jump to navigation

picture lang Abril 14, 2011

Posted by gasti in kahihiyan, muni-muni moments.
trackback

naniniwala akong matapang akong tao. sa katunayan nga eh 3 beses ako nagpatuli. una v-cut tapos, german cut..pangatlo eh barbers cut. at lahat ng yan, depukpok lang. yung tipong ngangata ka lang ng dahon ng bayabas tapos idudura mo sa titi mo pagkatapos tagain ng itak. ganun. pwede ka ring maglublob sa tubig dagat para mas refreshing ang feeling.

ok. hindi totoo yan. pero maraming pagkakataon na napatunayan ko na ang katapangan ko. ilang beses na nga ako napaaway dahil pag binuyo akong hawakan yung tenga, hahawakan ko. hawakan daw yung ilong, hinawakan ko rin, tapikin ko daw sa pwet, ayun ayos naman. hindi pa ba mainam na ebidensya yan ng katapangan?

pero hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay puro katapangan na lang ang pinapairal. lahat naman siguro tayo ay may kinatatakutan. mapa-ipis pa yan o multo, meron talagang pagkakataon na susubukin ang pagkalalaki natin o ang pananampalataya natin. at hayaan nyong ikwento ko ang isang hindi malilimutang byahe papuntang Cavite.

ang eksena. 2 araw bago ang summer outing ni misis at ng mga kaopisina nya papunta dun sa resort na pagmamaya ari daw ng isa sa mga yun, niyaya ako ni misis na sumama. (if i know gusto lang ako gawin driver. pfft!). at gaya na nga ng kinagawian, tumanggi ako. pero the day before ng trip, nagbago ang isip ko kaya naisip ko sumama na din dahil wala akong tiwala sa magda-drive. converted kasi yun at baliktad ang pwesto ng signal lights at wiper. anyways, tinanong ko kung ilan na ba yung kasama, nag isip sya konti tapos sabi nya sampu na daw sila. eh kamustahin naman ang sitting capacity ng isang light ace van? punuan na yun. alangan namang sa compartment na yung isa kapiling ng mga bagahe. at ang ending, hindi ako nakasama.

pagbalik ni misis kinabukasan, diretso na agad upload ng mga pictures sa facebook. tinuruan ko pa sya kung paano i-upload yung lahat ng pics sa loob ng folder para mabilis. iniwan ko syang naglalagay ng caption sa mga pictures nila. natulog na ko.

kinabukasan, may ipinagtapat sya sakin. meron daw pagkakataon nung papunta sila sa resort na dumaan sila sa isang lugar na sobrang dilim. binuyo sya nung kaopisina nya na patayin daw ang headlights for fun. eto naman si loko nagpatay naman ng ilaw at naki-join sa takutan. maayos naman sila nakarating sa resort awa ng Diyos. walang humpay na inuman, kainan, kantahan, bilyaran, naglaro pa sila ng table tennis at basketball. masaya ang lahat na nagpicture-an ng mga kalokohan nila. pagkatapos nyang magkwento, sinamahan nya ko sa harap ng computer at meron daw syang ipapakitang picture. inistorbo ko muna ang paglalaro ng nba 2k11 ng kapatid ko para bigyaang daan ang importanteng moment na ito. mga ilang halungkat lang, tumambad na yung picture sakin. nagulat ako.

andun sa picture ang tatlong babaeng kasama nya nung gabing yun. (hindi sila kagandahan. at lalong hindi sila nakahubad). ang nakapagtataka lang dun sa picture ay sa bandang ibaba nila ay may putol na parte rin ng picture ng mga batang nakasuot ng toga. from waist below at nakaupo. mahirap ipaliwanag kung paano ngyari yung ganun sa isang picture na yun. ang nag iisang gumraduate lang samin eh yung anak ko na kinder at ibang camera ang ginamit namin doon. at kung suriin mo maigi ang litrato, mukhang elem students sa isang public school ang graduates. kinabahan na ako bigla.

bumalik ako sa kama ng nakatulala pero kinakalma ko ang sarili ko syempre at hindi dapat ipakita kay misis na takot ako. (at the back of my mind, sigurado akong hindi edited yun dahil ako mismo ang nag upload at walang ganung klase ng graduation pic na laman ang camera na yun) nawala na yung antok ko at ayoko na tumingin sa mga salamin, bintana at lalong ayoko ng bumaba para ikuha sya ng isang basong tubig. bwiset na yan. ayoko na nga magkikilos.

wala rin ako nagawa kundi bumaba dahil hindi rin naman nya ako patutulugin. mabilisan akong bumaba at kinuha ang pitsel ng tubig sa ref at nagsalin sa baso. napatingin ako sa bintana. pero mabilisan lang dahil baka may makita akong nakatoga. kinamusta ko ang mga pusa na sumalubong sakin para kalmahin ang sarili. relax lang..relax..ng biglang bumukas ang pinto. putangina! nanlamig ang buong katawan ko in an instant. muntikan ko pang maibagsak yung baso na hawak ko sa kaba. tapos pagtingin ko, ate ko lang pala yun.

gusto ko syang sipain sa mukha nung mga oras na yun dahil sa takot na dinulot nya. pero wala nga naman syang malay sa ngyayari sakin kaya lusot na sya. isip na lang ako ng pangganti sa ibang araw.

pero ano nga kaya talaga yung ibig ipahiwatig nung picture na yun? hmmm..

on the brighter side, tapos na ang medication ko. salamat sa suporta.

Mga Puna»

1. jeck - Abril 14, 2011

post mo dito yung picture master.

pwede ka na ba uminom! BEEEEEERRR!!!

gasti: baka kasi may makakilala dun sa mga babae sa litrato eh. haha! yari ako.
pwede na ko uminom ng kahit anong alak. sabayan ko na lang ng tungga ng silymarin.

jeck - Abril 15, 2011

edit mo na lang yung mukha nila. daliiiii!!

2. shinjei - Abril 14, 2011

gusto ko sanang makita yung picture. hahaha

gasti: baka kasi sabihin nyo lang edited. hindi siguro kayo matatakot.

3. tabianmuch - Abril 14, 2011

waaah! nag horror story talaga kayo ser gasti..nag standing ovation tuloy ang mga balahibo ko…nasa inyo pa ba ang piktyur?

gasti: haha! atleast hindi na ako takot ngyon. basta wala munang magpapakita ng nakatoga sa gabi. naitabi ko pa naman ang picture.

4. Lei - Abril 14, 2011

di mo kasi sinabihan ng congrashumalaysyon yung nakatoga kaya natatakot ka haha

p.s
mas natakot yata ako dun sa nagdrive sila ng walang ilaw. kung nagkataon, nabyudo ka ng wala sa oras. thanks god.

gasti: iniisip ko nga kung anong hidden meaning nung picture eh. buti na lang walang panakot na mukha.
lakas kasi magtrip eh pero hindi naman matagal daw na pinatay ang headlights kasi takot din naman misis ko. sablay pa nga magpark ng sasakyan yun eh.

5. Reesie - Abril 15, 2011

puede ba namin makita ang litrato na sinasabi mo? on second thought, wag nalang pala baka kami naman ang matakot! haha. lesson of the day : may hangganan ang katapangan.๐Ÿ˜€

gasti: sige ipapadala ko na sa email mo para safe ang identity nung mga babae. hahaha!

6. aperockstar - Abril 15, 2011

teka, parang nabitin ako. So hindi niyo na na-figure out kung bakit may mga batang nakatoga sa picture?

gasti: hindi nga eh kasi mukha pang scanned pic yung kuha sa mga nakatoga. padala ko sayo sa email mo baka ma-figure out mo.

7. Gelo - Abril 15, 2011

una, congrats oks na medication mo,๐Ÿ˜€
tungkol nmn sa multo picture, post mo nmn oh! hehehe… gusto mo ghost hunting tayo!?

gasti: tenks. check mo yung email mo mamaya papadala ko sayo ang pic. ghost hunting ka dyan haha! di na uy. spot the chiching na lang.

8. L - Abril 15, 2011

pero nasan ang litrato ser? at nang mahusgahan na!o_O

at dahil tapos na ang medication mo, eh di tuloy na tuloy na pala tayo sa june. nomnomnomnom! \m/

OT:

anong nangyari sa blog ni maldito biatch? hindi ko siya macontact gawa nga ng kasamang nalimas ‘yung contacts ko nung nagpamigay ako ng selepono sa mamang maskulado sa bus. pati nga number niyo at ni jeckerson nawala na rin. penge ule ser. salamas!๐Ÿ˜„

gasti: onga pala si maldito nagprivate blog na. di ko pa natatanong eh. kung yung dati pa rin ang cp number mo, naitabi ko pa. email ko na lang sayo yung mga contact number namin.
at syempre tuloy na tayo sa June. basagan na ng bote to!

L - Abril 27, 2011

anyare? nawala ‘yung holy week presentation ser? san pala sa batangas ‘yun? may outing kami sa sabado sa caliraya resort sa laguna. wala akong balak mag-swimming at baka masayang din ang glutathione soap ko. nomo fest lang ang ipupunta ko run. lol!

‘yun pa rin ang number ko. nagpunta kasi ako agad sa globe center kaya napalitan agad ‘yung sim.

antayin ko na lang sa email ser. \m/

gasti: nagloko kasi yung wordpress eh nabura yung kalahati sa draft na ginawa ko. anyways, sa Calatagan Batangas yun. ayos din daw dyan sa Caliraya. mag night swimming ka na lang para hindi mangitim. hehe!
sige na-save ko pa naman number mo.

9. chingoy - Abril 15, 2011

patingin ng pityur!๐Ÿ˜€

10. har har - Abril 16, 2011

tagal kong ndi nadalaw.. tpos takutan pa nabasa ko.. 1am ko p binasa.. hehehe
sana mapost mo po yung picture.๐Ÿ™‚

gasti: musta naman dyan grace? hehe! malungkot dito sa piitan kapag walang dalaw. mabuti nakabalik ka pa.

11. myfilthyroom - Abril 16, 2011

i-post na yan… daliiiiii!๐Ÿ™‚

12. sonyayesshaamalla - Abril 16, 2011

takot ako sa multo at nagsisisi ako kung bakit binasa ko pa ‘to.

gasti: wala kang dapat pagsisihan. pareho nating ginusto ito.

13. n3tte - Abril 17, 2011

patingin po ako pic๐Ÿ™‚

14. gasti - Abril 18, 2011

andyan na yung link ng picture. ipasuri nyo na lang sa kakilala nyong espesyalista.

15. Blue Dela Kanluran - Abril 18, 2011

Pabitin much? Magpopost tungkol sa picture tapos hindi ipapakita yung picture. Para kang nagluto ng chocolate cake sa harap ko tapos pinaamoy-amoy pa tapos di rin ako papakainin.

gasti: hindi ka ba marunong magclick ng link? kung ganun nga, makuntento ka na lang sa pag amoy.

16. n3tte - Abril 19, 2011

buti na lang walang mga mukha yun pic down haha…hamakin mo kung me mukha, tapos un sa pagkakawento mo….ttkot na ako nun…

gasti: uu buti na nga lang talaga at walang humarap sa camera na multo.

17. Ikay - Abril 20, 2011

nakakapagtaka nga yung pic. bakit may gnun lalo na’t hindi nman na difilm ang gamit na camera ngayon..at napaka linaw p nung pagkakahati nung picture ha.

gasti: para lang talagang pinaglaruan yung picture. gusto kasi nila ng takutan eh. ayan ang napala.

18. azul - Abril 21, 2011

hmmm..natakot ako sa pagkakawento mu..buti na lang iba yung naimagine kong piktyur sa pinkita mo..ang nasa isip ko kasi kalahati ng katawan nila nakatoga …yikes!creepy!

gasti: haha! weird naman ng imagination mo. ano yun parang sinuotan sila ng toga na pang ibaba lang.

19. BON - Mayo 15, 2011

yay, nakakakilabot naman.. sa unang tingin mukhang nagkaproblema lang sa memory card. nagpating ang files.. pero base sa sinabi mo at kung hindi nga nagamit ang camera na yon (o ang memory card) sa isang graduation, kababalaghan nga! awoooOO unang tingin ko may dugo dugo pa ung mga nakatoga! taragis! ang sama ng tingin ko biglang taas balahibo ko hahah..

sino nga kaya sila hano, at ano ang ibig nilang iparating yay!!

gasti: wala na akong pakialam ngyon sa kung anong balak nilang iparating. naka move on na ako sa mga multong yan. siguro naman kung asan man sila, safe na yung mga yun.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: