha nya.

7. nielz - Disyembre 5, 2010

Hi! I’ve enjoyed reading your posts.. Nakakatuwa at nakaka relate ako. Xlinks tayo.😀

gasti: binura ko na yung nilagay ko link mo. nagkakalat ka lang ng ganyan comment eh.

8. keko - Disyembre 8, 2010

Haha tae natawa ko ayus ah akala ko naman makikita ko pic.. yun pala si sam milby lang pala. hindi naman ata totoo un pandesal na un >:P

gasti: may halong make-up kc yung pandesal pero totoo naman yan. andami ko na nauto sa entry na to. haha! salamat sa pagbisita.

9. antuken - Disyembre 13, 2010

susko, anlaki ng pinag-iba ng itsura mo mula ng huli tayong magkita a. hehehe.

yung field trip eh hindi naman para sayo. para sa mga bata yun. kaya ang target na pasayahin dun yung mga bata. hindi chaperon. hahaha.

gasti: surprise! haha! paggising ko isang araw nagkaganyan na eh
nakakapagod nga maging chaperon pero looking forward pa rin ako sa fieldtrip next year. hehe!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: