jump to navigation

kinulayang sisiw Hunyo 3, 2011

Posted by gasti in muni-muni moments, petskoto, to whom it may concern.
trackback

ilang beses na rin ako nakabili ng kinulayang sisiw. simula nung bata pa ako at eto nga hanggang ngyon na para naman sa mga anak ko na. ni minsan hindi ko nagawang palakihin ang mga sisiw na yan. matagal na yung 2 weeks stay sa bahay. kadalasan 1-3 days lang deads na. meron pa nga ako experience dati na yung inalagaang sisiw ng kapatid ko eh naapakan ng tiyuhin naming lasing. ayun! dead on the spot. same day ng pagkabili.

kung hindi ka pa nakakita o nakapag alaga ng ganito, kawawa ka naman. hindi makulay ang childhood mo.

red hot chick

binili namin yan nung Palm Sunday. nakahalo ang mga tindera ng ganyan sa mga palaspas. baka nga nasabuyan pa yan ng holy water dahil kasama ko yan nung nagpapabendisyon ng palaspas ko. instant binyagan.

dalawa nga yun binili namin. green yung kulay ng isa para paskong pasko ang dating. kaya lang namatay naman yun after 3 days  indahin ang sipa ng bunso ko. medyo naconfused na rin siguro sa identity kaya nagpakamatay noong isama ko sa kulungan ng “kulasisi” namin. ibon rin yun. mabuti ng maliwanag.

ang bilis nga naman ng panahon ano.  after 46 days, pinicture-an ko ulit para sa before and after transformation effect.

eto na sya ngyon.

ready to fight na

isn’t she lovely? ahaha! may mga bakas pa rin ng dati nyang kulay. siguro mas malaki pa dapat ito kung napakain lang sya ng maayos. saging na saba at birdseed lang kasi mostly kinain nya. kagaya nga nung kung ano ang kinakain ng mga ibon namin. kung hanggang kelan sya tatagal, hindi ko rin alam. pero kung papalarin sya, mga 100 days siguro bago sya makabalik kay San Pedro. pero kung hindi ko magustuhan ang dinner mamaya, baka si Sr. Pedro ang makilala nya.

Mga Puna»

1. apollo - Hunyo 3, 2011

ayus! mukhang bawi ang investment mo nyan pre. may masarap kang uulamin. kaso baka naman umiyak ang bunso mo pag kakatayin na yan. hahaha!

gasti: bawing bawi talaga pre. haha! bente pesos ata bili ko dyan nung sisiw pa lang eh. bili na lang ako ulit pag nakatyempo ng nagtitinda. kadalasan kasi pyesta lang nagpapakita yung tindera ng ganyan eh.

2. jeck - Hunyo 3, 2011

di rin nagtatagal saken yang mga sisiw na may kulay na yan. kahit yung mga itik na napanalunan ko sa pahula. naaawa ako sa sarili ko sa tuwing pagkagising ko kinabukasan e patay na yung alaga kong sisiw/itik pagtapos kong ikulong sa kahon ng sapatos. astig yang red chick mo ah umabot ng 45 days! pulutanin natin pagdating ni maldits! lols

gasti: nasubukan ko rin mag alaga nung itik, dagang kosta, pugo, maya etc na nakuha sa palabunutan. wala rin tumagal. 1st time nga to kaya pinicture-an ko eh. nakatsamba rin.
hindi ko pa nga nakakausap si glenn eh. bilhan na lang natin 1 day old chick sa bday nya. haha!

3. aperockstar - Hunyo 3, 2011

Hahahah! I love this entry man! Brings back so many memories! Nakapag-alaga na rin ako ng sisiw na ala-Dennis Rodman. Ilang araw lang din tumatagal. Ang bilis gumive-up eh! Pero may tumagal sakin dati, inabot halos ng 4 na buwan. Itik. Kaso naging bayolente na habang lumalaki, kaya pinamigay nalang sa kapitbahay naming bayolente rin.

gasti: thanks pre! record breaker yang 4 na buwan na pag aalaga mo ng itik ah. akala ko nga dati mas matibay yun kesa sisiw pero hindi rin naman tumagal sakin. saka oo nga nanghahabol yan eh. nakakatakot din pag tumanda na.

4. Gelo - Hunyo 3, 2011

aus! hehehe… pero ung samin naman, ung tita ko bumili as in umabot ung manok sa adulthood at nalampasan ang puberty stage..hehe.. tinuring na pet ng tita ko un as in spoiled tlaga.

ung isa naman na inalagaan ng kapatid kong bunso, unang araw palang tinira na ng daga, ung muka pero nakasurvive..after three days, niresbakan xa ng daga, at pinugutan na tlaga ng ulo…deads… umiyak kapatid ko nun…hayss…

gasti: haha! ayos yang tita mo ah lakas ng trip. bihira ang babae na nahilig sa pag aalaga ng manok.
marami ring mga halimaw na daga na umaaligid samin. inubos nga nun yung alaga namin dati na hamster saka yung mga bantam chickens na bigay sa anak ko. at ang pinakamatindi eh yung tuta na binigay ng kapitbahay. gabi gabi binabawasan ng daga hanggang sa matuluyan na. kaya nga napabili ako ng pellet gun eh.

Gelo - Hunyo 7, 2011

hahaha…astig tlaga mga daga…pero malas lang nila pag nahuli sila,
papa ko, binabanlian ng mainit na tubig
kapatid ko, binabaril ng pellet gun
pinsan ko, hinahataw ng baseball bat

morbid na ata maxado..hehe

gasti: anlaki nga ng galit nyo sa daga. hehe! ako naman kung hindi makuha sa barilan, pinapakain ko na lang ng lason. yung kulay blue na pellets. effective naman.

5. tabianmuch - Hunyo 4, 2011

pwede na ba yang ipanabong?

meron kaming mga sisiw noon pero di nagtatagal at sa tuwing may nadedebol eh iniiyakan ko..ganyan ako ka attach sa mga pets..hehe

pero ser gasti buhay pa ba yan o tinola na?😄

gasti: hindi siguro manok ang tingin nito sa sarili eh. lumaki kasi kasama nung mga kulasisi. saka hindi naman sya natuto makipag away. hehe!
nga pala, buhay pa to. binabantayan lagi ng anak ko eh.

6. Maldito - Hunyo 4, 2011

hindi ako nagdaan sa mga ganyang sisiw..sabi kasi ni tatay.bold is beautiful.ahhahahaa…kawawang mga sisisw. i Enjoy niyo nlang ang moment na nakakabili pa kayo niyan…habang wala pa ang PETA. ahaha.

PS: Hindi ako matutuloy. Sayang nga ang tickets. Dun na lang muna ako sa iloilo kasama si..ahahhahaa.

sa October ulit siguro!

gasti: sabagay lahat naman ata pinapatulan ng PETA pero wala naman pangmamaltrato dito ah.
nyak. kaya pala hindi ka na nagpaparamdam. o sya sige, i-enjoy ang lovelife until it lasts. hahaha! joke.

7. Solid Liquid Gas Plasma Matter - Hunyo 4, 2011

turuan mo na lang maging pangsabong. mas malaki ata ang kita doon. hahaha

gasti: sigurado kong matatalo agad ito mervs. hindi nga marunong makipag away eh.

8. karlo - Hunyo 5, 2011

HAHAHAHA! taw pers time ko nakakita ng ganyan na Lumaki! HAHAHA! =D The best! and nice chick pre!

gasti: thanks! try ko rin palakihin yung ibang kulay pag nakatyempo ulit ako ng nagtitinda.

9. Ikay - Hunyo 6, 2011

may mga ganyan din s amin sa tondo na nglilibot, pinapalabunutan….hehehe! at ayus sir may instant pang tinola ka na nyan… ^__^

gasti: effort pa ang manghula ng numero kaya binibili ko na lang agad. haha! ayoko ng nadidismaya eh.

10. Reesie - Hunyo 9, 2011

naalala ko to nong bata pa ako..gudto ko din yung pink at yellow. hehe. makulay pala talaga ang aking childhood.

gasti: orig color naman talaga ng sisiw ng manok eh yellow diba? hehe! baka na-enhance pa lalo yung nakita mo. sobrang makulay nga ng childhood mo eh kahit black and white pa pictures noon. haha!

11. soontobehappybelle - Hunyo 11, 2011

galing! parang highlights na lang niya yung pink color!

gasti: update ko ulit to after a few days. mawawala na rin siguro yung kulay red na highlights.

12. Jakey Junkie The Bunny - Hunyo 14, 2011

Palakihin at alagaan niyo pa ‘yan, ser. Paglaki niyan, isa na siyang fighting cock. Handang kumagat.

gasti: astig yun kung nangangagat talaga. hehe! diba mukhang babae? di rin ako sure pero gusto ko sana paitlugin.

13. Glentot - Hunyo 15, 2011

Ewan ko ba bakit maawain ako sa mga hayop lately. Pero noong high school ako kinulayan ko ang pusa namin ng blue. Gusto ko kasi magkaroon ng Pokemon…

gasti: at talagang lately ka lang naging maawain sa hayop. gusto ko rin ng kulay blue na pusa parang mala-doraemon. kung pwede nga lang sana makapag breed.

14. n3tte - Hunyo 28, 2011

haha reminds me of my son…. he loves kinulayang sisiw.. pag namatay, bili ulit…iinis na mama ko sa kanya hahaha…teka kahit d tayo magkakilala, talagang password protected un isang post mo? (humihirit lang po hahaha)

gasti: buti na lang at mura lang yang mga sisiw na yan. bumibili din kami lagi pag nakakita yung anak ko na nagtitinda sa may simbahan o kaya tuwing pyesta.
pw protected talaga yan. for the sake of fairness…hehe!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: