jump to navigation

ligo na kau. pauwi na me. Oktubre 24, 2011

Posted by gasti in bakasyon stories.
trackback

walang kasiguraduhan ang plano naming pumunta ng Batangas. pag masama ang panahon, wala ng aalis. medyo malayo rin ang byahe. abutin pa ng tatlong oras para marating ang dagat. sayang naman kung salubungin lang kami ng malakas na ulan at malalaking alon. wala naman sa plano ang surfing. at hindi nga rin pala ako marunong lumangoy.

madilim pa nung  umalis kami bago mag alas sais ng umaga bitbit ang pag asang sisikatan kami ng araw. ito na rin yung nagsilbing break-in ng kotse namin. dito na masusubukan ang fuel efficiency nitong si blu.

ayos naman ang byahe. walang traffic. sablay nga lang ako sa mga direksyon kaya kelangan ko ng mga kaibigan na matalas ang memorya at may built in gps sa katawan para hindi kami maligaw. mahirap na. wala namang mga u-turn sa dinaanan namin. isang maling liko lang at baka makarating kami sa kuta ng mga rebelde.

alas nuebe ng marating namin ang lugar. sinalubong kami ng mga magigiliw at magalang na staff ng resort. halos walang ibang tao doon bukod samin kaya mukhang solo namin ang lugar. makakapagrelax ng maayos. makakatulog ng mahimbing. walang panggulo sa pictorial. pero sa isang banda, nadismaya rin ako na wala akong namataang babaeng mapuputi at nakabikini na nagtatampisaw sa dagat. yun pa naman ang isa sa mga dahilan kung bakit gusto ko nagpupunta sa beach.

sulit naman ang bayad sa mga pagkain. sa air-conditioned room at sa ganda ng lugar. enjoy ang mga bata at nangitim kami lahat. ako kasi ang ginawang tagabantay kaya obligado akong magsunog ng balat kasama nila. lumubog sa dagat na ga-tuhod ang taas at gumapang sa pool na pangbata. masaya naman pero kulang talaga. nasaan ang adult entertainment?

nasa kalagitnaan ako ng pag iisip ng mga magagandang tanawin sa Pilipinas na walang kinalaman sa mga istraktura at kalikasan ng biglang nagsidatingan ang isang grupo ng mga kababaihan. biglang napatalon ang puso ko ng makita ko silang papasok ng entrance. 5 yata sila babae. mukhang tomboy included. pwede na rin kesa wala.

mga ilang sandali pa ng pagpapahinga. isa-isa na silang naglabasan sa cottage at naghubad ng mga suot. tamang bikini ang attire ng mga dalaga. pero wala naman pala plano pang maligo. humilera sila lahat sa mga bato, sa tabing dagat, humiga sa buhangin sa ngalan ng picture-picture. ang mga ateh nagpictorial. parang model lang ng so-en ang drama. at obligado naman akong panoorin ang kung ano mang trip nila sa buhay. makalipas ang ilang minutong pagpopo-pose, binalik ulit nila ang mga hinubad nila at nagtago sa lilim ng puno.

bumalik na rin ako ng room namin at nagbanlaw kasama ng mga kids. matutulog na sana ko nung mamataan kong naliligo na ang mga hitad. ayos rin naman ang mga katawan pero bakit parang tantya ko eh mas matanda na sila sakin. lalo na nung napadaan sila sa harap ko at magkatitigan kami nung pinakamay-hitsura sa lahat. wala ng spark. wala ng malisya.

balik ulit ako sa pwesto ko at nagpahinga na. umaasa na sana ay may isang batch pang dumating na mas ok dun sa nauna. hanggang sa kinagabihan, may dumating nga na pahabol. isang mini-school bus na naglalaman ng pitong babae na fresh from virgin islands. hindi lahat maganda pero siguro mga 5 ang pwede na. pero kung hindi ka masyado maselan, pwede naman talaga lahat. this is it na talaga. naexcite ako. hahaha!

ipinagpabukas ko na ang lahat dahil inaantok na ko. narinig ko na lang ang malalandi nilang tawanan habang nagtatampisaw sa dagat. nakatulog ako ng mahimbing at may ngiti sa aking mga labi. this is the life…

maaga ako nagising para salubungin ang dagat. laking gulat ko ng makitang low tide pala at nawala ang tubig sa may pampang. nagsilitawan ang mga seaweeds at mga buhangin. nanguha na lang ako ng mga shell at crab na walang pansipit kung meron man nun.  wala ng pwede paliguan dito sa dagat kaya isang lugar na lang ang naisip kong puntahan. at sigurado  akong dun rin papunta ang lahat. sa swimming pool.

pinlano ko na ang lahat. dadalhin ko sa pool ang mga bata at pipicture-an ko sila ng madami. at ang background view nila syempre ay yung mga babaeng nakabikini. hindi na halata. kumain muna kami ng breakfast para sapat ang winning energy.

mabilisan akong nagpalit ng damit pampaligo. sinuot ko na lang ulit yung basa kong brief dahil nag iisa na lang ang tuyo kong panloob. boxer shorts pa kaya hindi pwede. masyadong halata kung may bumukol man. nung dadalhin ko na ang mga bata sa pool, hindi sila pumayag. mas gusto pa nila maglakad lakad sa dagat. magbungkal ng buhangin. maghanap ng starfish at magtampisaw sa kakarampot na tubig kesa lumubog sa pool. langya! ako na talaga si tagabantay. kuha nyo?

mga dalawang oras ng pangungumbinsi, napapayag ko rin sila magtungo na sa swimming pool. utang na loob naman, mahihiya na ang daing pag tumabi sakin. pwede na nga kami mag ati-atihan. pagdating namin ng pool, nadatnan ko na yung mga babae sa unang batch. dun sila sa bandang malalim na pool nakalubog. missing in action yung mga pretty girls. siguro mga napuyat kagabi o baka nag aalmusal pa. lubog lubog muna ko dito sa kiddie pool.

taimtim akong naghintay ng swerteng darating. ginawa ko na ata lahat para pampatay ng oras. lulubog, lilitaw, magfo-floating, magpa-planking. nangulubot na ang mga balat ng kamay ko at paa at mukhang pagod na rin makipaghabulan ang mga bata. maya-maya pa, tinawag na kami nung staff para sa hinandang pananghalian. hindi ko namalayan ang oras, alas dose na pala at 2pm ang check out namin kaya kinuha ko na ang mga bata at dinala sa shower area.

habang nagbabanlaw, bigla naman ang datingan nung mga babaeng inaantay ko. tuyo pa ang mga katawan nila at mukhang kakatapos lang magpalit or should I say maghubad ng mga damit dahil nakadisplay na ang mga katawan nila ngyon. side boob pa lang busog na ko. parang hindi ko na kelangan mananghalian. bakas sa mukha ko ang panghihinayang lalo na nung magtagpo ang mga mata namin nung babaeng pinakamaputi sa kanila at sabay kaming ngumiti.  no pressure. it’s like we are just two adults having fun. pwedeee!

wala naman akong nagawa kundi bumalik na ng room. magbihis at mananghalian. kaunting picturean pagkatapos ay checkout na. palabas na ako ng resort ng makasalubong ko ang dalawang lalakeng kasama nung mga babae kanina.

“pre asan na yung mga girls?”. tanong nung isang nahuli.

parang gusto ko maiyak nung marinig ko yung sagot nung isa. “ayun andun sila sa kiddie pool naliligo”.

tangenang yan. wala man lang ako nakuhang souvenir.

Mga Puna»

1. apollo - Oktubre 24, 2011

ung first batch na lang sana kinuhanan mo pre. kesa naman wala. haha!

saan sa batangas pinuntahan nyo?

gasti: sa Calatagan pre. hindi na ako nagstolen shot sa 1st batch. walang dating eh. hindi naman nakakapanghinayang yun.

2. Vajarl - Oktubre 24, 2011

Naalala ko bigla yung long weekend ko kasama nung sa isa mga close friends ko. Dyan din kame sa Batangas, pero sa chipipay na resort. Maka unwind lang. Haha.

Natawa ko don sa “Pwede na rin kesa wala”. Bwahahahahahahaha. Wagi.

Naisip ko, hindi ko talaga magets ang mga lalake. Ano naman ang nakakatuwa sa mga malalanding babaeng naka two piece na nagtatampisaw sa dagat? Anong nakakaaliw don? Kabibe fiesta. Tapos naisip ko ren, siguro kung mga lalakeng singsarap ng nam nam masarap malinamnam lumalasap yung mga andon, ganyan din siguro ligaya ko. Hihihihi.

gasti: haha! ayos na rin yun. atleast nakapag unwind. iba-iba kasing panlasa talaga yan eh. ako kasi kelangan talaga ng face value bago ma-attract eh hindi naman pwede puro katawan na lang tapos kamukha ni patani o melai. eh kahit lasing ako hindi ako magkakagusto rin eh.
at lalaki nga pala nakakapagpaligaya sayo. kelangan mo siguro makakita nung mga bakat at umbok. haha!

3. Gelo - Oktubre 25, 2011

malas lang pre..hehehe..di mo naman pwede kuhaan ng picture ung mga girls na hindi background lang ng mga anak mo dahil deds ka kay misis pagnagkataon..:p

gasti: hindi talaga. alangan namang aksidente lang na mapadaan sila sa kinukuhaan kong lugar. weapons of mass erection yan.

4. emilayskie - Oktubre 26, 2011

Ganun daw talaga. Hindi dumadating ang mga biyaya kapag masyadong pina-plano at pinapaghahandaan. Dapat spontaneous lang. Hahahaha..

gasti: onga. dapat talaga yung nasu-surprise na lang ako eh.

5. foobarph - Oktubre 26, 2011

kala ko may shoni girls! haha!

gasti: anong shoni yan? mukhang bakla ba. wala namang ganun. mukhang lalaki lang. lols!

6. painuminmoko - Oktubre 29, 2011

hahaha… talaga nga naman ang mga lalake.. lol.. babaeng sexy lagi inaabangan sa pool🙂 kulet…

gasti: mas maigi na yun kesa naman mag abang kami ng mga machong lalaki na naka-trunks.

7. Jakey Junkie the Bunny - Nobyembre 1, 2011

Two words, bords:

‘Yun lang!

gasti: ang pangarap mo ay makakamtaaaaan….basta’t maghintay ka lamang.

8. kengkay - Nobyembre 3, 2011

gasti, hindi lang kayong mga lalaki ang umiikot ang mga mata kapag asa paliguan. mas matindi ang mga girls sa ganyang bagay — subukan mong makinig ng hindi nila alam. magba-blush ka😀

gasti: haha! based on experience ata yan ate kengks. ayos lang naman ako sa ganyan usapan hindi na siguro ako magugulat.

9. Echoserang Frog! - Nobyembre 10, 2011

hahaha. kakaimbyerna naman yun. hahah at sa kiddie pool pa. sayang. dapat nagpaiwan ka hahaha!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: