jump to navigation

paabot ng tissue Setyembre 2, 2011

Posted by gasti in kahihiyan, kamalasan.
trackback

naeenjoy ko na talaga mamasyal sa mall kasama nitong anak kong lalaki. ambilis talaga ng panahon. dati nakikipagsex lang ako na parang wala ng bukas sa gf ko tapos ngyon nakaakbay na sakin yung 5 years old kong anak. mas ok pa nga kami na 2 na lang mamasyal kesa kasama si misis at yung anak kong babae na nagmamadali umuwi. samahan mo pa ng walang katapusang pagtambay sa department store para manghipo at magsukat ng damit, sapatos, bags at kung ano ano pang kakikayan sa katawan. meron pa pakarga moments pag pagod na maglakad at panggugulo sa mga kainan. mas ramdam mo ang pagod kapag ganun eh.

ang problema lang minsan dito pag bigla sumama pakiramdam nya. naranasan ko ng magpunas ng suka sa harap ng siomai house. maglinis ng natapong Zagu sa sahig at damit. at yung makailang ulit na paglilinis ng pwet kapag tumatae sya. kasama na sa pamamasyal yan.

ang hindi ko inaasahang mangyari ay itong ako naman ang magloko ang tyan. habang pasilay silay ako sa mga nakadisplay na laruan, bigla kong naramdaman na kailangan ko ng magbawas…sa lalong madaling panahon. yung tipong naiihi ka pero alam mong pag sinubukan mong pakawalan ang ihi mo ay baka mauna pa ang pagbulwak ng jebs mo. ganun katindi ang pagsubok na ito. niyaya ko agad mag cr yung anak ko.

anak kong gwapo: Daddy tara na! punta na tayo Toys R Us.
gasti: teka lang sandali. mag cr muna tayo. o ayan umihi ka muna dyan
tinapat ko sya sa urinal at ako naman ay pumasok na sa cubicle ng kahihiyan.
ilang sandali pa…

“Daddy bilis na! anong gawa mo dyan?. tara na kasi punta na tayo sa Toys R Us.”
langyang bata yan. hindi ko na nga alam kung papanong diskarte gagawin ko dito sa kinauupuan ko eh. obvious na lalong tumatae ako nito dahil sa batang nag eeskandalo sa tapat ng pinto ko. gusto ko ng isumpa yung L-Men na ininom ko nung nakaraang araw. weight gain supplement drink sana pero puro pagtatae ang naranasan ko. hindi ko na nga maalala kung kelan ako huling nakatae ng matino.

wala akong dalang tissue. at wala rin naman akong nakikitang tissue sa paligid maliban sa mga gamit na nasa basurahan. walang tabo na may tubig at wala rin sabon. dinukot ko ang bulsa ko at nakapa ang panyo. pwede ng ipahid yun at itapon na lang pagkatapos pero nanghinayang ako sa panyo. putris yan. kelangan ko na makaalis agad agad dahil naririnig ko na nakikipagkwentuhan yung anak ko sa ibang bata at sumasablay na rin ang english nya. kung bakit naman kasi ganitong klase ng pagsubok ang binibigay sakin ni Lord eh.

sinilip ko ang tubig sa bowl after kong mai-flush ang jebs. malinis na. hindi pwedeng inumin pero pwede ng kawkawin at hugasan ang pwet. at ganun nga ang ginawa ko. eh kesa naman hipan ko at dura duraan yung tae para matanggal sa pwet ko diba? napakababoy naman nun.

dali-dali kong sinuot ang brief at pantalon ko sa isang angatan lang at mabilis kong binuksan ang pinto. dumiretso agad sa lababo at kumuha ng sabon para maghugas ng kamay. ganyan ako kalinis trumabaho.

Mga Puna»

1. The Gasoline Dude - Setyembre 2, 2011

LOL! Hindi ko ata kaya ang ginawa mo. Kapag nakakaramdam ako ng ganyan, bibili muna ako ng wetwipes sa drugstore.

gasti: mabilisan kasi eh kung dumaan pa ko ng watson baka may lumabas na. haha!

2. RJ - Setyembre 2, 2011

aaah. hindi ko rin kayang kawkawin ang tubig na yun kahit sabihin pang mineral water ang lumalabas dun. hahaha! kung sakin nangyari yan, malamang uuwi akong aalog-alog ang itlog dahil tinapon ko na ang briefs ko.

gasti: uy pareng RJ nadalaw ka ulit. mas ok pa rin kasi sakin ang hinuhugasan ang pwet kesa punas eh kaya ganun ginawa ko. haha! yoko naman umuwng walang brief o panyo.

3. bagotilyo - Setyembre 2, 2011

hahaha.. life and death situation nga yan …kakatuwa naman… mgkaparehong usapang tae ang post natin.

lolz..

gasti: secret lang dapat to eh! haha! kakahiya naman talaga magtae sa loob ng mall. bwisit yan. basahin ko nga rin yang post mo.

4. tabianmuch - Setyembre 3, 2011

ahahaha..ang tindi mo ser gasti!

hindi ko keribells ang nangyari sayo..pero tough and desperate times nga naman call for desperate measures..winner!!😄

gasti: mas masarap sa pakiramdam yun kesa punas lang. mabuti na nga lang at malinis yung cr ng mall na napuntahan ko kaya hindi naman ako nandiri masyado. onti lang. hahaha!

5. angel - Setyembre 3, 2011

yucky naman ang post na toh mr.gasti . . . hahaha . . . di ko kinakaya . . . eeewww ! arte duh ! as usual tawa na naman ako ng tawa . buti nalang wala nakakakita saken , kasi malamang iisipin nilang nababaliw nako . komedyante ka noh kuya ? hahaha . . .

gasti: hindi mo ba napansin ang pagiging isang butihing ama ko dito? ok fine.
malinis na nga yung tubig pramis. hindi na nakakadiri kawkawin.
hindi ako komedyante ah! action star to noh! saka dating boldstar nung 90’s

6. metaporista - Setyembre 3, 2011

Hayup sa diskarte.. Masubukan nga susunod yun.. hehe.. Andami kasing tirador ng toilet paper kaya nadala na siguro sila talagang maglagay nun..

gasti: onga eh saka wala talagang lalagyan ng tissue yung karamihan ng cubicle ngyon. bring ur own na. eh kung buimili pa ko malamang mamantyahan na brip ko.

7. an_indecent_mind - Setyembre 3, 2011

hahahaha!!

gasti talaga! di ko kaya yan!

yung panyo na lang sana tas lalabas ng cubicle at maghahanap ng tabo o kahit bote ng mineral water at huhugas ulit! LOL

tawa ako ng tawa dito sa ofc takte!

gasti: hahaha! sayang ang panyo kasi eh malinis na naman yung tubig kaya ayos na rin.

8. angel - Setyembre 5, 2011

kahit anong linis non kuya di keri ng power ko un . siguro kung ako nasa sitwasyon mo titiisin ko nalang . kayang kaya ko nga tiisin ang jebs hanggang tatlong araw . ahahaha . . . anyway dun sa sinasabi mong butihing ama ka parang wala naman ako napansin . joke lang kuya . . . ok fine boldstar kana kasi , in your dreams . . . piz kuya !

gasti: haha eh di ikaw na marunong magpigil. action star na nga lang eh pero versatile naman ako. chos.

9. angel - Setyembre 5, 2011

ahahaha ako na talaga kuya . . . pero bilib naman ako sayo kahit nakakadiri ipopost mopa rin talaga . . . ikaw na kuya ! d very very best ka ! harhar . . .

gasti: naka move on na kasi ako sa pagtatae na yan kaya ayos na ikwento. hehe! atleast naman sa ganyang paraan no visible skid marks compared sa pinunasan lang. lols!

10. dregm - Setyembre 5, 2011

hahaha!

11. Echoserang Frog! - Setyembre 5, 2011

keri na yun at least nakaraos. alam ko yang pakiramdam na yan. nangyari na yan sakin sa gitna ng trapik sa edsa. buset. kasama ko boss ko at alam niyang taeng tae nako. siya pa sumusuporta. tiisin ko daw ahahaha! kahiya lang.

gasti: hahaha eh mahirap nga magtiis eh. mabuti na nga rin at nairaos ko yung pagtatae na yan. kakarating pa lang namin sa mall nun eh. hindi pa masyado nakakapasyal.

12. jimi1925 - Setyembre 6, 2011

hahaha aztig ! iba ung style mo on bloging cool! turuan mu naman ako sir. baguhan palang kasi ako ehh..

gasti: madali lang naman ang ganitong style ng pagsusulat. para ka lang nakikipagkwentuhan sa mga kabarkada mo. walang malisya. walang hiya. ganun.

13. jimi1925 - Setyembre 6, 2011

aztig hahaha cool!

14. jose - Setyembre 6, 2011

Malupit dun yung tubig pagkatapos maghugas. Unang kawkaw mo pa lang, kulay ebs na rin yun.

gasti: hahaha! na-imagine mo na rin ano. hindi naman masyado nagkulay brown ang tubig.

15. Diwangtanglaw - Setyembre 6, 2011

Pulido ang diskarte. Parang ninja.

Galing!

gasti: ninja naman talaga ko eh.

16. Gelo - Setyembre 6, 2011

wahahaha…kaw na boss…
ung tropa ko naman dahil walang tissue at tubig, ginamit ung mga resibo ng pinamili…

hay….kelan ko kaya mararanasan na lalaki ang anak na kasama sa mall………

gasti: resibo? haha! medyo masakit ata sa pwet yan. dun pa rin ako sa hugas.
subok lang ng subok hanggang sa makaproduce ng lalaki. hehe! buti nga at lalaki naging panganay ko eh. sya magiging tagapagmana ng mga laruan ko.

17. Jhandervine - Setyembre 7, 2011

eiw…yon lang masasabi ko..hehe

sakin naman dati kaming mag ina lang pumupo anak ko eh ang dami ko dala. pinasok ko push cart sa loob ng cr buti na lang malaki yong cr. walang gripo sa may ibaba at tabo. ang meron lang dun lababo where nagsisipilyo mga employee ng mall. pinatayo ko anak ko dun sabay hugas. keber sa mga employee na mga nakatingin. alangan naman hindi ko hugasan puwit ng anak ko saka cr yon eh.

gasti: sa lababo kayo naghugasan ng pwet habang nagsisipilyo ang iba? hahaha! lakasan na lang talaga ng loob pag dating sa anak eh. ako nga nanghihiram pa ng sabon sa janitor minsan.

18. L - Setyembre 8, 2011

hahaha! epic ‘tong ginawa mong ninja moves, ser. sa tanang pagtatae ng buhay ko, hindi ko pa ata nagawang kumawkaw sa mismong inidoro. \m/

p.s. penge nga ‘ko ng number ni maldito, ser. may audit ako sa cebu next week pero 2 days lang. baka sakaling makita ko ang burikat na ‘yun. haha! salamat!

gasti: hahahaha! eh di lamang na ko sayo kung ganun. minsan na lang magtae kaya sinulit ko na ang experience. putsa wala naman talaga sa plano yun eh.
msg sent. next friday na rin punta namin ng cebu. for 3 days naman. kitakits.

19. Maldito - Setyembre 8, 2011

sino ang may skidmarks?

Guess who!!!

Alam na!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

ahahhahahahahhahhaa

gasti: sino na nga yun? hahaha!

20. gillboard - Setyembre 8, 2011

bilib naman ako sa diskarte mo. di ko kaya gawin yun.

gasti: mas nandidiri pa nga ako sa pagpunas ng jebs gamit ang tissue sa totoo lang.

21. raffy - Setyembre 9, 2011

Wahaha… nasubukan ko ng gamitin ang panyo dati, pero di ko pa nagawang kawkawin ang tubig sa bowl para ipanghugas ng pwet.😄

naalala ko tuloy yung episode dati sa strangebrew ni tado kung saan naghilamos sya ng muka sa inidoro, haha!😄

gasti: haha! ibang usapan na yan maghihilamos ng mukha sa inodoro. para sa ratings gagawin lahat amp! tado talaga.

22. akda - Setyembre 12, 2011

Grabe! Ang galing mo, parang yung mga spy sa mga movies! Ay! Hahaha. Apir naman ako sayo dahil isa ka pa rin sa mga amang talagang sinusundan mabuti ang kanilang mga anak, at yung tipong nililinis pa yung mga pagkakalat ng mga anak sa mga malls. Karamihan kasi, mga nanay pa nga, walang pakialam pag nagkalat yung mga anak nila. Apir na apir ka!

Napadaan lang😉

gasti: salamat naman at napansin mo yan. hehe! marami rin kasi ako nakikitang hinahayaan na lang yung kalat ng anak nila sabay alis sa mall kasi nga gaya ng sabi ng misis ko, may janitor naman daw na binabayaran para maglinis nun.

23. Ape - Setyembre 14, 2011

pare, may apat na anghel na nagpatiwakal ng malamang hindi mo na lang ginamit yung panyo mo…😦

gasti: salamat sa info pre. ipagdadasal ko na lang yang mga anghel na yan.

24. Glentot - Setyembre 17, 2011

Bwahahaha madalas rin akong matae sa mall kaya ang ginagawa ko dun ako sa Lounge CR jumijebs, kasi laging may tissue dun at konti lang ang tao. Ten pesos usually ang bayad which is kapresyo lang ng isang roll ng tissue paper…

gasti: ayos. salamat sa info. next time na sumpungin ulit tyan ko, hanapin ko yan.

25. Vajarl - Setyembre 20, 2011

I share the same sentiments when it comes to malling with women. Ako naman pag ang mga girlfriends ko eh nagyayaya ng mag punta ng dept store, madalas nang iispat na ko ng bench o kahit anong mauupuan. You would think that gay men would have the best opinion when it comes to helping women choose what to wear, pero mygaaad I’m a disgrace to my kind! Haha.

Shaks kehirap nyang tae or ihi sabay sila mygad problem. Naranasan ko yan sa office before. Kagimbalgimbal.

Hindi ko inexpect ang ginawa mo. Tubig sa bowl. Tameme me much.

Hello Gasti!🙂

gasti: haha! musta naman vajarl! pagpasensyahan mo na tong kababuyan na ginawa ko. yan lang talaga naisip kong dabest na paraan para makaraos.
at yang tungkol sa fashion sense na yan, mukhang may say talaga mga gays sa pagpili ng damit pambabae. karamihan sa showbiz industry ganun eh. baka tinatamad ka lang din mamili pag hindi naman ikaw magsusuot. hehe!

26. MartinTC - Oktubre 4, 2011

Ayos! Kuwelang-kuwela kayo sir! Magkahalong tawa, paghanga, at diri ang naramdaman ko! Astig!

gasti: hahaha! langya! baka isipin nyo na lagi ko yang ginagawa. minsan lang yan. salamat.

27. BuhayCallCenter - Oktubre 4, 2011

Hahaha! Buti na lang naligaw ako dito. Add ko kayo sa blogroll ko!

gasti: ayos. bisita rin ako dyan sa blog mo. thanks.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: