jump to navigation

salamat sa magagandang babae Disyembre 15, 2011

Posted by gasti in to whom it may concern.
trackback

nakakagaan lang talaga ng pakiramdam kapag nakakita ka ng magandang babae. kahit sobrang bwisit ako sa buhay kapag may nakakasalubong akong magandang babae nawawala na agad ang inis ko. mas ok pa nga kung hindi artista dahil nakakaumay na yung mga mukha nila na palagian mo namang nakikita sa tv, magazine, billboards atbp. lakas ng tama. parang yun ang paraan ni Lord para sabihin sayong totoo nga na may langit.

iisipin mo pa minsan kung tao ba talaga yun bakit sobrang ganda tapos nangingintab ang balat sa sobrang kinis. lalo na kung hindi ka sanay makakita ng mestisahing itsura. yung napapamura ka pa sa ganda.

o kaya minsan masasabi mo ring babae ba talaga yan? baka kasi bakla mahirap na magkamali. kadiri naman yung mag iimagine ka sa kanya tapos malaman mong may bayag din pala sya. anyways, hindi naman gandang ricky reyes ang pinag uusapan natin dito.

nakakita pala ko ng mga promo girls sa Megamall. may event dun na nagbebenta sila ng HUAWEI na tablet computer at yung isang beses naman yung pldt mydsl. at syempre magaganda yung sasalubong sayo dun. kaya ako naman kahit wala sa plano eh napasilip din at nagkunyaring interesado sa produkto nila. dapat nating suportahan yang mga babaeng yan. nagtatrabaho sila ng maayos para ihango sa kahirapan ang mga pamilya nila. hindi madali ang buong araw ngumiti sa mga tao at tumayo na may suot na high heels. karapatdapat silang pag tuunan ng atensyon at kalinga dahil yun ang kailangan nila. hindi naman siguro nakakabastos kung paminsang mapasulyap ka sa boobs at sa mahahaba, mapuputi at makikinis na legs nila. kasama sa trabaho nila ang mang akit ng customer sa pamamagitan ng mga maiiksing damit. kung hindi natin tinatangkilik ang mga magagandang babaeng yan, baka ibang trabaho ang ibigay sa kanila. baka gawin lang sila kabit na secretarya ng presidente ng kumpanya at ikulong sa opisina for their own pleasure.

baka pagdating ng panahon eh ibigay na lang sa iba ang trabahong yun. sa mga lalaking tambay. sa mga losyang na nanay. sa mga matrona. sa mga berdugong bading at kung sa sinu-sino pang mga mukhang sanggano. hahayaan pa ba nating mangyari ang karimarimarim na eksenang ito sa mga lugar na pasyalan gaya na nga nitong mga shopping malls? alam kong nagkakasundo tayo sa adhikaing ito. ipakita natin sa kanila na hindi tayo nahihiyang makipag usap o makihalubilo sa mga magandang babae na yan.

hindi lang naman sila ang magaganda. meron din naman sigurong maganda sa eskwelahang pinapasukan mo. sa kumpanyang pinagtatrabahuan mo. o kahit yung mga tindera may mga magaganda rin dyan. kailangan natin ng mga kagaya nila sa oras ng kabwisitan. pinagpapasalamat ko na lang din kung minsan na may nakakatabi ako sa upuan sa loob ng jeep at mga shuttle service. nakakarelax lang sa byahe lalo na pag nalanghap mo pa yung amoy ng bagong paligo. parang sabay lang kayo nagshower kanina.

sabihin na nating maganda ang girlfriend/misis mo. wala namang problema kung kaadikan mo sya dahil sayo naman na yun eh. pero wala naman sigurong masama kung humanga ka sa ganda ng iba. eh sa maraming magandang babae sa mundo eh. sa Pilipinas pa nga lang solb na ko. andami ko na nakita at nakilalang magaganda. hindi ko man sila naging girlfriend lahat, ok lang naman. the fact na nabigyan ka ng pagkakataon na masilayan ang ganda nya, blessing na matatawag yun. lalo na nga kung maging kaibigan mo pa.

ang badtrip lang dyan alam mo kung ano? pag yung magandang babaeng nasilayan mo ay may kasamang ewan.

presenting…ang pangarap kong jackpot lucky winners!

boy belat with his lucky charm.

boy tulis in the house..with her milky white girl

kalbossing with her uber hot and sexy mate.

goodboy looksboy tyaga with his cute, refreshing and gullible gf.

the uber famous boy gayuma w/ some girl.

sharpshooter Mark Barroca with his trophy gf

akbay salakay boy with two yummy bikini babes.

Boy bwenas with lots of horny drunk girls

mamatay na ang mga inggit. magmura na kung sino gusto magmura. life isn’t fair.

masasabi pa kaya ng mga nanay nila na “sige tiwala naman ako sa taste mo eh”

Mga Puna»

1. jeck - Disyembre 15, 2011

tangina natawa ako dun sa pangarap kong jackpot lucky winners! HAHAHAAHAH

parehas tayo ng sentiments. mga babaeng magaganda ang nagpapagaan din ng umaga/araw ko. dami rin sa kabite nyan. meron namang college sa las pinas na nagkalat ang magagandang estudyante. alam ko dun nanggaling si iwa moto at jessie mendiola e. sa school na yun, parang cebu lang din, yung mga panget ang hahanapin mo. lols.

ang tawag namin ng opismeyt ko sa mga babaeng yan e elepante. bakit elepante? kasi sa edad at estado namin ngayon na may asawa’t anak na, parang elepante na lang namin tingnan ang mga ganyang babae — maamaze lang kami at hahangaan, pero hindi namin hahawakan. ganun lang kasimple. hahaha

haba ng sinulat ko. lols

gasti: ang panget naman na ikumpara mo sa elepante ang mga nagseseksihang babae na type mo. haha! ako mga anghel talaga naiisip ko eh. napapadasal pa nga ako minsan tapos nagpapasalamat dahil I’m in the right place at the right time na makita yung babaeng nagandahan ako. haha! hindi na ako nag attempt makipagkilala syempre tingin na lang din. pero kung sakaling may chance na magtanong sya sakin ng direksyon o ano, i-entertain ko naman sya syempre di naman ako suplado sa maganda.

maganda nga yang jessie mendiola na yan. nung una ko pa lang sya makita sa teleseryeng Sabel, minahal ko na sya eh. bagay nga kami hahaha! parang nung nakita ko si Kristine Hermosa for the first time. wala ako paki kay Hiwa Moto. masyado singkit mata nya para sakin.

Maldito - Disyembre 19, 2011

post mo ba to jeck? lol

2. L - Disyembre 15, 2011

ang gaganda nga ng mga chiching na pinakita mo. ser. at tama kang wala naman talagang masama kung minsan eh humanga ka sa alindog ng mga ‘yan. sabi nga nung pinsan ko, hindi sa kung sino ang pinupuntahan, kundi sa kung sino ang inuuwian. acheche!

mamaya makakakita ule ako ng maganda.

pauwi na si dude. sunduin ko siya sa airport. yeeha! \m/

gasti: may mga kasabihan ka pang ganyan ah. sabihin mo kaya yan kay dude mo. haha! congrats at mukhang matindi ang bakbakan mamaya pag nagkita kayo. inom ka na agad ng energy drink para makarami.

3. apollo - Disyembre 15, 2011

potek! sila na already! kasusuwerte ng mga lintek! lols!

gasti: haha! jackpot nga eh.. yan talaga ang lakas ng loob lang ang puhunan.

4. Ang Tambay na si MyR - Disyembre 15, 2011

hahhaha–ikaw na ang swerte…kung magkashota ka man ng magandang maganda na mala artista eh bonus na lang siguro un pre..pero mga pinagpala talaga tong mga nasa larawan mo ..dami kong tawa dto..hahaha!

gasti: naka-jackpot nga eh. mas makakadiskarte ka siguro ng maayos pag hindi masyadong pinagpala ang itsura mo. wala naman kasi mawawala eh.

5. Gelo - Disyembre 15, 2011

minsan tuloy naisip ko sana panget nalng ako…lol! hahahaha…
pangarap kong jackpot FTW! hahaha

gasti: ibang klase kasi dumiskarte pag panget eh. lakasan lang ng loob.

6. Jenny - Disyembre 16, 2011

yung first picture si ellen adarna ba yan?kamukha niya pero hindi ako sure..lol

i don’t want to judge the guys with the lovely and sexy ladies kasi i can so relate, yung bf ko parang artista eh ako dakilang alalay lang..hahaha

gasti: hehe si Ellen nga nung kabataan nya pa. pa-humble effect ka pa dyan ah. hindi ka naman siguro masyado alangan sa bf mo na gaya ng mga pinost ko. at saka baka nagayuma ka lang kaya ganyan na ang tingin mo sa kanya. haha!

Jenny - Disyembre 16, 2011

hahaha hindi ako pa humble effect oie! totoo talaga na pag nagsama kami ni bf, dakilang alalay lang ako..lols
at mind you bf talaga is really gwapo..hahaha wala pa yung gayuma ha?šŸ˜›

gasti: woooh! pinagseselos mo lang ako eh! o sige na. ipagpalagay na nga natin na gwapo nga yan. pero maiksi ang ano nya.

pasensya. lols! ikaw na ang nagayuma. baka tambay sa Quiapo yan kaya madaming alam na herbal.

Jenny - Disyembre 20, 2011

hindi ako nagayuma oie! LOL
gasti: o eh di samahan na lang kita magpa-drug test. baka nag aadik ka lang.

7. Ape - Disyembre 17, 2011

Dalawang klaseng ‘PUTANGINA’ ang nasabi ko habang binabasa ko tong entry.

Putangina kasi totoo nga, napakaraming magaganda sa Pilipinas. Para sakin, Pinay beauty ang pinaka-astig na uri ng ganda sa buong mundo. Hindi ako masyadong naaakit sa mga haponesa, koreana, latina…pero pag Pinay…alam mong its a ‘concoction of beauties’ in one. Iba talaga ang aura.

Putangina rin kasi may mga swerte rin talagang lalake sa Pilipinas. Pero di mo rin masisi, may mga magaganda rin kasi na mejo may ‘kahinaan’ pagdating sa mayayaman, de-kotse at mataas ang pwesto sa gobyerno.

Nonetheless, putangina tlga. Shet.

gasti: maganda talaga ang mga pinay. mabango at malinis kaya masarap kasama. swertihan lang talaga yang makakilala ng maganda eh. pag mayaman ka kasi, marami kang maging kaklase na maganda. may kapitbahay kang maganda. may kaopisina kang maganda. syempre chance na yung mga ganun na gelprenin mo. babaitan mo lang at pa-impress ng onti dale mo na.

8. Maldito - Disyembre 19, 2011

hindi maputi yung gf ko…hindi rin naman kasi ako mahilig sa mapuputi.

kaya nawala yung takot ko…

dahil baka isasama mo ko sa listahan. potah.ahahahahaha

gasti: hahaha! gusto mo update na lang natin tong entry na to. hindi ko na kasi alam kung sino gf mo ngyon eh kaya safe ka naman.

9. Glentot - Disyembre 20, 2011

lakas ng tawa ko LOL! Lalo na dun sa gullible hehehehehehe!

gasti: haha! totoo naman kasi mukhang gullible pag estudyante eh. parang proud pa sya sa bf nya at nagpakuha pa sya ng pic na ganun.

10. Solid Liquid Gas Plasma Matter - Disyembre 23, 2011

Full Disclosure: Tinignan ko lang eh yung title at yung pictures.

so, ano ulit yung sinasabi mo? hahaha.

gasti: langya ka mervs picture lang talaga pinansin mo. haha! kwento ko na lang sayo next time.

Solid Liquid Gas Plasma Matter - Disyembre 23, 2011

dagdag ko pa pala, dahil dito, for the first time in history. may idea na ko sa tipo mo. at nagkaroon na ng sense sa utak ko ang mga naganap dati. LOL.

gasti: lols! may history ka pa nalalaman dyan ah. obvious naman kung ano talaga tipo ko eh. hindi mo pa pala nahalata dati.

11. Jon Cabron - Disyembre 23, 2011

mabuti na lang hindi pa uso masyado ang digicam nung nagka gelpren ako ng maganda dati na napanalunan ko sa scratch a match.

gasti: hindi na ako magtataka sir jon kung ikaw kasi nga iba ka dumiskarte ng babae eh. swabe ang hagod. kahit menor de edad pa yan o hot mama siguradong dale mo. haha!

12. keko - Enero 25, 2012

wapak. hahaha. natawa naman ako dun sa last pic. parang gang rape langšŸ˜„


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: