jump to navigation

holiday dapat ngyon eh Pebrero 25, 2011

Posted by gasti in kamalasan, muni-muni moments, one day in my life, to whom it may concern.
trackback

hindi ko talaga matanggap na may pasok ngyong araw ang mga empleyadong kagaya ko. malapit ang pinagtatrabahuan ko sa edsa shrine at damay kami sa mga makikipagsiksikan sa kalsada mamayang pag uwi. eh bakit yung mga estudyante ang walang pasok? wala namang muwang yang mga yan sa diwa ng edsa revolution. paniguradong diretso sa shopping mall yang mga yan kundi naman eh sa mga bahay ng mga syota nila para magparaos. magkaisa. magkasama. kapit kamay.

kung kelan pa naman natapat sa 25th anniversary ang celebration ng edsa people power saka naman nagdeklarang may pasok ang Malacañang. and to think presidente pa natin yung anak nila Ninoy at Cory. napakawalang silbi. paano na yung mga nakipagrambulan talaga sa edsa noong 1986? paano na yung mga taong may pagpapahalaga sa tunay na kahulugan ng edsa kagaya ko? panoorin na lang namin ang balita sa tv pagkauwi ng bahay?. its so unfair!

ok fine. hindi naman talaga ko interesado makiparty sa kanila. wala pa rin akong muwang nung napatalsik si Marcos kaya hindi ko na-experience first hand kung ano ang pakiramdam nung makipagrally sila at yung saya na nadama nila nung lisanin na ni Marcos ang Pilipinas. mga 3yrs old pa lang ako nun kaya wla pa kong muwang. baka nagbibilog lang ako ng kulangot noon o kaya eh dinidilaan yung tumutulo kong sipon for fun. pero kahit na! dapat wala pa ring pasok.

araw araw ako dumadaan sa edsa shrine at sa people power monument. syempre yun ang way ko pauwi kaya talagang sobrang apektado ako sa mangyayaring re-routing na yan. sana lang talaga may makatabi akong magandang babae mamaya para maenjoy ko naman ang mararanasang traffic. ready na rin ang pabango ko para isprayan ang nanlilimahid na kili kili ng mga matatabang pawisin. panira ng moment yun kung sakali. pipiliin ko talaga maigi yung makakatabi ko. pag hindi ko type, bababa na lang ako at antayin ko na lang ang next trip.

kahit malapit lang sa amin yung edsa shrine ni minsan hindi ko pa napasok ang loob ng chapel. naiisip ko nga lang dumaan dun kapag may schedule ng autograph signing ang cover girl ng FHM which is minsan isang buwan. syempre hindi sa loob ng chapel ang event. dun yun sa robinsons galleria sa likod ng edsa shrine. kahit hindi naman natutuloy ang plano, it’s the thought that counts naman. mahirap na kasi sumakay dun pauwi. may parada ng bus and everything saka polluted ang area. o pano lusot na ba?

para kasing obligasyon kong gumawa ng entry tungkol dito dahil sa tuwing mapapasulyap ako dun sa shrine habang binabagtas namin ang flyover, may something na nagsasabing. “gawan mo naman ako ng blog post. ipakalat mo sa ibang blogger ang diwa ng edsa. humayo ka at manglandi”.

syempre joke lang yan. most of the time nakapikit na ko pagkalampas ng megamall. laging traffic sa lugar na yun eh kaya chance na yun para makaidlip. ngyon lang talaga sya mabenta kasi anniversary.

eto lang naman talaga yung ipopost ko. “once upon a time, there was Bobby Pacquiao”

Mga Puna»

1. enimarahs - Pebrero 25, 2011

mas lalo ka lang maiinis kung bibigyan mo ng pansin. alam mo naman na kung minsan ang weird ng mga palakad dito sa pilipinas. nakakainis minsan oo pero kung lagi tayung maiinis at magrereklamo mas lalo lang gugulo.

gasti: alam mo naman na blog ko to kaya may karapatan ako magrant dito. wag ka magulo.

n3tte - Marso 2, 2011

toinks!
:))

2. Jakey Junkie the Bunny - Pebrero 25, 2011

25 years ago, ang ibig sabihin ng EDSA ay pagkakaisa. Ngayon, ang ibig sabihin ng EDSA ay traffic. Malaki nga ba ang ipinagbago natin?

Pero anu’t-anupaman, ‘yung EDSA Revolution ang pinamana ng bansa natin sa mundo.

gasti: dyan talaga tayo nakilala sa pag aaklas. andami na nga bansang gumaya satin. pero walang tatalo sa theme song ng edsa revolution. the best!

3. doroastig - Pebrero 27, 2011

si Jakey Junkie ay nagtatanong, “Malaki nga ba ang ipinagbago natin?” ang sagot ko: wala. nandyan pa rin ang kahirapan at laganap na korapsyon sa iba’t ibang hana ny ating panmahalaan.

4. lio loco - Pebrero 27, 2011

hindi pa siguro nagkakakilala ang erpats at ermats ko nung nagka-edsa revolution kaya wala rin akong matibay na comment tungkol sa diwa ng people power. hanggang sa history books lang kasi ang pagkakakilanlan ko sa yellow fever nung 1986.

pero ang malupet eh etong si bobby pakyaw na mahilig mambayag. pambihira, parang hindi utol ni manny ‘justin bieber’ pakyaw o. “nu, dats nat a blu-blu. nat a blu-blu.” wahahahaha!

at isa pang wahahaha sa magulong nakikigulo sa gulo.😄

gasti: dun sa interview mo malalaman na kapatid nga sya ni Manny. hahaha! you watch the rifflaaay kasi. its not a blow blow. lols!

5. Reesie - Marso 1, 2011

3 years old ka pa lang noong edsa? ows? di nga? akala ko 23 ka na non? haha.

*nangungulit lang gasti!

gasti: haha! loko ka talaga. ayaw mo talaga ko tigilan sa edad na yan.

6. glentot - Marso 1, 2011

haha oo nga, ano nga ba ang pakialam ng mga students sa EDSA Day, eh nung nagsurvey nga eh 20% ng students, akala ang People Power eh TV show ni Kris Aquino…

gasti: meron talagang survey na ganun? haha! as if naman kasi pupunta ang mga estudyante run kung hindi naman ire-require ng teacher.

7. nieco_whacky - Marso 3, 2011

champion! eheheh..


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: