jump to navigation

mexican pride vs. pinoy pride Nobyembre 17, 2011

Posted by gasti in balitang isports.
trackback

hanggang ngyon ay nakakabasa pa rin ako ng mga diskusyon tungkol sa laban ni Pacquiao. mukhang marami ang hindi nasiyahan at lalong mas marami ang nagmamarunong ngyon.

tingnan nyo na lang mukha ni Marquez kung talagang kaunti lang ang suntok na sinalo nya. sa 3 laban nila, ito na ang pinakamaayos na mukha ni Pacquiao after the fight. hindi pa ba obvious kung sino ang panalo? bawi na lang kasi next time.

hindi ko na sana papatulan tong mga balita na to dahil nakakasuya na pero hindi ko napigilan sarili ko magkomento sa mga demands ni Marquez kung magkakaroon man ng 4th fight.

The 38-year-old future hall-of-fame’s conditions are that the third fight must be declared a no contest, Pacquiao must accept that he lost, he must receive a guaranteed purse of $10 million and that the fourth encounter must take place Estadio Azteca in Mexico City.

Now I am the one who will put forth the conditions. I want to see if it is true that Manny Pacquiao fights for the people. First he has to accept that he lost, the WBO (World Boxing Organization) must not accept the decision they gave him, and give him a no-contest,” said Marquez, who was already considering hanging his gloves after the frustrating loss, in a report posted at the Examiner.com.

tapos sinabi nya pa noon na hindi sya magfile ng protest. ah ewan. masyado na syang obssessed manalo kay Pacquiao. baka pag namatay sya ilagay pa nya sa lapida yung “I beat Pacquiao thrice”.

Mga Puna»

1. apollo - Nobyembre 17, 2011

potah! demanding much! wag na lang sana sya pansinin ni pacquiao. sino ba ang talunan?

ang problema nga lang dito ay si arum. may galit pa rin kasi si lolo bob kay mayweather kaya mas gusto nyang sa ibang fighter (as much as possible) makipagbakbakan si manny.

gasti: onga pre. kahit gustuhin ko man labanan pa ni Pacquiao si marquez at umasang matamaan sya ng solid sa panga at ma-KO, nung nabasa ko yan nabwisit lang ako sa sobrang ka-bitterran nya. mas maigi na lang na si mayweather sana ang sunod na makalaban. mas malaking pera yun at mas magandang laban.

2. Hopeless Romantic - Nobyembre 18, 2011

Manny should not give in to Marquez’s demands since siya ang dapat hinahabol ng mga kalaban niya hindi siya (Manny) ang dapat humabol kay Marquez. If Marquez will be defeated on the next rematch (if ever there will be), magproprotesta lang yan ulit eh at sabihing siya ang dapat nanalo tapos rematch ulit..hahaha walang kamatayang rematch

gasti: yeah! kahit pa ma-knockout ni Manny yan sa 4th match nila, babalikan nya pa rin ang 1st to 3rd match at sabihing sya nanalo sa mga laban na yun. nonsense. dapat talaga hanap na lang sya iba kalaban.

3. Bagotilyo - Nobyembre 23, 2011

basta ang desisyon ng judges ay pinal.

tanggapin n lng nila..wahhaha

go pacman!

gasti: tama. pumusta na lang sila kay Mayweather kung sakaling yun na nga ang sumunod na makakalaban.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: