jump to navigation

habulin mo ko Hulyo 6, 2011

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
trackback

anlandi lang nung title ko di ba? pero walang halong kalandian itong entry ko. sobrang tuwa ko lang at sa wakas ay nakabili rin ako ng sapatos. you have no idea kung gaano ako kapihikan mamili ng sapatos. considering the budget, the style and the color perhaps. ang arte? basta ganun.

I just want to say fuck those Nike free running shoes on sale this year. wala man lang ako nagustuhan. inabot na tuloy ako ng panahon ng tag ulan bago ko ma-realize na may iba pa palang brand ng sapatos na pwede kong bilhan. pwede ko naman gamitin yung gc ko sa Nike Park pambili ng jacket.

mabuti na lamang at mahaba ang pasensya ko sa paghahanap. muntikan ko na bilhin yung indoor football shoes na nakita ko sa Trinoma for the sake of may mabili lang na pwede na ang itsura. eh hindi naman ako naglalaro ng football. pero why not? baka makuha pa ko member ng Phil. Azkals. tapos kaibiganin ko ang mga Yonghusbands para maging ka-close ko si Angel Locsin. hindi na masama.

wala rin masyado dating sakin ang mga basketball shoes. sabihin pa nating signature shoes yan ni Kobe, Lebron, Jordan atbp. eh hindi naman ako naglalaro ng basketball na. parang semi-retired na ko dyan kaya sayang naman. bukod pa sa mahal naman talaga ang presyo nyan, tapos pamporma ko lang. para lang ako bumili ng magarang video card tapos maglaro lang ako ng tetris.

tumingin ako sa Adidas, Reebok, Converse, Fila at sa iba pa na alam kong worth it ang ibabayad ko. on the average, tumagal lang ako ng 56 seconds sa bawat store. matagal na yan dahil pinasadahan ko lang naman ng tingin ang bawat nakadisplay. wala rin ako nagustuhan.

tapos sinubukan ko magbukas ng fesbuk ko. syempre source din yan sa lahat ng bagay. andaming nagkalat na advertisement dun eh. saka pag minsan, makakakuha ka rin ng tips sa mga friends mo dun, kagaya nung mga masarap na kainan, kung anong magandang celfon, kung saan lugar magandang pasyalan, kung sino ang tunay na ama ng ipinagbubuntis ni Andi Eigenmann and so many other things pa na may kinalaman sa buhay mo. sakto naman may nakita akong “friend” na may status update na patungkol sa bago nya sapatos. na kung gaano kakumportable ang suot nyang Puma Faas 300 shoes. nabanggit nya pa ang katagang cool and comfy. aber patingin nga.

may kredibilidad naman ang taong yan dahil sa pagkakakilala ko sa kanya, pihikan din sya at may kaartehan sa mga gamit. ultimo brief nyan branded. yung tipong 3000 pesos isang piraso. kaya ayun, nagsearch ako sa internet kung ano ba yung sapatos na sinasabi nya. dito ako napunta.

dun ko lang naisip na ok rin naman pala ang Puma. sa katunayan, sila ang gumagawa ng mga sapatos na sinusuot ng world record holder sa mga running competition. Si Usain Bolt na isang Jamaican. so kung running shoes lang ang pag uusapan, sila ang the best na bilihan.

meron ng 3 version na nilabas ang Faas lab…eto yung Faas 250, Faas 300 saka yung Faas 500. ang masaklap dyan, hindi pa lahat binebenta sa Pinas. nung nagpunta ako ng Eastwood, Faas 500 lang ang meron tapos kulay gray lang. kaya naibaling ko ang atensyon ko dun sa bilihan ng mga action figures. yung 2Rats? uu madami dun. anyways, wala rin naman ako binili.

lumipas ang ilang araw at ulan. napansin kong marami na ring wrinkles ang luma kong sapatos. sinubukan ko ulit tumingin sa net. at nakita ko to. nag isip ako overnight kung papaano ako magkakaron nyan. syempre nagpaalam muna ko kay misis dahil credit card nya ang gagamitin ko. haha! this is it.

asan na ba yang mga fun run/takbo para sa kung ano na yan? wala na bang mga ganun? pwes, iniimbitahan ko kayo sa gaganaping “Run for fun: Naked mile edition”. kung saan syempre mananakbo tayong nakahubo at suot lang ang ating mga running shoes para hindi naman magkapaltos mga paa natin. walang takipan ng mukha para magkaalaman na kung sino ang hindi nagshe-shave. let’s do this!

Mga Puna»

1. L - Hulyo 6, 2011

‘yung rubber shoes kong reebok, matagal ko nang hindi nagagamit. puro kasi pormal-pormalang black shoes ang kaulayaw ko ngayon. T_T

p.s. nagshi-shave ako. masakit kasi pag nagkanda-buhul-buhol ‘yung bulbol. wow, rhyming!😄

gasti: hehe di nga naman bagay ang rubber shoes sa mga datingan mo ngyon na long sleeves with necktie. ayos lang yan dagdag pogi points kay dude mo.
masakit talaga pag naipit ang bulbol eh andumi pa tingnan. same goes sa mga babae. dapat talaga ugaliing magshave.

2. apollo - Hulyo 6, 2011

ayos nga ung puma na yan. nakabili ka na pre? ayus, takbuhan na! haha!

gasti: haha! nagustuhan ko talaga kaya di ko na pinalampas. pero baka next week ko pa makuha.

3. Jhandervine - Hulyo 6, 2011

mahal naman ng shoes di ko afford..
kaya di ako nakakasali sa fun run kasi walang pambili ng rubber shoes..
wawa noh?..

gasti: ayos lang yan. estudyante ka pa ba? hindi rin naman ako bumibili ng sapatos ko noon. meron naman mura running shoes depende sa brand.

4. yahjme05 - Hulyo 6, 2011

wahahah ..aukong makisali sa run for fun na yan….

matapobre c junjun ..piling pili lang ang nakakkita sa kanya..wahahha

gasti: iniisip ko na nga kung posible bang tigasan ka habang nasa mga running event. ang weird naman nun.

5. Maldito - Hulyo 7, 2011

as usual…nauwi naman sa kabastosan ang post.niyahahaha
di ako mahilig sa sapatos….
mas mahilig ako sa jacket….usually adidas…hahay..bakit kaya ang mahal ng mga kinahihiligan natin?grrr

gasti: maganda nga rin pang japorms ang jacket eh parang yung binigay ni lio sakin. hahahaha! minsanan lang naman ako bumili ng sapatos kaya nilubos lubos ko na.

6. kotsengkuba - Hulyo 7, 2011

Sheyt! Ang astig ng Puma Faas 500 Jam na ‘yan pati kulay. Sana umulan ng ganyan dito sa disyerto. I-share ko sa’yo ‘yung iba pag nangyari ‘yun. Promise😛

gasti: hahaha! sana nga pre kahit yung mga faas 250 saka 300 ayos na rin. duda kasi ako kung makarating ng Pinas yung ganung kulay kaya pinatos ko na yung sa online.

kotsengkuba - Hulyo 8, 2011

problema lang kase baka di kasya, pano isosoli

gasti: US size naman nakalagay kaya hindi ka magkamali. pag iba yung na-deliver meron naman instruction para mapalitan.

7. tabian - Hulyo 7, 2011

naalala ko tuloy yung mga scenes sa old school movies sa title mo – sa beach tapos tatakbo yung bidang lalaki at babae patagpo…XD

happy new shoe!!!🙂

gasti: haha! onga eh mga kalandian sa pelikula. magpapahabol yung babae pero babagalan na nya pag medyo nakalayo na sya hanggang sa mapahiga na sila sa buhanginan.
excited na nga ko. kelan kaya sya makarating sa bahay!

8. myk - Hulyo 7, 2011

Pre balitaan mo ako pag nakuha mo na.. may nagustuhan din ako na sapatos haha

gasti: sabihan kita pre. ayos nga dyan puro discounted price. pag check mo sa puma shop mas mahal kahit free shipping pa.

9. Ape - Hulyo 7, 2011

Una sa lahat, naway mabili mo na yang running shoes na ilang linggo mo na rin pinagiisipan. Ganyan din ako pag bumibili ng sapatos – inaabot ng buwan bago ako makapagdesisyon. Lalu pa’t panay bball shoes ang binibili ko – may kamahalan ang mga ulul.

Pangalawa, san ba ang registration para sa Run for Fun na yan. Gusto kong sumali.

gasti: onga eh hindi ka naman pwede bumili ng basta basta kapag basketball shoes dahil nakasalalay ang performance mo dyan. masakit din mapaltusan sa paa.
haha! buti naman at may nagkainteres na sumali. sa marikina sports center lang pre. paikot ng oval ang takbo.

Ape - Hulyo 9, 2011

seseryosohin na sana kita tungkol sa Run for Fun na yan, kaso nung sabihin mo ung venue, bigla akong natauhan. Hahaha..

gasti: hahaha! kala ko game ka pa rin eh. andun pala ginanap ang opening ceremony ng UAAP nung sabado. daming tsiks dun.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: