jump to navigation

palong palo! Mayo 2, 2011

Posted by gasti in movie review, muni-muni moments.
trackback

mabuti na lamang at nakapuslit kami ni misis kahapon papuntang sinehan na walang batang bitbit. isang mabilisang lakad papuntang sinehan at sa wakas. nairaos din ang pananabik sa isa’t isa. what the fuck?! nanood lang naman kami ng Thor.

at kagaya nga ng sinabi ko na noon, bihira lang naman ang movie na karapat dapat na panoorin sa sinehan. at dahil bawal na ang titilating films, (“tumbok” is not one of those) karapat dapat lang na panoorin natin ang mga pelikulang astigin sa epeks-epeks. gaya na nga nitong latest release ng Marvel comics na Thor. at gusto ko lang sabihin rin na hindi lang isang Avenger ang makikita nyo dito kundi pati na rin si “Hawkeye”. makikita nyo syang aasintahin ng pana si Thor. ganun lang. spolier na ba yun?

malapit na mabuo ang Avengers (Incredible Hulk, Ironman, Thor, Hawkeye, Capt. America). napanood ko na rin yung trailer ng Capt. America at ngyon pa lang ay parang lalabasan na ko sa excitement. paniguradong mas astig yun kesa mga pinagsama samang mutants ng X-men. o kahit ilaban pa natin ang super friends na yan. hindi sila uubra sa pagka astig ng mga miyembro nitong Avengers.

nabitin lang ako dahil 3 kissing scene lang ang mapapanood mo dito. at yung dalawa dun eh sa kamay lang ni Natalie Portman. mukha pa naman malinamnam ang lips nya. anyways, hindi talaga mahilig humalik ang mga Avengers siguro. pero lahat sila habulin ng mga babae.

ang next movie schedule ko ay ang laban ni Manny Pacquiao at ni Shane Mosley. this time, hindi ko na kasama si misis. maaga ako nagpareserve ng upuan as early as first week of April meron na akong tickets. at kagaya nga nung laban ni Margarito (na hindi ko na kinwento dahil tinamad ako) kasama ko na ang erpat at kapatid ko. excited na kaming lahat dahil sa darating na linggo na yung upakan na yun.

6th wedding anniversary rin pala namin ni misis yun. hindi ko naman kasalanan na masaktuhan ang petsa ng laban sa anniv namin. nasita pa tuloy yung 500 pesos kong pinambili ng ticket. at baka pati na rin yung pacquiao shirt na bibilhin ko one of these days. kelangan magpa-goodshot pagkatapos ng laban. isip pa ko ng magandang puntahan.

come to think of it, kaya rin siguro nung isang beses na nagsabi akong bibili ng running shoes sa kanya eh bigla nya namang pinakita ang listahan ng enrollment fees ng anak namin. kulang kulang sampung libo din yun at para na rin nyang sinabi na wag na ko bumili ng sapatos.

Mga Puna»

1. Ikay - Mayo 2, 2011

baka cguro gusto lang ni misis na ipaalam syo na pangtuition muna bago yung running shoes mo…hehehe at mukang hindi k nman tumatakbo kaya syempre unahin na muna ang mga anak nyo ^__^
at simula nung ngtrabaho ako dito sa bayan ng mga amoy camel eh hindi na ako nkakapanood sa sinehan ang mahal nman kc ng sine d2.

gasti: onga eh lapit na kasi ng enrollment kaya kelangan bawas gastos muna. sabagay wala pa naman ako natitipuhang sapatos. pero yung pacquiao shirt bibilhin ko na. haha! baka maubusan ako eh.
baka naman 5 star din ang mga sinehan dyan kaya mahal. magdl ka na lang siguro para makatipid.

2. aperockstar - Mayo 3, 2011

Sa pagkakaalam ko, minsan naging miyembro ng Avengers si Wolverine/Logan. Kaya pwede na rin siya isama sa listahan mo.

Nakakinggit ka pre, naka-date mo ang ina ng iyong anak. Samantalang ako…never mind. haha.

gasti: mukhang hindi isasama si Wolverine sa Avengers movie eh pero idol ko din si Wolverine. ang sablay lang sa kanya eh wala syang long range weapon.
asan ba yung ina ng anak mo pre? sa ibang bansa ba? hindi uubra siguro sakin yang mga long distance relationship.

aperockstar - Mayo 4, 2011

kaya nga. eh kung may optic blast din sana si wolverine edi invincible na siya! lol. BERSERKER BARRAGE!!!

*sbhn nlng natin na…kasalukuyan naming inaayos ang gusot namin ng asawa ko…alam mo na ano ibig sabihin nun*

gasti: haha! onga tapos may healing power pa. sya na ang bida!
ayos lang yun pards. talagang napagdadaanan natin yang mga ganyan.

3. gilboard - Mayo 3, 2011

panalo ang thor sa trailer pa lang. kaya lang sa thursday pa ako makakapanood. excited na din ako sa avengers movie.

happy anniversary sa inyo ng misis mo sa linggo.

gasti: tenks gill. tapusin mo hanggang after credits para mapanood mo pa yung extra scene. astig talaga ni Thor. parang bitin lang.

4. Reesie - Mayo 4, 2011

di ko pa napanood ang thor. baka ngayong weekend pa. dapat nga ganon, deyts lang ng deyts with wifey! haha. baka masundan bunso niyo niyan. haha.

gasti: eh ni hindi nga kami nagholding hands sa loob ng sinehan eh! nag abutan lang kami ng softdrink at popcorn. haha! busy sa panonood. malabong mangyari yang susunod na sinasabi mo. antayin ko muna kung mabuntis ka this year.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: