jump to navigation

excess baggage Enero 17, 2011

Posted by gasti in bakasyon stories.
trackback

fresh from Real, Quezon ang itsura ko ngyon. pati na rin ang mga anak kong kasama naming nagbabad sa arawan at nakipag-slaman sa alon ng dagat. siguro kung naging babae ako, mabenta ako ngyon sa mga foreigner. I’m so tan like that.

masaya naman infairness dahil masarap ang kinain naming mga inihaw na isda na binili namin sa mga mangingisdang kakatapos lang magparking ng mga bangka nila. akala mo kapamilya kami kung sumalubong sa mga bangka at nakipagtawaran sa mga presyo ng nahuli nila. pa-hard-to-get pa kunyari. bibigay naman pala.

nakakapagod nga lang magdrive dahil inabot din ng tatlong oras ang byahe at puro pa-zigzag ang daan kaya hindi na nakakapagtaka na may limang katao na sakay ang nasuka sa loob ng sasakyan in a major major way. mabuti na lang at hindi kami nagbukas ng aircon dahil malamig naman ang pasok ng fresh air mula sa bundok.

ang sablay lang eh nung magtxt ang kapatid ko makalipas ang dalawang oras na pag alis namin sa bahay.

“Kuya, sobrang layo nyo na ba? nadala nyo yata yung bag ko”. Nagtaka rin ako kasi wala naman ako naalalang gamit nya na naisama sa sasakyan pero hindi rin ako sigurado kasi madilim pa nung umalis kami at wala pa sa tamang pwesto ang alignment ng mata ko dahil naduduling pa ko sa antok. tapos naalala ko na kasama ko pala nagkarga ng gamit ang erpat ko.

pinatxt ko ang misis ko dahil bawal daw magdrive habang nagtetxt lalo na kung bangin ang kababagsakan mo. “nasa bandang Laguna na kami. wala naman akong napansing bag mo”

“si Papa siguro naglagay. tinatanong daw nya sayo pero hindi ka umiimik. blah blah blah…”. hindi ko matantya kung anong reaksyon ang gagawin ko. kung matatawa ba o mag aalala dahil lunes pa ang day-off nya at marami daw na importanteng gamit na kelangan sa trabaho ang nasa loob ng bag na yun. kasama na ang timecard, wallet at mga tools na gamit sa pagkumpuni ng elevator. kamoteng buhay yan. imbes na pag eenjoy na lang ang isipin ko eh nagka-aberya pa. ayoko naman umuwi agad pagkahatid ko sa mga pasahero ko. bus driver? putsa!

“nagbakasyon muna yung bag mo. pagod na daw kasi sya sa trabaho.” message sent. saka tuluyan ng nawalan ng signal ang mga celfon namin at ng lumaon ay nagsimatayan na lahat.

Mga Puna»

1. yffar's world - Enero 17, 2011

wahahaha… dapat pinasunod mo na lang din si utol para nakapagbakasyon. sa bagay nangyayari talaga yan kung minsan. ako nga dati pumasok sa trabaho, imbes na jacket ang nadala ko – tuwalya ang nabitbit ko. nasa sasakyan na ako nang marealized kong tuwalya ang nakasabit sa balikat ko, LOL.😄

gasti: ahaha! ayos yun ah para ka lang maliligo sa opis. ang hirap talaga kapag nagmamadali laging may nakakalimutan.

2. n3tte - Enero 17, 2011

family time! great! sarap ng inihaw sa sariwang isda…kakamiss yan…at wb sa bag na nagbakasyon haha

gasti: onga sarap magbakasyon din paminsan minsan. saka paborito ko talaga inihaw na isda kahit mukhang mga aquarium fish sila. hehe! tapos sa dahon ng saging pa kami kumain. solb!

3. IKAY - Enero 17, 2011

buti pa yung bag ni utol mo nakapagbakasyon na..hehehe!
sarap ng bakasyon nyo beach…eh di (hung)hunk na (hung)hunk ang itsura mo ngayon nyan dahil tan na ang kulay mo…ahihi! jowk! ^__^

gasti: sabihin na lang natin na mestisuhin ang itsura ko. haha! sana lang panghubaran din yung katawan eh kaso hindi.

4. Gelo - Enero 18, 2011

hahahaha…aus!

5. Maldito - Enero 18, 2011

alam na kung sino ang may sala kung mawawalan ng trabaho ang kapatid mo…ahahhaa..

bakasyon na!! kagagaling ko lang din sinulog…next week dinagyang and bora naman!! malapit na akong mawalan ng trabaho!a hahaha

gasti: wow sosyalan talaga. sarap siguro makipyesta dyan. nakita ko nga yung mga pics. party party talaga!
isama mo nga ako next time. hindi pa ko nakapunta sa mga yan eh!

6. myfilthyroom - Enero 18, 2011

panalo! outing kung outing ‘to. ayaw paawat khit may epal na bag.🙂

gasti: syempre naman. buti na lang at sandali lang din ang bakasyon kaya naibalik ko rin agad yung bag.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: