jump to navigation

malapit na ang katapusan Enero 6, 2011

Posted by gasti in bakasyon stories, muni-muni moments, to whom it may concern.
trackback

magsaya na tayo this year dahil sa susunod na taon ay end of the world na. nakaka excite na nga. sana matuluyan na talaga kasi baka madisappoint ako pag hindi. potah! ayusin nyo ang paggawa ng script. wag nyo kami bigyan ng false hopes.

pero ang maganda nyan eh makakapaghanda pa tayo. naisip ko nga na pwede siguro tayo sumakay sa Ark Avilon. magandang ideya yun. mag eenjoy pa ang mga kids na parang namamasyal lang. eh pano kung walang baha at bigla na lang bumuka ang lupa? wala rin palang silbi. siguro yung mga nanay, lolo at lola pati na yung mga may kapansanan ay diretso na ang punta sa studio ng Willing Willie para makahingi muna ng pamasahe at makita si Willie Revillame. at least happy na sila at kuntento sa buhay.

lahat ng yan ay dahil sa sobrang depression na nadarama ko simula kahapon pa dahil yung kulay at uri ng pusang pinapangarap ko na gustong gusto ko bilhin ay nakareserve na! parang awa mo na kung sino ka mang Mr. Fred G. ka. backout ka na pls. aso na lang alagaan mo.

hindi talaga ko maka-move on dyan sa potang pusa na yan. antagal ko na kasi hinahanapan ng kapartner yung blue tabby namin para hindi na sya kumerengkeng sa mga pusang gala na umaaligid sa bahay. ang ngyari tuloy pareho na kami depressed.

hindi naman yata magandang simula ng taon yan kaya ikwento ko na lang yung pagpunta namin sa park. dito lang yan sa Ilog ng Marikina. presenting….

kabaduyan ang name. very creative ang nag isip.

wonder bra nga agad unang pumasok sa isip ko dyan eh. daming tao kasi puro tyangge at peryahan ang nakapalibot sa lugar na yan. limited time offer lang hanggang Jan. 15 na lang ata sila bukas. try nyo. masarap din mag foodtrip dyan.

at eto pa ang isang atraksyon sa mga kids. presenting….

the jurassic entrance. (sinadya yata talagang walang “park” sa sign. korni.)

2nd time na namin pinasok yan kasi nung una ay hindi ako nakapagdala ng camera. medyo nagmaktol din ang not-so-spolied brat kong anak kaya napilitan akong makisiksik ulit sa makipot na lugar na yan. wala namang kwenta sa totoo lang ang props dahil 2 dinosaur sa labas at 9 dinosaurs na karamihan ay ulo lang o hati ang mga katawan na tinatakpan naman ng trapal o tolda siguro sa loob lang ang masisilayan mo. at ang bayad, tumataginting na 50 pesos each bukod pa sa gate entrance na 20 pesos sa adult at 10 pesos naman sa bata.

ang hindi ko lang maintindihan sa anak ko ay kung ano ang nagustuhan nya sa lugar na yun at naisip pang bumalik. eh sa pagkakatanda ko eh nakipaghilaan pa ako sa kanya para makarating kami ng exit dahil kakapasok pa lang namin eh gusto na nya lumabas ulit sa may entrance. nataranta yata nung gumalaw yung ulo ng dinosaur sabay may background pang sound effects.

at gaya nga ng inaasahan, umuwi na naman syang luhaan. tears of joy na siguro to dahil napagbigyan ko na ang gusto nya.

sulit na rin siguro yung binayad ko kahit papano.

Happy New Year sa ating lahat. back to blogging na ulit.

 

Update: nagback out na yung buyer ng pusa. sa akin na sya mapupunta. yesss!

 

Mga Puna»

1. athena - Enero 6, 2011

bka nagustuhan nya yung mga effects pero may halong takot. hehehe
at least napagbigyan mo ang gusto ng anak mo..

gasti: not just once but twice. in 2 consecutive nights. pero sabi naman nya last na yun at wag na daw kami babalik. haha! ayaw nya nga nung sounds eh kaya nagtatakip ng tenga.

2. IKAY - Enero 6, 2011

wELL ganun naman daw talaga ang mga bata, kung baga sa pagkain eh takaw mata at madaling ma curious sa mga bagay-bagay.

gasti: pero sobrang hilig talaga nya sa dinosaurs. siguro talagang magugulatin tong anak ko kasi gusto naman nya makita eh ayaw lang makinig sa sound effects.

3. willing willie - Enero 6, 2011

basta happy sa willing willie ok lang🙂

gasti: sobrang wiling wili nga yung mga anak ko sa panonood nyan eh! lalo na dun sa opening songs.

4. Maldito - Enero 7, 2011

ang laki na ng anak mo…ahhehe…syempre ano ba naman inaakala ko? na lumiit siya?lols.

ikaw nalang kasi ang tumira sa pusa mo…naghihirap ka pang makahanap ng iba eh.lols…kamusta na bossing?

ganyan talaga ang bata…nakakapang init lang minsan ng ulo…dati nagpabili ng halo halo sa SM yung prinsesa ko, kunti lang ang kinain ayaw na agad. Eh ang mahal mahal kaya…punyeta. kahit hindi ako kumakain ng halo halo ako nalan ang umubos kasi sayang ang pera..

ang nag kwento? may ari ng blo?ahahah

gasti: onga eh nanghihinayang din ako sa mga pagkaing hindi naubos kaya hanggat maari kinakain ko rin yung tira ng anak ko.
lalaki nga yung pusa ko kaya hindi kami talo. haha! masyado kasi akong pihikan sa kulay na ipapareha sa kanya eh. gusto ko silver tabby lang. san ka na nakatira? puro pamamaalam yung nababasa ko eh

5. Gelo - Enero 7, 2011

kakatuwa namn bossing! hehehe

gasti: pinyuyir Gelo! nagdadalamhati pa rin ako dahil hindi napasaakin yung kuting.

6. yffar - Enero 7, 2011

sayang naman ang pusa, yaan mo makakakita ka rin ng kapalit. gusto ko yung suhestiyon ni maldito, hahaha, kaya lang lalaki rin pala ang pusa mo (pero sure ka bang lalaki talaga ang pusa mo sir? hehehe)

happy new year!😄

gasti: syempre naman. kitang kita naman yung lawit eh. haha! sisiguraduhin ko talagang makabili ako ng ganyang pusa this year.

pinyuyir din sayo raffy!

7. Jakey Junkie The Bunny - Enero 10, 2011

Cheap thrills, kiddie edition!

Dumaan din naman tayo diyan.😀

gasti: batang perya ba pards? hehe! tyagaan lang talaga makisiksik.

8. chillidobo - Enero 11, 2011

siguo parekoy namali ng kabit yung gumawa ng signboard. Dapat yata yung Park ng Wonder Park ay sa tabi ng Jurassic ikabit. tingin mo brad?

gasti: naisip ko nga kaya wala ng park sa Jurassic dahil andun na sa sign ng wonder park. magiging redundant na. park within a park. wattapark!

9. Lori - Enero 12, 2011

ahoi!🙂 pumunta din kami ng mga kapatid ko jan sa riverpark, sa mga tyangge nga lang haha mas gusto nila magpabili ng kung anik anik

gasti: kabayan? hehe! ayos nga mamili dyan kasi presyong tyangge talaga. nakabili din ako ng pellet gun at laruan para sa anak ko.

10. madbong - Enero 14, 2011

hinde pa magugunaw ang mundo next year dahil yung corned beef at maling na nabili ko sa 2013 pa ang expriration date LOLs

musta ka na bro?

gasti: ang mabuti pa. kainin na lang natin yang corned beef at maling mo. haha! ayos naman sa ngyon pre. tagtipid mode dahil napadami ang gastos ko.

11. Arkhut - Enero 17, 2011

patingin ng pusa mo kuya gasti! yow.🙂 myaw.

gasti: next time ko na gagawan ng entry. hindi ko pa napicture-an eh.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: