jump to navigation

sablay pre! Pebrero 10, 2011

Posted by gasti in muni-muni moments, self review, to whom it may concern.
trackback

nakakaumay na ang balitang pagsuicide ng mga tao. lahat naman tayo ay may pinagdadaanang kunganoman sa buhay natin. pwedeng sarilinin mo, pwede mo ring ipamalita sa iba. desisyon mo yan kung saan ka mas kumportable. pag-share ng problema ang tinutukoy natin dito ah hindi pamimigay ng problema. sa iyo na yan. pagdamutan mo na kami.

medyo hindi maganda ang pakiramdam ko ngyon. mabilis naubos ang swerteng inakala ko ay tuloy tuloy na bago pa sumapit ang year of the rabbit at kasabay ng pagpapaputok ng mga intsik at pagsemplang ng ferrari sa Ortigas (na syempre hindi ko pagmamay-ari), lumabas naman ang katotohanan na hindi pa ako lubusang magaling. simula ngyong araw hanggang ika-sampu ng Abril ay iinom pa rin ako ng gamot. at kasabay ng masamang balitang yan ang paglaho ng mga masasayang ala-ala kapiling ang mga bote ng alak at pakikipagshootan sa mga chiching.

hindi nakatulong yung pagnguya ko ng tikoy para lubayan ako ng malas at maging mas malagkit ang pagsasama namin ni misis. siguro kasi hindi sya kumakain ng tikoy? ahhhmm. kuntento na daw kasi sya sa prediction sa mga “year of the monkey” na gaya nya. successful sa career. relationship? lovelife? ano yun?! hindi naman nakakain yan.

sayang din yung planadong trip to Subic para pumunta sa Subic Safari at manood ng Hot Air Balloon Festival this saturday. nagkataon din kasing sumabay pa sa petsa ng King and Queen of hearts awarding ceremony ng anak ko. ewan ko ba sa mga titser, gagawin lahat para makapangalap ng pondo. syempre dun na kami pupunta sa school. anak ko yung nanalo eh. maghahagilap pa ako ng tuxedo mamaya.

kung tutuusin, marami siguro akong sentimyento at frustration sa buhay. kaya siguro hindi rin ako makapagpataba ng diretso dahil sa dami kong iniisip pero kahit kelan hindi naman sumagi sa isip ko magpakamatay. mga duwag lang gumagawa nyan.

pasalamat pa rin ako kahit papano dahil maayos naman ang pakiramdam ko. hindi na rin bumababa ang timbang ko at magana naman ako kumain. at yung trip sa Subic? wala lang sakin yun. mas maganda pa siguro pag natuloy yung Manila Ocean Park trip namin this Sunday.

saka nakumpleto ko na din yung computer. nakakapaglaro pa ko ng NBA 2k11 tapos nakabitan na rin ng internet. eh ano ngyon kung maysakit ako?! pakyu! unlimited porn downloads na to.

Mga Puna»

1. IKAY - Pebrero 10, 2011

eh minsan talaga may mga gnun “SABLAY”….yaan mo’t makakamit mo din yang hinahangad mong makapagshootan sa mga chiching…hehehe!
at tutal nman eh malapit na yung april 10-(Birthday ng tatay ko yun…nyahaha!)

gasti: tanggap ko naman. wala naman ako nararamdaman kakaiba sa katawan ko at sa tingin ko nga eh kaya ko ng maglaro ng football habang kumakain pero sablay lang talaga yung xray kaya na-extend pa. mabuti na rin yung sigurado para walang maging aberya.

2. Arkhut - Pebrero 10, 2011

ipost ang pic ni junior gasti at si senior gasti na nakatux! hahaha.🙂

naiimagine ko na. nakow!

gasti: naka polo lang ako nun sira. haha! yung anak ko lang magsuot ng tuxedo syempre. hindi naman ako yung rarampa sa stage.

3. Maldito - Pebrero 11, 2011

hahay….sige lang. importante eh buhay pa. atleast may pag-asa pa na bumangon…ikaw? Kanino ka bumabangon? ahahaha..biglang nescafe lang.

hanggang april pa din naman..baka okay ka na sa june….diyan ako magcecelbrate ng bday ko kasama ang tatlong babae sa buhay ko.lols.

bigyan mko ng tips pag natuloy kayu sa ocean park.may balak kasi akong pumunta dun sa june.

gasti: bumabangon ako para durugin kita. ahaha! onga eh ganyan talaga ang buhay. walang kasiguraduhan. basta sa bday mo fieldtrip tayo dito.

try mo muna silipin yung website ng manila ocean park
kung gusto mo naman ark avilon zoo. mas mura ang entrance.

4. Gelo - Pebrero 12, 2011

“kung tutuusin, marami siguro akong sentimyento at frustration sa buhay. kaya siguro hindi rin ako makapagpataba ng diretso dahil sa dami kong iniisip pero kahit kelan hindi naman sumagi sa isip ko magpakamatay. mga duwag lang gumagawa nyan.”

EXACTLY! saludo ako sayo bossing!
pagaling ka!

gasti: salamat! walang ayawan to.

5. BON - Pebrero 14, 2011

spirit!! panalo! ganyan nga hehe! pagaling pagaling!

gasti: ayos na to. so far so good naman. kayang kaya!

6. Arkhut - Pebrero 14, 2011

ay sayang naman. kala ko pati ikaw eh nakatuxedo din. tsk!

gasti: at bakit mo naman ako gusto makitang naka-tuxedo? jsprom nung 4th yr hayskul lang ako nagsuot ng ganun.

7. n3tte - Pebrero 15, 2011

ako nga 3yrs na akong hindi nakakauwi ng pinas pero d ko naman naiisipang magpakamatay hmpp..tapos nga kahapon, hindi ako binati ng hubby ng happy valentines day, kaya d ko rin sia binati, tapos nung nisundo nia ako sa office at nasa sasakyan na, ask na ako, kung saan daw kami, mahinahon ko siang sinabihan ng “pakyu d mo nga ako binati ng happy valentines day tapos aask ka ngayon ng date” hmmmpppp…hehe (umaarte lang)
ingatz sa health🙂

gasti: haha! antagal na rin pala ano. sobrang homesick mo na siguro. mabenta rin ba ang valentines day dyan? ayos na rin kahit hindi ka binati atleast nag isip pa rin syang i-date ka.

n3tte - Pebrero 21, 2011

hindi naman halatang homesick d ba sa mga blogs ko nyahaha…mabenta din naman, dining at flowers….

gasti: nakakahomesick kc lalo pag di kasama pamilya. buti kasama mo din kahit papano yung hubby mo. solb pa rin ang valentines. hehe!

8. lio loco - Pebrero 19, 2011

kaya nga wala akong pakialam kung nagpakamatay si angelo reyes sa kasagsagan ng pnp corruption expose. okey, nagpakamatay siya. what for? napaka-babaw di ba? sablay pre!

mas bilib talaga ‘ko dun sa mga taong napakahirap ng suliranin sa buhay, ambigat-bigat ng dinadalang problema tas nakukuha pa ring lumaban at tumawa. sila ang mga totoong astig!

aja lang ser gasti! pasasaan ba’t mauuwi rin sa swerte ang lablayp, sekslayp, relationship, career, at health mo!

hanggang sa susunod na kampai! \m/

gasti: onga eh! naudlot na naman ang inuman natin. nakakaburat na pero atleast malaki naman ang improvement kesa dati.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: