jump to navigation

dun nga ako galing Hunyo 16, 2011

Posted by gasti in bakasyon stories, kwentong pasahero.
trackback

pangalawang beses ko na narating ang Iloilo pati na rin ang Antique. both times, may bagyo. hindi ko alam kung sinong may balat sa pwet sa mga kasama ko pero ganun nga. maulan kaya hindi naman kami masyado naglibot libot. pero buti naman may mga sandali pa ring lumalayo ang ulap sa lugar namin kaya kahit papano eh masasabi pa ring summer outing nga ito.

magandang mamasyal dun. andaming magandang tanawin kagaya na lang nito.

feel na feel mo ang summer heat kahit nasa loob ka ng kubo. ahehe! but wait there’s more! marami pang kaberdahan ang makikita sa probinsya. syempre, hindi naman mawawala ang mga palayan. mga puno at halaman, mga damo at lumot. see our model below.

ang sabi nga nila, kapag ang palay naging bigas, may bumayo. pero bago pa mangyari yang bayuhan na yan, syempre may umararo sa bukid na walang papel.

hinarang pala kami ng isang baka roon. akala naman nya papasindak ako? para saan pa at naging payat ako kung hindi ako mabilis tumakbo? lumabas tuloy yung naitatago kong liksi. mahirap na masuwag. anlayo pa kaya ng ospital.

ang hindi ko maintindihan sa lugar nila eh puro pakawala ang mga aso. lahat libreng mamasyal at manakmal. samantalang yung mga kambing naman ang itinali nila sa tabing bahay at yun ang ginawang bantay. ganun din sa mga baka. may special treatment. tapos nagkalat naman ang mga pancakes sa daan. hindi ka makalakad ng diretso dahil sa mga nakahambalang na …see sample below.

freshly baked choco cakes w/ sprinkles of langaw all over.

speaking of food, inihaw na isda lang yata nakain ko ng maayos. dahil sa bagyo, kaunti lang din ang huling alimasag tapos wala ring hipon. kaya yung next option na hinanda eh mga palakang bukid. jooooke! hindi naman humantong pa sa ganun. meron namang mga native na manok na kinatay para gawing sinampalukan at adobo. ayos lang naman sakin dahil wala naman talagang ibang manok dun kundi ganun. inayawan lang ng mga kasama ko kasi iba raw ang lasa sa nakasanayan nila. pero ang hindi ko makalimutang putahe na natikman ko ay yung sinampalukang kambing. napa-puta talaga ko sa lasa eh. hindi rin nakatulong yung pagkakita ko sa bungo nung kambing na nasa kawali. tanggap ko na sana yung sabaw eh pero yung laman, parang ngumata lang ako ng sabon panlaba. kumain ka na, nakapagtoothbrush ka pa. nahiya lang ako tumanggi kaya kinain ko pa rin.

nung pauwi naman kami, habang nagpipicture picture ako sa anak ko, nilapitan ako ng isang lalaki. siguro napansin nya ang natural kong galing sa pagpipicture. o baka mukha lang akong hindi tumatanggi. sa diretsong pagsasalita nya at sapilitang pag abot ng camera sakin, parang tinanggalan na nya ako ng karapatang tumanggi. o sya, ako na ang photographer!

nagulat ako sa camera nya. jurassic Canon ang pag aari ni manong. sana lang makuhanan ko sya ng picture ng maayos. ang sakto lang kasi ng pagkakasuot nya ng shades dun sa dilim ng mga ulap at malakas na buhos ng ulan nung mga oras na yun. at nakuha nya pang pumili ng 2 magkaibang view ah. infairness, ayaw nya mapaligiran ng mga hubad na mangingisda ang background nya.  sana matuwa naman sya kapag naipadevelop na nya yung film.

next destination, Cebu! finally mapupuntahan ko na rin ang hometown ng nanay ko.

Mga Puna»

1. Maldito - Hunyo 16, 2011

kelan yung cebu trip niyo?ahahah.dumiretso nalang sana kayo sa bora dahil magkalapit lang yan ng antique…iba naman talaga ang luto ng bawat town dito sa panay..kaya magbaon ka nalang ng maraming in can next time.hahaaha

dito na rin ako iloilo.!! yeba!

gasti: mga 3rd week of Sept pa yun. tinamad na kami pumunta ng bora kasi nga maulan.
may pinuntahan kami church dyan sa Iloilo. mukhang panahon pa ata ng kastila yun ganda nga eh. advance happy bday! sayang di natuloy punta nyo ng Manila.

2. Maldito - Hunyo 16, 2011

at bakit may password ang other post?

gasti: ahhhm ganyan na lang siguro yan para fair sa lahat. parang di ko gusto makakuha ng opinyon ng makakabasa.

3. apollo - Hunyo 16, 2011

sana naman nasulit mo ang bakasyon jan. hindi ka ba sinundo o ipinasyal ni maldito sa kanyang kaharian? haha!

wow cebu! maganda daw jan. at lalong mas magaganda ang mga cebuana. sabi lang naman nila. di ko pa napapatunayan. tsk…

gasti: sulit na rin dahil unlimited ligo sa dagat pati sa ulan. tinext ko yang si maldito pero hindi nagreply ang hitad! busy siguro sa lovelife.
haha! it’s either maputi or maitim ang mga kakilala ko sa kamag anak namin sa mother side. meron din naman syempre magaganda kaya lang, maayos naman sana managalog ano. ayoko naman makipag inglisan sa cebu.

4. Gelo - Hunyo 16, 2011

wow! kainggit naman! naku…naku, next year maggagala din kami nila misis to the max…hehehehe…

gasti: mid year pa lang naman. may time pa kayo magsched ng bakasyon ng misis mo. time to relax!

5. Gelo - Hunyo 16, 2011

at anu nga pala password dun sa isang post…hehehehe :p

gasti: hehe! balato mo na lang muna sakin yun. saka na lang siguro pag natabunan na ng ibang entry.

6. ako070707 - Hunyo 17, 2011

gusto ko yung magagandang tanawin….wehehee.. nice one..

gasti: meron pa nga dun sa loob ng kubo. nakakarelaks lang.

7. soontobehappybelle - Hunyo 19, 2011

kamusta naman. kumakain ako ng spanish bread habang binabasa ko tong post mo. thank you sa choco cakes! sarap!!!

gasti: wow spanish bread. tagal ko na pala hindi nakatikim nyan. ur welcome🙂 mas masarap sana yung kain mo kung nangamoy yung pic. haha! joke.

8. aperockstar - Hunyo 21, 2011

ay nakoww…hindi maganda yan. yung pakawala yung mga aso. e kung makagat ang mga dayo..at pitong bundok pa ang tatawarin para makakuha ng anti-rabies!?

gasti pre, pwede bang magmura ng isang malutong lang?

PUTANGINANG TAE YAN. parang basang semento! hahaha

gasti: yun nga eh. nakakatakot pa naman mga aso dun mukhang hindi napapakain ng maayos. baka bumubula na bibig mo bago ka makarating ng ospital.
hahaha! cowshit! naghanap talaga ko nung hindi pa naapakan eh para fresh pa.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: