jump to navigation

half bisaya Setyembre 28, 2011

Posted by gasti in bakasyon stories.
trackback

natuloy na rin ang pagbabakasyon namin sa Cebu. mabuti na lang at maayos naman ang panahon ng namasyal kami. swerte at naunahan namin ang pagbulusok ng bagyong Pedring. at safe na rin nakabalik ng Manila bago pa bayuhin ng hangin at ulan ang bahay namin.

kasama ko bumiyahe ang 2 kapatid ko na parehong first time nakasakay ng eroplano saka yung anak kong lalaki. well documented lahat. mula pagsakay, paglipad at paglanding ng airplane naka video. muntikan pa nga mapabili ng airplane souvenir para lubos lubos na ang experience. pati nga sana yung instructional routine ni Ms. flight stewardess ay i-video pa sana pero pinigilan ko kasi panget naman yung babae.

paglapag ng eroplano, tinext ko agad ang bisayang blogger na kaibigan ko. blind item na lang natin kasi hindi naman kami nagkita. haha! kung makalagok kasi ng alak kala mo may shortage na.

sa probinsya nga pala kami nagstay. yung lugar kung san pinanganak nanay ko. hindi ko nga maipaliwanag ang feeling (arte). parang foreigner? hindi naman kasi kami magkaintindihan nung mga tao dun. buti na lang may kasama ako interpreter para alam ko kung kelan ako tatango at ngingiti. lols!

yung mga station sa radio may kasamang dramahan. at puro ganun ang pinapakinggan ng mga taxi na sinakyan ko. lupet daming listeners. naintindihan ko naman onti yung mga dialogs kasi may halong english.

inday: dili na ko virgin
dong: one night stand na to.

natawa lang ako dahil sa pagkakaintindi ko. magsyota sila pero nashock si lalake kung bakit hindi na masikip ang keps ni babae kaya nagtapat na si inday. hindi ko na maalala kung may “plok! plok!” sound ba basta may pag ungol ako narinig. nakakadala rin minsan. hahaha!

nakarating kami ng church na may Sto. Nino, Magellans Cross, chowking, SM City Cebu, Metro Supermarket sa Mandaue, sa may statue ni Lapu Lapu, nakifiesta sa Daan Tabogon, sa may sanctuary na may 10 pesos entrance fee, tapos sa dagat na libre lubluban. at sa mga kabahayan ng kapatid ng nanay ko at mga pinsan and friends nya. bitin ang 3 days stay. andami pang pwedeng puntahan.

natikman ko na rin yung bagong lutong lechon cebu. matindi ang tama. nakakaadik ang lasa. pati na rin yung carcar chicharon. danggit at daing na pusit. panalo din yung kalderetang kambing na kinain ko at pritong isda. nakaka….busog? lusog? basta. di lang masarap malinamnamnamnamnam.

at yung vendors, mahuhusay.
naalala ko si manong na nagbebenta sa simbahan.
“Dong! Dong! bili ka na souvenir. 10 pisos lang. pagpunta ka mall 35 pisos na binta nila dyan. ito pili ka gitara..ano gusto mo culor? ito pa oh rock guitar..pili ka na dong! gusto mo flower sun?”
gasti: flower sun? lols! (sunflower un.)

tapos yung manong na nagbebenta ng lobo.
lobo bay: bili ka na Dong.
gasti: magkano po ba?
lobo bay: binti pisos lang.
gasti: sige yung eagle pabili. (sabay dukot ng 20 pesos sa bulsa at inabot kay manong)
nagtaka at napangiti sya habang naghihintay ng dagdag.
sibinti pisos pala dapat. langya.

napansin ko rin na madami palang magaganda sa Cebu. gwapa ba yun? kaya hindi na rin ako nagtaka kung bakit dun pa nakahagilap ng mapapangasawa ang tatay ko at hindi sa marikina kung san sya nakatira dati. daming mapuputi. daming mukhang virgin. saka marami rin pala akong nakasabay na magagandang turista. di ko lang sure kung bisaya din yung mga yun pero mga mestisa eh. at oo meron din syempreng amerikano, koreano, intsik, af-am, hapon at kung ano ano pang lahi. mababait naman sila.

nakakatuwa rin balikan yung hometown ng parents mo. makikita mo kung ano kinagisnan nilang buhay noon. kung saan sila namasyal dati. kung anong lasa ng mga kinain nila. parang nabuhay na ulit yung dugong bisaya ko. parang gusto ko maghamon ng away! joke! haha! sana makabalik ulit kami next year. pahinga na muna ako sa gastos.

Mga Puna»

1. apollo - Setyembre 28, 2011

si maldito ba yung sinasabi mong matakaw sa alak? nang-indian ba sya? lols!

sabi nga nila, magaganda daw ang mga cebuana…

namiss ko bigla ang danggit. tsk!

gasti: haha! blind item nga. basta ang clue ay may tattoo sya sa batok at sa bandang dibdib. lols!
maganda nga pre saka mukhang mababait. wife material ba.
matagal pa bubunuin mo dyan pre. baka naman meron pinoy supermarket dyan. bili ka na lang.

2. nette - Setyembre 28, 2011

like ko tong post na to…meron ding times na gusto kong puntahan ang lugar ng Papa ko sa Surigao, kaya lang dahil wala na sia, parang d ko rin alam kung saan kami pupunta pa talaga. Pero wish ko lang one day makarating din kami dun, at maghanap na lang ng kamag anak. bahala na kung me mahanap haha….P.S. me pasalubong sa akin un friend ko na taga cebu..rock guitar..culor red😀

gasti: mahirap nga yan maghahanap ka pa ng kamag anak. yung tipong may dala ka pang picture tapos ipagtatanong tanong mo. haha! pero ituloy mo pa rin plano mo kasi masaya rin naman makilala yung mga pinsan at kamag anakan mo. basta ba walang utangan. hehe!
bumili rin ako nun red at pink na rock guitar. haha! mahal nga talaga sya sa mall.

3. L - Setyembre 28, 2011

mabuti ka pa ser, nakalibot nang husto. ako, sa sobrang ikli ng stay, ni hindi ko man lang naramdaman na nasa cebu na pala ‘ko. tae lang. idagdag mo pa ‘yung bisayang blogger na kaibigan ko rin na nagsabing pupunta raw para magbasagan kami ng trip pero hindi naman natuloy kasi hindi pa raw swelday. lol!

p.s. ‘yung mga tao pala run, ayaw na ayaw magtagalog. kaya inglesan na lang kami nang inglesan. hahaha!

gasti: hahaha! andami talagang palusot nyang si blogger from cebu. gusto ko pa nga sana puntahan yung pinakamataas na building kaya lang bitin ang oras. at oo andaming kumakausap sakin na bisaya akala yata nila maiintindihan ko mga sinasabi nila.

4. jeck - Setyembre 28, 2011

nung nagpunta ako sa cebu, doon lang din ako nakakakita ng madaming magandang babae sa isang lugar. dito kasi sa manila/makati, magandang babae ang hahanapin mo, sa cebu manananawa ka sa magaganda kaya panget na lang hahanapin mo. huhlols. pero seryoso, andami talagang maganda sa kanila.
kaya siguro ang tagal mong nawala, pabyahe-byahe ka na lang ah.

gasti: naglimas pa kasi ako ng baha kaya natagalan ako magpost. hehe! yung magagandang babae nagkalat sa mall at simbahan. mukha pang mababait kaya lalakas ang loob mong kaibiganin. hinahanapan nga namin ng gf yung kapatid ko eh. ayaw naman.

5. myfilthyroom - Setyembre 29, 2011

uma-anabelle rama yung mga vendors. haha.

gasti: buti na lang at hindi sila singtaray ng bisaya na yan. syempre nagbebenta eh. hehe! pero ganun talaga..”dong” talaga itatawag sayo pag lalaki ka. “day” naman pag babae.

6. Vajarl - Setyembre 29, 2011

Akala ko bawal ang panget na Flight Attendant. Haha. Or magkaiba paba yung Stewardess sa Attendant? Ang sakin lang naman eh nakakaingget ang mahahabang legs nila. I thank you.

Maldito, final answer!

Never pa ko naka labas ng Luzon. Isa sa mga pangarap kong puntahan yang Cebu, lalo na’t marami daw poging Cebuano. Shet kelangan ko na mag ipon!

gasti: maputi naman infairness yung stewardess. ganun lang. walang appeal. hindi rin katangkaran cguro pasado lang sa minimum requirement.
at oo madami ring artistahing lalaki dun saka maayos naman ang pangangatawan. duns a area na napuntahan ko ah na marami nakahubad. pang swimmer ang built eh. pasyal ka na at hindi ka magsisisi.

Vajarl - Setyembre 30, 2011

Aaaay, madali akong ma convince sa ganyan sheeeet! Hahahaha. Nakakabusog pala don. baka pag balik ko ng manila malake na mata ko. Hahahaha.

gasti: haha! busog ka talaga dun. hindi pa nga ako nakapunta sa mga gimikan eh. pampamilyang pasyalan lang pinuntahan namin.

7. Ape - Setyembre 29, 2011

Isang malaking CHECK! Napakaraming ngang masasarap sa Cebu.

and I’m not just talking about food here.😉

At likas na buhos magmahal ang mga cebuana. Nagkaron ako ng ex na cebuana at halos malunod ako sa pagmamahal na buhos…well, dapat naman talaga ganun. Hindi lang cgro ako sanay kasi binatilyo pa ko nun. Pero sayang!

gasti: hahaha! sayang naman yang cebuana mo pre. mukhang naalagaan ka ng husto at tinuring kang hari. eh ganun talaga ang buhay eh hindi naman natin masabi kung sino talaga makatuluyan natin.

8. Gelo - Setyembre 29, 2011

waaahh matagal ko nang pangarap makapunta sa cebu😦
pero lam mo pre, totoo, may mga nakilala narin ako girls na taga cebu at mga mukang virgin nga..hahaha.. pero ask them, at magugulat ka sa mga kwento nila😀

gasti: gusto ko yang mga ganyang klase ng gulatan. hahaha! yun naman talaga ang maganda eh. mukhang virgin pero open minded. lols!

9. akda - Oktubre 1, 2011

Punta ka na din sa Bohol next time, magkatabi lang naman sila🙂 Masarap talaga Lechon Cebu, the best! At yung danggit, tuwing may umuuwi samin sa Bohol at dadaan sa Cebu, nagpapauwi ako danggit. Hahah. Natawa ako sa mga drama sa radyo, di ko pa naeexperience yan. :))

gasti: yup next time isama ko na yang Bohol. bitin lang kasi sa oras eh. yung mga dramahan sa radyo mga bandang tanghali ko narinig yun eh. anlakas pa ng volume ng radyo ni manong taxi driver.

10. kotsengkuba - Oktubre 3, 2011

naalala ko yung ad dati sa mtv — donut bay! donut bay!

sana makarating din ako sa cebu kasama ang mga kids, at tulad ni apollo, namiss ko din bigla ang danggit😉

gasti: ayos naman ang danggit pero mas patok sakin ang daing na pusit. sarap i-breakfast. masarap magbakasyon dun syempre kasama buong pamilya. hindi naman masyado magastos kasi mura din bilihin.

11. maldito - Oktubre 6, 2011

hoy baka buusy lang din…hinuhusgahan niyo agad..si maldito lang ba ang blogger sa cebu?hahahah…
buti naman at na enjoy mo dito…balik kayu….

mga next week.ahaha.kasi ala na akong trabaho.

gasti: hahaha! ayan nagrereak na. sayang pala dapat nagresign ka na nung dumating ako dyan. sabi mo nakalipat ka na work.

12. Jenny - Oktubre 11, 2011

Yes, masarap talaga ang lechon ng Cebu, hindi kana maghahanap ng sauce kasi malinamnam na ang timpla.
Pag bumisita kayo ulit sa Cebu do not forget to drop by at its beaches. Maraming magaganda na maihalintulad mo sa Boracay. At malaking check na kaming mga Cebuana ay magaganda talaga! LOL

gasti: tama. naghanap nga ako ng sauce pero wala ako nakita. haha! ganun pala talaga yun. may napuntahan naman kami dagat na libre ligo at sanctuary na 10 pesos ang entrance fee. ayos din.
dapat siguro pati bahay mo pasyalan ko na eh🙂

Hopeless Romantic - Oktubre 13, 2011

hahaha, sige just lemme know kung when kayo bibisita sa Cebu my house is wide open for you! house lang ha? LOL

gasti: naks naman. nagpapapasok ka pala ng strangers sa bahay. hindi ka ba natatakot na manakawan? ng puso? lols! joooke lang. thanks anyways.

13. nieco_whackie - Oktubre 18, 2011

waaaaaaaaaa.. sayang at di ka namin na meet nang pumunta ka ng zzzzebu! tabogon ba sabi mo? taga-dyan ang asawa ko! sayang talga. na mention ni maldito na pupunta ka pero d xa nag invite kasi. kakahiya. eheheh

sa susunod nalang! ehehehe

gasti: haha! eh hindi rin naman kami nagkita ni maldito dyan may pasok kasi sya. doon kami naki-fiesta sa daan tabogon. dibale next fiesta ulit baka makapasyal kami.

nieco_whackie - Oktubre 21, 2011

go! at wag kalimutang imbitahan kami.😀

gasti: sige next year na siguro. marami pa ko gusto puntahan dyan.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: