jump to navigation

pansit na naman Oktubre 18, 2011

Posted by gasti in bakasyon stories, muni-muni moments.
trackback

sunod sunod na naman ang birthday ng mga tao sa bahay. puro nasa BER months kasi kami pinanganak. last month yung tatay ko. 62 na sya. this month yung panganay kong anak. dumayo pa kami sa Calatagan Batangas para i-celebrate ang kanyang 6th bday. tapos ngyon nga yung ate ko naman tumanda. si misis at yung kapatid ko lalaki next month, tapos sa December yung nanay ko naman, yung anak ko babae tapos ako naman sa pasko. sunod sunod ang parteeeey!

maaga pa lang sinasabi ko na sa inyo para alam nyo na. hindi naman ako mahilig sa mga materyal na bagay talaga at kuntento na ako sa mga walang malisyang pagbati na may kasamang matunog na halik at mainit na yakap. “Happy birthday bossing! I love you! mwah mwah! tsup tsup! *hugs”

pero kung talagang mapilit kayo o baka naaasiwaaan lang kayo sakin dahil sa mga pinagsusulat ko rito, malugod ko namang tatanggapin ang alok nyong tulong para mapasakamay ko ang mga sumusunod.

Cars Toon: dragon lightning mcqueen with oil stains
Cars Toon: tokyo mater with oil stains (deluxe)
SDCC 2011 Marvel Legends Thor
Thor 6 inches action figure “movie series” by Hasbro Walmart exclusive limited edition
1/100 Gundam Shin Musha or Banshee Unicorn Gundam (Black)

maraming salamat po. ilayo nyo ako sa ilegal na droga, sa mga pasugalan, sa mapanuksong mga babae, at lalo na sa disgrasya. suportahan nyo na lang ang bisyo ko.

mukhang naparami na naman ako ng kain ng pansit. baka mamaya pag uwi ko, yun na naman ang ihanda. for long life daw kasi eh. chos! may kakilala nga ako pinatay sa pansitan. nasa 30’s lang yun edad nun. mas maigi sana kung pinalabas na lang nilang pampahaba ng titi yan o pampalusog ng boobs baka mas tangkilikin pa ng mga pinoy. “Miss isang order pa nga ng pampagana!”

infairness masarap naman talaga ang pansit. ang all-time favorite kong pansit bihon, canton, lomi at isama na rin natin yung mga instant noodles ng lucky me. sabayan mo pa ng kanin para carbo overload na. pasasaan ba’t pwede ko ng ilaban ang katawan ko sa nagmumurang katawan ni Derek Ramsey. asa pa.

naisip ko lang. next year mag 30 na pala ko. although I feel young and look young, fresh, sweet and mild, sa tingin ko nagagahol na ko sa oras. kelan kaya darating yung araw na may sapat na ako puhunan na pangnegosyo para hindi ko na kelangan manilbihan sa kumpanyang pinagtatrabahuan ko. kailan kaya ako gigising na hindi nagmamadali pumasok dahil hawak ko na ang oras ko at hindi ako kinakamusta ng stress sa umaga. hindi ko talaga alam pero sana wag naman abutin ako ng retirement age bago maranasan yun. putsa wala na ring silbi. hindi ko naman pwede ipagmalaki ang pagkakaroon ng senior citizen id.

sa ngyon, marami na rin akong pinagpapasalamat dahil kahit papano ay maayos naman kami. kakahiya naman kung puro kamalasan na lang ang naaalala natin sa araw araw. baka magtampo naman ang grasya nyan kaya maganda ring magbilang ng mga natatanggap nating biyaya para pampalubag ng loob at pampatanggal ng alalahanin. pasasaan ba’t makakaraos rin tayo. kahit mag isa. joke!

at dumating na nga si “blu“. ang bagong tambay sa lugar namin.

alam ko. napaka original ng name at halatang pinag isipan. ganun talaga eh. ipinangalan sa blue Macau parrot sa pelikulang Rio.

disclaimer: hindi ko nga pala asawa yang nasa pic. dealer sya at hindi sya kasama sa freebies. ginawa ko lang sya model dyan. ahehehe!

Mga Puna»

1. L - Oktubre 18, 2011

ayun o. pwede bang pa-joyride minsan kay blue. lol! ser gasti, kung hindi mo pa ba naman maaalalang magpasalamat sa mga grasyang katulad niyan eh ewan ko na lang.

napapraning na rin ako sa audit shit ko. pero kelangang magtiis. para sa kinabukasan. haha!

p.s. asan na kaya si oktoberfest boy? na-undas na ba sa cebu?o_O

gasti: onga eh. maangal lang talaga ako minsan pero marami rin talaga kelangan ipagpasalamat na blessings. joyride? pwedeng pwede.
pag igihan o yang audit shit na yan at maganda ang future mo dyan lalo na at kasama mo naman si dude mo. sagana ka rin sa biyaya🙂
wag ka na umasa this year kay maldito. hindi na daw sya pinapayagan magleave kasi bago lang sya. sayang nga eh

2. Vajarl - Oktubre 18, 2011

Andame kong elowel nung nabasa ko yung ‘limited edition’ sa wishlist mo. Hahaha. Hanep much! Haha. Wagi! Winnur!

Keri lang saken ang pancit, hindi ako kumakain ng pancit canton saka instant mami kung maiiwasan. Hindi ko gusto yung lasa. Saka matagal daw matunaw yun. Nagpapaliit nga ko ng tyan na kaya na atang patalbugin sapak ni pacman.

Hongsuhsalsushalnomon ni Blu! Haha. Pag mayaman na ko, na sana mangyare bago ako maging senior citizen please, isa sa mga gagawin kong kundisyon ng pagbili ng kotse eh pag lalake ang nagbebenta naka bikini lang. Puro kase babae unfair. Charaught.

gasti: hahaha! lalake talaga yung dealer namin eh ka-buddy nya lang yan nasa pic. gwapo yung kausap ko 22 yrs old lang ata pero mukhang 6 footer na. at yung katawan eh hinasa kakabasketball. di ako nagbibiro. try mo bumisita sa mga showroom.

3. Maldito - Oktubre 18, 2011

ang yomoN!! ahahhaa.
ampotang cars na yan!!pinahirapan ako ng mga sales lady!!!! ako pa yung pinahanap sa stocks!! bullshit! ahhaha.
advance happy bday! ahahha…pasakay minsan sa bago mong toy..ikaw na blessed!

PS; fans..kungting tiis..magkikita din tayu soon! ahhaha

gasti: haha! mga walang alam ba? eh last year lang naman na-release yun ah. sayang nga dapat pala bumili na ako noon ang hirap na kasi maghanap ngyon.
pagdating mo i-tour kita walang problema. baka naman sa december pwede ka na. naiiyak na si jeck eh. pati yung iba mo pang fans last year pa nag antay. anong petsa na? kawawa naman. haha!

4. apollo - Oktubre 18, 2011

maligayang kaarawan sau sampu ng iyong kapamilya pre.

gasti: salamat pre. wala bang kasamang gifts yang pagbati mo? haha!

5. angel - Oktubre 18, 2011

as usual isa naman makasakit pangang post itetch . . . ang lungkot ko bago ko binasa ito , and then di ko napapansin tawa nako ng tawa . . . ikaw na talaga kuya ! d best ka !😄 . . .

di ako mahilig sa pancit , mas preferred ko yung pasta ! kiber mo naman diba kuya ? anyway napahagalpak ako ng tawa dun sa pinatay sa pansitan . at sa mga kalokohan mo na out of this world . dito nalang ako lagi tatambay para lagi ako nakatawa . . . Ehehe . . .

gasti: ang gusto ko lang pasta eh yung spaghetti with garlic shrimp and mushroom sa pizza hut. the best yan. salamat naman at may nauuto este napapasaya pa akong kagaya mo. sige tambay ka lang dito. kaya lang baka mainip ka kasi hindi naman ako ganun kadalas magpost. haha!

6. tabianmuch - Oktubre 19, 2011

kamusta naman ang pansit na dala ng bidang naka leather jacket…tapos alam nyo na siguro ang kasunod nun..hehehe

pero seriously marami talagang dapat ipagpasalamat at least kahit di mo sing kisig si derek ramsey eh may blu ka naman (anong connect?) hahaha

henyways napakapinagisipan talaga ng blu hindi talaga halata ser gasti at si ateh halatang hindi tipid sa bangs..XD

gasti: eh yung pansit na dala ni Anita Linda bago sya paulanan ng bala ng mga goons? haha! classic.
yung kotse lang bale ang makisig at hindi yung driver. haha! very unique ang name ano? nabinyagan na nga yan sa Antipolo. at yung bangs, mukhang alaga sa suklay nga. malago eh.

7. akda - Oktubre 19, 2011

natawa ako dun sa pampalusog ng toot at pampahaba ng toot. aba’y baka pansit na ang maging staple food ng pilipinas hahaha.

akala ko si blu yung model. ok, slow ko lang.

HAPPY BIRTHDAY SA INYONG LAHAT!

gasti: suportahan ko lalo ang pagkain ng pansit para sa ikasasaya ng bawat pilipino. lahat tayo makikinabang rito. haha!
salamat sa pabati kahit hindi ko pa birthday pwede naman mauna yung mga gifts.

8. Jhandervine - Oktubre 19, 2011

ang nyaamaan naman may car.

fave ko pansit kahit walang occassion nagluluto ako..hihi..
mag 30 ka na pala Kuya..lol.

Happy Biirthday!

gasti: oy next year pa ko mag 30. hindi naman ako nagmamadali umabot dun. hehe! thanks.

9. Jenny - Oktubre 20, 2011

pasakay kay Blu pag naka visit ako diyan…haha mas preferred ko ang pasta kaysa pancit unless pag si Mama ko ang nagluto..haha

Maligayang kaarawan sa mga nagbirthday diyan sa inyo! xoxo

gasti: oo naman. kahit san mo pa gusto pumunta walang bayad. pihikan sa pansit kelangan luto lang ni mama? at talagang naki-mama ako. haha!
thanks! xoxo

Jenny - Oktubre 21, 2011

hahaha mama talaga eh?😛 dapat libre accommodation and food ako pag nagpunta ako diyan..hahaha (FC mode)…uu kailangan luto lang ni mama kasi masarap yun magluto ng pancit xD

gasti: oo naman. ako na bahala sa titirahan natin at sa mga kakainin mo pag pumunta ka rito. ok lang ba sayo kung walang bintana? haha! joke lang. patikimin mo naman ako ng pancit na yan.

10. hitokirihoshi Sr. - Oktubre 20, 2011

advance happy birthday na ba ang pagbati ko sa comment ko dito?! hehehe

oo nga no, laging ganyan ang dilemma kung magpapansit ba? pero automatic naman na kasama sa menu. pag birthday ko hiling ko spaghetti na lang para maiba. hehehe

natawa ako sa linya na hindi naman long-life . hehehe

gasti: nakakabulolol yang pangalan mo. hehe! at may “Sr.” pa. level up na ah
ayos din naman ang spaghetti kaya lang mas trip ko ang alat ng pansit eh.

11. nieco_whackie - Oktubre 21, 2011

huwaw! level up ka na pre! may kabayo ka nang service. pasakay nalang kung makapasyal ka mi dyan. eheheh

baka one of these days. planuhin muna namin nina maldito at tabian.

ayun ubos lahat ng money money money pag BER months. kakatakot. eheheh

gasti: ayun sige kung pwede pa kayo makapunta this year eh di ayos. pasyal pasyal na lang tayo rito. hindi nga pala kabayo yan pre. submarine yan. pang ready sa baha.

12. APE - Oktubre 21, 2011

Malaking bagay din sakin ang PANSIT.

Sa motel nung binata pa ko, yan lagi ang pampaganang inoorder ko.

Tuwing may bday, laging andyan yan.

Pag walang makain, pancit canton ang lifesaver ko.

Kung pampahaba / pampalaki rin ng ano yan edi yan na almusal/tanghalian/hapunan ko araw araw. lol.

gasti: hahaha! epektib ba pampagana pre? dapat makalimang rounds para sulit naman ang bayad sa oras.
pampagising ko naman ang lucky me pansit canton extra hot nung gumagawa kami ng thesis.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: