jump to navigation

pwede namang mag sorry Marso 31, 2011

Posted by gasti in kahihiyan, kamalasan, muni-muni moments, one day in my life.
trackback

mabibilang ko lang sa daliri ko kung kelan ako naglalabas ng pera para bumili ng higit sa 2000 pesos sa isang item. ilang linggo ko muna pag iisipan yan at matinding canvassing ang magaganap kung san ba pinakamagandang bumili. pero pag may gusto ako, yun na yun. kahit gaano pa kagaganda yang brochure mo, wala na dyan ang atensyon ko.

nabanggit ko na noon na balak ko bumili ng samsung lcd monitor para sa computer. tinuloy ko ang plano nung araw ding yun. alam ko na ang bibilhin pero inabot rin yata ako ng isang oras para mag align ang utak, puso at bulsa ko.

kung bakit hindi ko binili yung led monitor na may 300 pesos difference lang sa binili ko eh hindi ko rin alam. basta di ko lang trip ang design saka hindi ko nagustuhan yung movie na isinalang sa demo. pinahirapan ko lang yung bantay sa pagkuha ng bagong stock ng monitor. ayos lang siguro yun trabaho naman nya eh. pagkabayad ko sa kahera, nagmadali na ko pag uwi. excited na ko testingin yung monitor. ikakabit ko muna sa netbook namin na basag ang lcd habang wala pa yung bagong CPU.

pagdating ko sa bahay, gabi na at gutom na ko kaya inilapag ko muna ang kahon ng monitor at dumiretso sa mesa para kumain. nasa kalagitnaan pa lang ako ng pagsubo ng dumating si misis. hinagilap nya agad ang gunting pagkabanggit ko sa biniling monitor. gusto nya pa sya ang magbukas. iisipin mong iniregalo ko sa kanya dahil sa sobrang excited sya. akala mo nga ma-surprise pa sya sa laman eh nakalagay naman yung picture sa labas ng box. pinabayaan ko na lang sya.

nagulat na lang ako nung tinawag nya ko at sinabing walang “stand” yung monitor. sinilip ko ang kahon para makasigurado. inalog alog ko ang box at pinakinggan kung may tutunog. pero wala talagang lumitaw na stand sa harap ko. naunahan na ako ng pagkabadtrip. hassle ang ganitong pabalik balik sa tindahan. nawala na rin yung excitement na naramdaman ko kani-kanina lang. sa isip ko, makakatikim ng impyerno ang nagbenta sakin nito.

bumangon ako ng maaga kinabukasan. bitbit ang tapang at lakas ng loob, sinugod ko ang tindahang binilhan ko ng monitor. isinama ko na rin ang nanay at tatay ko pati ang 2 anak ko para maipasyal na rin. suportado nila ang paghuhurumentado ko kung sakali. huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok at kinausap ang lalaking pamilyar ang mukha. kahit makakalimutin ako sa pangalan, matindi ang memorya ko sa mga mukha. hindi mo maaaring itanggi ang krimen.

sinimulan kong ipaliwanag ang sitwasyon sa mahinahong paraan pero nung igiit nya na maghintay ako hanggang lunchtime dahil hindi pa dumarating yung lalaking nagbigay ng kahon sakin, dun na nagsimula ang madibdibang pagtutuos. wala akong pinakinggan na paliwanag nya na kesyo baka hindi ko lang binulatlat lahat. at ng hindi ako makuntento sa class c na halimaw, pinatawag ko na yung Manager. at syempre sa panahong ito, na pinaghintay na nila ako ng matagal, mag isang oras na ang nakalipas kaya naramdaman ko ng kumukulo na ang dugo ko. mukhang na-reach na ang boiling point at tapos na ako maglaga ng itlog. eto na ang itsura ko.

nakatingin lang sakin yung gwardya. wala silang nagawa kahit nagtulong tulong pa sila at sa huli nagbukas sila ng bagong kahon at binigay ang “stand” sakin. tagumpay ang plano. umuwi akong may sigla at saya sa mga labi. pero hindi rin talaga ako sigurado kung nasilip ko na ba talaga ang bawat sulok ng kahon o baka naman may nalaglag na sa sahig.

pagkauwi ng bahay, hinagilap ko ulit ang kahon baka sakaling meron talaga naipit na stand doon. saka ko lang napansin na baliktad pala ang pagkakabukas ni misis ng box. na sa may likuran syang parte nagsimulang bukalkalin ang laman nun. kinabahan na ako. wala akong dapat ikatuwa sa rebelasyong ito dahil reputasyon ko ang nakataya.

pagkatanggal ko sa huling styrofoam na tumatakip sa monitor, andun ang “stand” na nakaipit. sealed and taped. at hawak ko sa isa pang kamay ko ang stand na ipinaglaban ko ng patayan kanina. anong gagawin ko ngyon sa dalawang stand na to?

sinabihan na lang ako ng erpat ko na wag na ibalik tutal naman eh ibabalik lang nung tindahan yung kahon sa supplier nila at papalitan na ng unit. intact pa rin ang pagkatao ko at walang ibang makakaalam ng katangahan ko. gusto kong maiyak sa sinabi ni itay dahil very supportive sya. pero hindi tama ito. nanaig ang kabutihan sa puso ko kaya kahit mabigat sa dibdib, napagpasyahan kong isoli pa rin ang excess part ng monitor. pero dahil weekend na, pinalipas ko muna ang pagkapahiya hanggang lunes.

pagpasok ko sa tindahan, sinalubong agad ako ng nakangiti nung binatilyong magiting na humarap sa galit ko. ipinaliwanag ko ang lahat sa kanya at tinanggap naman nya ang paumanhin ko. ok lang daw yun. tapos tinawag nya yung manager at kinwento ang mabuting balita. paglingon nya, wala na ako.

Mga Puna»

1. foobarph - Marso 31, 2011

yun yun eh! pasaway sa umpisa. pft

gasti: panget kasi sila magdemo. haha! nanisi pa.

2. jeck - Marso 31, 2011

isa kang ermitanyo. bigla na lang nawawala e! LOL

kaya dapat talaga pag nasa box ang item, bali-baliktarin muna para sure.

gasti: naunahan kasi ng badtrip eh. mabilis talaga akong mawala. ninja ako eh

3. Gelo - Marso 31, 2011

wahahahaha..taenang yan oh! kung sakin nangyari yan pipilitin ko nlng kalimutan ang lhat..:D
isa kang ninja, ambilis mo mawala!

gasti: hahaha! onga eh naistorbo rin naman ako sa pagkuha ng stand, naabala pa ko pagbalik. di bale ayos na yun. gumagamit talaga ko ng ninja skills kung kinakailangan.

4. tabianmuch - Marso 31, 2011

naunahan kasi ng init ng ulo kaya yown!
charge to experience, buti nalang umalis ka agad nang sinuli mo ang “stand”..mahirap na! hehe😛

gasti: kung nakita mo lang sana itsura ko nun galit ako, walang makatagal ng tingin sakin. hindi ako masyado nagsasalita pero kung nakamamatay lang ang tingin, dami na sana bumulagta. hehe!

5. gillboard - Marso 31, 2011

naiimagine ko lang yung kwento. at may ninja skills talaga. lolz.

gasti: hindi matatawaran ang angking bilis at liksi ko. lalo na kung kinakailangan.

6. moodymuch - Abril 1, 2011

hehehe…..

7. Reesie - Abril 1, 2011

hahaha! nakakatawa na nakakainis talaga yung ganito na lumalabas na ang balakubak mo sa galit tapos ma realize mo na wala ka palang dapat ikagalit. haha.

sana katulad mo rin ako na pinag-iisipan ng major-major ang mga bagay bagay bago bilhin. impulsive buyer kasi ako. kaya as much as possible, hindi ako pumupunta sa mga malls na yan. haha

gasti: haha! simula nga nun hindi na ko bumalik sa store na pinagbilhan ko eh. nakakahiya talaga pero ayos lang buti nga binalik ko pa eh.
ibig sabihin lang nyan reesie, madami ka pera pambili hehe! ayos lang naman din pasayahin ang sarili sa perang pinagpaguran.

8. L - Abril 1, 2011

lol! kung ako siguro ‘yun hindi ko na isosoli. ma-fried chicken kasi ako eh. dahil sa pag-amin mo ng iyong pagkakamali ser, karapat-dapat kang barilin sa bagumbayan para may katropa ni si pareng pepe sa luneta. loljoke!

re: stay back, boy

naririnig ko na ‘yang outsourced na series na ‘yan. ‘yan ba ‘yung tungkol sa call center life? gusto ko na ring magpakabit ng dsl pero dahil hindi naman ako sigurado kung magtatagal kami rito sa kasalukuyang lungga ko, kuntento na muna ko sa potang usb stick ng tattoo. lol!

re: role model

hindi ko alam kung anong tampuhan meron kayo ni misis, ser, pero pihadong malulungkot kami pag nabiyak ang bunga. basta andito lang kami para sumuporta sa’yo, ser. siguro mas maige kung i-toma na natin ‘yan. wahahaha! para-paraan lang para maisingit ang inom. nomnomnomnom! tungkol dun sa kumukuha sa’yong role model, hindi ka naman siguro paghuhubarin at pagkatapos eh momolestyahin nun na parang sa mga porn dibidis lang. baka naman model ng sabon sa putok o gamot sa hadhad. loljoke!

gasti: ayos ka talaga haha! pinag isa mo na lang yung comment mo sa 3 post na ginawa ko. lupet! salamat naman sa pagpapaalala ng nomnom na yan. letse! nalalapit na ang pagpapaxray ko ulit.
at uu yung sa outsourced eh tungkol sa call center life….ng taga India. haha! pero malamang maka-relate ka at matawa din kc malupit tong series na to pang comedy.

9. Prinsipe ng Pangarap! - Abril 1, 2011

ahahaha. magsiguro kasi muna bago maghuramentado. ahahaha! kakahiya yun pero sayang naman kung walang stand yung naiwan. ahahahaha.

hayyyssss. katang. ahahaha!

gasti: naisip ko nga bumili ng wall mount na lang para di ko na kelanganin ng “stand” pero gastos lang yun.

10. nieco - Abril 2, 2011

wahhahaha.. ikaw na. ikaw na. ikaw na ang pulutan sa yosi break nila.😛

gasti: naisip ko nga eh. ako lang kaya ang nagreklamo ng nawawalang “stand” sa monitor? naalala ko yung “box of shame” sa despicable me.

11. myfilthyroom - Abril 2, 2011

choks lang yan.. lahat naman tayo merong mga “what the f*ck” moments eh.. hehe

gasti: yeah! at dapat bina-blog yan. ayos din balikan ang mga katangahan sa buhay.

12. Lei - Abril 3, 2011

karamihan ng tao hindi na isosoli yung stand kasi una, masisira nga ang pagkatao mo sa pag-amin na tanga ka, pangalawala, para daw may spare pag nasira ung isa. pero aanhin mo nga ba ung spare na stand? eh bago masira ung stand, malamang mauunang mabasag ung monitor. sana ang sinabi mo nalang na nawawala eh yung monitor. lol

bilib parin ako, miski high blood ka, tanga at bulag, at least honest ka. palakpakan mga kapatid!! (grin)

gasti: lalong hindi nila papalitan yung monitor pagnaiwala ko dahil obvious na kasalanan ko na yun. hehe!
gusto ko na lang isipin na nakikipag grouphug ako sa magagandang anghel nung mga oras na yun.

13. azul - Abril 5, 2011

same thing happens with my dad ..nanalo cia kelan lang ng flat screen tv na 21″ tuwang tuwa ciang binalita sa amin..kaso di nia mauksan yung tv..ayaw daw mag on…ang siste nagpatulong cia sa tito ko..pati tito di rin ma on yung tv…gang sa muntikan na nilang baklasin yung tv…nung napikon si papa itinawag nia sa nag pa raffle yung tv at pinapapalitan..kinabukasan naisipan niang punasan yung tv kasi puro fingger prints na taos may button cia na biglang napindot at tada! bumukas ang tv,,,,

gasti: haha! atleast libre nakuha ng erpat mo yung tv. swerte nga sya. saka buti na lang at naisipan nya magpunas bago harapin yung nagpa-raffle. hindi mo rin napansin yung button?

14. Jon Cabron - Abril 5, 2011

napakabuti mong tao, sir. naniniwala ako na kahit ano pa ang kasamaang gawin mo sa buhay mo ngayon sigurado nang may naghihintay na gintong trono sa’yo sa langit dahil sa kabutihang ‘yan na ginawa mo.

gasti: haha langya natawa ako dun ah. naniniwala rin ako na pupunta ka sa langit sir dahil sa pagdalo mo sa mga outreach programs at sa mga punong tinanim mo lalo na nung sumali ka sa panawagan dati sa facebook na palitan ng cartoon character ang profile pic para sa mga kabataang inaabuso. ur da man!

15. aperockstar - Abril 6, 2011

Isa to sa pinaka-TOTOONG storyang nabasa ko sa matagal na panahon. Hindi ata madaling tanggapin na minsan, umiiral din ang katangahan natin sa katawan. Pero kung tutuusin, hindi mo katangahan to eh. Yung nagbukas ng box. hahaha.

peace mrs.gasti!

gasti: hahaha! salamat sa suporta pre. ikaw lang talaga nagsalba sakin dito. pero yun nga kasi sinilip ko rin eh di ko agad napansin.

aperockstar - Abril 8, 2011

kasalanan din nung factory. isingit ba naman sa pinaka-katago tagong parte ng kahon.

gasti: onga eh. hindi rin nila inexplain kung papano ba ang tamang pagbukas ng kahon..haha! sisihan na to.

16. Glentot - Abril 7, 2011

Hehehe hanep! gustong gusto kong magbasa ng mga ganitong kwento hehehe… Shit happens talaga minsan and we have to lose face sa mga taong inaway natin pero tama ka nga, may sorry naman eh hahahaha… Motto ko rin yun eh hehehe

gasti: haha! sigurado akong marami ka ng nahingan ng sorry na yan. master prankster.

17. Dennis - Abril 14, 2011

Hahaha! Madalas mangyari sa akin yan. Reklamo agad, bago ako mag isip. hehehe

gasti: masyado lang siguro tayong mapusok.

18. har har - Abril 16, 2011

hahaha.. nice.. ang honest. integrity!!!🙂

19. Ikay - Mayo 3, 2011

ser magkano nga po pla bili mo sa monitor? ang OA kc nung presyo na binibigay nung technician na mg-aayos nung PC sa bahay nmen jan sa pinas eh.
thanks!

gasti: depende sa size kc eh saka sa brand. yung nakuha ko eh 21 inch na samsung lcd 6k yun pero mas maganda kung led na bilhin mo. mas mura din kapag ibang brand basta pili ka na lang ng gusto mo.
yung netbook ko din hindi na nabilhan ng lcd. ang mahal kc para na rin akong bumili ng bago.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: