jump to navigation

saktan na yan! Nobyembre 10, 2011

Posted by gasti in balitang isports, paligsahan.
trackback

dumating na ng Las Vegas si Manny Pacquiao at mukhang ready na talaga ang lahat sa nalalapit na boksingan. ako rin syempre may ticket na para manood ng live sa sinehan. naalala ko pa noon, yung pangalawang beses na naglaban si Pacquaio at Marquez para sa WBC Superfeatherweight division. nakikinig lang kami ng komentaryo sa radyo. nakaka-excite rin naman pero nakakainis din dahil para kang bulag na nag iimagine kung ano ang pinaggagawa nila sa ring. nakakainip maghintay. eh di lalo naman sa tv na 2 fights delay. langya. nagsisikantahan na ng national anthem yung mga tao sa US tapos undercard pa lang yung pinapalabas sa tv. papano ka naman gaganahan pa nyan.

kaya simula noon sinabi ko na sa sarili ko na hindi na mauulit yun. at dahil kaunti na lang din ang mga natitirang laban sa boxing career ni Manny ay dapat ko ng paghandaan ang mga ito. kung makapagsalita lang akala mo nasa team pacquiao na ako noh? palagay na rin kaya ako ng meteor tattoo sa kaliwang  braso para official na.

hindi ko na papahabain pa to. gusto ko lang magbigay ng prediksyon sa laban. dahil sa naniniwala akong seryoso si Manny na gusto nyang saktan at patahimikin na itong si Marquez, at dahil may bago syang Ferrrari, hindi na aabot sa 12 rounds ang laban na ito.

Manny Pacquiao by TKO victory sa round 5. hindi na rin ako magtataka kung mapabagsak nya si Marquez sa round 1 pa lang pero ang tanong dyan eh kung ilang beses. for sure naman makakatayo pa sya dahil sa tibay at kapal ng pagmumukha nya. magandang laban ito.

kayo anong round hula nyo matatapos ang laban? katuwaan lang. kung sino ang unang blogger/commenter na makahula ng tama, bibigyan ko ng ferrari na kagaya nung nabili ni Pacquaio. o ayan putsa san ka pa? samahan pa natin ng 1 million pesos in cash, house and lot sa camella homes (area of your choice) at condo unit from any SM residences of your choice tapos makaka-date mo pa si Anne Curtis. maagang pamasko to para sa lahat. kung sakali mang matalo si Pacquiao, isasara ko tong blog ko for a week at magkalimutan na tayo.

yung totoong premyo? diecast model lang ng ferrari 458 Italia. yung mga nasa Pinas lang ah. sige hula na!

Mga Puna»

1. apollo - Nobyembre 10, 2011

round three! wala lang. makahula lang.

excited na ako sa sabado (dito). may isang salu salo kami sa isang bahay ng kapwa pinoy para mapanood ng live ang laban ni manny pakyaw.

gasti: ayos yan pre. bonding time nating mga pinoy ang laban ni Pacquiao eh.

2. Ang Tambay na si MyR - Nobyembre 11, 2011

cant wait to see the fight…go manny!

3. iambillstumor - Nobyembre 11, 2011

Kanina pagsakay ko ng elevator papasok sa office may tatlong lalakeng nag uusap. Sabe nung isa “Tol, pagdasal mo si Manny.” Dun ko lang naalala ang laban ni Pacquiao.

Hindi ako masyadong mahilig sa sports. Isang laban lang ni Manny ang tinutukan ko, yung laban na pinahiga nya si Marquez. Exciting nga! At ansarap manuod ng news ng mga araw na yon. Kung iisipin mo, kelan mo lang ba masasabing ‘masarap manood ng news’? O diba, ang galeng ni Manny! Haha.

Makikihula, ROUND FIVE!

Hello Gasti!

gasti: tama ka dyan. masarap talaga manood ng laban ni Manny lalo na kung live dahil andun pa ang excitement. hello din sayo dyan. let’s all enjoy the fight. at sana manalo nga si Manny.

4. Bagotilyo - Nobyembre 11, 2011

wahahha..

hnep ang deal ah??

wahahha..

siguro round 9 , KO ang kalaban. lolz

gasti: hehe! puro KO ang hula natin ah

5. jeniffer - Nobyembre 14, 2011

and the winner is manny.. yun nga lang di ko napanood… haha…. pero balita ko deserving daw si marquez manalo ah.. hmmm.. not sure about the chismis…

gasti: panoorin mo. kakaexcite din yung laban pero walang tumumba this time kaya naisip nila na posibleng manalo si Marquez.

6. gasti - Nobyembre 14, 2011

ok buti naman at walang nanalo sa pakontest ko. haha! kinabahan din ako sa laban.

7. Maldito - Nobyembre 16, 2011

round 12? ayan ha….parang ako ang mananalo nito..

ahahahahha

gasti: tapos na ang laban eh hahaha!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: