jump to navigation

holyweek presentation Abril 27, 2011

Posted by gasti in bakasyon stories.
trackback

siguro marami pa ring bloggers ang nakabakasyon ang utak kaya wala pa ko masyado nakikitang mga updates. ansarap naman kasi magpahinga. sa sobrang sarap, umabsent pa ko nung lunes. nasobrahan yata ako sa pagkain ng bulalo. ang resulta, arthritis attack! kasalanan ko ba kung puro bulalo ang specialty sa tagaytay? unlimited soup pa naman dun sa Leslies kaya naparami ang higop ko. bwiset!

miyerkules santo, hinanda ko na ang sarili ko na magmuni muni sa bahay namin sa San Mateo at doon palipasin ang natitirang holy days. tanggap ko ng walang outing dahil tagtipid mode para sa bakasyon sa Antique next month. pero may ibang plano na pala si misis. pagkauwi ko ng bahay, pinaupo nya agad ako sa harap ng computer para ipakita kung saan kami pupunta. day tour lang dahil may pasok pa yung kapatid nya na isasama namin. walang reservation ng kwarto dahil ubos na. mapa lang ang pinanghahawakan namin at bahala na kung ano maabutan dun sa lugar. 4am call time.

sakto gising ko ng 3am dahil yun ang sinet ko sa alarm pero dahil tulog pa si misis, tinamad na rin akong bumangon. sunod na gising ko, 4am na pero ayos lang naman yun. iinom lang ako ng milo tapos ready na ako magdrive. yung mga bata nga eh binitbit na lang namin ng naka pajama pa tapos yung isa nakalimutan pa dalhan ng tsinelas at swimsuit.

nairaos ko naman ang 4 na oras na pagdadrive ng walang kinakain hanggang sa makarating kami ng Batangas. pagdating sa beach, kumain muna ko ng mga anim na hotdog sandwich saka humiga sa papag. sunbathing ang drama pero nasa lilim naman ako ng puno. sayang naman kasi ang glutathione ko. ang malaporselana kong kutis salamat sa Belo for Men. at ang maalindog kong amoy na pag nilanghap mo ay makakaranas ka ng multiple orgasms. made possible by downy perfume dahil sa magdamagang pagbababad sa palanggana.

nagpicture taking na lang muna ako. swerte namang may dumadaan ding mga nakabikini paminsan minsan kaya lang eh mukhang katursi. mga ilang years pa bago mahinog pero ayos na rin kasi wala naman talaga masyado mapagpilian. tinuloy ko na lang ang pagrerelax.

dito nga pala kami nagpunta.

at dahil day tour lang kami, bago mag alas singko ng hapon ay bumiyahe na kami pauwi. panandaliang sidetrip lang sa tagaytay para magdinner at mamili ng mga prutas na pasalubong. sobrang lamig. sobrang sarap higupin ng sabaw ng bulalo. solve ang gutom.

byernes santo. pahinga na lang sa bahay at upload ng mga pictures sa computer. pagdating ng hapon ay naghanda na kami pumunta naman ng simbahan para manood ng prusisyon. hinanda ko na ang camera para sa first ever prusisyon pictorial na gagawin ko. exciting! for the past 4 years ata kasi nasa Batangas ako ng ganitong araw.

nagmistulang family/ kapitbahay reunion ang araw na ito. nagkita kita rin kami lahat dun sa kalsada. parang may picnic lang. nag enjoy rin ang mga kids sa panonood. may mga props pa ngang kandila pero hindi naman kami sumama sa prusisyon. para lang kaming lighter sa dami ng nakisinding mga kandila. magpost lang ako ng sample pic dahil baka abutin pa ng kinabukasan ang loading pag nilagay ko lahat ng 100+ na pictures dito.

Pieta

at syempre ang main event. Easter Sunday. gumising ako ng alas tres ng madaling araw para manood ng “Salubong”. mahimbing pa ang tulog ng mga kasama ko sa bahay kaya ang nakasama ko lang this time eh ang nanay at tatay ko. pinaspasan ko ang pagmamaneho papuntang simbahan dahil hindi ko alam kung anong oras eksakto ang salubong event.

konti pa lang ang tao nung dumating kami. sakto lang para makapwesto ng maganda. nagsimulang kumanta ang batang anghel. naawa ako  dahil sintunado ang boses nya pero kailangan nyang ituloy ang pagkanta. pinutol ko rin after 10 seconds ang pagvideo sa kanya para maibsan ang kahihiyan.

nakita ko rin ang overhyped na tres marias. hindi naman kagandahan ang mga ito pero infairness naman sa mga gown, lobong lobo at nakasisilaw ang kaputian. ayos rin naman ang hair and make up. ayun nga lang mahaba ang lalakarin ng mga ateh! sakripisyo ito.

wala akong matinong kuha sa tres marias kaya pagtyagaan nyo na yan. times two pa. halos wala naman silang pinagkaiba dun sa rumampa ng naka gown.

kahit medyo late na, Happy Easter pa rin sa inyo dyan!

sa kasamaang palad, back to work na ulit. haaaays!

Mga Puna»

1. aperockstar - Abril 27, 2011

batang san mateo ka pala.

may bahay kami sa rodriguez.

gasti: meron lang kami bahay dun pero wala kasi nakatira. minsan lang mabisita.
sa marikina talaga ako lumaki.

aperockstar - Abril 28, 2011

aahh. batang marikina ka pala! apiiir! hindi ako taga-marikina pero may ilang buwan din ako nanirahan sa rodriguez so mejo familiar ako sa marikina/san mateo area.

p.s.

duda ako na babae nga yung naka-green sa picture mong tres marias.

gasti: onga eh madadaaanan mo muna yung mga lugar na yan bago ka makarating ng Rodriguez. hehe! nakita ko nga yung tinirhan mo dati na paglabas mo eh kita ang bundok.
nga pala, isang helerang bakla yun nasa pic na yun. hahaha! hindi ka namamalikmata.

aperockstar - Abril 30, 2011

delikado na talaga ngayon. humihirap na ang classification kung babae o binabae.

gasti: mahirap na talaga magkaalaman pre kaya maganda kung matesting muna.

2. tabianmuch - Abril 28, 2011

very eventful ang holy week natin ser gasti ah..henyways, snap back to reality na naman after the long weekend..nga pala kala ko commercial ng Milo ang post mo..wehehe!😀

gasti: onga eh mabenta talaga kasi milo sakin bihira naman ako magkape.
at nakakatamad na talagang pumasok sa trabaho.

3. Ikay - Abril 28, 2011

ganun nga siguro talaga ang pakiramdam pagkagaling ka sa isang medyo mahabahabang bakasyon, nakakatamad ng pumasok sa trabaho…pero syempre kailangang pumasok sa trabaho para sa susunod na bakasyon eh may panggastos… belated happy easter ser! ^__^

gasti: kaunti lang kasi ang holiday this year dahil puro weekend natapat karamihan. ang malas lang.
tagtipid na nga ulit kasi may pinaghahandaan pa ko bakasyon next month. wala sigurong easter sunday celebration dyan sa lugar mo noh?

4. Maldito - Abril 29, 2011

ang ganda naman ng view dun sa beach…parang nasa hollywood lang..ahaha..

yung tres marias na nasa picture mo…feeling ko ang rami ng kasalanan nila..promise..ahahhahaa….

sure ka ba na salubong ang pangunahing pakay mo?

gasti: uu naman. parang binata pa kasi ako nung huli ako makapanood ng salubong. ginusto ko lang maka experience ulit para ma-refresh ang utak.
hindi nga sila tres marias. haha! eh gusto lang nila rumampa sa prusisyon eh at syempre dun sila sa likod ni virgin mary para mas feel ang pagkababae.

5. Gelo - Abril 30, 2011

buti ka pa makulay ang holyweek mo pare, ako may trabaho hanggang byernes puro OT pa, tapos sabado at linggo puro tugtog sa simbahan. sige ako ng busy! nakakamiss magpahinga..hay!!!!!!

gasti: kelangan din ng katawan natin ng pahinga. at ng masarap na masahe. gamitin mo na yang mga vacation leave mo. pag nagkasakit ka naman at hindi na makapagtrabaho madali ka nilang papalitan. ganyan talaga ang buhay.

6. azul - Abril 30, 2011

hmmm nung biernesanto ko lang nafeel ang penetinsya buong holy week nasa ofis ako rumaraket..haist….buti ka pa kahit daytrip lang nakapag gala ka pa…

gasti: hindi ko pa naranasang magwork ng holiday. kahit bayaran pa nila ng doble ang sweldo ko sa araw na yun. mas pipiliin ko pa rin magpahinga. mabilis naman maubos ang pera.
pero syempre iba iba naman tayo ng kumpanyang pinapasukan, may mga ganyan talaga na sapilitan ang pagpasok. bawi na lang sa ibang araw siguro. ayos lang yan.

7. BON - Mayo 15, 2011

ayeh! HAPPY EASTER!!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: