jump to navigation

stay back boy. this calls for divine intervention! Marso 30, 2011

Posted by gasti in movie review, muni-muni moments.
trackback

mahigit isang buwan na rin nung nagpakabit ako ng internet sa bahay at masasabi ko namang sulit ang bayad ko sa Globe broadband. disregard na natin yung 2 beses na nawalan kami ng internet dahil nasabitan ng truck yung kable sa poste, sumatutal eh ayos naman ang serbisyo nila.

unlimited torrent downloads at video streaming. andami ko ng naipon na pelikulang hindi pa napapanood. pati yung mga childhood movies na masarap balikan gaya ng Ewoks at Never Ending Story. sangkatutak din ang mp3’s kaya mukhang kakailanganin ko na talaga bumili ng external HD. wala na rin kasi ako mapaglagyan ng porn.

sa sobrang hirap mamili kung anong pelikula ang uunahin, sinimulan ko panoorin ang series ng “Outsourced”. isang episode pa lang ay napamahal na sakin si Rebecca Hazlewood. hindi man sya maputi gaya ng mga tipo ko pero ayos na yun dahil mukhang hindi naman sya maganda pag pinaputi. tamang timpla lang siguro. at syempre nakakatawa itong palabas na to. mas gusto ko na nga manood ng Indian brand na comedy kesa sa mga bakyang patawa ng mga pelikula dito. lalo na yung ka-cornyhan ni Ai Ai. gone were the days na umiiyak ako sa mga patawa nila Babalu, Panchito, Rene Requiestas at iba pang komedyanteng yumao na.

yung anak ko naman nakahiligan manood ng zombie film. at ang pinapanood nya ngyon ng paulit ulit ay yung pelikulang nanakot sakin nung kabataan ko. nasimulan nya yata magustuhan ang zombie nung mapanood nya yung thriller video ni Michael Jackson. anyways, malupet tong movie na to. parang horror comedy sya pero wala akong natandaan na tumatawa ako rito nung bata pa ako. siguro kasi hindi ko pa masyado maintindihan ang usapan. best scene dito ay yung kinarate nung pari ang mga zombie. ewan ko lang kung ganito rin gagawin ng mga pari ngyon pag nakakita ng multo. baka lumuhod na lang sila at magdasal. kung hindi naman eh baka kumaripas na lang ng takbo yun. pero iba tong pari na to. feeling ko safe ako sa tabi nya.

remember the classic line: “I kick ass for the Lord!”

Amen to that.

Mga Puna»

1. maldito - Marso 30, 2011

gusto ko na ring magpakabit.kaso hindi pwede kasi uuwi nako.sayang lang nman…potah lang globe stick…may limit ang usage..pesteh.anong title niyan?phone kasi gamit ko.dko ma play ang video.naks.

gasti: Dead Alive yung title. basta yung movie na nagmula ang virus sa isang rat monkey. masyadong brutal ang pagpatay sa mga zombie dito. pero parang comedy rin.
dati smartbro gamit namin, ang bagal eh hindi makapagdl ng maayos sa torrent. lagi pa nawawalan ng signal.

2. nieco - Marso 31, 2011

ahhaha.. nanonood ka rin pala ng outsource? kewl. may opismate akong kahawig ni gupta. napapatawa talaga ako pag nagsabay kami mag yosi break. rajiv din idol. eheheh..

wala pa ako net sa bahay. mas maganda ba ang globe kesa pldt?

gasti: haha! langyang gupta yan. natatawa talaga ko sa outsourced eh unang episode pa lang ma-hook ka na agad. yung kapatid ko nga isang araw nya lang tinapos yung 18 episodes.
sa area kasi naman sablay ang pldt eh limited connectivity lang. eh may kapitbahay ako naka-globe broadband na tapos ayos naman daw kaya yun pinakabit ko.

3. foobarph - Marso 31, 2011

no comment. teka!🙂

gasti: sa ayaw mo at sa gusto, comment pa rin yan.

4. Blue Dela Kanluran - Marso 31, 2011

Magandang style yun para sa iba’t-ibang gawain “I (insert action here) for the Lord”

gasti: yeah! parang yung movie na “wag kang kikibo….Sya ang hihipo” by Priscilla Almeda.

5. Reesie - Abril 1, 2011

napanood ko yung outsourced na movie at nagustohan ko. maganda pala ang culture sa india. pero hate ko ang mga horror movies, lalo na yung mga pinoy na horror. haha. instead na matatakot ako, natatawa ako sa kakornihan. haha.

gasti: mas nakakatawa yung character sa series ng Outsourced kaya yun panoorin mo. sa mga horror films naman, yung the ring at the grudge pa rin yata yung huling nanakot sakin. uso na yata yung comedy-horror eh.

6. lovelydamnhype - Abril 3, 2011

nyahaha.. natawa ako ahha.. di ako natakot haha..:))

gasti: panoorin mo yung movie mismo. comedy talaga yun eh nagpapanggap lang na horror.

7. azul - Abril 5, 2011

globe din gamit ahmmm actually tattoo..okei naman mabilis din yun nga lang gaya ng sinabi ni maldito may limit nga..gang 800mb lang after nun bukas mo na ulit magagamit yun net..nieweis ayokong magcomment sa movie..di o alam kung maiinis ako o matatawa ee..hekhek

gasti: 800mb? bitin nga yun kung magdl ka ng movies pero kung simpleng reseearch at facebook lang pwede na rin. di ko alam kung may ganun din sa smartbro pero ambagal eh kaya nakakainis gamitin.

8. Solid Liquid Gas Plasma Matter - Mayo 2, 2011

wow, ayos na pala ang globe mo… kamusta naman ang… di ko na babanggitin dito at baka sugurin ako ng NBI at kung sino pa man.

gasti: ayos naman pre. hindi na ulit nasabitan ng truck ang mga kable. hassle din magtatawag sa tech support nilang puro parestart ang remedyo.

Solid Liquid Gas Plasma Matter - Mayo 5, 2011

haha, yan talaga ang nakakainis sa mga rehearsed response.

kulang na lang siguro na murahin mo yung kausap mo sa inis. “nasabitan nga ng truck!? walang connection dahil naputol, paano makakatulong yung pag restart?! ano ba?!” hahaha.

gasti: parang meron talaga sila sinusundan na guidelines habang nagsusupport eh! parang mga robot ba.

9. BON - Mayo 15, 2011

sobrang late ako0 backread nalang haha,,

ay namatay din ung pari sayang ang talent nya!! hehe

gasti: san ka pa makakakita ng ganyan klaseng pari? sayang sya.
bakasyunista ka rin bon? hehe!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: