jump to navigation

mauna ka na Agosto 17, 2011

Posted by gasti in muni-muni moments, one day in my life.
trackback

galing ako ng lamay kagabi. namatay kasi yung nanay ng kaopisina ko. nakakalungkot rin talaga pag may mga ganun kang nababalitaan eh. mga tipong, kahapon lang anlakas lakas nya pa ah tapos biglang ganun. tapos maiisip ko na naman yung mga halang ang kaluluwa na patuloy pa rin ang paggawa ng krimen, mga sunog baga at sunog atay, si Zaldy Ampatuan na painosente at gustong magpaadmit sa ospital, yung Mrs. Ligot na inaatake kapag ginigisa sa senado, tapos si Gloria Macapagal Arroyo na makapal ang foundation sa mukha. kainis lang ampota. bakit antagal nyo mamatay?

isang batalyon kaming magkakaopisina pumunta ng burol kasama ang boss namin. kala nyo ang dami ano? lima lang kami. sakto lang sa isang kotse. pagdating namin dun, wala pa pala yung kaopisina namin dahil umuwi ng bahay, buti naman at on the way na sya kaya sandali lang din namin sya inintay. dumiretso muna kami sa kabaong at sumilip. saglit lang kasi baka biglang dumilat yung patay mahirap na. mapanaginipan ko pa.

mga isang kape at hiro biscuits na nakalipas, dumating din sya at simula na ang kwentuhan. hindi ko lang alam kung tama pero ansaya saya namin nagkwentuhan. tawa kami ng tawa. kahit kita ko ng ga-sako ang eyebags nya, natatawa naman sya. siguro kasi ayoko lang na makita syang malungkot. matagal na rin pinagsamahan namin, 6 yrs. sayang nga at hindi ko nakilala mother nya nung buhay pa. nalalayuan kasi ako sa bahay nila kaya di ako makabisita.

sabi nga nila, mas maigi ng ikaw ang dumalaw kesa ikaw ang dalawin. eh mahirap nga naman yun kung patay ang dadalaw. hindi mo naman pwede pagtaguan yan kasi lumulusot sa dingding. tinakot ko lang sarili ko.

lahat naman tayo mamamatay eh. una-una lang talaga yan. ayaw mong mauna, pero ayaw mo rin mahuli. hindi mo nga lang alam kung kelan ka mamamatay kaya hindi mo mapaghandaan yung sarili mong big event. 3 lang naman yan eh. binyag (na hindi mo mapaghandaan kasi wala ka pang muwang), kasal (na minsan eh hindi mo rin mapaghandaan kasi biglaan ang pagkakabuntis) at yung burol/libing mo na hindi ka nga makapagprepare (maliban na lang kung mag-suicide ka. pwede mo pang i-tweet muna sa friends and relatives mo yang plano mong pagpapatiwakal. pwede ka ring mag iwan ng note na detalyado kung gaano kamiserable ang buhay mo sa mapanghusgang mundo). please lang pag sinabi nyong magpapakamatay kayo, ituloy nyo na. kakahiya na magback-out. gusto nyo bang masabihang maarte o sinungaling? pramis ok lang talaga. hindi ka naman kawalan.

parang nakaka-guilty rin magpakabusog sa burol. kahit nung mga dati pa na napuntahan ko usually eh kape or candy lang dinadampot ko para naman hindi mapahiya yung nang aalok. (sila pa napahiya eh noh?) pero ibahin nyo tong lamayan na to dahil sobrang nabusog talaga ko eh. kasi nga nakakahiya naman tumanggi.(palusot) sobrang maasikaso pa naman nung mga bantay dun. andami kong nakain na biskwit tapos panalo pa yung sopas na hinanda nila. kaya pala binida ng kaopisina ko eh chef pala yung pinsan nya na nagluto nun. ansarap naman talaga kaya nagpa-refill pa ko. actually, chef din yung kuya nya na balikbayan galing Macau. pagod nga lang saka syempre nagluluksa yun tapos paglutuin mo pa. kawawa naman yun.

solb ang gabi namin. sayang nga lang at hindi kami pumunta nung 1st day ng burol. iniingit kasi kami ng boss namin na andami raw chicharong baboy na hinain. anyways, naubos na sya kaya wala kami inabutan.

nakauwi rin ako ng bahay at nadatnan kong tulog na rin mga bata kaya naki-join na rin ako. payapa na sana tulog ko ng biglang magising ako ng paghingi ng dede. alas dos ng madaling araw. 3 oras mula nung pagkapikit ko. mabilisan kong tinimpla ang gatas at isinalpak sa bibig ng magaling kong anak. subukan ko ulit matulog. 5:30am pa naman tutunog yung alarm clock ko.

pero kumalam ang sikmura ko. masakit. sinubukan kong magrelaks pero ganun pa rin kaya dumiretso na ko ng banyo para palabasin na ang gustong lumabas. andami. dark choco. parang may next batch pa kasi may sumasakit pa rin pero inaantok na ko talaga kaya hinugasan ko na pwet ko, sinabon at pinisil. oo may kasamang pisil para sexy. buong tapang kong isinara ang butas ng pwet ko at tinungo muli ang kama para matulog.

biglang tumunog ang celfon ko. hindi alarm dahil saktong alas singko pa lang. tinatawagan na pala ko ng misis ko. nakabalik na sya ng pinas (from Thailand) at andun na pala sya sa harap ng pinto. ambilis. hindi man lang ako nakapag prepare.

Mga Puna»

1. apollo - Agosto 17, 2011

dumating pala si misis. e di nalate ka nyan? lols!

gasti: napaaga nga ako eh kasi wag ko daw sya istorbohin at pagod sya. ayun tulog na pagkaalis ko.

2. L - Agosto 17, 2011

sa totoo lang, eto talaga ang pinaka-kinatatakutan ko: ‘yung mamatay na hindi mo pa naabot ang lahat ng gusto mong maabot. existential shit pero tingin ko naman lahat ng tao takot mamatay. hindi kasi natin alam ano ba ang meron at ano ang mangyayari pagkatapos mamatay: kung may impyerno nga ba talaga o may after-life o sadyang dead ka na talaga at wala nang susunod na kabanata.

o eh kumusta naman ang audit ni misis sa thailand? hinuha ko alas-otso ka na nakapasok, ser!😀

gasti: hindi ko na rin masyado pinag iisip yang mga kamatayan na yan kasi wala namang sense. dagdag stress pa. maaga naman ako nakapasok kasi hindi na ako nakatulog nun eh diretso na lang ako sa mesa para magbreakfast. tinulugan ako ni misis dahil pagod daw sya. ewan ko lang mamaya 🙂

3. Jhandervine - Agosto 17, 2011

ganun dapat may preparation? para saan naman?..hehe..
ako naman last night pagtingin ko sa cp kala ko 2:18 na kaya pinagtimpla ko ng dede anak ko yon pala 12:18 pa lang..ayon di tuloy niya naubos kaya mga past 3 gumising na naman ako ng sapilitan para ipaubos sayang din kasi mahal ng gatas.

ayaw ko din mauna pero ayaw ko din mahuli if ever.

gasti: kasi hindi pa ko nagpapagupit. dapat maayos naman itsura ko at katakam takam bago sumalubong sa kanya.
hindi naman ako nagigising hanggat hindi nagsisigaw yung anak ko eh. mga galit pa kapag nanghingi ng dede eh. sakit sa ulo.
nakakalungkot kasi yung maiwan eh ayoko rin naman mahuli.

4. angel - Agosto 17, 2011

ahahaha . . . kahit kailan nakakatawa mga post mo mr.gasti . . . *filing close* infairnes sau nakaka enjoy basahin mga gawa mo . tawa ako mag isa dito para nakong baliw . ikaw na d best ka . . .😄

gasti: pwede naman kitang samahan kung nagsabi ka lang agad. to naman! nahiya pa. close na tayo teh. tenk u!

5. angel - Agosto 17, 2011

teh ka jan ! matanda ka saken kuya . . . sa tinagal tagal na nagbabasa ako ng blog mo parang matagal na kitang kilala . . . at talagang sinagad kona pagiging feeling close ko . . . pers tym ako mkapg comment at talaga pala npka warm mu magwc . . . nice ! kip it up ! im a fan . . . ehehe

gasti: haha! sorry naman at dinamdam mo pa talaga ang tawag ko sayo. o sya ako na ang matanda. mas gusto ko yung may nakakausap ako kaya sana wag ka na mahiya.
ipakilala mo pa ko sa magulang mo kung gusto mo. ayos lang din. wala ka bang blog?

6. angel - Agosto 17, 2011

uo may blog ako . pero ayoko sabihin . sikretong malupit un . nakakahiya naman ipabasa sa isang pro na gaya mo . baka okrayin molang ang mga naka post dun . . . harhar . . . kumbaga wlang wala ako sa kalingkingan mo . nakakatawa ka tlga promise ! u made my day . . . nway nakakskit tlga ng damdamin ang pagtawag mo ng teh sken . . . ang bata kopa kaya . . . ehehe

gasti: kung ang basehan mo ng pro ay tagal ng pagbablog, sang ayunan pa kita. wala naman akong nailathalang libro o komentaryong naisusulat sa mga tabloid kaya pare-parehas lang tayo dito sa internet. libangan lang ang pagbablog. ano na kasi?
expression lang yung teh. sineryoso mo pa talaga🙂 yung misis ko nga never ko tinawag na ate kahit mas matanda sya sakin. lols!

7. myk - Agosto 17, 2011

Asan yung request ko na elepante galing sa Thailand?

gasti: meron nga inuwing elepante pre. kaya lang painting🙂

myk - Agosto 19, 2011

Nak ng..di naman natin magagawang tapa yun! Oi oi nga pala dapat tuloy na tayo sa session natin. Maglatag ka ng date hahaha

gasti: meron na diba? tuloy na natin yun.

8. tabian - Agosto 18, 2011

may hiro pa pala?
naalala ko tuloy yung sabi sakin ni maldito na dapat maganda at hindi yung gutay-gutay na brip/panty daw suotin kasi pag namatay ka di daw nakakahiya…may hiya ka pa talaga patay na nga eh..hahahaha

gasti: meron pa naman. ayos din naman ang lasa parang oreo.
eh nakakahiya nga naman talaga yung nakahandusay na nga yung bangkay mo sa kalsada tapos bacon pa yung garter ng brief mo at naninilaw pa. baka kasi yun ang huling maalala ng tao tungkol sayo eh kaya dapat talaga de-kalidad ang brief/panty mo.

9. maldito - Agosto 18, 2011

hindi naman talaga ako takot mamatay..worried lang ako kapag inconvenient sa ibang tao yung kamatayan ko..gusto ko yung pag namatay ako…dretso na talaga sa himlayan…hehehhe..
pero sa totoo nalungkot ako dito….para kasing nakikita ko yung sarili ko sa officemate mo..patawa tawa lang yan….pero pag mag isa na yan…dun na magsisink in ang lahat…
buti nga rin marami akong kaibigan kagaya ninyo bossing..handang magpatawa sa nangangailangan…
drama?emo?mamatay na ba ako?hahaha

gasti: maganda nga talaga pag naka-ready na lahat yung memorial plan mo eh noh para stress free na yung maiiwan. magdalamhati na lang sila sa pagkawala mo at hindi na sa mga gastusin sa pagpapalibing.
nahalata rin naman naming malungkot sya eh kasi minsan tumatahimik rin. usually naman kapag libing na saka binubuhos lahat ng iyak eh.
salamat rin sa pagkakaibigan natin. hindi ko makakalimutan ang mga kabaitang ipinadama mo samin nung nabubuhay ka pa. ako na bahala sa mga naiwan mong koleksyong laruan. sana masaya ka na kung san ka man naroroon. hahaha! kinilabutan ako. gago ka iinom pa tayo sa October. marami ka pa namang buhay dyan diba. pwede pa mag continue.

10. Ape - Agosto 25, 2011

Ok lang sakin na ako ang kahuli-hulihang mamatay. Kahit ako na lang ang matira sa mundo, ayos lang. Mas gusto ko yun kesa ako ang pinaglalamayan.

“…nakabalik na sya ng pinas (from Thailand) at andun na pala sya sa harap ng pinto.”

– ALAM NA ANO KASUNOD NIAN. HAHAHA…

gasti: eh baka wala na nga magpalibing sayo kung ikaw mahuli. kung san ka malagutan ng hininga dun ka na lang. hehe! sabagay wala rin naman makakapansin kung ubos na nga tao sa mundo.
tulugan nga ang kasunod pre! lagi na lang pagod. haha!

11. nette - Setyembre 5, 2011

headline d2 sa dubai ngayon, yung isang family na nagbigti, allegedly dahil sa utang, naisip siguro nung hunghang na magulang na isama na bata kasi ganun lang din naman, pero oo nga naman magiging miserable din sia pag naiwan siang mag isa..nakakalungkot lang na yun na yung last resort nung magulang to end yung problema nila…haayyy….naisip ko lang…ayaw mong maunang mamatay, ayaw mo ding mahuli…pede ding palang sabay na lang…lanya!

gasti: eh parang mali pa din yun kasi tinanggalan nya ng karapatang mabuhay yung anak nya. kawawang bata. nangyari na rin sa pinas yan eh. nilagyan ng lason yung hapunan nilang pamilya.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: