jump to navigation

wais na mister Agosto 8, 2011

Posted by gasti in muni-muni moments, one day in my life, to whom it may concern.
trackback

dedicated ko itong entry na ito sa mga kagaya kong ilaw….este haligi ng tahanan. para sa mga tunay na lalakeng bread winner at inaasahang magtaguyod ng pamilya. ikasa mo pards!

syempre gaya pa rin ng dati, pagkawithdraw ko ng sweldo sa ATM, diretso bayad na agad sa mga bills at intrega kay misis. kaunti na lang ang tinira para sa naghihingalong budget sa pamasahe at panglugaw. sakto na yan para sa isang ulirang ama na handang magtiis para sa kapakanan ng pamilya nya. * best intro in all of blog entries so far….

biglang may darating na hindi inaasahan pero expected mo na gastusin. ang gatas ni baby. 2 na ang anak ko at hindi biro ang presyo ng Promil Kid at Lactum. siguro pag tinanggal mo yung mga mukha nila Juday, Carmina, Jodie at Wish Ko Lang girl, baka mabawasan ang uber presyo nun. anyways, eto na nga ang problema. kapos na sa budget at kelangan mo bumili ng gatas para sa mga kids.

….tapos may balak ka na bilhing laruan na pinag ipunan mo for a month. at bihira na ibenta ngyon. na makukuha mo ng less than 300 pesos compared sa binebenta sa Toy Kingdom. na pag hindi mo pa binili sa lalong madaling panahon ay malaki ang chance na maunahan ka na ng iba.

gatas o laruan? para sa maga bata, o para kay daddy? bibili o bibili?

syempre obvious ang sagot. yung gatas diba? para laruan lang naman yan eh pwede naman sa susunod na lang yun. kaya lang, nabuwisit ako sa kliyenteng kausap ko na dahilan ng isang oras kong pag OT na walang bayad. pinasakit muna ang ulo ko bago nakalabas ng opisina at naglakad sa kalsada ng maraming iniisip.

saka ko lang naalala na August na pala ngyon. dumiretso ang mga paa ko sa bilihan ng magazine at tumambad ang topless na katawan ni Nina Jose sa cover. at sa loob nun ay may 21 pages na picture ng mga babaeng malalandi in 3D. syempre may kasamang 3d glass yun at hindi encrypted sa mata mo ang effects.

bigla akong nagpalabas ng wallet sabay hugot ng perang pambili. good buy na to! lalo na sa mga panahong hindi ko na naman makakapiling si misis sa mga susunod na araw dahil sa out of the country shit.

meron pa namang Milo sa bahay.

 

*update para maitaboy ang haters

– si misis ang bumili ng gatas. yung laruan ay naka-reserve na for akinse payment. yung magazine ay nagdikit dikit na ang ilang pages. (joke lang). at nakabili rin ako ng iPod shuffle na request ni misis bago sya nakaalis ng bansa.

looking forward to the next sweldo.

Mga Puna»

1. jeck - Agosto 8, 2011

yan ang isang bagay na natutunan ko ngayong may anak na ako, ang mag-budget para sa gatas at diaper. hehehe. kaya nga di muna ako nakakabili ng gundam ngayon. pero alam ko balang araw, mabibili ko rin sila.
maganda ba yung FHM issue ngayon? nanghihinayang akong bumili e.
ikasa mo pards!

gasti: ambigat naman talaga sa bulsa nyan eh. sakripisyo talaga ito pards pero worth it naman dahil ramdam na ramdam mo ang pagiging isang mabuting tatay dyan sa pagbili ng gatas at diapers. hehe! ayos yung FHM pre ngyon. magandang pakulo yung 3d pics. ska na yung gundam. may gusto nga rin ako bilhin eh pero next month na siguro.

2. Jhandervine - Agosto 8, 2011

hmmmp..masasabi ko lang hirap talaga magbudget. every pay day ganiyan din ang prob ko kung ano una bibilhin. .may 2 kids din ako. Hindi na nagdedede eldest ko pero bunso ko sakitin naman kaya ganun din taz plus 3 ampon sa house. buti na lang andiyan parents ko always financially available pag nashort ako ng budget…tsktsktsk..

gasti: naku mahirap nga yan. 2 kids tapos 3 ampon. kamag anak? mabuti sana kung malaki sweldo eh noh ayos lang tumulong pero pag hindi, sakit sa bulsa. buti nga at may nalalapitan pa tayo pag nagipit. binibigyan ka rin naman siguro ng mister mo panggastos.

Jhandervine - Agosto 8, 2011

ah oo naman…regular naman padala niya..di na siya makakauwi ng Pilipinas kung walang remmittance..hehe..sakit sa bulsa super duper…minsan umaaray na talaga ako sa mga ampon ko..

gasti: ahh nasa ibang bansa pala. isipin mo na lang na good karma ang kapalit ng pagtulong na yan. pansamantala lang naman siguro yan hanggang sa makayanan na nilang tulungan ang mga sarili nila.

3. n3tte - Agosto 8, 2011

tumaas agad ang presyon ko nung walang pakundangan kang humugot ng wallet sabay meron palang pambawi sa baba hahaha…natuwa ako sa “may darating na hindi inaasahan pero expected mo na gastusin” haha

nice one Mr. Gasti..made me smilešŸ™‚

gasti: hahaha! alam ko naman may posibleng haters na maglalabasan eh kaya kinailangan talagang mag update. tenks!

4. Ape - Agosto 8, 2011

“…topless na katawan ni Nina Jose sa cover. at sa loob nun ay may 21 pages na picture ng mga babaeng malalandi in 3D”

– SAN MAKAKABILI AT MAGKANO. (tatak ng manyak) lol.

gasti: madami na nagbebenta nyan pre. sa magazine exchange, filbars, kahit sa mga supermarket malapit sa cashier meron nyan. haha! 150 pesos

5. Gelo - Agosto 9, 2011

naniniwala ako sa lahat ng sinabi mo except sa
“yung magazine ay nagdikit dikit na ang ilang pages. (joke lang). ”
hahahaha…

dre, pareho lang tayo ng lagay ngayon..hahaha…bakit ba kasi sobrang mahal ng gatas ng baby!

gasti: dahil siguro sa tv commercials at celebrity endorsers kaya nagtataas sila ng presyo. badtrip nga. hindi naman nadadagdagan ng sustansya pag inendorso yan ng artista eh.

6. maldito - Agosto 10, 2011

ongyomonnomon!!!ahhahaha…buti kapa nakakabili ng bagay bagay…ako salat din sa pera dahil sa bahay at syempre sa mga travels….bora na naman this month!jwoooh!!!

gasti: woooh salat ka dyan. baka nagpapasalat kamo. haha! mapupuntahan ko rin yang bora na yan soon. unahin ko lang to cebu next month. enjoy sa bakasyon!

7. apollo - Agosto 10, 2011

mabuti na lang at sinagot ni misis ang gatas. haha! nacurious ako sa 3d pics ng fhm. kung sakali, ngayon pa lang ako makakabili ng bagong fhm. puro back issues lang kc binibili ko. katwiran ko, wala namang news sa fhm para kailangang bago ang bilhin. lols!

gasti: uu kasi si misis ang may pera. kaya nga naghagilap na rin ako ng paraan para makabawi ba. meron news sa fhm ah, gadgets and porma tips meron din, sex position and others. pero alam ko news na sinasabi mo eh pang CNN. wala nga dun. hehe!

8. Diwangtanglaw - Setyembre 6, 2011

Ang wais nga naman talaga… Nakakatuwa.

Magandang araw!

gasti: gud mornin visitor…thanks.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: