jump to navigation

ako na ang sporty Pebrero 21, 2011

Posted by gasti in balitang isports, muni-muni moments.
trackback

literal na hindi man lang nakaapak ang mga paa ko sa labas ng bahay namin. sobrang solb ang mga mata ko sa pagkakatutok sa tv habang nanonood ng laban ng ating kababayan na si Nonito “the filipino flush” Donaire Jr. kay Fernando “KOchulito” Montiel. nakalimutan ko na nga kumain ng almusal dahil sa sobrang excitement.

Hindi mo rin ako mapapakain ng pananghalian sa mga oras na ito. kelangan munang matapos ang suntukan bago magkainan. bawal din maihi o matae dahil mawawala ang excitement. kagaya na lang nung ngyari sa kapatid ko. male-late na kasi sa pagpasok sa trabaho kaya hanggang first rd. lang ang pinanood nya sabay takbo sa banyo at nagsagawa ng mga orasyon. napilitan syang lumabas saglit nung marinig nyang nagsisigaw na ko sa tuwa at bumagsak na yung Mehikano. tapos na ang laban at bakas sa mukha ng kapatid ko ang pagkadismaya. “tapos na agad?” ganun kabilis ang mga pangyayari.

isang suntok lang ang tumapos sa astiging kalaban. medyo nabadtrip pa ko sa referee dahil pinagpatuloy pa nya ang laban kahit halata namang wala pa sa katinuan si Montiel. syempre boksingero yan, hindi naman magpapakahirap sa training yan para umayaw lang pagkatanggap ng isang suntok kagaya ng mga lasing na hindi umaamin na lasing na sila dahil ayaw masabihan ng mahina. syempre kapag lalaki ka, dapat macho. kabadingan kapag umayaw ka. wala kang bayag. bastusan na yun.

malakas lang talaga si Nonito. nagmukha lang mahina yung kalaban sa lakas ng suntok na sinalo pero 3 division world champion yun. subukan mo kayang sumalo ng ganung kalakas na suntok ewan ko lang kung makatayo ka pa. o magising pa. nagpasalamat nga ako na hindi ako boksingero at hindi ko kailangan tumanggap ng mga ganung suntok. yung pinangarap kong magshift ng career sa pagboboksing ay naglaho na nung mapanood ko yung laban na yan. kung nagkainteres ako labanan si Pacquiao noon, kay Nonito malamang mag apply na lang ako taga abot ng tubig. hinding hindi ako maghahamon ng suntukan sa taong yan. ambilis umilag. anlakas sumuntok. halimaw ampota!

at dahil dyan. fan na rin ako ni Nonito Donaire sa facebook. official account yun at pagminsan ay nagrereply din naman sya sa mga comments ng tagahanga nya. proud to be pinoy na naman tayo! sana lang next time yung dadalhing bandila ni Nonito eh yung color blue naman ang nasa itaas at hindi yung mukhang nabilad sa polusyon ng metro manila na nangingitim na at sobrang nipis pa.

tapos meron pang ganitong palabas sa hapon.

Blake Griffin All Star Dunk

parang ako lang to nung kabataan ko eh. parang palaka lang. malupet talaga tong rookie na to. sana lang hindi malaos agad kagaya ni Vince Carter.

diretso naman ako sa computer para magbasa ng mga balita tungkol sa mga napanood. parang adik lang talaga. pinanood lahat ng instant replay na makita. tapos nung magsawa na eh naglaro naman ng nba 2k11. sawa na ko sa puro talo kaya inadjust ko ang settings from “superstar mode” to “rookie mode”. eh di sumarap ang buhay. yung mga talo ko noon eh nabawi ko na. mahina na yung trenta puntos na tambak sa mga kalaban ko ngyon. potah sila. it’s payback time!

Mga Puna»

1. RJ - Pebrero 21, 2011

pareho pala tayo sa pagka-addict. solve ang sunday. hehehe.

gasti: solve talaga pre! nakatipid pa kasi hindi na kelangang lumabas ng bahay.

2. lio loco - Pebrero 21, 2011

lintek! hindi ko napanood ‘to dahil sa putanginang OT. balita ko eh nangisay-ngisay pa raw ‘yung kalaban ni donaire eh.

at rookie mode lang din ako sa nba. para kahit sa video game lang eh masabing magaling akong magbasketbol. sabagay, magaling naman talaga ‘kong magbasketbol. itanong mo pa si dude. hihihi!

gasti: lupit talaga nung suntok. panoorin mo na lang sa youtube. kelangan nga daw i-reconstructive surgery kasi nagkabone fracture yung mukha eh. tindi! isang suntok lang yun.
haha! ibang basketbol naman yang kay dude mo eh. o sige na ikaw na ang magaling magshoot sabay dribol.

3. Maldito - Pebrero 22, 2011

ewan ko ba..hindi talaga ako mahilig manood ng boksing.para lang kasi nagsasabong na manok.thats it. walang patayan man lang.lols.wahahaha…mas trip ko yung UFC…basagan talaga ng bungo at balian ng katawan…

ayoko kay donaire….daming nagsasabi na kamukha ko siya…potah lang. gaya gaya naman sila sa mukha ko..grrrr

gasti: ayos din naman ang UFC minus the yakapan/wrestling style. nakakainip eh mas gusto ko pa din manood ng suntukan. si Donaire kamukha mo? haha! ayos lang yun may itsura naman sya. parang ako lang din yun eh 28 yrs old. 5″7 saka yung katawan hindi naman gaanong nagkakalayo. haha!

4. gillboard - Pebrero 22, 2011

nagising ako dun noong linggo nang nagsigawan lahat ng tao nung pinatumba ni donaire ang kalaban. congrats sa kanya! fan ang tatay ko nun at kilala niya yung kapatid ni nonito. hehehe

gasti: mas nauna nga yata nagboxing kapatid nya eh. napanood ko rin magboxing yun dati pero iba talaga galing ni Nonito. sayang lang mukhang meron ng gap sa mga kapamilya nya.

5. Reesie - Pebrero 23, 2011

at nagkaroon na talaga ako ng lakas na loob para i-social climb errr… mag comment dito sa blog mo, gasti! hehe.

napanood ko yung fight ni donaire sa youtube. magaling siya, infair. siya na kaya ang susunod na manny pacquiao? ang lamang lang niya kay pacman, ay ang galing niyang mag-english!!other than that, he has to eat more rice (madami pa siyang kakaining bigas.) LOL

gasti: haha! welcome ka naman sa blog ko reesie.
sa tingin ko mas magaling dumiskarte to si nonito kumpara kay Manny. pinabili lang ng suka champion na? ahaha! pero kung bigat ang pag uusapan, hindi na siguro nya maaabot yung accomplishments ni Manny. at marami pa talaga sya kakaining bigas para lumaki ang kaha.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: