jump to navigation

makapanood nga ulit ng wrestling Pebrero 24, 2011

Posted by gasti in balitang isports.
Tags: , ,
trackback

medyo may katagalan na rin nung huling na-addict ako sa kakapanood ng wrestling sa WWE. sunod sunod kasing na-injured yung mga paborito kong wrestlers at yung iba kagaya ni Brock Lesnar ay sumubok na makipagrambulan sa mixed martial arts. pati si Batista mukhang hindi na nakuntento sa scripted na laban kaya mukhang naglipat na rin ng channel.

parang kelan lang nung napanood ko ang pinakamalupit na laban sa kasaysayan ng wrestling. ang laban sa pagitan ng dalawang bidang ito.

Hulk Hogan vs. Ultimate Warrior

o diba kelan lang yang laban na yan. last week lang ata. ahaha! naalala ko tuloy yung dati kong opismate na babae. tinanong ko kung nanonood din ba sya ng wrestling. pinagmalaki nya pa sakin na oo daw. yung WF. lols! hindi na pala updated.

eto talaga ang bago. mukhang naisaayos na rin ang tamang script para sa nalalapit na laban ng dalawa sa paborito kong wrestlers of all time. ang hirap mamili kung kanino ako kakampi dahil pareho ko gustong manalo to.

Undiestaker and Triple Echos @ wrestlemania XXVII

Monday Night Raw (Feb 21 episode flashback) tumunog ang orchestra. lumabas ang bida. si Undertaker. ambagal maglakad ng bwisit! paimportante? tapos titirik ang mata na parang may sapi lang. da best! walang humpay ang hiyawan ng ma tao. tapos biglang nag iba ang sound. time to play the game… (entrance song naman ni triple H) lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao. lumabas naman si Triple H na bumubuga buga pa ng tubig. panalo! tumayo ang mga balahibo ko sa excitement. nagmamadali na sya maglakad dahil malapit na matapos ang show. pero nakuha pa rin naman nyang pumosing sa ring at isagawa ang trade mark nyang entrance routine. tapos nagkatitigan. sabay tingin sa logo ng wrestlemania 27. alam na!

Mga Puna»

1. gillboard - Pebrero 24, 2011

mas maganda yung episode last week nung bumalik si the rock. panalo yung mga classic lines niya.

if you smell… finally, the rock has come back… it doesn’t matter…

para akong bumalik sa pagka teenager.

gasti: haha! uu nabalitaan ko rin yung episode na yun kaya lang hindi ako masyado fan ni the rock lalo na ni john cena. pero maganda pa ring addition si the rock sa wrestlemania.

2. Ikay - Pebrero 24, 2011

adik din ako nyan nung bata pa ako…yun lang nung napansin kong teka mukang niloloko lang ako nitong mga wrestler na to ah, kc nman hinampas na ng bangko, hinulog sa labas ng ring, binalian ng buto, pero ampf! walang dugo???dat’s himpasible! kaya ayun tinigil ko n ang panonood nung napagtanto kong scripted nga lng toh!ampft!

gasti: ayos lang naman sakin kahit scripted yung palabas. maaksyon pa rin naman saka maganda ang pagkaka choreograph. ginaya pa nga namin yung mga signature moves ng mga kaklase ko nung hayskul.

3. Jakey Junkie The Bunny - Pebrero 24, 2011

All-time favorite wrestler ko si Stooone Cooold Steeeeeeve Austin! Nakaka-miss nga talaga manood niyan. High School pa yata ako huling nanoood niyan, tapos hindi na ako updated. Wala na e, long-time retired na rin si Steve idol Austin.

gasti: astig nga yun si Austin. parang siga sa kanto lang. sana nga bumalik pa yung mga datihan para mabuhay ulit ang wrestling. naalala ko pa dati pumunta sila ng pinas pero hindi ako nakabili ng ticket.

4. tabian - Pebrero 24, 2011

nalala ko ang mudra at granny ko,paborito nilang panoorin ‘to before pero pag maaksyon na eh tinatakpan ang mata..hehe

gasti: andami na nga rin bleep sound ngyon nakakainis. pinakagusto ko panoorin yung mga balibagan. naalala ko pa dati binuhat ni ultimate warrior si andre the giant. haha! old skul.

5. Reesie - Pebrero 25, 2011

di ko ma gets bakit milyon-milyon ang nanonood ng wrestling eh alam naman nilang scripted! sorry gasti! didn’t mean to make basag your trip. haha. conio alert!

gasti: syempre marami silang na-entertain. hindi na importante kung scripted basta maaksyon. kesa naman manood ako ng dramarama sa hapon at mga teleserye sa gabi.

Reesie - Pebrero 25, 2011

ikaw na..ikaw na ang masipag na blogger. everyday ang updates!ilike!

gasti: haha! minsan lang mangyari to. sinasamantala ko na hanggang may gana pa.

Ape - Marso 17, 2011

@ reesie

alam namin na scripted, gusto lang talaga namin ng mga ulong kumakalampag (kunwari) sa bakal na hagdan at mga wrestler na nakikipagpalitan ng muka sa matigas (kuno) na folding chair.

6. Maldito - Pebrero 25, 2011

eh asan si stone cold? si kane? nakalimutan ko na ang iba..di ba si tripple H nna yan may kasamang dalawa pa?

ahahahhahaa….ampotah lang..brings back the old memories..to kasi libangan namin ng tatay ko..pwde hukayin siya ulit para manood kami nito?

nauso din yung “suck it” noong una.ahahaha..ampotah lang..i guess its time to bring wrestling in the lime light.

yung part nahindi ko talaga malimutan ay yung natalo si undertaker…tapos pinasok siya sa kabaong….ahahaha.

gasti: si stone cold retired na yun. si kane active pa rin naman. tapos si triple H yung kasama nya dati si ric flair at shawn michaels, pareho ng retired.
baka kasama mo pa rin nanood ng wrestling ang tatay mo di mo lang sya napapansin.
maraming beses na nga ngyari yung namatay si undertaker tapos babalik ulit para lumaban. siguro pag namatay yang taong yan sa totoong buhay hindi ko na papaniwalaan. haha!

7. Ape - Marso 17, 2011

Nakaka-miss nga manuod ng (WWF) lol.

Undertaker na hindi tinatablan ng kahit ano.
Undertaker na kino-kontrol kuno ni Paul Bearer.

Ultimate Warrior na wala ng entrance echos, rumaragasa na agad sa ring.

Million Dollar Man na laging may attache case na may malaking dollar sign ($) hahaha

gasti: kuhang kuha mo ang pagka old skul ng wrestling. hehe! classic din yung pagpupunit ng damit ni hulk hogan. naalala ko sinubukan ko rin yun dati eh. saka yung pagsisigaw ni rick flair at hacksaw jim duggan.

aperockstar - Marso 22, 2011

at pupusta ko pre, nung sinubukan mong punitin ang damit mo..medyo, hindi napunit ng maayos. naka-ilang ulit ka pa.

*kung ok lng, isasama kta sa blogroll ko.

gasti: hindi ko nga yata napunit ng maayos kaya kumuha na ako ng gunting. haha! sige lang ape. salamat sa add.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: