jump to navigation

nice to meet you Nobyembre 4, 2011

Posted by gasti in kahihiyan, muni-muni moments, wasakan.
trackback

matagal na ako gusto makilala ng mga kaopisina ng misis ko. siguro curious lang sila sa itsura at ugali ko dahil sa mga pinagkukuwento nya. pwedeng makasundo ko sila agad o pwede ring magplastikan na lang kami para civil naman kahit papano. hindi ko talaga alam kung anong hanap nila pero pumayag na rin ako makipagkita.

dumating ako ng hapon sa opisina nila. isa-isang nagsisakay ang mga hitad. ambabata pa pala nila. isang kaopisina nya lang ang mas matanda sakin at yung mga iba ay mukhang kakagraduate pa lang. maikling pagpapakilala at kamustahan ang naganap.  sa isip ko mukhang hindi naman papalag tong mga ‘to. walang dapat ipag alala. dumiretso na agad kami sa Dampa para dun kumain at mag inom. libre nung isang bata na nakakuha ng referral fee.

tahimik lang ako nagmamatyag sa bawat kilos nila. nakikinig sa mga usapan. kahit hindi naman ako masyado maka-relate, kelangan ready pa rin ako anytime na ako naman ang balingan nila kapag wala na sila ibang mapag usapan. ganyan lang naman yang mga yan eh. matapang lang pag magkakasama pero tameme na rin kapag mag isa. subukan lang nila pasensya ko para malaman nila kung gaano ako kalakas mang asar. bwahahaha! bring it!

biglang tumahimik. wala namang dumaang anghel pero bigla silang natulala. lumingon sila sa misis ko na kakagaling lang ng cr tinanong nya kung ok lang ako. saka kung naiilang daw ba ako sa mga kasama nya and all that shit. umiling lang ako. tapos may biglang bumanat ng “ang dami nga kwento nyan kanina eh”. agad kong nilingon ang boses ng babaeng salaula. the nerve ampota! ni hindi ko na nga maalala ang pangalan nya dahil panget sya at wala naman ako interes sa kanya tapos feeling close na? sige pa. sigehan mo pa.

tawanan ang grupo. ako naman itong pangisi ngisi lang dahil abala ako sa paghihimay ng hipon. bahala kayo dyan basta ako kakain na. tanggapin ko na lang yang mga cheap shots na ganyan tutal eh babae pa rin naman yan. hindi na dapat pinapatulan.

maya-maya pa nung matapos ako kumain, may lumapit naman na lalaking mahaba ang buhok na kulot. nakipagkwentuhan kaya nakinig naman ako. isang miyembro ng banda na tumutugtog ng makabasag tenga na mga kanta. tagakwenta. komedyante at palamura. ayos na bata ito may future. may sense naman sana kausap kaya lang ambilis malasing. tapos naikwento nya pa na dati raw napagtripan nya salpakan ng tissue paper ang inidoro dun sa kalapit na restaurant hanggang sa umapaw ang tubig dala ng sobrang kalasingan nya. tapos nabanggit nga ng misis ko na kinaladkad daw nila dati yun palabas ng venue ng xmas party nila dahil maingay na at nagwawala. sa totoo lang, mukha talaga syang lasing kahit hindi pa nakainom.

may nakausap pa ko isang lalaki. sobrang mild naman nito. nasusulit nya ang isang bote ng san mig light sa buong gabi. kahit abutin pa kayo ng umaga sa pag iinom basta sya sakto na ang isang bote. no more no less. may pagkamahiyain din sya kaya mas madalas na nakikinig lang sya sa mga usapan.

yung pangatlong lalaki na lumapit sakin yung nakasalamin. baguhan lang din sa inuman at nung gabing yun lang sya napainom ng 3 bote. nahiya daw kasi sakin kaya sumabay sya sa pag iinom ko. good boy. kahit namumula na at hindi na diretso maglakad, nakangiti pa rin sya. nasa maayos na pag iisip at sumasali sa usapan. bago lang din pala sya sa kumpanya.

yung mga babae? medyo madami sila. 8 ata kaya hindi ko na iisa-isahin dahil isa lang naman ang maganda dun. si Kath. si Kath na walang malay. maganda sya at maputi. malabo na ang mata kaya nagsusuot ng salamin. hindi naman kami nakapag usap kaya dinescribe ko na lang itsura nya. sya nga pala yung bagong hire kaya nakakuha ng referral fee yung isang nanlibre. good job HR! marunong kayo mamili ng iha-hire.

makalipas ang isang pitcher ng hindi ko matandaang inumin na kulay purple at 2 bucket ng san mig light, nagpasya na ang lahat na umuwi. solb na ang gabi. nakilala ko na yung mga kaopisina nya especially yung mga so-called superfriends nya, nakapag inom at walang nangyaring kapalpakan. mission accomplished.

pagdating sa bahay, nakita ko si misis na napangiti sa nabasang text message sa celfon. gumana bigla ang psychic powers, telekinesis at galing ko sa panghuhula na may kinalaman sakin ang mensahe na yun.

“kamukha mo daw pala talaga si captain america

naaah! hindi naman ako tisoy

eto talaga ang ibig sabihin nun…

yung itsura nya bago ipasok sa chamber. meaning bago sya maging capt. america.

no more mr. nice guy. see you all soon bitches!

Mga Puna»

1. jeck - Nobyembre 4, 2011

dapat piniktyuran mo sila isa-isa tapos dito mo insultihin sa blog mo. hahaha

oo nga, kamukha mo si Captain America!

gasti: hindi ko alam kung kakampi ba kita o ano. sumang ayon ka pa dyan!

2. Vajarl - Nobyembre 4, 2011

Ako lang ba ang naniniwala na dapat wala na yang mentality na babae at di dapat patulan? Eh andamedame kaseng bitches na nagkalat dyan ansarapsarap ng patulan eh. Hahahaha.

Ganyan din ako pag maraming bagong tao tas mga first time makasama. Ang natatandaan ko lang eh yung pogi. Minsan nga tanda ko na lahat pati kinwento nya, favorite color, favorite past time, pati shoe size. Chos.

HOOOY! SI CHRIS EVANS! MYGAAAAAAD! Punyeta kras na kras na kras na kras ko yan! Yung katawan nyan pwedeng gawing wallpaper ng bahay paulit ulit lang! Shets! Haha.

gasti: nagkalat talaga ang mga babaeng bully na yan pero hanggang salita lang kasi eh. nakakainis man pero hindi na dapat patulan ng pisikal kasi alam naman natin kung sino manalo.
syempre ang tatandaan mo lang eh yung pwede at panalo. yung iba kasi panget na masama pa ugali. dapat ng ibaon sa limot yung mga ganun.
akala ko ba mga robi domingo na katawan lang type mo. haha! mahilig ka din pla sa macho.

3. tabianmuch - Nobyembre 5, 2011

LOL na malaki…parang swabeng swabe na sana ang meet and greet may pahabol pa talaga..XD

gasti: actually may narinig rin naman ako bumulong ng ganun. hindi ko na lang pinansin. mababait rin naman yung iba ko nakilala.

4. Gelo - Nobyembre 5, 2011

tanginang yan! wahahahahahahahaha… boooset!
di ko alam kung dapat kabang matuwa o ano..hehehe :p

gasti: malamang yung nagsabi mukhang natuwa sya. unang beses pa lang kami nagkita ganyan na sya. hindi naman siguro nya naisip na magiging magkaibigan pa kami pagkatapos nyan.

5. Dorm Boy - Nobyembre 7, 2011

Me ganun talaga pag me makikilalang bago… Nagkakapaan pa ng mga ugali. Great job Capt. America!

gasti: kaya nga lagi ako nasasabihan ng tahimik eh kasi mahilig ako makiramdam para alam ko na agad kung sino makakasundo ko at kung sino ang dapat ko iwasan. natural lang yung madadaldal sila lahat syempre matagal na sila magkakakilala.

6. Maldito - Nobyembre 11, 2011

lilike sana ako sa comment ni jeck.pwede po ba? lols..

ahahhaahhahaa…kamukha nga ano..ahhaha.dapat makabawi ka!!higanti lang ang katapat niyan..lols

gasti: isa ka pa! ok na ko. hindi na kailangan gumanti dahil may pambawi naman sa grupo nila na maganda.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: