jump to navigation

running shoes Mayo 23, 2011

Posted by gasti in kwentong pasahero, muni-muni moments, to whom it may concern.
trackback

hindi madaling maghanap ng gusto kong sapatos. nakarating na ko sa Nike Park ng The Fort, Sta. Lucia, Gateway at Trinoma pero sa kasamaang palad, bigo pa rin akong makapili ng sapatos na pwede kong gamitin sa araw araw kong lakad-takbo.

gustong gusto ko na gamitin itong gift certificate na bigay sakin ni misis nung anniversary namin. baka kasi maiwala ko pa o malukot o mabasa. sayang naman. kaya lang eh pare-pareho naman ang mga paninda sa Nike Park. puro bagong stock na kasi ang naka display. para tuloy nag roundtrip pasyal lang kami ng anak ko ng 4 na oras.

nakakapagod din dahil this time hindi ko talaga dinala yung sasakyan. dahil nagkukuripot ako bumili ng gasolina at magbayad ng parking isama mo pa ang surprising topak ng alternator. mas maigi na ngang magcommute na lang. matagal na rin akong hinihiritan ng anak ko na sumakay kami ng tren.

siguro mga 2 years ago pa nung huli ko syang isinakay ng tren. byaheng Katipunan to Recto. yun yata yung bumili kami ng car sterio sa Raon. binilhan ko pa nga yata sya nung 30 in 1 dvd compilation videos ng Barney na hindi ko na alam kung asan ngyon. masaya rin magsama ng bata sa byahe. nakakalibang. sa daldal ba naman ng anak ko sinong hindi maeentertain.

gaya na lang nung namimili ako ng jacket.  

Daddy suot mo kasi tong shades para pogi ka. – natawa na lang yung saleslady na nasa tabi ko eh. kelangan ba pogi pag mamimili?

habang nasa byahe, naglalakad sa mall, tumitingin ng posibleng mabili.

Daddy pagkatapos mo bumili ng sapatos mo saka bibili tayo ng laruan ko ha! sige na please (with matching pakurap kurap ng mata at ngiti ni jollibee) – mga 10 times ko narinig yan buong byahe. buti nakuntento naman sa Happy Meal.

habang nakatingin sa istante ng mga sapatos.

eto daddy bagay sayo to. ang gara kaya! bilhin mo na ‘to. – bigla na lang syang kukuha ng sapatos out of nowhere mostly high cut na basketball shoes na magmumukha akong mascot ng McDonalds sa laki.

nung paalis na kami ng store at wala ako nabili.

Sabi sayo daddy wala ka mabibili dito eh pangit kasi paninda nila. – eto yung mga iniiwasan kong eksena eh. nakakahiya.

mabuti na lamang at nakatulog na sya nung byahe pauwi kaya nakapagpahinga na rin ako ng maayos. nangalay nga lang yung kamay ko sa pagsalo ng ulo nyang nakalaylay. mukha naman syang nag enjoy sa ginawa naming pamamasyal at gusto nya pang maulit. isama na raw namin yung kapatid nya. ang bait na kuya. laging naiisip ang kapatid nyang naiwan sa bahay. akala mo naman hindi nag uumbagan kapag nag aagawan ng laruan. ang hirap kaya magsama ng 2 years old na bata sa mall. parang mas gustuhin mo na lang ipasok sa loob ng pet carrier kung kasya lang din naman.  hehe! joke lang.baka ma-child abuse ako.

namimiss ko na si misis.

Mga Puna»

1. apollo - Mayo 23, 2011

aahm.. di ako makarelate. nice post na lang. lols!

seriously, masarap ang may kasamang bata. tuwing umuuwi ako sa amin, mga bata ang lagi kong kalaro. masarap magpaiyak. hahaha!

gasti: bad apollo. haha! habit ko rin ang manakot ng bata eh. ang galing ko pa namang umarteng zombie.
mambuntis ka na kasi para makarelate ka. hehe!

2. Maldito - Mayo 23, 2011

ampotah.namimiss ko ang bahay sa tuwing nagkwekwento ka ng ganito..ang sarap lang makipagkwentuhan sa bata,,nakakalimutan mo na matanda ka.

lols

gasti: nalilito nga rin ako sa age ko eh. nagcocompute pa ko sa isip minsan para makuha ko yung tamang edad ko. haha! ulyanin na pala. magastos pag may kasamang bata pero masaya naman.

3. The Gasoline Dude - Mayo 23, 2011

Natawa naman ako sa anak mo. Lalo na dun sa binibigyan ka ng sapatos na high cut parang McDonalds lang. LOL!

gasti: anlaki talaga nung sapatos na yun pre. siguro size 12 yung binibigay sakin. sinusukat pa sa paa ko. anlakas pa ng boses kaya napapatingin yung salesman saka ibang namimili.

4. Ikay - Mayo 24, 2011

cute naman father & son bonding…

nakakatuwa na nakakaubos pasensya talaga ang mga bata ngayon, kasi sa sobrang kukulit at likot…hehehe

gasti: lalo na yung mga kids na ages 1-4. parang hindi talaga mapirmi.

5. soontobehappybelle - Mayo 29, 2011

meron din akong pamangkin na 3 years old. nakakatuwa kasama pag ang bibo-bibo at ang daldal!

gasti: at makikipagngitian sayo lahat ng saleslady. pagod ka nga lang sa paghabol ng bata.

6. aperockstar - Hunyo 2, 2011

“…bigla na lang syang kukuha ng sapatos out of nowhere mostly high cut na basketball shoes na magmumukha akong mascot ng McDonalds sa laki”

– – hahaha! korek! mahirap mag-jogging na basketball shoes ang gamit. para kang may mga maliliit na barko sa paa na kinakaladkad!

gasti: haha! ayokong itry nga. sobrang alangan talaga sa binti ko.

7. jah - Hunyo 4, 2011

nakakarelate ako. ganiyan din mga kids ko. kahit makukulit at nakakapagod walang katumbas na saya naman ang binibigay satin.

gasti: mabuti naman at may nakarelate din. haha! parang tumatanda yata ako pag nagkukwento ng ganito. nakakamiss din talaga may mga kids na kasama sa bahay at lakaran.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: