jump to navigation

same old shit different day Hulyo 20, 2011

Posted by gasti in muni-muni moments, self review, to whom it may concern.
trackback

the exact words of Red (Morgan Freeman) in the movie Shawshank Redemption after being denied of  a parole for the nth time.

sino ba sa atin ang hindi nakaranas ng kahit na anong klase ng rejection? nagkakaiba lang siguro tayo kung paano natin lulunukin ang bawat kamalasan na dumating sa buhay natin. kung pano natin haharapin ang mga problema at kung anu-ano pang mga shit.

nakaranas na rin ako ng mga rejection nung mga sinaunang job interview ko. hindi kasi ako bihasa sa pagpapa-impress ng mga tao lalo na kung wala naman ako balak na asawahin ito. simple lang naman gusto ko. yung makakuha ng trabahong maayos ang pasweldo. hindi kuripot ang boss. maraming co-workers sa team. at hindi paulit ulit ang ginagawa.

nakakabaog na sa totoo lang ang ganitong daily routine. makalipas ang mahigit limang taon ko na dito sa opisina, pakiramdam ko ay unti unti na akong na-institutionalized dito. hindi ko na alam kung meron pang ibang oportunidad ang naghihintay sakin kung sakaling maisipan kong sukuan na ang trabaho na ito. mas gusto ko na lang isipin na magtayo ako ng sarili kong business at bahala na ako dumiskarte kung papano mapalago yun. kesa naman sa ganitong nakaupo ako dito at nag aantay na lang ng sweldo na mauubos din agad mga ilang sandali pagdapo sa kamay ko. lalo namang nakakainip maghintay ng profit share at 13th month pay para sa isang one time big time na kasiyahan.

hindi ko talaga nakikita ang sarili ko na antayin pa ang ika-animnapung kaarawan para lang makalaya sa isang kumpanya. masyadong matagal yun. mabuti sana kung maganda ang pasweldo at benepisyong makukuha mo. pero kung makakatanggap ka lang ng 10% yearly increase o masaklap kung mas mababa pa dyan. at lalong mas nakapanlulumo kung wala talaga ni pisong dagdag sa sweldo considering na tumataas ang pamasahe, presyo ng gasolina, pagkain, alak, ticket sa mga sinehan, singil sa kuryente, tubig at kung anu-ano pa. masiyahan ka na ba sa ganun?

kelangan magtipid. mag ipon. at isakatuparan ang plano sa lalong madaling panahon. sana next year hindi ko na ulit kelangan pang gumawa ng entry na gaya nito.

balik tayo sa movie. bukod syempre sa paraan ng pagtakas ni Andy (Tim Robbins) sa kulungan, eto yung isang part ng movie na mapapabilib ka.

hope is a good thing, maybe the best of things, and no good thing ever dies.Andy Dufresne

puro naman kasi kayo Harry Potter. hindi ako makarelate. hukayin ko na lang yung movie archives ko sa bahay. 

Mga Puna»

1. Jhandervine - Hulyo 20, 2011

5 years na rin ako dito sa upuan ko. minsan nagsasawa din pero iniisip ko na lang mga kids ko. sayang din kasi mga benefits saka ayoko mag simula ulit sa mababa if ever mghanan ng ibang work. buti nga may profit sharing kayo sa ibang companies wala. tignan mo na lang advantages ng andiyan ka kesa sa ibang companies ,pambawas umay din sa everyday office work.

gasti: hello jieya. tama ka. yan din nga ang naiisip ko kung bakit tumagal ako dito. mahirap na magsimula ulit sa mababa pero kasi sa bagal ng pag asenso at walang konkretong retirement plan dito, hindi ko naman maisip na maswerte ako dito sa napasok ko. kelangan ko lang siguro ng mahabang bakasyon.

2. Jhandervine - Hulyo 20, 2011

di ko pa rin napapanuod ang harry potter last na napanuod ko transformer. wait ko na lang clear copy sa pirated dvds short kasi sa budget..hehe..

gasti: hanggang prisoner of Azkaban lang napanood ko kaya mahaba habang backtrack ito. hindi lang siguro ako mahilig sa ganun kahabang story. maaga ako naumay. ang next na gusto ko panoorin eh yung capt. america saka rise of the planet of the apes.
sa ngyon back to old movies na lang sa bahay.

3. L - Hulyo 20, 2011

hahaha! eh syempre naman ser, last movie na kaya ‘yun. lol! pero swak na swak din ‘tong shawshank redemption mo. sabi ko nga, isa ‘to sa pinaka-dabest (pinaka na nga, da best pa! lol!) na pelikulang napanood ko.

ako rin naman, ayokong habambuhay na lang na lamunin ng pag-o-audit. ang ultimate goal ko talaga eh makapag-abroad, magkamal ng limpak-limpak na salapi, magtayo ng sariling negosyo, at pagkatapos eh mag-labing-labing na lang nang walang puknat kasama si dude. hihihi!

kung hindi ka na masaya diyan ser, mas mabuti pa ngang magnegosyo ka na lang. may kung sinong talipandas ang nagsabing: if you like your job, you’ll never ever have to work for a single day. sabi ko naman, i have to work whether i like it or not. lol!

p.s. hindi ko lang mapigilang isingit ang title ng blog ko sa title ng blog post mo, ser. SSDD, indeed! haha!

gasti: haha onga eh the ssddmantra mo. sumakto lang sa entry ko ngyon. sana nga meron talagang work na hindi mo namamalayan na nagwork ka pala tapos maganda pa ang kita. hehe! pero ganun pa rin eh alipin ka ng kumpanya. mas maganda pa rin siguro mag business para makadiskarte ka ng maayos.
mabuti naman at tapos na yang harry potter na yan. susunod na rin yung ending ng twilight saga at diretso na tayo sa Avengers.

4. kotsengkuba - Hulyo 20, 2011

naranasan ko nang mabato sa trabahong paulit-ulit (to the point na di na ko makagalaw — bato nga e) at naranasan ko narin mawalan ng trabaho sa loob ng mahigit dalawang taon.

at base sa dalawa kong karanasan, i therefore conclude na may katanggap-tanggap, hindi lamang sa paningin ng lipunan kundi pati sa sarili mo, ang pag-kawala ng trabaho lalo na kung may mga tsikiting na naghihintay ng gatas at pagkain sa lamesa.

mas katanggap-tanggap na nagpapanggap kang may ginagawa sa trabaho kahit wala kaysa nagpapanggap kang may tinatrabaho kahit wala ka namang trabaho.

gasti: mahirap nga mabakante lalo na kung may mga batang maapektuhan. buti nga sana kung sarili mo lang intindihan mo eh madali na sumugal. kung yang 2 lang yan pagpilian, syempre dun tayo sa may trabaho. kaya lang meron pa iba option eh. yung lumipat sa trabahong mas malaki ang sweldo o sumugal sa negosyo.

kotsengkuba - Hulyo 21, 2011

mali pala pagkaka-type ko. dapat “at base sa dalawa kong karanasan, i therefore conclude na mas hindi katanggap-tanggap…”

kotsengkuba - Hulyo 21, 2011

Yes, happy are those who are given the third option😉

5. Maldito - Hulyo 21, 2011

na umpisahan Ko nang basahin and shawshank red Ni stephen king last month lang..to find out in the end na putol and story kasi parang featured lang siya Sa novel..alam mo yun?bitin ang ampotah. Pero ang ganda Ng book..dami kong natutunan sa book na mga nangyayari sa loob ng preso.at idol ang character..briliant mind at mautak.ahahhaha

regarding naman sa trabaho….hindi ko rin nakikita sarili kk na tatanda na nagtratrabaho nalang pafa sa iba..ayoko na maging utusan nalanb..kaya bubuo nalang ako ng grupo…hired killers.ahahaha

gasti: haha nambitin ba yung book? ayos naman yung movie. daming words of wisdom at tamang diskarteng matutunan.
goodluck dyan sa pagtatayo ng grupo. mukhang malakas nga ang kita dyan. haha! magbugaw na lang siguro ako. girls for hire naman. mala-escort service.

6. tabian - Hulyo 21, 2011

corporate slave- ang gandang pakinggan pero kahit balibaliktarin slave parin…hahay sana ganown lang kadali lumipat or gumawa ng sariling business…
sana umulan nalang ng napakaraming pera dito…hahaha

gasti: mas maganda pa pakinggan yung sex slave kesa dyan sa corporate slave. haha! mas ok pa nga dati na hindi nauso ang pera. pwedeng trade-in na lang sa kahit anong meron ka.

7. apollo - Hulyo 21, 2011

lipat ka na sa amin pre. refer kita. hehehe…

business talaga ang sagot sa pag-asenso ng pinas ayon kay joey concepcion and other successful businessmen. let’s make our money work for us.😀

gasti: onga eh. ikaw ang marami ng nasubukang business. ipon lang muna ko ng pampuhunan at knowledge sa papasuking business. may naisip na naman ako.

8. MINE - Hulyo 22, 2011

at mukang naghalungkat ka nga, kapanahunan mo pa yang movie na yan eh. lam mo nmn ako pang tween hearts na! Lols. pero da best yang movie na yan..

ako din, wish ko magka hacienda na din tulad ng iba jan, ang hirap ng byahe from malabon to ortigas taz uupa ng 8 oras para magpadugo ng ilong sa mga merkano taz tataas ang BP mo dhil di ka na makatulog eh la pang exercise.

every day, same reklamo hehe di ba, wan day, isang araw, may bukas pa 🙂 :-s

gasti: naks naman! buti naman at naalala mo pa blog ko. at nagmumurang kamatis ka pa ngyong Tween hearts generation ah. haha!
eh pareho lang pala tayo dito nagwork sa Ortigas eh. anlayo nga lang ng uwian mo. parang exercise na rin ang pakikipagbrasuhan sa ibang commuters🙂

9. Ape - Hulyo 27, 2011

Inlab na ko sayo pre. Lol. Pati sa Harry Potter na yan pareho tayo ng pananaw. Never ko rin pinanuod o binasa ang HP. Di ko tlaga trip yung mga kwento na ‘bata’ ang bida. Ewan ko ba.

Shawshank Redemption, kahit ilang ulit ko panuorin, iba pa rin ang dating sakin. Isa sa pinakamalupit na pelikula ni Morgan Freeman a.k.a. Hollywood’s favorite Jesus Christ.

Ang haba rin ng pisi ni Dufresne at Red. Ilang taon din nila hinintay yung mga bagay na gusto nila. Hindi sila nagmadali o nagpa-dalos dalos. Hanep!

gasti: hahaha! kaya nga sa iba ko na lang binaling atensyon ko eh. tutal naman eh showing na rin ang Capt. America, yun na lang panoorin ko sa sinehan.
19 yrs ata kay Andy tapos 30 years kay Red. tyagaan talaga eh. si Red nga nawalan na ng pag asa kasi lagi naman rejected.

10. antuken - Hulyo 29, 2011

shawshank redemption is my favorite movie of all time. feeling ko nga kung hindi nya kalaban ang forrest gump that year, sya ang best picture sa oscars. at nanalo pa ng mga iba. if i remember right, best supporting actor si morgan freeman ata dyan di ba? di ako sure. i sooper sooper sooper love that movie at 60 million times ko na sya napanood. hahaha.

ako naman, kaya ko tumagal ng matagal sa isang company. kaya lang ako nagresign kse di ko na feel yung pagpapalakad e. nagpalit kse ng mga boss e di ko feel ang managing style nya.

miss ko na mag-bloghop. matagal ko nang di nagagawa ito.

gasti: ayun nagbalik din. akala ko kinalimutan mo na talaga blog mo eh. mukhang gusto mo talaga yung movie at naka 3 soooper ka pa. haha! the best yang si morgan freeman. boses pa lang umaakting na.

11. n3tte - Agosto 8, 2011

6yrs na ako sa work ko now, there was a time na talagang nanawa ako sa work ko, kasi nga routine na sia, on my 4rth yr nalipat ako sa ibang dept, that made me stay back..ngayon nag iisip akong umalis ulit, hindi dahil sa work, kundi dahil gusto kong mas malaking sueldo, kaso katakot lang mag risk, baka sumablay ng malipatan..

hope is a good thing…yeah!

gasti: mahirap talaga magtake ng risk pero ganun talaga eh. pag hindi ka naman kumilos, wala rin mangyayari. same shit talaga. kelangan lang ng tamang diskarte sa lahat.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: