jump to navigation

bayad muna, bago bumiyahe Oktubre 21, 2011

Posted by gasti in kwentong pasahero, muni-muni moments.
trackback

matagal ko ng napansin itong ganitong gawain ng driver eh. nakasanayan na kasi nating magbayad habang nasa byahe na at kung minsan yung ibang kapalmuks, na nagbabayad kapag pababa na (excemption yung sa  tricycle at taxi). hindi ba ipinagbabawal na yung pagtetxt habang nagda-drive? maaalis kasi ang tingin mo sa kalsada at kapag nawili ka sa kakapindot sa celfon, baka sa sunod na lingon mo eh may nasagi ka na. pano pa kaya kung may mag abot ng bayad sayo at kailangan mo pang suklian. mas mahirap yung nagbibilang ka pa ng pera. may kasama pang computation yan kaya napakadelikadong gawin habang umaandar ang sasakyan. mabuti sana kung lahat ng driver ay may kasamang tagasukli hindi na sya maabala sa pagmamaneho nya.

ganyan din ang reklamo ko sa shuttle na sinasakyan ko. hindi man lang sila maningil bago pasakayin ang pasahero para hindi na kami maabala pa na suklian ang mga sarili namin o di kaya ay isigaw ang mga sukli namin. hindi tuloy ako makaidlip ng diretso dahil inaabangan ko ang part ng singilan. (pag nahuli ka kasi ng bayad eh magagalit ang driver).

eh kung ganito na lang kaya.

sa jeep o fx kapag may sasakay, natural hihinto

magbabayad yung pasahero

aabutin ng driver ang bayad at magsusukli (kung meron man)

paaandarin ang sasakyan.

ganun lang kasimple. dire-diretso ang byahe at ligtas tayo makakarating sa patutunguhan natin. maiiwasan pa yung mga kapalmuks na driver na hindi marunong magsukli ng tama at patay malisya kapag nanghihingi ka ng sukli. maiwasan na rin ang pag 1-2-3 ng mga kups. baka pati holdapan sa loob ng sasakyan mabawasan kundi man tuluyang mawala.

ganyan rin naman kadalasan ang umiiral sa mga carinderia ngyon diba. pay as you order. sa mga restaurant lang naman yung gugulatin ka sa bill eh. sa eroplano, bayad muna bago lipad. sa sinehan, bayad muna bago nood. sa mga pasyalan, bayad muna bago pasok. sa mga massage parlor naman, bayad muna bago masahe. tapos kung gusto mo pa humirit ng extra service, bayad muna bago hubad. wala namang masama dyan. gusto lang natin masiguro na hindi tayo maagrabyado.

Mga Puna»

1. angel - Oktubre 21, 2011

nice one kuya ! may point ka jan . . . ehehe

gasti: nakakaburyong talaga magcommute. meron na kasi mga ilang beses na muntikan na mabangga yung sinasakyan ko dahil sa pagbibilang ng bayad.

2. Gelo - Oktubre 21, 2011

good points pare! nakakaasar pa dahil kahit may panukli na minsan, tlagang hihintayin nila ung halos dun kana sa bababaan mo, ang resulta, buong byahe ka nagaabang ng sukli at di ka makatulog. kupal pa madalas kung ng piso ang sukli, minsan 2, mga kupal…hehehehe…

gasti: onga eh parang sinasadya nila na patagalin ang sukli kahit may barya naman sila. minsan nga pag kulang sukli hinahayaan ko na lang. bahala na sila hindi naman nila ikakayaman yun.

3. APE - Oktubre 21, 2011

Ewan ko bro, pero para sakin…ok lang na habang bumabyahe magbayaran/suklian. May mga driver naman kasi na marunong mag multi-task ng hindi na ccompromise ang safety ng pasahero.

pero sana gumana na rin ung sistema ng bus sa amerika d2 sa pinas, kung saan, bayad ka muna sa pinto pa lang…bago ka makakaupo…

gasti: hindi talaga ubra yan dito sa mga driver sa pinas kasi lahat nagmamadali makakuha ng pasahero. pakialam ba nila sa safety eh nagkakarera nga sila sa kalsada. yung sa bus lalo na talagang siksikan eh lahat nagmamadali kaya malabo talaga mangyari to.

4. Glentot - Oktubre 21, 2011

Isa nga sa mga stressful jobs ang pagmamaneho ng jeep dahil sa multi-tasking sabayan pa ng pag-DDJ kapag hindi sila makapagdecide kung ano ang patutugtugin, REMIX o PINOY RAP.

gasti: haha! onga eh parang nagkokopyahan lang ang mga driver ng patugtog. panay remix ang binabanatan eh.

5. akda - Oktubre 24, 2011

Nung nag-aaral pa lang ako magmaneho, na-realize ko talaga kung gaano kahirap mag-multitask habang nagda-drive. Nagcocompute pa! Kaya elibs na elibs ako noon sa mga mamang tsuper. Pero maganda yung idea mo, kaso lang baka ayaw nila kasi sayang sa oras, lalo na yung mga halos ayaw ng tumigil habang sumasakay/bumababa ka pa lang dahil gusto nilang makarami ng ipapahamak este pasahero.

Maayos na transpo system, yun ang pangarap ko para sa Pilipinas. At free hugs. Hehe…

gasti: mapapahamak ka talaga sa patok na jeep. laging may angkas na holdaper yan eh
haha! langyang free hugs yan. gusto ko rin nga nyan eh kahit wala ng kiss mas masarap mangyakap eh.

6. mmc.XD - Nobyembre 14, 2011

Hehehehe! natawa ako po sa “bayad, bago hubad” pero infairness, may sense!😀

napadaan lang po. ni add din po kita sa links ko ^^

gasti: thanks! ganyan talaga mga tao ngyon segurista.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: