jump to navigation

X-Men Origins – Julio Valiente Hunyo 23, 2011

Posted by gasti in movie review, pampakiliti, wasakan.
trackback

nakakabilib ang mutants. story-wise, at syempre kasama na rin yung mga astiging visual effects, pinakamaganda na siguro itong pagkakagawa ng X-Men: First Class kung ikumpara sa mga nauna. ang galing lang nung pagpihit ni Magneto sa mga missiles na papunta sa kanila pabalik ng mga sundalo eh. kung naging mutant siguro ako baka dun ako sumama sa kanya.

hindi ko nasubaybayan ang story nito sa comics pero salamat sa wikipedia at nalaman kong hindi talaga aksidenteng tama ng bala ng baril sa spinal cord ang dahilan ng pagkalumpo ni Professor X.

sino ang salarin? si Lucifer! pero hindi sya yung demonyong kakilala mo. hindi rin sya tao, hindi, hayop hindi bagay at hindi rin mutant. isa syang alien.

as you can see in the picture, binagsakan sya ng malaking tipak ng mga bato sa parteng binti. end of story.

ang nakakabilib kay Professor x ay kung papano nya pormahan yung mga chikas na nakasalamuha nya sa iba’t ibang parte ng mundo. mahihiya si Jose Rizal sa mga damoves nito. syempre may advantage talaga ang mind reading. kaya nga naisip kong ito ang gusto kong power kung sakaling maging mutant ako.

isipin mo na lang ang mga benefits.

  • hindi ka maloloko.
  • hindi mo na kelangan ng cellphone para makipag usap sa malayo.
  • pwede mo pa i-control ang kilos ng mga nakapaligid sayo.
  • pwede mo sila i-pause. (magagawa mo lahat ng gusto mo.) (–,)
  • at marami pang ibang benefits na may kinalaman sa panglalamang.

tapos yung mapapangasawa ko ay may powers ni mystique. para na rin ako nakipagrelasyon sa lahat ng babaeng matipuhan ko. isipin mo na lang kung anong itsura ko na minu-minuto nag orgasm… sa iba’t ibang itsura ng babae. o eh di ako na ang maswerte!

anong kinalaman ni Julio Valiente sa usapang ito? isa rin ba syang mutant? superhero? alien? may mas malupit pa ba dun? chuck norris?!

hindi ko rin alam kung anong meron sa taong ito pero sya sa tingin ko ang pinakabida sa lahat ng mga bida ng pinoy action movies. IMBA at it’s best. prepare for awesomeness…..

Best in Visual Effects – check!

Best in Sound Effects – check!

Best in Costume Design- check!

Best Production Design – check!

Best Original Song – check!

Best Director – check!

Best Actor – op kors! may gagaling pa ba dyan? triple backflipping check!

Best Picture – check!

….and this is how Lito Lapid got elected on the Senate. not just once, but fucking twice! kuha mo?

Mga Puna»

1. yahjme05 - Hunyo 23, 2011

hahaha..dami kong tawa dun😀

gasti: andami ko namang mura dyan. haha!

2. apollo - Hunyo 23, 2011

ngayon alam ko na kung saan galing ang armas ni Kratos sa god of war. lols!

gasti: yun na rin siguro ang pangkatay sa mga baboy na ginagawang Lapid’s chicharon. bagsik!

3. Gelo - Hunyo 23, 2011

nice thinking sa benefits ng mind reading…yan na ang gusto ko ring power ngaun. dati gusto ko lang ung power ni Mr. Fantastic na magpahaba……. ng katawan at iba pang body parts….
hahahaha,…

nice one chong!

gasti: hahahha! fantastic man! baka matakot pa yung mga babae sa sobrang haba eh. mas ok talaga to si professor x. mautak!

4. Midnight Orgasm - Hunyo 25, 2011

Poor me, I haven’t watched even a single X-Men movie.

gasti: pinanood ko nga ulit yung part 1 kasi nakalimutan ko na. sa tingin ko nga dadamihan pa nila paggawa nitong x-men movies eh. mahaba pa kasi yung story.

5. aperockstar - Hunyo 25, 2011

Ser…handog ko para sayo..

http://humanbullshit.wordpress.com/2009/08/02/his-awesomeness/

gasti: ayos ginawan mo rin pala ng leon guerrero version. hehe! tribute natin to para sa kanya.

6. aperockstar - Hunyo 25, 2011

Onga no, pag may telekinesis ka, UNLITALK!!

gasti: unlibog! toinks! gusto ko rin yung pinapatigil yung kilos eh..saka yung nang uutos epeks.

Ape - Hulyo 6, 2011

kelangan ko rin ata ng ganyang power. yung nakakapagutos ng utak sa utak lang. para hindi ko na kelangan lakasan ang boses ko para marinig ng katulong naming bingi bingihan. haha

gasti: may galit sa katulong. hehe! onga pre pwede mo sigawan sa utak nya para hindi na sya magdahilan na hindi nya narinig sinasabi mo.

7. PansNiValiente - Hunyo 26, 2011

tingin ko sya na ag tatalo kay Pacquaio….. isang suntok lang tulog lahat kalaban…whewwww!

gasti: ang galing nga umilag eh. at matipid sa bala, pag bumaril puro headshot. so pans ka na talaga? hehe!

8. L - Hunyo 29, 2011

movie date namin ‘to ni dude, ser. ‘yung totoo? hindi ako masyadong natuwa sa pelikula. ewan, siguro nag-expect lang ako ng mas marami pang fighting at mutant action scenes. pero na-astig-an ako dun sa kung pano ibinalik ni magneto ‘yung mga missile sa war ships. galing ng sfx! panalo!

re: dun nga ako galing

ibang klase ka ser. balak mo atang ikutin ang buong pilipinas ah. ikaw na, ikaw na ang maraming pambili ng ticket. di ba iloilo si maldito? ang lagay ba eh tinour ka ba naman niya sa hometown niyang namumutiktik sa chocolate cakes?😄

re: kinulayang sisiw

‘yan din ang pinagtataka ko. bakit ambibilis nilang mamatay? may kinalaman kaya ang food color na hinalo sa bawat balahibo nila? haha! pero mukang matibay ang nabili mo, ser. akalain mong umabot pa ng 46 days ang kinulayang sisiw mo?😄

re: running shoes

sarap naman ng father-son bonding niyo, ser. kahit wala si misis, alagang-alaga si junior. pag nagkaanak ako, lagi kaming kakain sa jollibee. tapos maglalaro sa timezone maghapon. tapos mang-i-spot ng chikas pag pagod na. hehe.

re: buhay ka pa

sus! hindi totoong magugunaw na ang mundo. pano mangyayari ‘yun eh wala pa ‘kong anak na magiging tagapagmana ng ari ko, este…apelyido pala. hehe. pero kung totoo ngang magugunaw na ang mundo sa 2012 (ayon naman sa mga mayans), mukang kelangan ko na talagang pag-isipang makabuo ng sarili kong baby. pero wala pa talaga ‘kong ipapakain sa kaniya. ang mahal pa naman ng gatas ngayon. lol!

re: eye of tiger

ganun na nga talaga siguro. human nature kasi. tinitingnan nila ang boxing bilang sabong kung saan talo ang manok na hindi na makatayo at bumubulwak na ang dugo sa dibdib dahil sa tari ng kalaban. kaya sa boxing, pag mas brutal ang pagkakabagsak o ‘yung tipong duguan na ang pagmumuka ng boksingero, dun pa lang sila masasatisfy.

gasti: anlupit mo! 6 na blog entries yung nireplyan mo dito. hahahaha! naintindihan ko kung bakit hindi ko masyado natuwa sa x-men. siguro abala kayo sa isa’t isa.
nung nagpunta ko sa Iloilo, nas aCebu si maldito kaya hindi naman kami nagkita. ewan ko lang kung magkita kami pag nagpunta naman ako ng Cebu. mabilisang bakasyon lang din kasi yun eh.
at oo mahala ang gatas pero hindi naman nagrorollback ang price nun eh. haha! pag pinatagal mo pa, mas lalong tataas presyo nun. pero tama ka naman, hindi kelangan magmadali. hindi ba ikaw yung ama ng ipinagbubuntis ni Andi Eigenman? hehe!

L - Hulyo 1, 2011

may hindi ako nareplyan. ‘yung password-protected. penge naman ako, ser!😄

gasti: ah wala naman yung post na yun. hindi magandang babasahin kasi kabadtripan lang.

9. myfilthyroom - Hunyo 30, 2011

ang gusto ko sa x-men: first class eh nung may naimbento si hank/beast na machine para ma-detect yung ibang mutant.. haha sana meron dito nun.. pang-detect naman ng mga aswang,tikbalang,etc.

gasti: ako gusto ko equipment na naimbento yung sa Captain america:first avenger movie na papasok ka lang sa tube, paglabas mo macho ka na at tumangkad pa.

10. Jhandervine - Hulyo 1, 2011

hindi ako natuwa sa xmen origins. sana bukas matuwa ako sa transformer..hehe

gasti: ayos rin naman ang transformers. ganda rin nung bagong chic dun. gusto ko nga rin bumili ng laruan. yung tig 3k para malaki.

11. kotsengkuba - Hulyo 7, 2011

Pinoy pansit-eating mader hamper! Anong sinabi ni Shaider kay Julio Valiente? HAHAHA😉

gasti: nakita mo naman kung paano ang training nyan. mala-halimaw ang accuracy.

12. pawlitomagulo - Hulyo 7, 2011

Ang galing nung tabak n may tali!

anong sinabe ni Rain sa ninja assassin?

hahaha!

gasti: slow mo pa nga ang pagbalik nung tabak sa lalagyan eh. swak na swak ampota parang na-magnet lang.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: