jump to navigation

birthdays and holidays Disyembre 20, 2010

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
trackback

alam nyo na. birthday ko sa pasko. wag kayo mag alala dahil wala naman ako hihingiin na pabor sa inyo dahil alam kong pare-pareho na tayong magiging busy sa mga pamilya at lovelife natin. ayos lang yun. sanay na naman ako eh! simula pagkabata ganito lagi ang eksena sa birthday ko.

– magsisimba. syempre para makipagtagisan ng bagong damit sa mga kagaya kong modelo ng sinampay. joke lang! para magtenkyu sa blessings syempre.

– ite-itxt ang mga kaibigan, katropa, at kababata para ayain sa bahay. (lahat hindi pwede)

– walang ibang bisita kundi mga kapitbahay at inaanak na manghihingi ng aginaldo.

– isang regalo na lang ang matatanggap dahil combined na daw ang para sa birthday at pasko.

– mag aantay ng matandang may tindang colorful sisiw sa kalsada para magkakulay naman ang pasko. (bibili ng sisiw na hindi kulay dilaw)

– dati rati panata na taun taon ang bagong shirt, pants, brief at yung shoes naman depende sa budget. pero ngyon swerte na kung makabili ng shirt pero infairness hindi naman sobrang common gaya ng bench. (naumay na ako dyan nung hayskul)

– mag aantay ng swerte o di kaya ay surprise sa kungsinomang anghel na sugo ng langit para pasayahin ako sa araw na ito. (pero walang dadating na ganun)

– manonood na lang ng tv at maiinggit sa mga artistang ka-birthday.

– maglalaba at mamamalantsa maghapon. ahaha! sobrang loser na. wag naman sana magkanito ang buhay.

– walang greetings na matatanggap mula sa facebook friends! siguro pag nangyari to eh magbigti na lang ako? lols!

– matutulog na lang ng alas otso ng gabi dahil wala namang party. toinks! (naisip ko lang yan dahil hindi pa naman ako pwede makipaglasingan kaya wala rin silbi)

hindi naman sa nagrereklamo ako kung bakit inihabol nya pa ang pag ire sakin sa kapaskuhan. pasalamat pa rin at buo akong lumabas. healthy baby pa nga ako at tabachingching. (maintindihan ko kung hindi ka maniwala). pasalamat at may mga magulang ako na matyagang nag alaga sakin at hindi ako iniligaw sa mall kapag namamasyal. pasalamat sa mga kapatid kong handang umintindi sa mga kalokohan ko. at syempre pasalamat ako sa misis ko kahit busy na sya sa buhay at bihira na kami makapagkuwentuhan ay patuloy pa rin ang pagpapakita nya ng pagmamahal sakin gaya ng paghilik. lols! joke lang.

higit sa lahat. pasalamat ako at buhay pa ako ngyon sa kabila ng pinagdaanan ko nitong taon na to. higit pa siguro ito sa pakiramdam ni Hubert Webb nung makalaya sya sa bilangguan makalipas ang labinlimang taon. binigyan ako ng bagong buhay ni Lord para makapagsimula ulit.  ito na siguro ang tamang pagkakataon para tumambay ng nakahubad sa kalsada para i-display ang mala-machete kong katawan. next time na siguro yan pag fully recovered na kasabay ng mala-pyestang selebrasyon ng pagtatapos ng gamutan. hindi naman sa lasinggero ako pero aaminin ko na nanabik din ako sa pag inom ng alak at sa me-so-horny na pakiramdam kapag nalalasing. ilang okasyon na rin at inuman session ang nakalipas na nagsilbi akong watcher, scorer at photographer sa mga yan. mabuti pa nga pag taglibog ka pwede ka naman magtikol. eh pano sa ganitong sitwasyon? magmumog ako ng beer. ganun?!

onga pala. it’s my daughters 2nd year birthday! sayang hindi pa kami nagkabirthday ano? tipid na sana sa gastos. pero yun talaga ang iniwasan ni misis kaya pinilit na nyang palabasin ang bata kahit pasko din ang due date. dahil ayaw nya matulad ang anak namin sa mga nabanggit ko sa taas.

Merry Christmas sa inyong lahat. Me love you loooong time.

Mga Puna»

1. emilayskie - Disyembre 20, 2010

Uyyy! Base! Advanced happy birthday sa iyo! Hindi na kita babatiin sa Pasko para ma-feel mo naman ang birthday mo.

Medyo naiintindihan ko ang pakiramdam kasi holiday din ang birthday ko. Lahat walang pasok kaya nakakalimutan ng mga kaklase kong batiin ako sa birthday ko. Huhu..

Hindi ko nasubaybayan kung anong napagdaanan mo. Kung ano man yun, masaya ako at pagaling ka na. Tama, pagkatapos ng gamutan balik sa dati pero may dagdag na ingat. Hehe..

Happy birthday sa baby mo at advanced happy birthday ulit sa iyo Gasti!

gasti: Mery Christmas din sayo emilayskie! ang importante naman eh masaya tayo at walang sakit sa bday natin. yung lolo ko dati walang mintis yun every bday nya may lagnat. parang nasobrahan ng excitement siguro.

2. yffar - Disyembre 20, 2010

Happy birthday sa anak mo sir!😄 at maligayang pasko rin sa inyo!!!

oops, advance happy birthday din po pala, haha.😄 magpagaling ka na agad, sayang ang mga nadadaanang okasyon at inuman – ito ‘yung mga panahon na hindi na maibabalik (pwede namang ulitin next time, gayunpaman – sayang parin ang biyayang beer). ang dami ko ng sinabi, hehe… pagaling ka kaagad sir!😄

gasti: Merry Christmas din sayo Raffy. marami na nga akong napalampas na alak simula nung July pa eh nakakamiss din.

3. lio loco - Disyembre 20, 2010

o eh akalalin mong pareho pa kayo ng kapanganakan ni hesus? mabuti’t hindi jesus o emmanuel ang ipinangalan sa’yo. hapi beerday na lang sa’yo ser at sa chikiting patrol mo. okei na rin siguro na kapaskuhan ang beerday mo – laging may handa!😄

aabangan ko ang kampai session! \m/

gasti: Merry Christmas din Lio. tirhan mo na lang ako ng alak. hehe! mga February siguro ready to fight na!

4. chingoy - Disyembre 20, 2010

si misis, gayung 21st ang bday nya, shares the same feeling as you have. yan din ang sentimyento nya, much more, ang wedding anniv namin eh dec din hehehehe

meri krismas din sa yo! at haberdey din pala

gasti: uy sir chingoy happy bday din sa misis mo at merry christmas sa inyo dyan. madami talaga okasyon ngyong buwan ng December kaya dami gastusin. hehe! yung mga bata naman lahat excited eh nakakatuwa na din.

5. IKAY - Disyembre 20, 2010

advance happy birthday sayo at sa baby mo…OK nga yung birthday mo kc hindi pepedeng walang handa, tsaka lahat masaya…anyways wish you good health and happy family always!! ^__^

gasti: sabagay lagi naman ako busog sa bday ko. at kumpleto namin kami pamilya. Merry Christmas din Ikay!

6. Maldito - Disyembre 21, 2010

ahehehhee…happeee bday bossing..tama ka…yung importante buhay parin tayu….bat hindi mo nilagay edad mo?lols..

happee bday na din sa anak mo…..damihan pa ang anak para mas masaya….hik hik hik..

hindi ako iinom sa paskong ito…yehey//para maiba naman..lols

nandito pala si jane sa cebu…bottoms up!

gasti: sa totoo lang eh nakakalimutan ko na minsan kung ilang taon na ba ko. haha! di na importante yun!
hindi ka iinom? sus! asa ka pang makahindi sa alak. enjoyin mo lang habang aktib pa ang atay. lols!
uy si Jane kaya pala hindi na nagpaparamdam eh nakabakasyon na dyan. Merry Christmas na lang sa inyo! bottoms up! bottoms up! posasan mo na yan at baka tumakas ulit.

lio loco - Disyembre 21, 2010

ms jane, kung nagbabasa ka man ng post ni ser gasti ngayon, sana nasabi sa’yo ni maldito na nagpapabili ako ng danggit at dried mangoes. :p

meri krismas ms jane! namamasko po! hihihihi!

Maldito - Disyembre 23, 2010

hindi ko nasabi kay jane kasi sobrang busy ako…at hindi rin kami nagkita kasi nasiraan ang bus nila papunta sa cebu……may trabaho ako kaya ganown..ahahahahaha…next tym…itext mo si jane..ang daming binili nun..aahah

gasti: ginawang divisoria ba ang cebu? hehe! sarap talaga ng nakabakasyon.

7. nette - Disyembre 21, 2010

happy bday ke baby ..at sau…cheers!

gasti: thanks thanks! merry christmas din sayo nette!

8. erhu ianyce - Disyembre 21, 2010

happy birthday sayo ng bonggang bongga! oh ayan greetings hehehehe por da perztaym indi ako naleyt sa pagbati sa mga may bertdey!!!!!!!!!!

gasti: salamat naman kung ganon. hehe! merry christmas din. wala ka bang blog? parang nakita na kita dati.

9. Maldito - Disyembre 23, 2010

bossing..canned message to:

PS; paki remove completely ng link ko sa bloroll mo. Then add a new one with the link:

thegreatmaldito.wordpress.com

expired na kasi ang domain ko and go daddy closed it completely.:(

gasti: nyek! natuluyan na pala yung domain mo. sige edit ko na ngyon. ayos lang yan dating gawi.

10. Jakey Junkie - Disyembre 24, 2010

Medyo ganyan din ang dilemma ko, kasi magkadikit lang halos ang birthday ko sa Pasko. Pero naging okay din naman. Sanayan lang. Tsaka mabuti na rin na may mga nakaka-alala, kesa sa totally wala.

Happy birthday at Merry Christmas!

gasti: oo naman pre. sanay na rin kasi iang taon na din lumipas na laging ganito. puro kapitbahay lang ang bisita. buti na lang may panghanda lagi. Merry Christmas din!

11. Arkhut - Disyembre 25, 2010

hahaha. haberdei sa iyo at sa 2nd kiddo mo kuya gasti!🙂 yeye.

gasti: thanks lot. inedit ko na naman yung name. sabi ng gasti eh. hindi basti. haha!

12. doroastig - Disyembre 31, 2010

May you have a very Happy New Year , my friend !

13. doroastig - Enero 4, 2011

How’s your blog doing in 2010? How many visitors viewed it and which of your post was most read? All of these , and many more, are emailed to you by WordPress. And to top it all, you can directly post these data to your blog as I just did. Click on this. We, WordPressers must have this on our blog.

Go to your email now and look for this: Your 2010 year in blogging [your blog URL]


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: