jump to navigation

tungkol sa pagpaplano Marso 3, 2011

Posted by gasti in muni-muni moments, subok lang, to whom it may concern.
trackback

kapag daw nakaplano ang lakad, kadalasan hindi natutuloy. kesyo biglang magkakaaberya o sumpungin ka ng katamaran. ang malas naman. kaytagal mong hinintay at kinasabikan tapos hindi naman pala mangyayari. mabuti pa raw yung hindi planado, nabubuntis natutuloy.

siguro nabalitaan nyo na rin yung mga Planner na mabenta tuwing bagong taon. lalo na yung mga kaibigan natin dyan na mahilig tumambay sa Starbucks. payabangan kung ilang kape na lang at makukuha na nila yung pinakaaasam na Planner. akala mo naman big deal talaga at may kasamang one night stand dun sa crush mong barista pag na-avail mo ang unlimited copy. ehhh wala naman!

hindi ka na ba mabubuntis kapag may planner ka? ay teka ibang planner yata yun. ang silbi talaga nito ay para maiplano mo ng mahusay ang buhay mo. kunyari boss ka ng malaking kumpanya o di kaya ay artista na hectic ang schedule kaya kelangan nakalista ang lahat. kapag may magtatanong na friend mo gaya nito. “free ka ba on (insert date here). magpamasahe tayo dun sa (insert name of a SPA na nag offer ng extra service here)“. na sasagutin mo naman ng “Wait. lemme check my sched.” sabay buklat ng Planner. “Sorry my friend. may nakaplano na ko lakad nyan eh. maybe some other time.

sosyal. kinakabog na si Lord sa mga plano mo sa buhay. hindi na nya maisingit yung mga gusto Nya gawin sayo like tamaan ka ng kidlat on this day and mabagsakan ka ng poste ng Meralco on the next day. kelangan talaga nakaplano lahat?

nagulat si misis nung isang beses bumili ako ng notebook sa Clipper. hindi na naman ako estudyante at wala naman akong sariling tindahan para gumawa ng listahan ng pautang. at lalo namang hindi ako bumbay para magpa-fivesix. aanuhin ko ba ang notebook?

Dear Diary,

ako ito si Gasti. yung blogger na mal**og. oo ako nga yun. yung malusog.  sawa na akong magblog at napagdesisyunan ko ng sayo ko na lang i-share ang mga stories ko para hindi naman dyahe sa makakabasa which is ako din siguro. secret lang natin ito at walang makakalabas. pramis. chalk ang pansulat ko para hindi mabasa ng iba. mahirap na magkahulihan. mahirap i-deny ang penmanship ko.

kabaklaan naman siguro kung magsulat pa ko ng diary sa mga panahong ito. hindi naman ako mahilig magsulat kung hindi naman required ng teacher. pwera na lang yung paggawa ng kodigo tuwing exam. at ano naman ang isusulat ko ngyon?

tama. pamunas ng pwet. joke! improvised planner ko talaga to. ayos naman so far, nilagyan ko lang ng to do list at to buy list  each month para simple ang buhay. pag hindi nagawa o hindi nabili, carry over na yun next month hanggang sa sukuan ko na ang pagpaplano. minsan, nalilista ko din yung gastos at utang every payday. magandang libangan na rin pag gusto pasakitin ang ulo at magpakalugmok sa financial problem. it’s that easy! lista-lista lang.

this month, wala pa talaga ako masyado naisulat dahil wala na ko maisip. gusto ko lang naman magbakasyon dahil sayang naman ang summer kung hindi ako makapagbilad sa araw ng naka trunks sa tabi ng dagat. pero bukod dyan, ano pa bang maganda pagkaabalahan?

To Do:
apply for passport – para ready na kung magkayayaan abroad.
um-attend ng highschool reunion – March 12. (di pa sure kung tuloy dahil hanggang ngyon wala pang planong gagawin)
um-attend ng graduation (kinder) – March 22 tuesday
mangwasak ng tahanan, magpaluha ng mata, mangsugat ng puso. in short, lumayo sa tukso.

To Buy:
a digicam (Sony DSC-W570 CyberShot 16 megapix) – for sure carry over to ng mga ilang months. ahehe!
maong pants
a sexy red-laced t-back bikini from Victorias Secret – because I’m gay like that.

wala na talaga kong ibang maisulat kaya antay na lang ako kung ano mangyari saka ko isulat dito. ayos lang naman yun.

Mga Puna»

1. gillboard - Marso 3, 2011

mukhang kailagan ko rin ng planner. actually meron ako, di ko lang nagagamit. hmmmmm.

gasti: ilabaaaas na yan! March pa lang naman kaya marami ka pa maipaplano.

2. Gelo - Marso 4, 2011

hahahahaha…aus, ako sinubukan ko dati magplanner, aun nagamit ko lng xa ng january :p

taena, good as new tsong, tanggalin lng ang january hahahaha…
goodluck sau jan!

gasti: hahaha! ayos pala yan. mukhang bago pa. baka pwedeng ibenta sa ebay? slightly used.
try mo gamitin ulit. march pa lang naman. kopya ka ng notes sa iba para updated ka.

3. Reesie - Marso 4, 2011

Hahaha. Panalo ang VS red-laced bikini!

Bumili ako ng notebook din last Jan. Ang plano ko para isulat yung mga quotes o magandang linya sa mga nabasa kung libro. Magaling lang ako sa simula. Ang dami kung nasulat. Ngayon nakatambak na lang siya sa tabi. Hanggang limang pages lang ang may sulat. Harharhar. Sayang, moleskin pa naman siya.

Good luck on your attempt to organize your life, gasti! Naks! Good luck to mangwasak ng tahanan, magpaluha ng mata, mangsugat ng puso. Haha!

gasti: yan. dyan ka magaling. haha! buti naman atleast nasulatan mo ang 5 pages. malay mo sipagin ka ulit at sulatan mo yung notebook. wala ka naman deadline sa pangangalap ng quotes eh! bili ka bago ballpen para mainspire ka. yung madami colors.
o baka tinigil mo na rin pagbabasa ng libro kaya wala ka na maisulat na quotes? haha!

Reesie - Marso 5, 2011

yun na nga! tumpak! ang talino mo gasti!

gasti: hehe! tamad din ako magbasa ng libro eh. naintindihan kita.

4. Mia - Marso 4, 2011

wagi ang VS na red laced t-back bikini! ahahaha!

mahilig ako sa planner pero minsan nakakatamad magsulat. haha😛

sana magawa mo lahat ng TO DO at TO BUY mo. hahaha😛

gasti: may collection ka ng planner Mia? hehe! sulatan mo na kahit ano para magamit naman.
yung mga to do baka magawa ko pa, ewan ko lang sa to buy, baka nakawin ko na lang. haha!

5. nieco_whacky - Marso 5, 2011

may planner din ako pero ang ending eh parang lahat ng lakad ko wala sa planu kaya ginawa ko nalang doodle book. eheheh ^__^

gasti: haha! nangyayari din sakin yan eh. isusulat ko na lang pag ngyari na. ok lang yun. madami naman pages kaya pwedeng doodle book na rin.

6. Polbeben - Marso 6, 2011

Hindi ko pa nasubukan yan. subukan ko kaya?

gasti: wag mo na pag isipan. subukan mo na. magugulat ka sa dami ng benefits.

7. lio loco - Marso 6, 2011

sus! alam ko namang ang sexy red-laced tback bikini na pinaplano mong bilhin ser gasti eh para sa walang iba kundi sa asawa mo. nakikini-kinita ko na ang pagkakalmutang magaganap. lol!

ayos ah. parang diary of a wimpy kid lang. kung sila’y mahal niyo, magplano sabi ng doh. sabi ko naman, hindi kailangan ng plano kung may trust quality condom.’yung dotted. hihihi!

gasti: ayun nga sana kaya lang hindi naman sya nagsusuot ng tback! at nasa China sya ngyon kaya malamang madagdagan ang oras ko sa harap ng computer.
teka, may dotted na ba talaga ang trust condom? try mo Premiere yung ultra thin o kaya earthquake. lols! hindi ka naman yata nagsusuot ng condom eh.

8. anakngpating - Marso 8, 2011

kuya gasti keri mo talaga mag suot ng t-back inpernes VS tlaga ha ehhe..:)

gasti: of course. kering keri ko teh!

9. Glentot - Marso 11, 2011

Ako rin may planner pero hindi ko ginagawang to-do kundi have-done. Naging diary hahaha

gasti: parang nagiging semi-ganun na rin yung sakin. hehe! ayos lang atleast nagkakalaman.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: