jump to navigation

role model Marso 29, 2011

Posted by gasti in muni-muni moments, self review, to whom it may concern.
trackback

hindi na talaga maganda ang mga ngyayari ngyon. kesa ikwento ko pa kung papano muntikan ng mauwi sa hiwalayan (na naman) ang pagsasama namin ni misis, subukan ko na lang gumawa ng ibang kwento na maglilihis sa inyo sa daang matuwid.

at eto na nga. dahil sa hirap ng buhay ngyon, hindi na talaga sumasapat ang kinikita ko kada buwan para tustusan pa ang mga luho ko. lalo pa ngyon na tumaas na naman ang pamasahe. letseng mga shuttle drivers yan, magtataas kung kelan nila gustuhin. puro kolorum naman.

kung aantayin ko naman ang pagtaas ng sweldo, baka mid year pa yun. at paniguradong mas mataas pa ang percentage ng sale sa SM kesa sa sweldo ko. wala ring silbi. eh ano pa nga bang ginagawa ko dito? mas maganda pa nga siguro kung sumabak na lang ako sa prostitusyon. mas ok naman yun kesa magdrugs.

nahihirapan na talaga ko mag isip kung papano ko pa mapapabilib ang misis ko. subukan ko sana magbackflip sa harapan nya at ngumuya ng bubog pero baka taasan nya lang ako ng kilay. dapat talaga yung masusurpresa sya. yung tipong mapapabigkas sya ng mga salitang “asawa ko yun ah”. uu tama. kailangan kong maging kriminal. masabi nya kaya yun kapag nakita nya mukha ko na pinaghahanap ng pulis? malamang hindi. baka itakwil na nya ko lalo. isip pa ng ibang paraan.

naisipan ko magbukas ng fesbuk. as usual, puro quotes at lyrics ng kanta ang nabasa ko. makapagpapansin lang ampota. i-unfriend ko na kaya tong mga to. nagbukas na lang ako ng ebay para magshopping. sayang naman yung natitirang 9 point something dollars sa paypal kung hindi magamit. sakto naman nakabili ako isang sunflower kaya medyo gumaan na pakiramdam ko. sayang lang yung mga angry birds plush toys na gusto ko kasi kapos na ang kaban.

balik ako sa fesbuk at biglang may dumating na message mula sa isang di kilalang account na may litrato ng pinotoshop na lalaki. ang ating letter sender ngyon ay si “Frent Phil” na napag alaman kong FR Enterprises Philippines pala ang ibig sabihin. naghahanap sya ng model. hindi ko alam kung anong tamang reaksyon sa mga ganito dahil alam naman nating maraming bogus accounts na nagkalat ngyon para perahan ka. mabuti na yung nag iingat. sa isip ko, sino ba namang magkakainteres alukin ako maging model kung hindi iyan isang senyales ng panggu-goodtime? ni sa panaginip hindi ko naisip maging model. ok fine. minsan nangarap din akong model ng axe perfume para paligiran ng magagandang chiching saka yung colt 45 promo ni christine reyes kung san merong nagmamasahe sa likod nya. pero bukod dun, wala na ko maisip. alam ko namang hindi papasa ang timbang ko sa mga ganyan. abs lang meron ako.

so tinapos ko na ang pagpapantasya. after 5 days saka ko binalikan yung mensahe na nakalagay dun sa inbox at nireplyan sya. akalain mong nagreply pa. mukhang desidido talaga. kahit part time lang daw ok naman. ewan ko hindi ako makapag isip ng maayos. gusto ko patusin pero baka paghubarin ako sa interview. hindi magandang pangitain yun. ilang pelikula na ba yung napanood kong minomolestya ng employer na bakla yung mga prospect nya. at syempre hindi mo maiaalis ang takot na baka gawin ka lang katatawanan dun. kagaya nung eksena ni John lloyd sa “my amnesia girl” na kunwari model sya.

pero kelangan ko talaga ng part time job.

Mga Puna»

1. pulpolitika - Marso 29, 2011

pingarap ko rin maging model ng axe at makasama si cristine reyes sa bora. hahaha. pero ingat bka bogus yan. mahirap tlga ang buhay ngayon. parang lalo pang lumalala. mahal na ang pamasahe sa jeep, bus at taxi. pati lrt-mrt susunod n rin. taas din ng bilihin. isa lang ang di nagbago, ang sweldo! try mo mag online tutor at home-based data encoder.

gasti: hehe! swerte rin ng mga ganung model noh? di kelangan ng makalaglag panty na looks para maka-jackpot sa chiching. sana nga makatyempo ng sideline para extra income na din.

2. maldito - Marso 29, 2011

wag mo na akong asahan mag advise..kasi sigurado pag ako ang nag advise hiwalayan talaga ang ending.wahahahhaa..i feel ka bossing..kung ano man ang pinagdadaanan mo sa buhay..harhar…
naitanong mo ba kung saan ka magmomodel?eh baka gawin kang model slash punch bag ni manny..go na..bahala na mawalan ng buhay makita lang si manny.ahaha
ps: diyan na sa manila sister ko..diyan kasi siya aasign..heheh

gasti: haha! ayos lang naman. medyo nakakabawi na rin. ayos lang naman mag model kasi marami din naman na hindi kelangan ng macho katawan at malupet na looks gaya ng sa commercial ng imodium? haha! di ko naman pinatulan din kasi nga takot ako sa ganyan.
congrats sa kapatid mo. sumunod ka na lang para mabantayan sya. hehe!

3. Gelo - Marso 29, 2011

pare try mo kaya maghomebase na trabaho, may computer ka nmn for sure…kung gusto mo less stress na homebase, try mo yung KGB…basta ang trabaho dun ung sasagot ka ng mga tanong…

gasti: KGB? yan ba yung sasagot ka sa mga surveys? kahit ano siguro basta makakatulog pa naman ako ng maayos.

Gelo - Marso 30, 2011

ndi, ung may mga tanong…check mo nlng..hehehe…kgb.com…
basta example, may magtatanong dun, “sino sa palagay mo ang pogi, si dingdong o si gelo?” sasagutin mo lng ng “gelo”..hehehe…basta ganun un…ung barkada ko sabi nya kumikita daw xa ng extra 6-8k…

gasti: wow ayos yan ah! masubukan nga. sana epektib din sakin haha! tenks!

4. aperockstar - Marso 29, 2011

ramdam ko ang bigat na pasan mo Gasti. kya minsan gusto kong palakol-in sa ulo ung mga nagsasabing ‘money cant buy happiness’. kasi pawang ka-bullshitan yan.

MONEY CAN BUY HAPPINESS. CONTENTMENT. SATISFACTION.

tol, ano-anong raket na ba ang nasubukan mo? baka may maisip ako, sabit kita.

gasti: kung mapera ka mamahalin ka ng mga chiching. kapag may nabili ka ring gusto mo eh sumasaya ka.kaya considered na rin na nakabili ka ng happiness mo. pero yung open coke open happiness, yun ang ka-bullshitan. hindi naman ako fan ng coke. hehe!
sa totoo lang wala talaga ako raket na napasukan pa. nag iisip nga rin ako kung ano pwede.

aperockstar - Marso 30, 2011

cge magtulak nalang tayo…

..ng kariton pre. hindi droga.

pero pwede rin. lol.

gasti: uu delikado pag drugs, talo tayo dyan. hehe! isakay na lang natin sa kariton ang chiching saka natin pagkakitaan. haha!

5. tabian - Marso 30, 2011

malay mo hindi bold model hanap nila.baka model ng katol,pancit canton,albatros at kung suswertehin model ng knorr broth cubes..tsup,tsup,tsup! tsarap?(nyuk! that doesn’t sound right) cheers!!🙂

gasti: ayun na nga rin naisip ko nung una. baka hindi naman kelangan ng malupet na looks para maging model para sa mga produktong ganyan. eh kaso lang pagsilip ko ng wall page nya andun ang sample models mga nakabikini at naka trunks. pero yung iba puro close up na mukha lang. ewan ko kung ano talaga hanap nila.

6. Reesie - Abril 1, 2011

haha. baka legit yung message na yun pero baka nga din chinichurva ka lang! ha ha ha.

gasti: sa tingin ko legit nga pero ayoko pa rin subukan. baka mapariwara ako lalo. hehe!

7. har har - Abril 16, 2011

sir, anu bang hanap mo na part time? ung madali? ung gusto mo? hehe.. malay mo dapat commercial model k n ngaun.. ung extra joss.. kamay lang.. haha toinks! :p

gasti: mas gusto ko magmodel ng cobra energy drink. dahil kapag meron ka nito, wala kang talo. hahaha!
basta walang kinalaman sa pagbubuhat siguro na trabaho pwede na.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: