jump to navigation

eye of the tiger Mayo 10, 2011

Posted by gasti in balitang isports, muni-muni moments, to whom it may concern.
Tags: , , , ,
trackback

hindi ko maintindihan ang mga fans ng boxing at so-called-boxing-experts na yan. kung magsalita akala mo kegagaling gumulpi. hindi marunong makuntento. hindi pa sapat na manalo yung boksingero natin at malinis ang mukha para umuwi tayong nakangiti at satisfied sa laban? hindi na kasalanan ni Manny kung ayaw makipagsabayan ni Mosley.

ewan ko sa inyong mga nakapanood pero ako ayos na sakin yun. hindi ko pinanghinayangan kung magkano man ang binayad ko para panoorin ng live ang laban sa sinehan. pati na rin ang tatay ko at kapatid kong kasama ko nanood. yung laban pa lang sa pagitan ni Jorge Arce at Wilfredo Vasquez Jr, natuwa na ko eh. maraming sasang ayon sakin na yun ang best fight of the night.

ano bang tamang reaksyon kapag napapasobra na ang bugbugan?

a). sige pa! suntukin mo pa! gusto ko pa makakita ng bumubulwak na dugo.

b). tama na ref! itigil nyo na! wala ng kalaban laban eh..ano pang sinisilip nyo dyan?! awatin mo na.

c). ano ba yan? round 3 pa lang uuuy! wag mo muna tapusin. patagalin mo muna onti. mamaya mo na itodo!

d). *tirik ang mata at speechless.

minsan napaghahalo ko yang mga reaksyon na yan. kaya nga naisip ko na dati pa na mag enroll sa boxing gym dahil gusto ko maka experience ng ganung klase ng excitement. bukod pa syempre sa pagpapalakas ng katawan. gusto ko ring manuntok ng tao in a not so brutal and violent way. ayoko naman nung parang suntukan sa kalye lang. asal iskwater ang dating nun eh! saka kelangan naka japorms. dapat nike ang short pati shoes at medyas. kunyari magaling ako.

nakita nyo naman ang itsura ni Manny Pacquiao. aminin nyo na nagmukha syang mamahalin dahil sa mga suot nya kapag nagte-training. ang gara. pati yung mga nakapaligid sa kanyang team pacquiao kahit mukhang mga tindero lang sa palengke, lumevel up na rin. yan ang tinatawag kong “katas ni Manny”.

narito nga pala ang ilan sa highlights nung laban ni pacquiao at Mosley.

  • ring entrance ni Mosley. kumakanta si LL Cool J ng nakakaganang “Mama said knock you out”

nakaka excite. akala mo talagang seryoso si Mosley na patumbahin si Manny. maniniwala kang malakas sya sumuntok kasi anlaki ng biceps nya at rock solid ang abs. uu pramis nahipo ko.

  • ring entrance ni Pacquiao. kumakanta si Jimi Jamison (member of the  Survivor band) ng makabagbag damdaming “Eye of the Tiger”.

panis! entrance pa lang solb ka na. parang kakapusin ng hininga yung singer saka medyo hindi nya kayang sabayan yung music at bilis ng lakad nung entourage ni Pacquiao pero nakuha nya pa rin abutin ang high notes. mas maganda siguro kung meron ding exit song.

  • pagbagsak ni Mosley sa third round

ambakla lang nung pagkakahiga ni Mosley. parang wala sya sa boxing ring kung makahilata. akala mo nasa beach lang. sana nga di na sya tumayo para napasaya nya ang mga taong nanood. bumangon pa kasi tapos lalakad lang naman paurong.

  • ang pagpapakita sa screen ng mukha ni Paris Hilton.

deadma ang lahat nung makita sa widescreen ang mukha ni Jinkee at nung gelpren ni Mosley. pero nung dumating ang Hilton Sisters at sila naman ang binalingan ng camera, nagbunyi ang mga tao. napanood ko ang scandal video ni Paris at ng dating bf nya, bukod dun, wala na akong nakikitang relevance nya sa buhay ko. ano bang gusto ng mga tao sa babaeng yan? siguro naman hindi virginity.

  • bumagsak si Manny Pacquiao sa tenth round. nagalit siya at nakalimutan na nyang 39 yrs old ang kalaban nya.

obvious namang tinulak ni Mosley sa kilikili si Pacquiao. amuyin nyo pa ang gloves niya at andun ang ebidensya. amoy Rexona for Men. joke! (remember: ang pawis ok lang yan sa loob ng ring). standing ovation ang eksena dahil naghurumentado na si Manny. ganyan talaga ang bida, parang naka-Ginebra.  saka mukhasim. parang ganito.

  • idineklarang panalo si Pacquiao at nagsuot sya ng kulay blue shirt na may nakalagay na “chaMPion”

obvious naman panalo si Pacquiao kaya inaasahan mo na yun sabihin ng announcer. interesado lang naman ako dun sa shirt na sinuot nya. parang bagay sakin.

  • ang pictorial ni Manny Pacquiao at Paris Hilton sa post fight press conference

Oh yeah! walang duda. panalong panalo na talaga.

Mga Puna»

1. apollo1102 - Mayo 10, 2011

maging si manny dis-appointed kay mosley. ayon sa kanya, hindi gaanong natuwa ang audience sa habulan nila.

pero ang bottomline: a win is always a win.

gasti: dismayado nga rin si Manny kasi na-boo ang laban nila eh pero hindi naman talaga nya kasalanan. sana matuloy na yung pacquiao-marquez 3 sa November. mas exciting siguro yung laban na yun.
ang importante pa rin syempre yung kaligtasan ng mga boxer. nakakatakot kasi kung maulit yung nangyari kay Z gorres.

2. kotsengkuba - Mayo 10, 2011

hawak dede naman tong si manny kay paris hilton. hahaha

gasti: grab the opportunity ika nga. haha!

3. Ikay - Mayo 10, 2011

at napanood ko nga rin ang laban na yan…hmmmm…to be honest medyo na bored ako sa laban nila…kc nman prang mataya-taya ang laro nila at hindi boxing panay kasi ang pahabol ni Mosley…but on the other hand OK na nga rin kasi at least walang basag na mukha sa kanilang dalawa…naaliw din ako sa entrance song ni Manny pang champion talaga…hehehe

gasti: ayos na sakin yung laban kasi napatumba nya si Mosley. bonus na nga yun kasi hindi ko naman talaga inasahan. naduwag lang talaga si Mosley kaya hindi natulayan ang knockout. pero sa performance ni Manny, ayos naman. partida na nagkastiff-leg daw.
bagay na bagay nga sa kanya yung entrance song nya. hanggang ngyon na-lss pa rin ako. haha!

4. Gelo - Mayo 11, 2011

ako sa totoo lng pareho tayo… ok nmn ung laban e,
siguro ang hinahanap lang nung iba ung “laban” na obviously, di maxadong present dun sa fight. parang magulo..hehe…si mosley kasi pa-virgin, “habulin mo ako…yiii…ay payakap nman, Manny”… taena lang.

gasti: panay apir nga ang loko eh tapos may yakapan portion pa nung 12th round. mas maganda nga sana kung mas maraming sunrukan pero syempre mahirap na rin matyambahan kaya ingat din si Manny. si Mosley talaga ang walang kwenta eh. mayabang lang sa press con.

5. aperockstar - Mayo 11, 2011

hindi ko pinanuod laban nila. busy ako bumuo ng malupit na sandcastle sa Camayan beach resort.

pero palagay ko, nawalan na ng killer instinct si manny. baka kelangan na niya mag-MMA. lol.

gasti: bakasyunista ka pala pre. masyado na nga maawain si Manny eh kaya hindi na nya tinutuluyan ang mga kalaban nya. siguro naman kung si Mayweather ang kakalabanin nya baka pakawalan na nya lahat ng suntok na meron sya.

aperockstar - Mayo 13, 2011

tama ka dyan pre. pag si Mayweather na ang kaharap nian, babalik ang pagiging basag-ulo ni Manny. baka sa weigh-in pa lang magsapakan na yun dalawang yun.

gasti: badtrip naman yang mga Mayweather clan eh puro dada ayaw naman lumaban.

aperockstar - Mayo 14, 2011

injured pa ata ung vagina ni Mayweather.

gasti: siguro nga baka dinugo nung nakaraang laban kay Mosley. haba na ng bakasyon nya eh

6. Blue Dela Kanluran - Mayo 12, 2011

Parang rite of passage yan si Hilton eh. Hindi ka lalaki kung hindi mo pa natira.

gasti: hindi pala ako lalaki kung ganun. marami lang siguro nagnanasa sa kayamanan at katawan nya.

7. Maldito - Mayo 13, 2011

hindi rin ako nanood niyan kasi busy din ako sa kakaligo sa dagat at mountain trekking….wala rin namang difference kasi hindi naman talaga ako nanonood ng boksing.ahahhaa….

manga si paris….

mangagamit! ahahaha

gasti: oo na. bakasyunista ka eh. baka isang beses ikaw na yung mapanood ka na guest ni Jessica Soho o kaya ni Korina Sanchez bilang travel blogger. tapos anlande lande mo pa ngyon. ikaw na ang lurker!

8. myfilthyroom - Mayo 16, 2011

anak ng tinapa, letter D! hahahaha


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: