jump to navigation

ikaw na ang madaming friends Pebrero 17, 2011

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
trackback

hindi ako palakaibigan na tao. hindi naman sukatan ng pagkatao ang bilang ng mga kaibigan na meron ka. o sige na ikaw na ang madaming friends. ikaw na ang may masaganang social life. ikaw na ang bida.

wala ka ng ibang maririnig na kuwento kundi mga buhay ng mga friends nya. kung anong kagagahan ang mga pinaggagawa nila at kung gaano kayaman si ganito. librehan. asaran. pakyuhan. anong klaseng sustansya naman ang makukuha ko sa pakikinig ng mga ganyan.

isa sa mga pagsubok na pagdadaanan mo sa buhay ay ang pakikipagkilala sa mga kaibigan ng mahal mo. hindi pa kayo nagkikita pero kilala ka na nila. ayos lang sana kung puro magaganda yung balitang nakakarating sa kanila diba? bukas palad ka nilang tatanggapin at lalandiin. eh ang kaso mo, hindi. depende sa kung gaano kalasing ang syota mo nung nagkuwento sya. malaki ang posibilidad na masamang tao ka na sa paningin nila, at napagpasyahan na nilang hindi ka nila gusto base lang sa mga narinig nilang kuwento.

there’s always another side of the story. pero hindi lahat gustong makinig dyan. pwedeng yung iba pakinggan ka pa, pero hindi ka naman paniniwalaan. wala ring silbi.

hindi naman kasi nating pwedeng isiksik ang mga sarili natin sa mga taong nakapili na ng papanigan. ganun lang naman kasimple yun. paniwalaan mo yung gusto mo paniwalaan pero hindi na pwedeng bawiin ang mga nasabi na. mawawalan ka ng kredibilidad. takot mo lang siguro bumaliktad lahat yan sayo at mawalan ka ng kaibigan. sino na ang makikinig ng mga sentimyento mo sa buhay? kanino ka na hihingi ng payo pagdating sa lovelife mo? sino na kasama mong maglunch? kanino ka na magmamaganda?! and all that shitty stuff.

gusto kong isipin na gusto rin nila akong makilala dahil balak nila ako maging kaibigan. pero nabura na sa isipan ko lahat ng magagandang posibilidad na pwedeng mangyari base na rin sa mga pahapyaw na salitang nabasa ko. hindi naman ako tanga para hindi ko malaman ang mga ganyang bagay. masyado nyo naman akong minamaliit nyan. kung ayaw nyo sakin, ayaw ko rin sa inyo. wag na tayong magplastikan.

Mga Puna»

1. raffy - Pebrero 17, 2011

ok lang yan sir, tama ka – kung ayaw nila sayo eh di wag. yaan mo na lang sila, hehe, wag na lang sila pansinin. may nabasa ako noon, tips-for-i-forgot-what (parang ways to be happy-something), ito daw ang isipin mo – “what other’s think of me is none of my business.” di ba, parang magandang recipe sya sa isang masayang buhay?😄 wag na lang tayo paepekto sa anumang sinasabi ng ibang tao.😄

kakarmahin din sila. hehehe.😄

gasti: oo nga tama yan. syempre hindi naman ibig sabihin na kapag friends nya eh friends mo na rin. hindi naman automatic yun.

2. glentot - Pebrero 17, 2011

Hmm biktima ng sariling reputasyon hehehe… Sabagay hindi mo naman macocontrol kung ano ang pagkakakilala ng tao sa iyo, lalo kung hindi ka nagkaroon ng chance na magpakilala talaga. Sabagay ganun rin ako minsan. Kapag narinig kong asshole si ganito o pa-virgin si ganyan, ganun na sila sa utak ko by default unless they prove me wrong…

Ako, namimili lang ng talagang kakaibiganin. Hindi naman sa nagsusuplado ako, nase-sense ko lang kasi kung sino sa mga nakakasalamuha ko ang makakatanggap ng pagmumura ko sa araw-araw… Close na kami kapag nasabihan ko na sya ng pabirong Putangina Mo… Ang basis ko sa pamimili eh yung tipong alam kong pag nakatalikod ako eh hindi nya ako pinag-iisipang sirain.

Pero civil naman ako sa lahat. Ako na ang plastic hahaha…

gasti: naalala ko nga yung post mong “trust issues” haha! hirap na magtiwala. civil din naman ako sa lahat. madali naman mahalata kung ayaw sayo nung tao eh. tingin pa lang parang pinapupulis ka na.
hindi mo na nga alam kung kanino ka magagalit eh. dun ba sa nagkwento o dun sa mga inutil na nagpapalaki ng problema. tapos gagatungan pa. magkakampihan. saka mag-group hug.

3. Maldito - Pebrero 18, 2011

Sino ba yan bossing nang masunog natin at maitapon sa talahiban?
lols…ang kriminal ng dating ng sinabi ko.
yung comment na what other’s think of me is none of my business, si paulo coelhio ang nagsabi niyan..yan din ang sinusunod ko na mantra ngayon.
wala akong paki sa sinasabi ng iba..ang importante ay yung una, at ang una dapat yung importante. basta.ahahahaha
napaka unfair nga yan kung isang side lang ang pinapakinggan…parang nawala na yung rights mo para mag explain..
pero kung hindi naman sila gaano kagandahan, wag na nating bigyan ng importansya.
pasalamat ka nalang pinag-uusapan ka…bad or good..publicity parin yun.
ikaw na ang sikat bossing! ahahahhaa

gasti: ikaw na talaga ang bookworm. hehe! sa totoo lang, hindi naman talaga kagandahan. malakas pa mambuyo ang mga puta. ang hilig pa mag aya uminom. saka magkukuwentuhan ng mga kamalasan nila sa buhay.
nasabihan pa ko ng “it’s not always about you naman.” alam ko naman yun pero syempre ang concern ko lang ay yung kwento tungkol sakin. wala naman ako pakialam sa mga kagagahan nila. or much better kung wag na lang nila ko pag usapan at my back.

4. lio loco - Pebrero 19, 2011

teka lang ser gasti. mga kaibigan ‘to ng waswit mo, tama? kung ganun nga, wala naman silang pwedeng maging basehan ng “ikaw” kundi sa mga kwentong galing sa kaniya lang. nakausap mo na ba si waswit tungkol dito?

kung sa tingin mo eh hindi pa talaga nila nakikilala ang totoong ikaw, siguro hindi pa talaga panahon para ituring silang kaibigan. hindi naman magiging kawalan para sa isang tao ang pagkakaron ng mga bagong kaibigan kung may mga dati na siyang kaibigan. pero sa kabilang banda, mas okey rin kasi na kayong dalawa eh magkakarugtong na ang mundong ginagalawan. and by that, i mean sharing and having the same set of peers and friends.

tama ngang laging may dalawang muka ang kwento. pero hindi sa lahat ng pagkakataon, makikinig ang lahat sa dalawang magkaibang pananaw. kung ano siguro ‘yung mas convenient pakinggan, ‘yun ang paniniwalaan. kaya tama lang na hindi ka magpaliwanag sa kanila o anupaman. gawin mo ang dati mong ginagawa bilang isang tao at sooner or later, makikilala rin nila ang tunay na “gasti.” \m/

gasti: sa mga ofismates/friends ang tinutukoy ko dyan. ayos naman kami nung mga kabarkada nya pero dito lang naman ako napipikon kasi ang hihilig maglakwatsa. palibhasa kasi mga single pa at kung may bf naman, it’s complicated. bahala na nga sila. ang sakin lang kasi, baka sinisiraan na pala ko hindi ko pa alam.

5. Arkhut - Pebrero 20, 2011

pano ba yan kuya gasti? gusto kita? *blush*
hahaha! wa pakels, just give them da pinger!!

gasti: mukhang nakasinghot ka na naman ng katol dyan ah! haha! ayos lang naman ako hanggat ok kami ng misis ko.

myk - Pebrero 24, 2011

Yari ka gasti type ka ni lottieful!

gasti: joke nya lang yun syempre. wag ka manakot. haha!

Solid Liquid Gas Plasma Matter - Pebrero 24, 2011

blush, and straight gusto kita? hmm, danger, danger, danger, danger.?

gasti: loko ka mervs ginatungan mo pa. haha!

6. n3tte - Pebrero 21, 2011

pag naiinis ako sa aking hubby, laging me dilemma, wewento ko ba sa iba o hindi, kasi nga me tendency na kapag nagwento ako ng galit ko, makikisimpatya mga friends, as expected syemre, to the point na nagiging monster na pala si hubby sa paningin ng mga friends,na syempre yoko din naman, usually ako, nagwewento ako sa cyber friends ko, yung mga walang connection sa totoong buhay ko, para maging monster man ang hubby, it will not cost me a thing..
ok lang yan gasti, at pasensya ka, pinanganak ang mga babaeng ganito ang kanta “shout shout, let it all out” haha…cheers!

gasti: haha! exactly ganyan talaga ang ngyayari. mga simpatiyang friends with group hugs and everything. kaya nagmumukha na masama ang mga lalaki eh. dyan magaling kasi ang babae. sa dramahan. ewan ko ba. wala naman maaayos na problema kung gagatungan lang ng mga so called friends na yan.

7. EN - Pebrero 21, 2011

tama!!! mahirap ipilit pag ayaw nla…kasi iba na tingin nla syo dhil sa mga kwentong narinig nila…

gasti: kung pwede nga lang sana pagbabatukan ko sila isa isa para makaganti man lang kahit papano.

8. grasi19 - Pebrero 23, 2011

di mo kailangan maging kaibigan ng lahat para lang sumaya. okay lang na maraming kakilala at kaunting kaibigan.🙂

sa mga kaibigan naman ng mahal, medyo selective at case to case syempre. masaklap ang nangyari sa kin. pinakilala ko ang mga kaibigan ko sa kanya. nung naghiwalay kami, dun sila pumanig kay ex. oh well. life goes on, ika nga.🙂

gasti: parang ansaklap nga nun ah. sigurado ka bang friends mo talaga sila? hehe! baka type nila ex-bf mo.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: