jump to navigation

mistaken identity Hulyo 8, 2011

Posted by gasti in kahihiyan, one day in my life, to whom it may concern.
trackback

hindi na naman bago sakin na napagkakamalan ako ng kung sino sinong makakasalubong ko. siguro ganun lang ka-common ang itsura ko. nung hayskul nga  tinatawag akong Bobby Andrews pero wala lang naman sakin yun. artistahin ang dating natin eh.

may nakamukha na akong pinsan ng misis ko, ex-boyfriend ng babaeng nakilala ko sa isang website, kaklse ko, at ng kung sinu-sino pang mga estrangherong hindi ko naman kadugo. ayos naman dahil atleast hindi naman hukluban ang mga itsura ng mga tineterno nila sa mukha ko. pogi nga daw at mestisuhin. kapit lang mga kapatid, parating na ang bagyo.

eto ang malupit. kanina lang pagpasok ko sa building ng kumpanyang pinapasukan ko, biglang may umangkla sa braso ko.

babaeng hampaslupa: Halika rito! ikaw ngyon ang boyfriend ko.

cool lang ako. inisip ko baka yung kaklase ko lang to nung hayskul na nagwork rin sa same building. nilingon ko agad kung sino ang mapalad at malanding babaeng gusto akong boyprenin for the day. pero ginulat ako ng itsurang tumambad sa mukha ko eh! Who’s that girl?! eh buti na nga lang sana kung mala-Anne Curtis ang itsura na matagal na palang nagnanasa sakin at ngyon lang nagkalakas ng loob lapitan ako pero hindi eh. she’s old enough to be my Mom! putragis na yan. kinilabutan naman ako dun.

nagkatitigan kami mga 5 seconds. pareho kaming shocked! na-realize na rin nya sigurong hindi ako si Tirso Cruz the third. utang na loob, ganun siguro yung tipo ng mga crush nya nung kapanahunan nya.  binawi ko na ang braso kong kanina ay hinablot nya ng walang paalam. nakatingin na yung gwardya samin dahil nakaharang kami sa entrance. alam kong narinig nya ang kalandian ni madam. anong dapat kong gawin?

gasti: Uy dun ka pa din ba nagwo-work?

babaeng hampaslupa: ahhh oo (at talagang sumagot pa ang bruha)

Breath in now breath out
Hands up now hands down
Back up back up
Tell me what you’re gonna do now

Keep rollin’ rollin’ rollin’ rollin’ (x4)

Mga Puna»

1. Jhandervine - Hulyo 8, 2011

wahahaha..gandang pambungad ng umaga sa iyo buti na lang friday na today kundi baka naumpisahan ang week mo ng senaryong di kanais nais..hehe…

gasti: siguro naman hindi na nya uulitin yung mga ganung klase ng surprise. haha!

2. L - Hulyo 8, 2011

hahaha! artistahin ka raw kasi, ser. ala-tirso cruz, ala-bobby andrews. ikaw na ang ka-loveteam ni nora aunor at angelu de leon!😄

gasti: hinalungkat mo pa talaga pati mga yumaong loveteam. haha! hindi rin natin alam baka may hangover pa si madam kaya wala sa tamang wisyo.

3. apollo - Hulyo 8, 2011

nyahahah! ano kayang nangyari pag nagmano ka sa kanya?

namiss ko bigla ang limp bizkit. haha!

gasti: eh baka sampalin naman ako pag nagmano ako sa kanya. haha! ambastos lang.
keep on rollin baby..u know what time it is…hehe! usong uso pa ang red baseball cap noon.

4. kengkay - Hulyo 8, 2011

hi gasti, hanggang ngayon pala ay poging-pogi ka pa rin ha!

gasti: hi ate kengks. hindi naman sa ganun. common face nga eh kaya napagkakamalan.

5. yahjme05 - Hulyo 8, 2011

isulat nya na sa most embarassing moment nya un ..ahaha nakakahiya kya un.

sana nagbless ka sa lola mo ..wehehhe

gasti: pahiya talaga sya. dinamay nya pa ko eh nagmamadali pa naman ako pumasok. hehe!

6. g - Hulyo 8, 2011

although creepy, at least boypren ang ginusto niya maging kayo.

ang kulit lang. hehehe

gasti: mas panget kung inasawa nya ko noh? ganun? haha! asa naman.

7. gillboard - Hulyo 9, 2011

ang kulit lang ni babaeng hampaslupa.

may pagka matroniks ba?

ang awkward lang. meron na rin ganyang nangyari sakin before, kala nung girl ako yung boypren niya nung kinuha niya kamay ko para makipagholding hands.

gasti: hindi naman pangmamasang ang itsura at pananamit. pero siguro kelangan na nya magsalamin.
haha! maigi sana kung bata bata pa eh. meron na rin ako experience na ganun. yung nanghawak ng kamay. mahilig kasi sila sa surprises eh.

8. Gelo - Hulyo 9, 2011

hahahahahahah!!! actually nangyari din to sakin, may niyakap akong chikas, kala ko xa ung kaibigan kong babae……haha

gasti: nyahahhaha! agresibo ka pala. o ano naman ginawa sayo? mga style….

9. Ape - Hulyo 10, 2011

habulin ka pala tsong…

ng mga…

hahahaha…

gasti: matatanda? haha! baka gusto nila ko maging manugang.

Ape - Hulyo 12, 2011

ikaw na ang MATINEE IDOL sa Golden Acres home for the aged!

gasti: ahhaha! naalala ko yung pelikula ni dingdong dandes tapos ka-loveteam nya si Gloria Romero.

Ape - Hulyo 12, 2011

Tangina? Nangyari yan? Wala na. Hopeless case na talaga ang pinoy showbizness.

gasti: Moments of Love yung title pre. hehe! may part kasi na parang reincarnation kaya ganun. sya yung old version ni Iza Calzado sa movie.

10. Dorm Boy - Hulyo 10, 2011

Funny nakakatuwang eksena! Never ko pa ntry un pero kung sakali man sana d naman ganun katanda umangkla sa braso ko hehehe! Nice one gasti!

gasti: hindi mo gugustuhin ang ganitong klaseng experience. buti sana nga kung college student pa na nakasuot ng uniporme ng nursing. tamang bwenas lang.

11. Glentot - Hulyo 11, 2011

Nagkumustahan pa kayo hahahaha! At talagang may Fred Durst sa dulo LOL.

gasti: para kasing kelangan may sabihin ako. hahaha!

12. Maldito - Hulyo 13, 2011

at bat hindi nauwi sa kalaswaan ang story??weh..nahiya pa o…ikwento mo na kung pano mo siya dinala sa fire exit.ahahahhahahhahhahahahah..woooh!!!! Kasi flex ng flex ka kasi daw..kaya aun..nagwewet tuloy.lols

gasti: eh syempre hindi naman nakakalibog yung ganung eksena! putsa ewan ko lang kung tigasan ka sa ganun. abs lang kaya pine-flex ko.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: