jump to navigation

stress release Disyembre 7, 2011

Posted by gasti in kamalasan.
trackback

siguro dapat sa mga panahong to ay ramdam ko na ang christmas spirit. pero wala talaga eh. hindi ko alam kung dahil ba sa walang kung anumang christmas decoration na makikita rito sa loob ng opisina namin o wala pa kong nabibiling regalo para sa sarili ko. at yung 13th month pay ko ay mauuwi lang din sa mga bayad sa utang at kung ano ano pang mga gastusin. papano ka naman gaganahan kung ganyan.

oo walang dekorasyon sa opis namin. kami lang yata ang ganun dito sa floor..o baka sa buong building na to. nagkakatamaran na magkabit ng christmas tree dahil ilang days rin naman at babaklasin na rin. gaya nung last year na itinago na lang namin yung puno sa isang bakanteng kwarto hanggang masilip ng boss namin mga bandang march na ata.

pero bukod dyan, hapitan din kami ngyon sa work. nakisabay lang sa christmas rush ang mga trabahong kelangan tapusin bago matapos ang taon. wala ding plano para sa xmas party/dinner ang mga boss. at kung aasa ka ng bonus, baka mapaluha ka ng dugo. it’s hard to be a human. time to be a cat. meooowww!

alam naman nating lahat na mabait ako. kung hindi mo alam yan, ngyon alam mo na. kaya madalas inaabuso. minamaltrato. binabalewala. sinasaktan. ako budoy. langya..api-apihan?

ganito kasi yun. nagpasabi yung kapatid ko na hiramin yung sasakyan (lite ace) papuntang Laguna. ang problema lang, sirain yung alternator kaya sabi ko ipagawa ko muna tutal 1 week pa naman bago gamitin. isang araw lang naman ginagawa yun usually. pagdating ng sabado, dinala ko agad sa kakilala kong talyer ang sasakyan. iniwan ko dun at ipinagkatiwala sa mekaniko na gagawin nya ang trabaho nya. binigyan ko pa ng deadline mga martes na ang pinaka-late kasi gusto ko muna matesting bago isabak sa malayuang byahe.

bumalik ako ng linggo para tingnan kung ano ngyari. inabutan ko yung 2 na nagluluto ng pulutan para sa kanilang inuman session. hindi man lang nagalaw ang sasakyan. walang kahit na sino mang electrician ang available daw. so sige ayos lang pero ang usapan martes ok na. pumayag naman sya. nag abot ako ng 500 para paunang bayad sa pambili ng mga bumbilya kasi may mga pundido na. update  sa text tapos minsan tawag na rin. dumating ang martes, sira pa din. wala pa ring gumalaw dahil hindi makahagilap ng electrician. pero sinigurado nilang sa myerkules ayos na.

dumating ang myerkules. pagdating ko sa shop, wala yung sasakyan. dinala sa electrical shop at nirewind daw ang alternator. basa pa at matagal daw patuyuin kaya balikan ko ng huwebes. nag abot pa ko ng 2000 pesos para daw dun sa pagpapagawa. umalis na naman ako ng walang napala. commute pa ko ng trycycle at jeep.

dumating ang huwebes sabi ko siguraduhin nila na ayos na talaga dahil malaki na nagagastos ko at kakapagod pabalik balik. pagdating ko sa shop. andun yung sasakyan, pinaandar. gumana naman pero may kutob na kong hindi pa talaga naayos maigi kasi hindi pa nagbalik sa normal ang tunog ng makina. mahina din ang ilaw kaya mukhang mahina ang karga ng baterya. anyways, hinanapan ko sila ng resibo para sa nagastos. hindi umabot sa 2000 ang resibo pero ang dami dinahilan na kesyo yung labor ni ganito at yung pamasahe ni ganyan sinama na. hiningian pa ko ng karagdagang 1000 pesos. para wala na masyadong usapan, umalis na agad ako. pagdating ko ng bahay, pinark ko yung sasakyan at sinubukang paandarin ulit. ayun! hindi na ulit nabuhay. diskargado na ang baterya. ibig sabihin, sira pa rin yung alternator.

tinext at tinawagan ko yung tumingin ng sasakyan at pinapunta sila sa bahay para tingnan kung ano ngyari. chinarge nila gamit ang isang reserbang baterya para mapatakbo ulit at ibalik sa shop. sobrang badtrip na ko ng mga panahon na yan sa pagod, hassle at gastos.

byernes, tinext ako ulit ng walanghiya. pinatawag pa ko para lang magkausap kami. siguro kung pagsasamahin lahat ng gastos ko para sa pagtawag sa kanya, inabot na rin yun ng mga 200 pesos. demanding kasi ampota walang pantext. at ang sasabihin lang naman sakin ay hindi matatapos ang pag ayos sa sasakyan dahil may ibang parts na kelangan bilhin. may ibang sira sa alternator. at syempre babayaran ko na naman yun. 500 pesos. sinabihan ko na naman sya na kelangan na talaga maayos yung sasakyan dahil kinukulit na rin ako ng kapatid ko at hassle na talaga yan.

byernes ng gabi wala pa rin ngyari. sira pa din. nawalan na ko ng pag asa na maayos pa yun at ayoko rin naman ipagamit sa kapatid ko dahil baka biglang hindi na lang umandar o magkaaberya sa daan. in-offer ko na lang ipagamit yung kotse tutal eh may mga nagback out na sa mga kasama nila at 5 na lang yung sasakay. kasya na yun. hinayaan ko na lang yung van sa talyer.

dumating ang sabado. hindi man lang naayos ang alternator kahit nabilhan na ng ibang parts. at ang final verdict ng hinayupak na kausap ko, kesyo bumili ng ic (other part ng alternator), at syempre wala ding kasiguruduhan na yun ang sira, bumili na lang ng buo worth 3500 pesos at may kakilala daw sya. sino ba naman ang hindi mag iinit ang ulo dyan. meron pa kong utang na 500 sa kanya ngyon tapos hindi naman nagawa yung sira ng sasakyan. hindi ko rin marefund yung perang nagastos ko pampagawa ng alternator dahil may mga inayos na raw sila dun. putsa! parang pinag aralan lang yung alternator at nung hindi nila masolusyunan eh saka ako pabibilhin ng buo samantalang sinabi ko nung una pa lang na palitan ng buo pag hindi na umubra eh sila naman nagpilit na ayusin pa.nagkasundo na lang kami na i-pull out ko na lang yung sasakyan at wala na ko ibibigay sa kanila. at never na ako babalik ulit sa lugar na yun. ipapagawa ko na lang sa iba, ipaparehistro sa january at ibebenta ko na yan. sapat na yung  5 years na pag aalaga ko sa second hand na sasakyan.

sabado ng gabi nagsidatingan na yung mga kasama ng kapatid ko. tinuruan ko yung magda-drive ng kotse. nagdalawang isip din ako kung pahiramin ko ba kasi mukhang hindi marunong magdrive ng kotse (sanay sa mga malalaki) tapos 1st time magmaneho ng automatic na sasakyan. haaays. kung alam nyo lang kung gaano ako kastress nung buong linggo na yan.

hanggang ngyon hindi ko pa nakukuha yung sasakyan. gumastos na naman ako pangtext at pangtawag sa kanya pero yung huling tawag ko hindi nya sinagot. hindi na rin sya nagreply sa text nung sabihin kong sya na lang magdala ng sasakyan dito sa bahay para sure ako na umaandar na. kakainit talaga ng ulo.

mamaya ko pa lang malaman kung ano na naman ang idadahilan nya or kung patay na ba sya kasi hindi sya nagrereply sa text at hindi rin nya sinasagot ang tawag ko. tanginis pa yung ringback tune nya na “yes it’s sad to belong to someone else when the right ones comes along”. putris talaga. naubos na pasensya ko.

Mga Puna»

1. L - Disyembre 7, 2011

walangya! isang linggong kunsumisyon nga ‘yan, ser. mabuti sana kung pag-ibig. lol! at mas maigi sigurong maipull-out mo na ‘yung tsekot mo sa lalong madaling panahon. baka kung ano pa gawin nila dun, mas lalong magka-aberya.

gasti: kaya nga eh mamaya puntahan ko ulit. mahirap na ipagkatiwala pa yung sasakyan dun baka binabaklas at pinapalitan na yung ibang pyesa.

2. bagotilyo - Disyembre 7, 2011

haha .. dapat sa mga pabayang yun ay idirty finger . ambabaet.

ingat ka bka pagbalik nun sa iyo sidemirror n lng ..wehhehe

gasti: nakuha ko na. buo pa naman pero wala talaga naayos. nag aksaya lang ako ng oras at pera. hindi na talaga ako babalik dun para magpagawa.

3. Gelo - Disyembre 7, 2011

chill lang pre, para makapag isip at makapagdecide ng tama😉

pero pakyu sila. hehehe

gasti: oo naman. kahit galit naman ako eh hindi naman ako nanapak bigla. kinausap ko naman.
pakyu talaga sila. sayang pera.

4. Jenny - Disyembre 8, 2011

ay ang bait mo, kung ako yun, ipa barangay ko sila dahil sa sobrang stress and frustrations na ibinigay nila! WTH! nakakainit ng dugo yan…*affected much ako* LOL

Days of delaying to repair what is wrong with the sasakyan is a red flag already, dapat napuna mo yun at nabahala. LOL😛

gasti: hahaha! sa totoo lang naisip ko na rin ipa-barangay eh yun din kasi payo sakin magdala ko pulis. hassle lang kasi. matagal ko na naman kilala yung talyer na yun. ngyon lang talaga pumalpak kasi may ibang tao na nagmabida. eh palpak naman. naabala pa tuloy ako.
matagal ko na gusto i-pull out yun eh kaya lang puro paasa na magagawa na tapos hindi rin pala. eh hindi ko naman maialis yung sasakyan dahil nabaklas na yung pyesa. anyways wala na talaga ko magagawa eh ngyari na.

5. apollo - Disyembre 8, 2011

nakakapag-init talaga ng ulo yang mga lintik na yan. dapat jan, tinutumba. lols!

gasti: haha! oo pre gusto na nga itumba pero yung hindi naman mamatay. basta napatumba lang. lols!

6. Ape - Disyembre 8, 2011

Anak ng bakang dalaga. May red tape din pala sa mga talyer.

Maligayang pasko na lang sayo kapatid. Naway maisipan mo rin na magtabi ng konti para sa sarili mo.

Nike Kobe 7 lalabas na…tamang panregalo lang sa mga ulirang ama tulad natin. Lol.

gasti: nagkalat yang ganyan pre. minalas lang ako this time pero yung dati matino naman kasi nag ayos ng sasakyan ko eh.
ah teka hindi ko pa nakita yang Nike Kobe 7 na yan ah..yung Jordan shoes kasi tinitingnan ko eh. ang mahal potek. dibale deserving naman tayo. sabi mo nga..ulirang ama. haha! Merry xmas din!

7. ♥ hana banana ♥ - Disyembre 9, 2011

sama naman ng mga services ng repair shop na yan!!! wag ka na po sa kanila mag paayos ng car!!!!!!!

napadaan here;)

sana maging merry ang christmas nyu pO! ^_^

gasti: syempre hindi na ko babalik dun pagkatapos ng experience na yan. salamat sa pagdaan. Merry xmas din!

8. Maldito - Disyembre 12, 2011

ampotah.ka badtrip naman yan. manggagantso ang mga hinayupak…sa lahat ng ayaw ko ay yung ginagawa kang tanga..pasabugin mo na yung talyer..wala rin namang kwenta eh.

gasti: wala talagang kwenta kaya sa iba ko na lang pinagawa. nadiskubre ko pa yung walang kwentang remedyo na ginawa nila sa alternator. lalo tuloy napalaki ang gastos kasi napilitan na ko bumili ng buo.

9. salbehe - Disyembre 13, 2011

HIndi ko alam na ang haba haba haba pala ng pen.. pasensya mo.

gasti: kung alam mo lang salbe kung gaano talaga kahaba…kaya naabuso ako.

10. lovely - Disyembre 13, 2011

awts, grabe talaga mga tao ngayon, di sila nag trabaho ng maayos..
di nila ginagawa ng mabuti kuya ipost mo kaya ung pangalan ng talyer haha.. para naman alam ng iba na hindi sila mahusay gumawa at panget ang serbisyo nila tsk.

gasti: ni hindi ko nga nakita yung mismong elec. shop kasi kakilala lang yun ng mekaniko sa talyer. at wala rin pangalan yung talyer mismo dahil rumaraket lang yung mga yun.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: