jump to navigation

writing lessons Disyembre 14, 2010

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

naalala ko pa nung kinuha ko yung 2nd grading card ng anak ko. sinabihan ako ng teacher nya na praktisin ko daw sa pagsusulat ang anak ko dahil dun sya mahina. pero ipinagtataka ko lang eh tumaas yung grade nya ng 1 point sa card? anyways, may katamaran talaga tong anak ko sa pagsusulat. puro daldal kasi andaming kwento.

at dahil sa hindi sya gumagawa ng seatwork, naging assignment na lang ang mga ito. umabot na sa 20 pages ang kelangan nya sulatan. pagdating ko sa bahay kahapon, hinarang ko sya at mukhang mangangapitbahay na naman. pinaderetso ko agad sa kwarto para gumawa ng assignments.

syempre kelangan ko bantayan baka tumakas eh kaya nahiga muna ko sa kama. mahigit isang oras na ang nakalipas. napapadalas na ang reklamo nya at paghingi ng breaktime. nagsisimula na rin syang magkwento para siguro libangin ang sarili.

ilang sandali pa, bigla syang tumahimik. pagsilip ko sa mukha nya, saka ko lang nalaman na umiiyak na pala.
anak kong gwapo: ayoko na mag aral. di na ko pasok sa iskul. dito na lang ako sa bahay.
gasti: pag hindi ka nag aral, hindi ka makakakuha ng trabaho. pag wala kang trabaho, wala kang pera. walang pambili ng pagkain at gatas. walang pangtsiks, pangsugal, etc. etc. at ano naman ang gagawin mo dito sa bahay?
anak kong gwapo: dito lang ako sa bahay. kakain tapos matutulog tapos nood tv. saka papahinga.
gasti: yun lang? tapos ano pa? wala na?

lumingon sya sakin na para ba nagmamakaawa gaya ng mga pusang uhaw sa pagmamahal at kalinga. muntik na kong maihi sa salawal nung marinig ko ang banat nya.

anak kong gwapo: tapos… maghuhugas ng pinggan.

kinuha ko ang libro nya at lapis sabay silid sa bag. niyaya ko na lang sya bumaba para kumain. malamang gutom lang ‘to.

Mga Puna»

1. Maldito - Disyembre 14, 2010

ahahahaha..pota..panalo ang hirit…ahahaha…
mabuti na nga yan at hindi ka niya sinagot na magdrdrugs siya….

simple lang naman pala pangarap ng anak mo..ang maghugas ng pinggan!lols

gasti: ewan ko ba sa batang to. di ko rin maisip kung pano nauwi sa paghuhugas ng pinggan ang usapan. hanggang dibdib nya nga yung lababo namin eh!

2. IKAY - Disyembre 14, 2010

at least may contributions parin sya sa gawaing bahay at hindi lang kakain at tutulog…hehehe!!
eh magtataka pa ba eh syo nman ata nagmana yan eh!!! ^__^

gasti: yun nga ang matindi dun eh hindi naman namin sya inuutusan na maghugas ng pinggan kasi 5 yrs old pa lang sya at ni hindi nya pa abot yung bukasan ng gripo sa lababo. alam ko lang mahilig sya maghugas ng laruan.

3. har har - Disyembre 14, 2010

Cute.. ^_^ hehehe
akalain mong umiiyak na naisip pa nya na mgvolunteer sa paghugas ng pinggan.

gasti: uy har har! merry xmas. san ka ba nagpupupunta at ngyon ka lang nagpakita ulit? kung payagan ko naman maghugas ng pinggan yun eh baka basagin nya lahat tapos sa dahon ng saging na lang kami kakain.

4. n3tte - Disyembre 14, 2010

napatawa ako ng anak mo Mr. Gasti haha..maghuhugas ng pinggan…

gasti: napakadaldal na bata nyan. andaming kwento pero hindi ko talaga ini-expect yung sinabi nyang maghugas ng pinggan. nagdadrama dapat sya eh pero natawa ko pinigil ko lang.

n3tte - Disyembre 15, 2010

reminds me of my son, (4yrs old) madalas ako nagugulat sa mga litanya nia. and it happens din, minsan na gusto mong matawa sa maririnig mo pero minsan nagpipigil ka, kasi nga dapat sa mga pagkakataong ganun e strict ka..haayyz..missed my son ulit bec of this wento😦

gasti: hehe onga eh kelangan pa naman ipakita mo sa bata na hindi ka nagbibiro para seryosohin ka din. lalo na dyan sa pag aaral. nagwork ka ba abroad? yan talaga ang isa sa mga sakripisyo pag malayo ang work eh. namimiss ka na rin nila for sure.

n3tte - Disyembre 18, 2010

oo, nasa Middle East ako, i left him when he was 6mons, tpos after a yr pa ulit bago ko sia nakita ulit, lam mo bang that time, he’s calling me Tita while he calls my mom Mama, sakit nun ah,isang buong araw kong literal na iniyakan un, pero after some time, natutunan din nia akong tawaging Mom, and by that time, tapos na bakasyon ko! hayz!! and yes, madaming sakripisyo ang magwork sa malayo….emo na tuloy haha

enjoy ur son!! and let him enjoy u!πŸ™‚ ingatz!

gasti: naku mahirap nga yan. pero atleast bata pa naman eh hindi nya pa gaano matandaan ang mga pangyayari. saka para sa kanila din naman yung ginagawa mo kelangan lang siguro ipaunawa ng maigi. ingats ka na lang din dyan sa middle east. Merry Christmas!

5. nielz - Disyembre 14, 2010

haggard.. hehehe mas gusto pa nya maging dishwasher..

i remember nung bata pa ako, lagi pinapatawag yung nanay ko kasi wala akong notebook..πŸ˜€

buong highschool, pangalan lang ang nakasulat sa notebooks ko. madami dami na ang 5 pages na sulat.

pero, naka survive naman.πŸ˜€

gasti: 5 pages? buti nakapasa ka pa. samin kasi ginegrade-an din yung notes mo eh kaya masipag ako magsulat. ayun nga lang mukhang kinahig ng manok ang mga letra. hehe!

6. chillidobo - Disyembre 15, 2010

father and son bonding moment pala ang uso ngayon. ahaha

gasti: naks si chillidobo bumabloghop na ulit. haha! welcome back! eto na talaga uso ngyon kaya gawa ka na rin ng chikiting mo.

7. yffar - Disyembre 16, 2010

hahaha, nakakatuwa naman ang anak mo sir. pero at least, sa murang edad, alam na nya ang kahalagahan ng pagtulong sa gawaing bahay, hindi lang panay kain-tulog-nood-tv ang alam.πŸ˜„

yung bunso naman namin noong bata pa kami, 7 pa lang sya noon, ang sabi nya, magtitinda nalang daw sya ng tinapa-daing sa kalsada paglaki nya, ayaw na mag-aral. nung minsang nagtampo sya, lumayas, nagulat kami kasi yung nagtitinda ng tinapa-daing tumatawag sa labas ng bahay, gusto daw sumama nung bunso namin sa kanya sa pagtitinda, laughtrip kami lahat sa bahay.πŸ˜„

pasensya na at nag-blog na ako dito, hehehe.πŸ˜„

gasti: ang kulet ng bunso nyo ah talagang sumama na sa magtitinapa. haha! baka paborito nya lang tinapa. akala nya yata malaki ang kita sa pagtitinda nun.
salamat nga pala sa pagbisita at pagkwento na din.

8. lio loco - Disyembre 16, 2010

hahaha! ang lupet talaga dumiskarte netong junior mo, ser. mukang may dadaig na sa kaastigan mo. at bigla akong napakanta ng huling el bimbo:

“tagahugas ka raw ng pinggan sa may ermita…”

hahaha!

gasti: malamang ito na talaga ang tagapagmana. hindi nagpapatalo yan eh!

9. DB - Disyembre 18, 2010

hahaha lakas sa trip ng banat na anak mo. Siguro me halong pressure ang school kaya nya naisip na magquit n lang and magstay n lang sa bahay. Di bale cool dad ka naman so I know maeencourage mo pa sya magschool pa rin.

gasti: tinatamad lang magsulat yun kaya ganun. lalo na ngyon christmas season na kaya talagang puro bili ng regalo ang alam. simula na ng baksyon ngyon kaya ayos lang. next year na ulit ang pasok. sana nga ako rin eh wala ng pasok at pahinga na lang sa bahay tapos huhugas ng pinggan. haha!

10. Arkhut - Disyembre 20, 2010

haha! da bes ang beybi boy mo kuya *tooot! whee.

“maghuhugas ng pinggan..”.

heka. hulaan mo kung sino ako. yow.πŸ™‚

bwahahaha! lotlot here.πŸ™‚ back to blogging world. anyways, nakaka 100k+ hits ka na. ga;ing galing.

blogroll mode kuya *tooot! yow.πŸ™‚

gasti: haha! lotlot nagbalik buhay ka na pala sa blogging ah! wala naman nagbago. same old brand new pa din. ingats sa pamamasyal.

11. Arkhut - Disyembre 22, 2010

honga pala, nagbago na ako ng bloglink. paupdate na lang sa blogroll mo. magpapagulong gulong muna ako ng dayami dito. yow.πŸ™‚


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: