jump to navigation

show me the pussy! Pebrero 23, 2011

Posted by gasti in muni-muni moments, petskoto, to whom it may concern.
Tags: ,
trackback

Updated:

naalala nyo pa ba yung pusa kong binubugaw? well, happy na sya ngyon. natapos na rin ang mahabang tagtuyot sa kanyang buhay. at ako naman, proud to be a bugaw for the first time. happy rin naman ako for him pero hindi ko maiwasang mainggit sa pusang yun. buti pa sya walang kahirap hirap shoot agad. kapag ako kelangan ko pa magmakaawa at lumuha ng dugo para makaisa. I hate my life. nakapagdecide na ko. gusto ko maging pusa.

nung sabado lang ngyari yun. habang pawisan pa ako sa paglalaro ng basketball (sa computer). tinawag ako ng nanay ko. meron daw tao sa labas. natural! may malapit kayang junkshop samin at nagkalat ang basurero dun. pero iba pala ang pakay hindi basura kundi yung alaga naming persian cat kaya napilitan akong bumaba kahit ayoko pa dahil masisira momentum ko sa paglalaro.

nagulat ako nung makita ko yung mama na nasa may pinto. hindi naman kalakihan pero malapad saka parang buntis kasi lobong lobo ang tyan. binati ko naman sya kunyari close kami. (wag bastos. greetings lang yan). ang sabi nya, nakita nya nga daw yung ipinaskil kong pambubugaw sa isang website. taga-marikina lang din sya kaya naisipan nyang bisitahin yung bahay namin. wala naman kasi akong pinopost na contact number dahil mahirap na. ayokong magkaroon ng maraming textmate. 50 pesos nga lang pinapa-load ko sa tindahan kada buwan eh! anyways, meron daw syang alagang persian cat din kulay puti na gusto nyang ipa-stud. virgin din at 8 months old pa lang pero in-heat na. in laymans term, taglibog. swerte! parang ako yung nasabik? haha!

agad kong hinagilap yung pusa ko dahil gusto nya daw makita. ang problema lang, andun nagtago sa ilalim ng kama. kinailangan ko pang makipagbrasuhan para lang mailabas sya. medyo hindi rin kasi sanay sa ibang tao kaya parang takot eh! natuwa sya pagkakita dun sa pusa kaya bumalik sya sa sasakyan para kunin naman yung sa kanya. pagbalik,  kasama na yung kaibigan nya na mukhang amerikano. mukhang malinis naman yung pusa kaya lang naglalagas ang hitad. hindi ko mawari kung may tipus ba o ano pero yung bandang leeg nakakalbo na. tapos mailap pa hindi ko mahawakan kasi akmang mangangalmot. subukan nya lang mangagat at diretso sa kaserola tong pusang to. makalipas ang ilang sandaling negosasyon, ipinaubaya nya na sakin ang kapurihan ng pusa nya.

dahil nga sa mailap yung pusa, hinayaan ko munang mag emote sya sa bahay hanggang gutumin sya. kinabukasan ko na sya nahawakan pero hindi ko pa rin matalian kasi nagpupumiglas. hindi sanay ng tinatali kasi kaya hindi ko na lang pinilit. sinubukan ko na lang ilapit yung pusa ko sa kanya. pero pa-hard-to-get pa ampotah! kaya pinabayaan ko na lang. baka nga naman gusto nila ng privacy at getting to know each other stage bago magsex. ok fine. wag pilitin ang ayaw. pinatayan ko pa sila ng ilaw bago ako bumaba at kumain.

maya maya pa. narinig ko na yung malanding pusa nagngingiyaw sa taas. sinubukan kong silipin kung may ngyari na bang kababalaghan para makuhanan ko naman ng picture at video na rin na ipopost ko sa dobulyudobulyudobulyudotiyottubedotcom. parang bosero lang ako sa isang boarding house ng mga oras na yun. sinilip ko ang butas. nakita ko si babae, naglulupasay na. nagtutuwad at naaninag ko na ang lagusan patungong kalangitan. handa na syang ibigay ang lahat para sa maswerteng lalaking makakauna sa kanya. napalunok ako sa tindi ng mga eksenang napagmasdan. pero may kulang. wala si lalaki. sayang ang moment kaya hinagilap ko kung san na naman nagsusuot yung damuhong yun. nakita ko naman agad. andun lang pala sa may sulok at natutulog na ang walanghiya kong pusa. parang naghihilik pa nga at talaga namang walang pakialam sa mga ngyayari. ginising ko sya.

umayos ka boy. this is the moment. the precious moment of them all kaya ihanda mo na ang sarili mo. wag kang papatay patay dyan at bumangon ka na. it’s your show, it’s your time. it’s Showtime!

kinaladkad ko sya papunta dun sa babaeng malandi. akalain mong deadma pa rin. nilingon lang saglit tapos walkout na ang drama. choosy pa sya eh wala naman ibang pagpilian kundi yung mga pusanggala sa labas. dinampot ko sya at tinapat ko ang mukha nya sa keps ni babae. pero ayaw talaga kaya umalis na ulit ako. siguro hindi pa ito ang tamang panahon.

hanggang sa sumapit ang dilim. naghahanda na ako makatulog ng marinig ko na naman ang ngiyawan. this time, nasa baba na sila. sa ilalim ng mesa. dahan dahan akong bumaba ng hagdan para mangboso. huling huli kong nakapatong na si lalaki kay babae. swabe ang hagod. gusto kong maiyak sa mga sandaling yun Dr. Love. hindi nya ko binigo. pinatunayan nyang kaya na nya. and I’m happy for them. hindi na sila virgin.

at para maidokumento ang madamdaming pagtatagpong ito, kinuha ko agad ang cellphone kong jurassic at nagpicture-picture. saglit lang at dumiretso na ko sa kwarto para matulog. baka kasi kelangan nila ng privacy. mahirap naman yung nabibitin. I should know. lagi akong ganun.

lunes. kelangan ko ng pumasok. wala pang ilaw sa baba kaya mukhang naunahan ko gumising ang nanay ko. pagbukas ko ng ilaw, tumambad sa mukha ko ang honeymooners. nagyayarian pa din! alas sais na ng umaga at mukhang wala pa silang balak magpahinga. samantalang ako, lagi na lang…nevermind. kunyari wala na lang ako nakita at ininom ko na yung mga gamot ko sabay lagay ng tubig sa takure para magpainit ng tubig pampaligo. kelangan ko na naman pumasok sa trabaho. pusanggala yan! its so unfair.

kaya eto naman ang bagong adpost ko.

For Stud: 1k only or FREE if I enjoyed it
Breed: Human
Height: 5 feet 7 inches
Weight: not that important
Age: 28
Skills: too many to mention.

with complete anti-Hepa vaccines, anti-tetanus, anti-STD and anti-virus vaccines from Norton. for 1 week only. I will provide delicious food for your bitch when I have a good time with her.

Re-stud will be free of charge if she don’t get pregnant after one month.

Note: 18 pataas lang at wala pa sa menopausal stage (bawal panget)
Will not accept baby sharing for payment. It’s all yours.

Satisfaction Guaranteed. or your money back.

PM me if interested or drop a comment below this page for stupid inquiries.

Mga Puna»

1. Ikay - Pebrero 23, 2011

hahaha! manang-mana talaga sa amo yang pusa mo ano!? mahiyain pa kunyari…hehehe! at talaga may adpost pang bago…pra ba syo to or bugaw ka na nman d2???😛 lol

gasti: tinuruan ko lang naman sya maging prim and proper. lamo na, mahirap na masabihan ng walang breeding. haha! para sakin yang ad na yan. kunyari.

2. Jakey Junkie the Bunny - Pebrero 23, 2011

Kulang ang advertisement mo, ser:

1k, or Free! Unlipop!

Pero idol ‘yung pusa mo. Pinatunayan na niya na isa siyang tunay na lalake.

gasti: haha! onga di ko na sinama yang unlipops.
ang galing nga nung pusa ko. mabilis nya natutunan yung mga tricks sa pambababae

3. Gelo - Pebrero 24, 2011

hahahaha…ikaw nang nainggit sa pusa! haha..post mo ung scandal picture ng pusa mo! lol!

gasti: ipopost ko talaga yun pag natransfer na yung pics sa comp. haha!

4. Reesie - Pebrero 24, 2011

Title pa lang, nakakatakot na! Haha.

Envious much? At dahil nakayari ang pusa mo eh gusto mo din lumagari? Haha.

PS. Weight is important!😀

gasti: haha! sige na nga. choosy din ako pagdating sa weight. ayoko naman madaganan ng balyena.
naisip ko lang naman yan. parang deuce bigalow ba.

5. Maldito - Pebrero 24, 2011

hindi pa natatapos ang post na to, parang nagegets ko na kung saan patutungo ang istorya…akala ko nga ikaw yung yayari sa pusa nila..lollllllllllllssssssssssssssssssssssssssss

aminin mo na bossing…nalibogan ka sa nakita mo..bestiality.ahahahahha

bibigyan ka ba ng nila pag nagka anak na? pabili naman if ever..total andyan naman ako sa manila soon baka pwde makuha.ahehhee.

PS: to ang uri ng post na namimiss ko galing sayo…ahahahahhaa

gasti: ahahha! gagu! kadiri naman yung mga pumapatol sa hayop. pero maintindihan ko yung mga nasa saudi na pumapatol sa camel sa sobrang katigangan.
sayang nga eh yung may ari kasi ayaw ng kitten sharing kaya siningil ko na lang ng cash. next time pag meron ulit sabihan kita.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: